CHAPTER 1 : Kakanin.
Hope [Tisay] POV. "Bananacue! turon! biko! bibingka! casava cake! at sapin-sapin! mga suki! sa halagang 25 at 10 pesos niyo tiyak mabubusog na po kayo mga suki! sagana sa sarap at pagmamahal ang aking kakanin! kaya bili na kayo mga suki!!!" sigaw ko habang nag titinda ng kakanin, bitbit ang dalawang basket na puno ng mga paninda kong kakanin. Nag susuroy kasi ako dito sa lugar namin para mag tinda ng kakanin pag sapit ng hapon para meryenda. "Pagka sipag mo talaga hope, nakita lang kita kaninang umaga sa palengke nag titinda ng isda at gulay tapos ito ka na naman nag titinda ng kakanin" napalingon ako sa nag salita mula sa likod ko napangiti ako sa ginang na suki ko lagi sa palengke papalapit ito sa akin. "Kayo po pala aling ason magandang dapit hapon po" ngiti kong bati dito. "Maganda kapa sa dapit hapon iha nakakasilaw yan kaputian at ganda mo" naka ngiting bati at puri nito sa akin. "Kayo talaga aling ason binubinubola niyo na naman po ako walang discount ngayon" natatawa kong sagot dito, gumilid muna ako sa silong ng nara sa gilid ng kalsada at binaba ang dalawang basket na dala ko sa sementadong kalsada may sapin na "Ikaw talaga iha totoo naman napaka ganda mo ikaw lang ang naiibang ganda dito sa lugar natin" natawa nalang ako sa sinasabi nito. "Sige na bibili ako ng kakanin mo, buti nalang napadaan ako dito" muling sabi nito kaya alisto naman ako. "Alin po dito ang bibilhin niyo po? May pong tig 10 at 25 pesos po?" tanong ko dito sabay alis sa takip ng basket para makapili ito. "Tig apat sa biko at casava cake, limang pirasong bananacue at turon, apat naman ang sapin-sapin yung tig 25 iha" Saad nito kaya natuwa ako kasi marami itong bibilhin at siya ang unang costomer ko. "Wow aling ason marami ah" masayang usal ko dito, sabay kuha sa supot sa naka sabit din sa basket. "Dumating kasi yung anak at mga apo ko galing maynila kaya dapat narami akong bilhin, kay lulusog pa naman yung mga apo ko!" masayang tugon nito, halatang tuwang-tuwa sa pag dating ng anak at mga apo nito. "Kaya po pala, Bali 400 po lahat" masayang turan ko sabay abot sa dalawang supot ng nabili nitong kakanin. "Oh heto ang bayad" abot din nito sa akin sa 500, kinuha ko naman agad, kukuha na sana ako ng sukli ng muli itong mag salita. "Dadagan mo nalang tig isang slice ng biko at casava cake saka saka itong sapin-sapin hope, at sayo nalang ang sukli" saad nito kaya parang kuminang ang mga mata ko sa sinabi nito at dali-dali kong nilagay sa supot ang dadag sa binili nito. "Hulog po talaga kayo ng langit para sa'kin aling ason maraming salamat po talaga pag palain kapa nawa ng maraming apo" Masayang pasalamat ko dito. "Hahahaha ikaw talaga iha, walang anoman hope nakikita kong kung gaano ka kasipag balang araw makakaahon ka din sa hirap sa sipag at tiyaga mong yan tiyak aahon ka hirap o isa ka talagang prinsesa ng mga mayayamang angkan na nawala at napunta dito sa lalawigan ng nueva ecija" ani aling ason natawa pa ito sa huling sinabi ko. "Ikaw talaga aling ason, yung aahon sa hirap maniwala pa ako doon pero yung isang prinsesa ng mayamang angkan na nawawala malabo po yun" natatawa kong sabi. "Ay! basta hope tingin ko talaga sayo anak ka ng mayamang angkan at banyaga ang iyong ama. Oh siya aalis na ako naabala ko na yan pag titinda mo nag hihintay na rin mga apo ko sa bahay" tumango ako kay aling ason at muling nag pasalamat sa kanya hindi ko na pinansin ang iba nitong sinasabi, medyo may kaya sa buhay sila aling ason kaya nakakaluwag sila sa buhay at mabaakiit ito sa akin. "Ang tagal mo naman tisay kanina pa kami nag aabang sayo akala namin pinakyaw na ni aling ason yan paninda mo" Reklamo ng mga suki kong nag tatambay sa gilid ng kalsada malapit sa mga bahay ng mga ito. "Oo nga meryendang-meryeda na nga kami kanina pa lalo na malayo ka palang amo'y na namin ang mabango mong halimuyak este kakanin pala" Tinaasan ko mga ito ng kilay. "Hoy kayo! alam kong wala kayong pang bili at bawal ang utang sa mga paninda ko cash ang kaylangan ko hindi utang kalimutan" Pag tataray kong turan sa mga ito. "Grabi ka naman sa amin tisay, may pang bili kami no! At bayaran din namin ngayon yung utang namin nung nakaraang araw" Binaba ko muna ang dala kong dalawang basket at inayos ko ang malapad kong sumbrero para hindi masyado mainitan ang mukha ko, bago ako naweywang sa harap ng mga ito. "Di akin na ang ibayad niyo now na!" Mataray ko pa rin sabi sabay lahad sa isang kamay ko sa harap nila. "Bigyan mo muna kami ng kakanin mo" Sabi naman ni boyet, kaya pinaningkit ko ito ng mata. "Bayad muna bago ko kayo bigyan, alam ko na yan bulok niyong mudos! Saka niyo sasabihin wala pala kayong pang bayad pag naubos niyo na at busog na yan mga bulate niyo sa tiyan!" Singhal kong turan sa kanila, mga maloko kasi mga ito akala nila maisahan pa nila ako. "Oo na ito na, pasalamat ka talaga tisay mala dyosa yan ganda mo kundi hindi kami bibili sa mga kakanin na binebenta mo" Inirapan ko si bojack sabay hablot sa perang hawak nito. "Ang sabihin mo bojack masarap lang talaga itong mga luto kong kakanin wag niyo na ako bulahin pa kasi hindi na yan uubra sa akin" Usal ko at binigyan ko na sila ng kakanin na gusto nila tama lang sa sukli ng pera nila kasi may utang pa sila sa akin nung isang araw kahapon kasi hindi ako nakapag benta kasi may pinuntahan ako at hapon na ako naka uwi. "Saan ka kaya pinag pinag lihi ng mama mo tisay kasi subrang puti at ang tangkad mo pa sa amin kaya takot kaming pag-tripan ka minsan kasi alam namin kaya mo kaming ibitin ng patiwarik natatawang sabi ni bentong, inirapan ko lang ito. "Eh, kayo pinag lihi ba kayo ng mga nanay niyo sa mangga na may bagoong? kasi puro letter B ang simula palangalan niyo at mukha kayong mangga mahaba ang baba" Ngisi kong sabi sa kanila, sabay alis sa harap nila bitbit ang dalawang basket. Anim silang mag barkada at puro letter B ang simula ng pangalan nila at totoo yung sinabi ko medyo mahaba ang baba nila may malapad pa nga kaya siguro sila nagka tropa kasi halos magka mukha sila pero kahit ganun sila mababait naman sila sa akin minsan nga lang loko-loko din sila. "TISAY!!!!" Napatakbo ako ng sabay nilang akong tinawag. Minsan hope o tisay ang tawag nila sa akin dito sa lugar namin, tisay daw kasi isa akong mistisa, kaya sanay na akong tawagin nilang tisay mula pagkabata. Pagkatapos kong mag lako ng mga paninda kong kakanin hindi nag tagal naubos din agad kulang pa nga at paramihin ko daw sa sunod na araw kung mag tinda ako, hindi na kasi naka bili yung iba kaya nag order nalang sila para daw sure na meron matira para sa kanila. Natuwa naman ako lalo na nag bayad na yung iba, mabenta kasi mga luto kong kakanin at syempre tinulongan din ako ni mama at yung mga pinsan kong kay kukulit hindi ko na sila pinasama sa pag benta kasi pinatulong ko sila sa pag bungkal ni mama ng lupa sa taniman namin ng gulay sa likod ng bahay namin. Kinokop na kasi sila ni mama simula nung naaksidenteng nabangga ng 10 wheeler truck ang molticab minamaneho ni tito cesar at namatay sila kasama ang asawa nito na si tita grace. Buti nalang hindi nila kasama mga pinsan ko kundi lahat sila mawala sa amin. S tito cesar at si mama ay kambal sila kaya kambal din yung dalawang pinsan ko parehong lalaki mag 15 years old na sila at ang yung bunso naman isang babae 5 years palang akala nga nila hindi na masundan ang kambal pero may blessing pa palang isa, mag 3 years si baby calla nung namatay sila tito at tita nagkataon hindi nila sinama mga bata sa lakad nila kaya laking pasalamat nalang talaga namin ni mama na hindi nasama ang mga bata sa malagim na aksidenteng yon nila tito cesar at tita grace. Tnuring na din ni mama mga anak niya mga pamangkin niya at kapatid na rin ang turing ko sa mga ito kaya tudo kayod kalabaw ako para sa amin lahat. Mama na rin ang tawag nila kay mama at kapatid talaga ang turingan namin sa isat-isa, lalo na simula palang nasa iisang bahay lang kami nakatira kasi si mama at tito cesar lang ang mag tulongan at nagkakasundo sa lahat ng bagay. Nagka utang at naibebta pala namin mga lupain na namana nila mama at tito cecar mula kila lolo at lola maging yung bahay namin naisanla ni mama kasi akala namin maisalba pa ang buhay nila tito at tita sa hospital hindi kasi sila agaran binawian ng buhay nung nabangga sila ng 10 wheeler truck naisugod pa sila sa hospital at nakaratay sila sa hospital ng mahigit tatlong linggo. Kaya ginawa namin lahat ni mama masalba lang sana ang buhay nila kasi sila nalang ang pamilyang naituturing namin ni mama kasi yung ibang kamag amak namin ayaw sa amin kasi pobre lang daw kami samantalang sila nakakaangat sa buhay at malas daw kami sa buhay kasi maaga nag talandi si mama at wala akong kinikilalang ama. Pero wala na kaming pakialam sa mga pinag sasabi at tsismis sa amin lalo na kay mama kasi alam kong balang araw makakaraos din kami sa hirap nila mama at mga pinsan ko, na ayaw din sa kanila ng pamilya ni tita grace kasi hindi sila boto kay tito cesar na napangasaawa tita grace kasi mahirap lang si tito. Sinisi pa nga nila si tito nasama si tita sa aksidente, kahit patay na si tito pinagmumura pa nila pati kami ni mama pinag sasalitaan nila ng masama kahit mga bata na inosente hindi naka ligtas sa matabil nilang dila dahil sa nanyari kay tita grace. Yung mga magulang pala ni tita grace may kaya din sa buhay meron silang maliit na business pero kung umasta sila akala mo sila na ang pinakamayamang tao sa buong mundo gaya ng mga relative ni mama lalo na yung panganay na kapatid ni mama ang sama ng ugali buti nalang mabait si mama. At ayun nga binawian din ng buhay sila tito at tita dahil sa grabing natamong sugat nila sa katawan at ulo hindi na nakayanan ng mga doctor isalba ang buhay nila. Subrang hirap kaming tanggapin yun ni mama pati mga pinsan ko matagal silang naka move on sa nangyari sa mga magulang nila maliban kay baby calla wala pang kamuwang-muwang sa nangyari. Hanggang sa unti-unti na namin natanggap na hanggang doon lang talaga ang buhay nila. Yun nga lang malaking utang ang bayaran namin ngayon dahil sa nangyari kaya nangangamba na kami ni mama kahit ano pa kasi ang pag kayod namin alam namin hindi namin kayang bayaran yung tao kung saan naka sanla mga lupain at bahay namin. Bahay pa nila lolo pero hindi naman sila naiiba kay mama yun nga lang hindi nila kami kinikilalang kadugo kundi isang hampas lupa at basura ang turing nila sa amin. "Oh anak bakit tulala ka d'yan? kanina pa kita tinatawag, kako naubos naba yung paninda mo? Kasi maaga ka ata naka uwi pero mukhang ang lalim ng iniisip mo naka tulala ka lang d'yan inoupuan mo?" Nagulat pa akong napatingin kay mama ng mag salita ito hindi ko namalayan ang pag lapit at pag tawag nito sa akin. Natulala na pala ako kasi muli naman nag balik tanaw ako sa nangyari mahigit dalawang taon na ang lumipas. "Wala po ma!" Napagod lang siguro ako sa pag lako sa paninda ko mahinang saad ko kay mama at bumuntong hininga ako ng malalim. "Kilala kita anak alam ko nag babalik tanaw ka naman" Malumanay na usal ni mama sa akin umupo ito sa tabi ko. Pag dating ko kasi kanina dumiretso ako dito sa balkon habang tinatanaw yung malawak na palayan na dating pag mamay-ari nila mama pero ngayon iba na ang may ari kasi nasanla ni mama at hindi na namin mabawi pa kasi malaking halaga ang dapat namin bayaran bago namin mabawi at hawak na nila ang titolo pati itong bahay. "Ikaw talaga mama di porket naka tulala ako naalala ko na naman sila tito, hindi ba pwdeng nag iisip lang ako kung anong itinda ko na naman bukas" pagsisinungaling at natatawang sabi ko kay mama. "Pasensya kana anak kung naging ganito lang ang buhay natin" Mahinang usal ni mama, hinarap ko ito. "Ma, swerte ko nga kasi kayo ang naging mama ko at itong buhay natin ngayon pansamantala lang ito balang araw makakaraos din tayo at who you sa atin yung mga taong minamaliit tayo at malas daw tayo, itaga nila sa bato mag sisi sila sa pag api nila sa atin at matikman nila ang ganti ng isang api!!!!! hahahaha" malakas kong sabi sabay tawa kaya nabatukan ako ni mama. "Aray ko naman ma!" Reklamo ko sabay himas ako sa ulo ko kung saan binatok ni mama, napanguso pa ako. "Ewan ko sayo hope, seryosong usapan iniba mo! pasaway ka talaga kahit kaylan" Mas lalo pa akong napanguso sa sinabi ni mama. "Totoo naman ma pag tayo'y yayaman balang araw lahat ng bahay dito sa lugar natin ipademolis ko itira ko lang yung mga mababait sa atin yung mga marites at mapang lamang sa kampwa sila ang unahin kong ipagiba ang bah--ARAYYYYY MA!" bigla akong napatigil sa pag sasalita at napahiyaw bigla ng kurotin ni mama ang singit ko. "Loko-loko ka talagang bata ka kahit ano-ano yan pinag sasabi mo!" Sabi ni mama sabay iwan niya sa akin kaya natawa nalang ako, rinig ko pa kasi ang pag mamaktol ni mama pababa sa hagdan kasi itong balkon ng bahay dito sa taas kaya tanaw yung magandang tanawin mula dito bahay at masarap ang simoy ng hangin dito at ito ang paborito kong tambayan dito bahay.CHAPTER 10 : Nawalan ng malay.Hope POV."Oh anak buti naka uwi kana kumusta ang pag hahanap mo ng trabaho?" Tanong agad ni mama pag pasok ko palang sa bukana ng pintuan nag mano agad ako sa kanya. Mag isang buwan na rin ang lumipas mula ng napadpad kami dito sa maynila, pinasyal kami ni ninang alexa dito at tinuro sa amin ang mga pasikot-sikot dito sa maynila at ano ang mga dapat namin iwasan at pag katiwalaang tao dito. Maliban kay mama alam na niya ang pasikot-sikot dito kasi dati lumayas siya dahil sa kagagawan din ng tiyahin kong hilaw at dito sa maynila napapad si mama at dito din sila nagka kilala ni ninang alexa."Ayon wala pa rin ako nahanap ma, meron man pero ang baba ng sahod at yung iba inoferan ako ng kung ano-anong trabaho na hindi ko gusto, muntik pa nga ako maka sapak eh" Inis kong sabi habang tinatagal ang sapatos ko."Bakit ba kasi ayaw mo pang tulongan ka ng ninang mo? Ikaw rin ang nag papahirap sa sarili mo anak!" bumuntong hininga muna ako bago sumagot kay mama."
CHAPTER 9 : Babaing mistisa. Someone's POV. Nag mamaktol ang mommy ni night ng iwanan siya ng lahat ng mga kasama niya sa mansyon, maliban sa mga maid nila na abala sa kani-kanilang ginagawa. "Kita niyo ako na naman ang aalis at taon bago ako uuwi, iniwanan niyo ba naman ako dito dahil d'yan sa mga importabte niyo kunong ginagawa mas importante pa ba mga yun kaysa sa akin? Tapos yung kambal na dalagita kong baby girl mas pinili pa makipag bonding sa mga friends nila kaysa sa akin" Tila nag tatampong maktol ni emma humalikipkip pa siya animo'y may kausap siya sa harap niya. Hindi niya napapansin ang pag lapit ng biyenang babae salikod niya. "Sinong kausap mo d'yan?" "Ay palaka ka!" Gulat na turan ni emma napahawak pa siya sa dibdib. "Mukha ba akong palaka emma?" Taas kilay na sabi ng biyenang babae sa kanya. "Mom, sorry ginulat mo kasi ako eh, bakit hindi ka nag sabi dadalaw ka dito?" Anya nalang ni emma sa byenan inalalayan niya pa itong umu
CHAPTER 8 : Night POV. "Jusmeyo! Night! Pang ilan maid mo na ba yung nag-silayas sa condo mo ha!? Hindi na namin alam ng lola mo saan kami kukuha ng mag tagal na kasambahay sayo! Ayaw na rin mag trabaho ng mga kasambay dito doon sa condo mo subrang selan mo ba naman at mahilig manigaw sa maliit na bagay! Kita mo wala kang makitang pagala-gala na mga kasambay dito nang dumating ka kasi iniiwasan nila ang presensya mo! Pano ba naman kunting pag kakamali lang ng mga kasambahay parang kaaway mo na ang boong mundo kung magalit ka! Nag mana ka nga talaga sa tukmol mong ama noong binata pa siya!" Sermon ni mommy sa akin. Napadaan lang ako dito sa mansyon para sabihin sa kanya lumayas na naman yung kasambay ko. Napagalitan at nasigawan ko na naman kasi dahil sa nasunog nito ang polo ko pina-plansa at sa isang linggo nito sa bahay ko araw-araw ko na rin ito pinapagalitan pag nakikita kong hindi ako nnakuntento sa pag linis nito may naiiwan pa rin alikabok at hindi makintab ang ty
CHAPTER 7 : Bagong tahanan. Hope POV. "Jusme! Bakit hindi niyo pa dinala yung boong bahay niyo kaloka ka naman helena, akala mo naman hindi na kayo makabili ng gamit dito!" Tila namumoblema din turan ni ninang alex este alexa pala napa-meywang pa siya nakatingin sa mga bagahe namin bago ito may tinawagan sa cellphone nito. ****** "Kumain muna tayo ng tanghalian, nang mapag-pahinga muna kayo saka niyo ayusin yan mga gamit niyo sabi ni ninang. Dito na kami ngayon sa apartment na tuloyan namin si ninang ang may ari nabili lang daw niya ito nung bago siya umuwi dito sa pilipinas. Malaki itong pinatuloyan niya sa amin may apat na kuwarto, yung tatlong kuwarto maliit tama lang pang dalawahang tao ang pwedeng umukopa. Yung isa naman medyo may kalakihan. Ang sala naman ay tama lang para sa isang pamilya., Meron din balkonahe na pwedeng sampayan ng mga bagong labang damit saka tambayan at may maliit din itong kusina at mahabang dining table pang sampong katao ang makaupo, talagang pang f
CHAPTER 6 : Bus Terminal."Baks tuleley ka d'yan, anong ginawa mo na naman doon sa mga devils?" Pukaw ni luigi sa atensyon ko nakatulala kasi akong nakatingin lang sa bahay namin habang papalayo na kami. Bumungtong hininga muna ako bago sumagot. "Sinabi ko lang naman may mga multo sa bahay pinangungunahan nila lolo at lola. Saka ako lumabas ini-off ko ang kuryente saka ko ni-lock ang pinto pati yung gate kaya sila nag sigawan sa loob kasi natakot sila at hindi sila makalabas, pigil tawa kong sabi. "Buti nga sa kanila yun" Yawang usal nito."Good job baks! alam mo ba ang galing-galing mo kanina hindi mo kaylangan ang rescue namin ni baks luigi kung alam mo lang nag pipigil na itong palad ko masampal at masabutan yung tatlong bruhang yun ipinaubaya ko nalang sana kay luigi yung ama nilang panot kasi wala akong mahilang buhok doon" Natatawa din sabat ni piper nag apiran kaming tatlo habang natatawa, proud pa talaga sila sa ginawa ko."Gaga! meron buhok yun sa ba
CHAPTER 5 : Kapilyahan. Hope POV. "Grabi diko akalain aabot ng ganun kalaki ang bayaran namin sa inyo nag pasanla kami pero with interest pa pala yun, samantalang kumikita kayo sa malawak na palayan at sa ibang lupain namin naka sanla sa inyo! Ganyan naba kayo kamukhang pera!? Sana lang talaga madala niyo mga yan sa huling hantungan niyo!" Mgisi kong sabi, akma na sana akong tatalikod sa kanila, nang biglang sabay akong singod nila Jacqueline at Vanessa pero mabilis ang kilos kong sinipa si Jacqueline sabay suntok sa mukha ni vanessa halos sabay silang bumagsak sa lupa. Dahil sa subrang gigit at galit na talaga ako kasi ayaw nilang tumigil, wala na rin umawat sa akin kasi kilala nila ako baka madamay sila sa galit ko kahit si kapitan at mga tanod nito walang imik mga ito at mga kapit bahay namin parang nanonood lang sila ng palabas. "Jacqueline! Vanessa!" Sigaw ng ina ng mga ito sa pangalan ng mga anak nitong mana lang kanya masahol pa sa hayop ang mga ugali.
CHAPTER 4 : Ang galit ni hope.Hope POV. "HOPE!!!!" Rinig kong sigaw ni mama pero nasa tiyahin kong bruha ang boong atensyon ko patuloy ko itong pinag sasampal pinag kakalmot din ang mukha gaya ng ginawa niya kay mama ibalik ko lang sa kanya. Ikanga liktik lang ang walang gati. "Arayyyy hayop kang bata ka bitawan mo ako ipakukulong kitang bata ka! Walang respeto sa nakakanda bitawan mo ang buhok ko hope! aray ano ba!!!" Patuloy nitong sigaw, binitawan ko ang buhak nito pero tinulak ko siya. Kaya sumubsob ang mukha nito sa putikan. "Malaki ang respeto ko sa mga nakakatanda sa akin at sa mga mamatanda pero sayo nawalan na ako ng respeto dahil hindi ka naman talaga karispe-rispetong dahil isa kang bruha" Galit kong singhal sa kanya hindi ito nakapag salita matalim lang mga mata nitong naka titig sa akin. Napangisi ako sa kanya dahil sa pulang-pula na ang mukha nito at dumudugo ang danaanan ng mga kuko ko. "Walang hiya ka hope bakit mo sinasaktan ang mommy ko!
CHAPTER 3 : Ang galit ni hope (Part 1) Hope POV. Tatlong linggo ang lumipas mula ng pag pumunta si mr. matabang panot sa bahay para maningil hindi na ito bumalik kasi nag bakasyon daw ang boong pamilya nito sa Boracay, tiyak ipag yabang naman ng mga anak ng hilaw kong tiyahin sa akin pag mag cross ang landas namin akala mo naman nalibot na nila ang boong mundo kung makapag-yabang sa mga napuntahan nilang lugar eh dito lang man sila sa nag lilibot sa pilipinas. Napahugot nalang ako ng malalim na hininga para pagaanin ang loob ko. "Ang lalim nun baks ah! Oh' kape mo pang pakalma lalo na nabasa ka ng ulan" Sabi ng kaibigan kong bakla sabay abot sa akin ng kape sa paper cup galing sa coffee vendo machine. Naabutan kasi kami ng ulan at dito kami sumilong sa may tindahan pauwi na sana kami. Namasyal kami doon sa park, gusto sana namin lakarin lang pauwi medyo may kalapita naman ang bahay namin pero biglang bumuhos ang ulan habang nag lalakad kami kaya napatakbo kami dito sa may tindaha
CHAPTER 2: Bahay at Lupain. Hope POV. Kinaumagahan........ "Helena!!!" Tawag ng kung sino kay mama mula sa labas ng bakoran, sumilip ako sa bintana dito sa kuwarto ko kasi kita mula dito ang bakuran namin may lumang bakal na gate. "Kaaga-aga nandito na naman ang matabang panot na ito" Bulong ko ng makilala ito. Nakita ko naman dali-daling lumabas si mama, kaya mabilis akong nag bihis katatapos ko lang kasi maligo. Hindi muna ako nag tinda ng isda at gulay sa palengke ngayon kasi subukan ko naman mag apply ng trabaho doon sa bagong bukas na mall, mag baka sakaling matanggap ako kahit sa anong trabaho doon. "Mr. Castro pasensya na ho kayo wala pa ho kami ibayad sa inyo ngayon!" Rnig kong sabi ni mama habang pababa ako sa hagdan, hindi pa ako nakapag suklay at may towel pa naka balot sa ulo ko. "Helena dalawang taon na ang lumipas mula ng naisanla niyo sa amin itong bahay at mga lupain niyo, hinayaan namin kayo nitong nakaraan taon kasi hindi pa kayo naka recover sa nangyari sa