Good evening! Kinakabahan na ba ang lahat? 🤣 Sana huwag kayo ma-highblood baka maubusan kayo ng losartan. 🤣😜
Tumingin si Devon kay Roxanne nang may matinding pagduduwal sa mga mata, "Kung kaya mo akong siraan sa likod ko, bakit hindi ko kayang ipagkait sa iyo si Lance?""Kung hindi mo lang kinuha si Lance at tinakot akong hindi mo siya ibabalik sa akin, hindi ko sana nagawa 'yon!"Ngumisi si Devon ng malamig, "Ibig mong sabihin, kasalanan ko lahat ng ito?"Matigas ang paninindigan ni Roxanne at sinabi nang dahan-dahan, "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, pero may pagkukulang ka rin, Devon. Ako ang nagpalaki kay Lance mula pagkabata. Pinapunta mo lang ang mga tao mo at kinuha siya nang hindi man lang nagsabi. Hindi mo ba naiisip na sumusobra ka na?"Habang naaalala ang takot na naramdaman niya noong gabi na kinuha si Lance, unti-unting lumamig ang ekspresyon ni Roxanne. Ano man ang mangyari, hindi niya hahayaang maagaw muli ni Devon si Lance sa kanya."Sa tingin mo wala ka talagang pagkakamali, kaya huwag mo nang asahang makikita mo si Lance."Matapos sabihin iyon, dumaan si Devon kay Roxanne
Kinabukasan ng umaga, kakabangon lang ni Roxanne at pababa na siya ng hagdan nang mapansin niyang kakaiba ang atmospera sa loob ng villa.Si Manang Lucille, na dati'y laging may ngiti tuwing sasalubong sa kanya, ay abalang-abala ngayong umaga. Nang makita siya, isang mabilis na bati lang ang binigay at agad bumalik sa kusina. Si Sandy, na paminsan-minsan ay sinisita siya, ay hindi man lang siya nilingon ngayon.Habang kalong si Lance at paupo sa hapag-kainan, akma sanang babatiin ni Roxanne si Devon, pero bigla itong tumayo at umalis na parang hindi siya nakita.Habang pinagmamasdan ang malamig nitong likuran, napakagat-labi si Roxanne. Halatang litong-lito siya.Ano kaya ang problema ni Devon? Galit pa rin ba siya tungkol sa nangyari kagabi?Nang umalis na si Devon, unti-unting bumalik sa normal ang atmospera sa salas. Parang tumaas pa nga ang temperatura sa paligid.Hindi naman napansin ni Lance ang kakaibang tensyon. Tumingala siya kay Roxanne at aniyang may lambing, "Mommy, gusto
“Devon, okay ka lang ba?” Tinapik ni Roxanne ang noo ni Devon kaya ito napabalik sa reyalidad.“Ah, oo!” Pinunasan ni Devon ang kanyang noo at napapailing dahil sa mga pinag-iisip niya.Hindi siya makapaniwala na nag-imagine siyang hinahalikan si Roxanne. Mukhang nababaliw na ata siya.“Okay ka lang ba talaga, Devon? P-parang masama ang pakiramdam mo?”Akma sanang hahawakan ni Roxanne ang noo nito pero agad na umiwas si Devon.“I said, I’m okay.” Aniya.Tumayo na si Devon sa couch at balak sanang tumalikod pero may pinahabol si Roxanne.“Devon, may contact number ka ba ni Henry?”Naningkit naman ang mga mata ng lalaki, "Bakit mo naman hinihingi?" "Nag-aalala lang ako kay Grace... gusto ko sanang itanong kung nahabol niya ito..." Nakita ni Devon ang pag-aalala at pagkakonsensya sa mga mata nito, kaya malalim niyang sinabi, "Huwag kang mag-alala, kapag nandoon siya, magiging okay si Grace." "Gusto ko pa ring makakuha ng numero para makasigurado na okay si Grace bago ako mapanatag."
Sinubukan ni Henry na awatin si Grace papalayo kay Devon pero ayaw nitong magpapigil at kumawala sa pagkakahawak nito. “Isusugal ko ang buhay ko ngayon, hahanapin ko pa rin ang hustisya para kay Roxanne.”Napangisi si Devon, “Hustisya? Sa palagay mo ba alam mo ang lahat?”Nang mapansin ni Henry na galit na si Devon, agad niyang hinawakan si Grace at pinaharap sa kanya, “Grace, makinig ka. Siya talaga si Roxanne. Kasalanan ko na tinawagan kita kanina, dapat ako na mismo ang kumausap sa’yo. Mag-sorry ka na kay Devon ngayon din!”Pinagpag ni Grace ang kamay niya at malamig na nagsalita, “Bakit ako magso-sorry?! Sige nga, kung sinasabi mong siya si Roxanne, ilabas mo siya ngayon! Gusto ko ring makita kung gaano siya kapeke!”Pagkatapos magsalita ni Grace, biglang bumaba ang temperatura sa paligid.Hindi makatingin si Henry kay Devon, pero pinilit niyang supilin ang takot at humarap sa kanya, “Devon…”“Henry, paalisin mo siya dito o kung ayaw mong madamay ka rin sa init ng ulo ko ngayon.”
Nang makita ni Henry ang kumpiyansang ekspresyon ni Devon, mukhang may nakahanda siyang plano. Sa wakas ay nakahinga nang maluwag si Henry."Okay, naiintindihan ko na, pero sobra na rin kasi ang kasakiman nila, gagawin talaga nila ang lahat makuha ang lahat ng shares natin, pati ang kumpanya sa kamay ko!"Walang emosyon ang mukha ni Devon. "Wala namang bago ro’n. Ang mga tao ay handang mamatay para sa pera, gaya ng mga ibon para sa pagkain. Hangga’t hindi nila ako napapabagsak, hinding-hindi nila makukuha ang shares natin, at haharangan ko rin sila na maagaw sayo ang posisyon."Bagaman totoo ang sinabi ni Devon, pakiramdam pa rin ni Henry na masyadong makasarili sina Jameson at Madame Julie. Dahil nasaktan din siya sa pagpapatalsik sa kanya para makuha ni Jameson ang posisyon sa pamamahala ng Genetech.Matapos ang usapang iyon, tumambay pa ng kaunti si Henry at nakipagkwentuhan kay Devon bago umalis.Pagkatapos mapatulog ni Roxanne si Lance, bumaba siya para kumuha ng tubig. Pagkakita
Mabilis na lumapit si Mdame Julie at humingi ng tulong, “Dalhin niyo siya sa hospital!”Nagulat din si Jameson na dali-daling lumapit sa matanda at binuhat ito. “Lola!”Pareho silang kinakabahan dahil hindi maaring mawala ang matanda ngayon. Kung sakali, wala na silang pag-asang makuha ang buong porsyento ng mga iiwan nilang yaman.Makalipas ang ilang minuto, narinig na ang sirena ng ambulansya mula sa malayo.Agad isinakay si Lola Ofelia sa stretcher ng mga medical staff at dinala sa ospital.Sa labas ng emergency room, sabay na naghintay nang balisa ang mag-ina.Naglalakad-lakad si Madame Julie pabalik-balik habang pabulong na sinasabi, “Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?”Naupo naman si Henry sa isang silya, namumutla, at mahigpit ang pagkakakapit ng kanyang mga kamay.Pagkaraan ng matagal na paghihintay, lumabas din ang doktor mula sa emergency room.“Doc, kamusta na po ang Lola ko?” agad na tanong ni Jameson.Inalis ng doktor ang kanyang mask at seryosong sinabi, “Panandaliang n
Napangisi si Henry, “You’re such a dick! Kahit ibigay ko pa ang shares ko sa isang pulubi, hinding-hindi ko ito ibibigay sa isang tulad mong may masamang balak at gusto laging makakakuha ng lahat nang walang ginagawa!”“Hayop ka!”Itinaas ni Jameson ang kamao niya at inamba ito sa mukha ni Henry, pero bago pa ito tumama, isang malamig at nakakakilabot na boses ang umalingawngaw sa paligid.“Kapag tumama ang kamao mo sa kanya, sinisiguro kong hindi mo makukuha ang gusto mo.”Bakas ang pagbabanta sa boses ni Devon pero nanatili itong kalmado.Maging si Madame Julie ay kinabahan at gumawa ito ng paraan para matigil ang bangayan, “Henry! Jameson! Hindi ko kayo pinapunta rito para makipagsuntukan! Kung gusto niyong makipag-away, lumayas kayo!”Ito na ang naging palusot ni Jameson. Ibinaba niya ang kamay at malamig na tinitigan si Henry. “Palalampasin kita ngayon. Pero wala ka ng magagawa kapag ako na ang namahala sa kumpanya.”May pang-uuyam sa tingin ni Henry, “Ang lakas mong magsalita eh
“Shut up, Henry. Huwag ka ng makialam. Buti pa bumalik ka na sa amerika. Doon nababagay ang kanong tulad mo.” Dikta ni Jameson.Naiinis si Henry na tumingin dito, “Woah. Mukhang ikaw dapat ang bumalik sa mental, Jameson. Bumabalik ka na naman dito para mangulo ng buhay ng ibang tao. You’re sick!”Sinamaan lang siya ng tingin ni Jameson pero hindi ito hinayaan ni Henry na umalis, “Jameson! What the hell are you doing?!”"Gusto ko lang kausapin ang doktor at alamin kung gaano kalaki ang posibilidad na maibalik ang kanyang alaala.” Tugon ni Jameson.“Anong nangyayari dito?”Napalingin sila nang bumalik si Madame Julie kasama si Lola Ofelia. Naupo ulit ang dalawa sa sofa at walang nagawa si Jameson kung hindi hintayin ang kapatid.Napansin ni Madame Julie ang tensyon sa dalawa, alam niyang may gagawin na naman ang anak niya para makisali sa gagawing operasyon para maibalik ang alaala ni Devon.“Tita, kung may respeto pa kayo kay Devon, pwede bang hayaan niyo siyang maibalik ang buo niyang
Kalma lang na tiningnan ni Roxanne si Jameson. "Talaga ba?"Sandaling natigilan si Jameson, saka agad na nagsalita. "Siyempre! Sobrang nagmahalan tayo noon, nakalimutan mo na ba?"Itinaas ni Roxanne ang kanyang kilay. "Sakto, may gusto rin akong sabihin sa’yo.""Ano 'yon?""Lumapit ka." Utos ni Roxanne.Lumapit si Jameson kay Roxanne na may halong pagtataka sa mukha. Pagkalapit na pagkalapit niya, bigla siyang sinampal siya ni Roxanne.Lumagapak ang tunog ng sampal sa sala, at agad na namula ang pisngi ni Jameson. Bigla ring sumama ang itsura ng kanyang mukha."Roxanne!"Galit ang boses niya at puno ng dilim ang mga mata habang nakatingin kay Roxanne.Ngumiti si Roxanne habang inaalog ang masakit niyang kamay. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Yung sampal na 'to, dapat pa ‘to limang taon na ang nakalipas. Ngayon ko lang naisingit."Napakagat-labi si Jameson at pinilit pigilan ang galit sa dibdib."Roxanne, nasampal mo na ako, dapat ayos na ang pakiramdam mo. Pwede ba kitang ligawan ulit?