Share

CHAPTER 7

Author: GirlonFire28
last update Last Updated: 2025-08-05 13:19:43

AMAYA'S POV

"AYAN! GANIYAN TALAGA kapag mga palengkera. Deserve mapahiya."

"Buti nga."

"Iskandalosa kasi."

Ilan lang sa narinig ko mula sa mga taong nakikiusyuso sa pag-iiskandalo ni Ate Verlyn.

"Hindi pa tayo tapos, Amaya." Banta niya habang matalim ang tinging ipinupukol sa akin. "Hindi pa ako tapos sa 'yo. Hindi ako papayag na back to normal na ang buhay mo habang posibleng makulong ng panghabambuhay ang kapatid ko dahil sa 'yo--"

"Leave." Maawtoridad na putol ni Atty. Nick sa pagsasalita ni Ate Verlyn.

"Huwag kang makialam dito--"

"I said leave. Or gusto mong kasuhan pa kita ng assault bago ka umalis?" Pagbabanta nito, matigas na tono.

"Tinatakot mo ba ako?"

"No. Sinasabi ko lang kung anong puwedeng mangyari sa 'yo dahil sa pag-iiskandalo mo rito. Hindi ka lang nag-iiskandalo, nanakit ka pa."

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Atty. Mukhang hindi niya rin kilala kung sino ang taong kaharap nito. Sa akin pa rin nakatutok ang matalim niyang mga mata.

"Hindi pa ako tapos sa 'yo. Hindi pa, Amaya." Iyon lang at tumalikod na siya, saka humakbang paalis.

Buong akala naming lahat ay aalis na talaga siya, ngunit bigla siyang humarap sabay hagis ng kung anong napulot niya sabay hagis sa direksyon ko.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Bago ko pa man mailagan ang ibinato niya, tinamaan na ako sa gilid ng noo ko. Agad kong kinapa ang tinamaan kong noo, pagtingin ko sa kamay ko, may dugo.

"Amaya!" Gulat na bulalas ni Atty. Nick. "Syet, you're bleeding! Syet!" Malutong na pagmumura niya, saka inutusan ang dalawang lalaking kadarating lamang na huwag hahayaang makaalis si Ate Verlyn.

"Yes, Boss. Kami na po ang bahala sa kaniya," anang isa sa dalawang lalaki.

"Thank you," pasalamat pa niya bago ako hinawakan sa siko ko.

"Wait--"

"Let's go." Iyon lang at halos hilahin na niya ako papasok ng restaurant.

Ngunit bago pa man niya ako tuluyang maipasok sa loob, narinig ko ang malakas na sigaw ni Ate Verlyn na kesyo malandi raw ako kaya muntik nang ma-rape.

Nasaktan ako. Para siyang hindi babae kung makapagsalita sa akin nang gano'n.

"Huwag kang lalabas dito. Understood?!" May bahid ng galit at awtoridad na utos ni Atty. Nick nang madala ako sa opisina ko.

"Understood?!" Ulit niya nang hindi ako sumagot. Sa mahapdi kong noo kasi nakatuon ang atensyon ko. "Amaya."

Tango lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Damn her!" Malutong niyang pagmumura habang nakatingin sa noo ko na ngayon ay walang tigil sa pagdurugo. "Masakit? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"

Natigilan ako. Bigla kasing huminahon ang boses niyang kanina lang ay puno ng bagsik.

"Amaya." Untag niya nang hindi agad ako nakasagot.

"Hindi na. Maliit lang naman 'to."

"Maliit nga, pero madugo."

"Hindi na." Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya nang inilayo ko sa kaniya ang noo ko. Hahawakan niya kasi sana, pero umiwas ako.

Pumalatak ito. Mahinang nagmura, saka umalis at malakas na isinara ang pinto ng opisina ko.

Hindi pa natatagalan nang muling bumukas ang pinto, pumasok si Carmel--ang isa sa staff ko. Bitbit niya ang aming medicine kit dito sa restaurant.

"Ma'am, lalapatan ko lang po ng first aid ang sugat n'yo, ha?" Magalang na paalam niya sa akin.

"Ako na lang, Carmel." Presenta ko, pero hindi siya pumayag. Kabilin-bilinan daw ng boss namin na siya ang maglilinis ng sugat ko.

Wala na akong nagawa kundi ang pabayaan siyang linisin ang sugat ko.

"Ouch! Mahapdi. Dahan-dahan lang." Napapangiwi kong reklamo.

Mahapdi kasi at makirot.

"Hindi naman malaki ang sugat n'yo, Ma'am, pero medyo malalim at madugo po." Komento niya.

"Kaya nga, eh." Nasabi ko na lang, saka nahulog sa malalim na pag-iisip.

Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ito ni Ate Verlyn. Iyong murahin, puwede ko pang paniwalaan na kaya niyang gawin. Pero 'yong saktan ako intentionally ay ibang usapan na.

Hindi ko in-expect na aabot siya sa ganito dahil sa galit sa akin.

"Ma'am, mawalang-galang na po, pero paano n'yo po natagalan?" Mayamaya ay usisa ni Carmel.

"Natagalan ang alin?"

"Iyong gano'ng pagtrato po sa inyo ng ate ni Sir Anthony? Hindi lang niya kayo basta ipinahiya, sinaktan ka pa niya, Ma'am."

Ngumiti lang ako, hindi na nagkomento dahil ayoko nang palalain ang sitwasyon. Kahit papa'no, gusto kong unawain si Ate Verlyn dahil kagaya niya napu-frustrate din naman ako.

"Mahal na mahal n'yo po talaga si Sir Anthony, Ma'am, ano?"

Napangiti ako. "Oo naman. Hindi naman kami aabot ng tatlong taon kung hindi ko siya mahal, eh."

"Pero paano 'yon, Ma'am?"

"Ang alin?"

"'Yong sitwasyon n'yo po, Ma'am. Kasi hindi n'yo pa po asawa si Sir Anthony, pero kung itrato kayo ng pamilya niya, kakaiba. Buti hindi n'yo po naisip na makipaghiwalay kay Sir Anthony noon pa."

"Mahal ko, eh."

"Kahit gano'n sa inyo ang pamilya niya?"

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Hindi naman lingid sa kanila ang relasyon ko kay Anthony dahil araw-araw ay siya ang taga-sundo at taga-hatid ko. Hindi rin lingid sa kanila na may pagkakataong pamilya ni Anthony ang dahilan ng minsang pag-aaway namin. Dahil kagaya ng sinabi ko, may ibang babae silang gusto para kay Anthony.

Saksi ang mga kasamahan ko sa trabaho sa ups and downs na relasyon namin ni Anthony.

"Sapat na ba ang pagmamahal para mag-stay ka sa isang relasyon na maraming kontra, Ma'am?"

"Oo naman." Walang gatol na sagot ko.

"Kahit po ayaw sa inyo ng pamilya ni Sir Anthony?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman sila ang pakakasalan ko kung sakali, Carmel. Alam ni Anthony ang sitwasyon namin ng pamilya niya kaya sigurado ako na once na bumuo na kami ng pamilya, hindi niya ako ititira sa bahay na kasama ang pamilya niya."

"Pero kahit na po, Ma'am. Kapag mag-asawa na kayo ni Sir Anthony, mas magkakaroon na sila ng access na manghimasok at makialam."

Umiling ako. "May tiwala ako kay Anthony. Alam kong hindi siya papayag na gawin 'yon ng pamilya niya sa aming dalawa. Mahal niya ako, Carmel. Mahal namin ang isa't isa. At naniniwala ako na itong mga pinagdadaanan namin ngayon ang mas magpapatibay sa relasyon naming dalawa."

"Grabe, Ma'am. Sa 'yo na talaga ang korona. Super love mo talaga si Sir Anthony. Nakaka-proud dahil hindi lahat ng babae ay kayang gawin ang ginagawa n'yong pananatili sa piling niya kahit maraming kontrabida. Kasi ako, Ma'am, hindi ko kaya 'yan. 'Yong mag-stay sa isang relasyon na maraming stress ba. Kasi 'di ba? Kaya ka nakipagrelasyon kasi gusto mo 'yong inspiration."

"Kasama 'yon sa relasyon Carmel. Trust me, boring ang relasyon kapag puro saya lang."

"Okay na ako sa boring kaysa sa stressful na relasyon, Ma'am."

Tuloy ang pag-uusap namin ni Carmel habang nilalapatan niya ng first aid ang sugat ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na kung siya raw ang nasa sitwasyon ko at gano'n ang pamilya ng boyfriend niya, stop na. Tatakbo raw siya palayo, agad-agad.

"S'werte lang ni Sir Anthony kasi mahal na mahal mo siya, Ma'am."

"S'werte din ako sa kaniya dahil mahal niya ako, Carmel. Kaya handa kong gawin ang lahat para sa kaniya, para makalaya siya at matupad namin ang mga plano namin na ilang taon naming binuo."

"Hayss. Pag-ibig nga nama--" tumigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa gawing pinto.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na parang nagpipigil ito ng kilig.

Lumingon din ako. Para lang makita ko ro'n si Atty. Nick. Nakatayo habang seryoso ang mukha. Kung gaano na siya katagal ro'n, hindi ko alam.

"Ma'am Maya, okay na po." Tukoy niya sa paglilinis ng sugat ko, nalagyan na rin niya ng bandage.

"Thank you, Carmel."

"You're welcome, Ma'am." Dinampot nito ang medicine kit na muntik nang mahulog dahil natataranta ito.

"Okay ka lang, Carmel?"

"Opo, Ma'am."

"Ba't nanginginig ka? Gutom ka ba?"

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Hindi ako gutom, Ma'am. Grabe kasi 'yang new boss natin, nakakapanginig ng tinggil. Ang guwapo! Ang hot! Siya ang tunay na example ng TDH, Ma'am. Tall, Daks, and handsome!" Impit na sabi niya, kilig na kilig.

"Carmel!" Saway ko, "baka marinig ka."

"Single pa kaya siya, Ma'am?" Bulong niyang tanong.

"Aba, malay ko. Sa kaniya mo itanong."

"Soon. Kapag close na kami--" Malakas na tikhim ang pumutol sa pagbulong ni Carmel sa akin.

Pulang-pula ang mukha nito, saka nagpaalam na sa akin na aalis na. "M-Mauna na po ako, Ma'am."

"Sige. Thank you ulit."

Tumango ito at naglakad palapit sa pintuan kung saan naroon ang boss daw namin. Nakapagtataka dahil hindi ko alam na iba ang may-ari nito. Akala ko si Mr. Chen pa rin, hindi na pala. Kung kailan pa nagpalit, hindi ko rin alam dahil kababalik ko lang sa trabaho ngayong araw.

Kababalik ko lang, pero ganito na agad ang nangyari. Medyo kabado ako dahil baka sa nangyari ay tanggalin ako nito sa trabaho ko. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho dahil ngayon ko ito mas kailangan.

Nang makalabas si Carmel, isinarado nito ang pinto, saka naglakad palapit sa akin. Kinakabahan ako dahil madilim ang kaniyang mukha.

Tumayo ako at humingi ng paumanhin sa nangyaring gulo sa labas kanina.

Hindi siya umimik.

"Hindi na po mauulit 'yon--"

"Let's not talk about it." Putol niya sa sasabihin ko.

"Pasensya na po."

Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Kailangan ko pa bang ipakilala sa 'yo ang sarili ko?"

"As my new boss? Siguro po. The last time I checked, si Mr. Chen po ang boss namin. Hindi po yata ako na-inform na iba na ang may-ari nito."

"Then let me introduce myself, I am Nicholas San Martin, the new owner of this chain. Your new boss." Pakilala nito sa sarili, saka naglahad ng kamay.

Bilang respeto sa bagong may-ari, tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Nice to meet you, Sir."

"Yeah, definitely. Nice to see you again, Amaya."

Binawi ko ang kamay ko nang pisilin niya 'yon. "Kung wala na po kayong sasabihin, lalabas na po ako."

"Magtatrabaho ka pa rin after what happened? Wala kang planong umuwi? At magpahinga?"

"No, Sir. I'm okay."

"Are you sure?"

"Yes."

Tumango-tango ito. Nasa may pintuan na ako nang muli siyang magsalita. "By the way, I'm still single."

Mabilis ang ginawa kong paglingon. "Hindi ko po itinatanong, Sir."

Ngumiti ito. "Yeah. Para lang alam mo."

Kumunot ang noo ko. Interesado ba ako kung single ka? Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahil sa kasunod niyang sinabi.

"Baka lang magtanong ulit 'yong staff mo. At least, may isasagot ka na. I'm still single... Single for now."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Romeshell💕
Di Lang magaling na Abogado,Healthy Eardrums pa Akalain muyun binulong Lang ni Carmel narinig kagad.
goodnovel comment avatar
Elvira Peralta
sus kunwari p c angkol nick TDH ahah nakakapanginig k pala angkol nick ... ... thanks ms.A
goodnovel comment avatar
Romeshell💕
Rawr! TDH huh.. Nakakapanginig Ka Pele Angkol Nick haha..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 17

    NICHOLAS POV HINDI KO MAINTINDIHAN ang sarili ko habang patungo kami sa opisina ng judge na magkakasal sa amin ni Aya ngayon. Literal na para akong gago na ngumingiting mag-isa. Daig ko pa ang teenager na excited sa date namin ng crush ko. Fvck! I'm too old to feel like an idiot. Kung malalaman lang ng mga kaibigan ko ang mga pinaggagawa ko ngayon, malamang pagtatawanan nila ako nang malala. Naiiling na nilingon ko si Aya sa tabi ko. Napakatahimik niya. Alam kong ang lalaking 'yon na naman ang laman ng isip niya. At ewan ko ba? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil alam kong ang lalaking 'yon ang nasa isip niya. Ano pa bang aasahan mo, Nick? Mahal na mahal niya 'yong lalaki. Kaya nga siya napilitang um-oo sa kasal na inalok mo dahil para sa lalaking 'yon, hindi ba? Sulsol ng kabilang bahagi ng isip ko. "Tss! Hindi sila bagay." Bulong ko habang nakatingin pa rin kay Aya. At sinong bagay sa kaniya? Ikaw? Biglang lumingon si Aya dahilan para itigil ko ang lihi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 16

    NICHOLAS POV I CAN'T HELP IT but to smile. Dahil kitang-kita ko ang inis sa magandang mukha ni Aya pagkatapos kong sabihin sa kaniya na ngayong araw na rin kami ikakasal. Namumula ang mukha niya. Halatang nagtitimpi lang na 'wag magsalita nang hindi maganda sa akin. Dahil alam niyang posibleng magbago ang isip ko sa usapan namin. Posible pa nga ba? Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko upang itago ang pinipigilan kong ngiti dahil alam kong kuhang-kuha ko ang inis at gigil niya ngayon. Bukod sa pamumula ng mukha niya, mariin ding nakakuyom ang mga kamao niya. Parang kating-kati siyang bigwasan ang mukha ko. Palihim kong inihanda ang sarili ko, tinalasan ang pakiramdam para kung sakaling umigkas ang mga kamao niya ay ready ako. Sinubukan kong 'wag na siyang lingunin ngunit tila may kung anong klaseng mahika ang humihila sa akin para ibalik ang tingin kay Aya. God! She's so damn gorgeous. And I can't help it but to stare at her. Matinding pagpipigil ang gi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 15

    AMAYA'S POV MAY ILANG minuto na ang nakalipas mula nang maiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan ni Atty. Nick, pero hindi ko pa rin magawang igalaw ang mga paa ko para sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginawa ko. Itong mga naging desisyon ko. Pakiramdam ko kasi, mali at naging padalos-dalos ako. Lalo na sa parteng magpapakasal ako sa iba gayong si Anthony ang kasama kong nagplano tungkol sa bagay na 'yon. Siya ang kasama kong nangarap at nagplano. Napabuntong-hininga ako, saka sumubsob sa mga tuhod ko habang nakahawak nang mahigpit sa buhok ko. Nakaka-frustrate ang mga nangyayari dahil kahit sabihing tatlong taon lamang tatagal ang kasal na 'yon sa abogadong 'yon, still ikakasal pa rin ako sa kaniya. Lord, please, tulungan Mo po akong mag-decide at mag-isip. Hindi ko po alam kung tama ito, pero ang alam ko lang po ay gagawin ko ang lahat para sa nobyo ko. Piping dasal ko habang nananatiling nakasubsob sa mga tuhod ko. Nasa ganoong posisyon ako nang

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 14

    AMAYA'S POV AMAYA'S POV "UHM...ARAY!" Hindi ko napigilang mapadaing habang ginagamot ng nars ang sugat ko sa kanang siko. Dito ako sa hospital idiniretso ni Atty. Nick pagkaalis namin sa pinangyarihan ng aksidente. Kahit anong giit kong 'wag na dahil okay lang ako ay hindi siya pumayag. Sa huli, siya pa rin ang nasunod kaya nandito kami ngayon sa emergency room para gamutin ang sugat ko. "Ouch, uhm!" Mariin akong napapikit dahil masakit. At nang nandito na kami sa hospital, saka ko na-realize na hindi pala simpleng sugat lang ang natamo ko mula sa pagkakahila ni Atty. Nick sa akin. Medyo malalim at malaki ang sugat ko sa kanang siko. Tumama yata sa matulis na bato kaya gano'n. Habang nakapikit, saka lang nag-sink in sa akin na muntik na pala talaga akong mamatay kung hindi ako nahila ni Atty. Nick palayo sa humahagibis na mixer truck dahil nawalan ng preno. Kung wala siya, malamang patay na ako. Pinanlamigan ako ng katawan nang bumalik sa isip ang video na pinanuod sa akin

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 13

    AMAYA'S POV "OKAY KA LANG?" Napatingin ako sa kaibigan kong si Pat nang tabihan ako sa upuan at magtanong kung okay lang ba ako. Nandito ako sa bahay nila. Dito ako dumiretso sa kanila pagkagaling ko sa city jail para sana bisitahin si Anthony. Kaso hindi niya ako hinarap. "Kanina ko pa napapansin na maya't maya ang buntong-hininga mo," dinunggol niya ang balikat ko. "Ano bang nangyari sa pagbisita mo kay Anthony?" Malungkot akong umiling bilang sagot. "Hindi ka niya hinarap kagaya nang sinabi niya?" Panghuhula niya. Tumango ako, saka muling bumuntong-hininga bago sinabi kung bakit tila pasan ko ang mundo. Ikinuwento ko sa kaniya na hindi ako hinarap ni Anthony, pero ang kapatid niyang si Ate Verlyn at si Diva ay hinarap niya. Na naiinis ako at nasasaktan dahil bakit sila hinaharap niya habang ako ay hindi. "Girlfriend niya ako, Pat. Ba't gano'n? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kaya niya 'to ginagawa ay dahil galit siya sa akin at ako rin ang sinisisi niya sa na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 12

    AMAYA'S POV "BAKIT AKO?" Lakas-loob na isinatinig ko ang tanong sa isip ko. "Bakit hindi ikaw?" Nailang ako nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko. "Disente ka naman na pasok sa criteria ko." "Disente talaga akong tao, Atty, pero baka lang po nakalimutan n'yo na may nobyo ako. At siya po ang dahilan kung bakit ako lumapit sa 'yo para humingi ng tulong." Paalala ko dahilan para salubungin niya ng tingin ang mga mata ko. Napalunok ako bago nagpatuloy. "Bakit hindi n'yo na lang ako tulungan tapos hahanapan ko kayo ng tamang babae para sa inyo. Iyong single. Iyong malaki ang posibilidad na magustuhan n'yo ang isa't isa along the way ng marriage n'yo." "Marami akong kaibigan, disente, single, ready to mingle at higit sa lahat ay virgin pa. H-Hindi kagaya ko na may mahal ng iba at h-hindi na v-virgin," nangungumbinsing dagdag ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang nabadtrip ito. "Atty." Bumalik ito sa pagkakaupo at pinaglaruan ang ballpen na hawak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status