Maaga update natin ngayon🥳 At naalala niyo pa ba si Henry at ang aso niyang si Peaches na muntik ng kagatin si Devon at Roxanne sa garden? 🤣
Tumaas ang kilay ni Roxanne na makita ang screenshot. "Oh? At sure ka ba talagang ako ang may gawa n'yan?" "Oo dahil mayroon din akong nakuhang recording!" Giit pa ni Jameson at kaagad na binuksan ang audio file para mapakinggan nito. Matapos ito marinig ni Roxanne, natawa lang siya dahil alam niya sa sarili na hindi siya gumagawa ng kahit anong bagay para sirain si Jameson, dahil nagkusa si Devon na ilabas ang mga litrato para tulungan siyang makatakas sa asawa. "Ang galing mo namang kumuha ng ebidensya. Peke pa talaga? Tsk." Napailing siya sa kahibangan nito para idiin siya. "Hindi ako nag-iimbento, Roxanne. At huwag ka ng mag-deny dahil alam kong galit ka sa'kin at gagawin mo ang lahat para maghiwalay tayo!" Aniya. "Gagawin ang lahat? How dare you?? Hindi ako tulad mong desperado! Ikaw itong tarantadong gagawin ang lahat para masunod ang gusto mo. Kung ako ang dinidiin mong naglabas ng kataksilan niyo ni Savannah, sana noon pa, sira na kayong dalawa!" Kumukulo ang dug
"At mapapatay mo ba talaga ako??" Mayroong panghahamon sa boses ni Jameson. Ngumisi si Devon na biglang kinalabit ang gatilyo at nanlaki ang mga mata ni Jameson dahil sasabog ang kanyang utak kapag naiputok nito ang baril. "Boom!" Pang-aasar ni Devon at natawa siya ng nakakaloko sa reaksyon ng kapatid. Napipikon si Jameson na pinagtitripan lang pala siya nito. "Gago ka! Walang nakakatawa!" Bulyaw niya. "Takot ka naman pala." Hirit pa ni Devon, ibinalik nito sa kanyang bulsa ang baril. Habang nasa gilid si Roxanne na sinapo ang kanyang noo, pati siya ay kinabahan na baka ipaputok ni Devon ang baril sa ulo ng kapatid. "Huwag mo akong sinisindak, Devon dahil baka maunahan kita." Giit ni Jameson at tumalikod, tinapunan niya rin muna ng tingin si Roxanne bago tuluyang umalis. "Roxanne, okay ka lang ba?" Pag-aalala ni Devon, napansin niyang namumutla ito. "O-oo, okay lang tsaka bakit ba tinakot mo ng ganoon ang kapatid mo. Loko ka rin, eh." Suway ni Roxanne. "Hangga't hindi
Nalukot ang mukha ni Madame Julie na pati siya ay sinisisi nito. "Jameson! This is all your fault and you shouldn't blame anyone but yourself!" Minsan lang magalit si Madame Julie dahil palagi nalang siyang umiintindi sa kanyang anak. Si Jameson lamang ang kanyang laging inaabala dahil si Devon ay matino na at may desisyon na sa buhay. Umismid naman si Jameson na hindi pa rin matanggap ang pagkakamali niya. "Mom! This will not happened if Devon didn't interfere with my life! He stole everything from me even my wife!" "Walang kasalanan ang kapatid mo. Hindi mo dapat siya sinisisi sa kasalanan mo." Dikta pa ng ina niya. Patuloy pa rin na nagwawala si Jameson hanggang sa nagkaroon ng malalim na sugat ang kanyang braso. Nasugatan siya ng basag na salamin. Sobrang nataranta si Madame Julie at agad na nagpatawag ng doctor para tingnan ang sugat ng anak. *** Kinabukasan, nagising si Jameson na naramdaman ang mahapdi niyang sugat na binendahan ng doktor. Nahihilo rin siya matap
Kumunot ang noo ni Devon kung bakit bigla nalang siyang tinawagan ng matanda para lang itanong iyon. "Grandma, may meeting ako ngayon. Pwede bang mamaya nalang??" Medyo kinakabahan din si Devon dahil baka may ginawa na naman si Jameson na katarantaduhan at dinadamay ang kanyang pangalan. "Sige, pumunta ka mamaya sa mansyon." Huling sabi ni Lola Ofelia at pinatay ang tawag. Pagkaputol ng tawag, tinawagan agad ni Devon si Secretary Kenneth para utusan ito para alamin kung anong ginawa ni Jameson. Bumalik din agad si Devon sa conference room para tapusin ang meeting. Mahalaga itong meeting kaya hindi siya maaring umalis. *** Pagsapit ng alas otso ng gabi, nagpunta si Devon sa mansyon ng matanda pagkatapos ay sa bahay ni Jameson at doon niya ito kinausap. "Sinisiraan mo na ako? Para ano? Dahil ba takot kang mapasakin si Roxanne??" Walang reaksyon ang mukha ni Jameson na nakaupo sa couch habang umiinom ng alak. "Oo, takot ako pero hindi kaayo maaring magsama. Kahit maghiwalay
"Ano ang mga ito??" Seryosong tanong ni Jameson na hindi masyadong maaninag ang mga nakasulat sa papel dahil sa kalasingan. "Wala ka ng pakialam! Ibigay mo ang phone ko!" Sinugod ni Roxanne ang lalaki at nilalayo doon sa mesa. "Roxanne, kumalma ka nga! Gusto kong mag-usap tayo ng maayos." Seryosong sabi ni Jameson at hinila siya para maupo. "Wala na nga akong balak na makipag-usap sayo. Ba't ba ang tigas ng ulo mo!" Sigaw ni Roxanne at nauubusan na ng pasensya. "Please, pakinggan mo muna ako." Pagmamatigas ni Jameson at nakatayo sa kanyang harapan. "Gusto kong ipaalam sayo na tatalikuran ko na ang pamilya ko at magsisimula ako ulit sa sarili kong kakayahan." Napanganga si Roxanne at pinagtaasan siya ng kilay. "Tapos?? Anong kinalaman ko sa mga plano mo?" Napabuntonghininga si Jameson na lumuhod bigla sa kanyang harapan. "Gusto kong magsimula ulit ng kasama ka. This time, I'll make everything right. I promise." Pakiramdam ni Roxanne ay para siyang binabangungot ngayon at g
Nagmamadali ngayon si Devon na pumasok sa kanyang sasakyan at mabilis niya nitong iminaneho sa daan. Dumaan ang ilang minuto, nakarating na rin sa wakas si Devon sa apartment ni Roxanne. "Roxanne? Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. "Devon, kailangan ko ng lumipat ng ibang bahay dahil nagagawa ni Jameson na sundan ako." Nababalisang sabi ni Roxanne. "Pinasok niya rin itong apartment mo?" Bakas sa boses ni Devon ang galit. "Oo, at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok pero paniguradong may binayaran siyang tao rito." Parang maiiyak si Roxanne sa takot na wala siyang privacy mula sa malupit na asawa. Sinapo ni Devon ang kanyang noo, kung nandirito pa si Jameson ay tiyak na masusuntok niya ito sa mukha. "Sige, ako na ang bahala na maghanap ng malilipatan mong mas safe na lugar. Bukas na bukas, lilipat kita agad." Nanatili muna si Devon ng ilang minuto sa kwarto ni Roxanne para samahan ito at para pakalmahin. Nang makatulog na si Roxanne, nagpatawag siya ng body
Sa sobrang pagkabigla ni Roxanne, nawalan siya ng malay at mabuting may sumalo sa kanya at idinala siya kaagad sa hospital. Nang magising siya, natagpuan niya ang nag-aalalang mukha ni Devon. At agad na napakayakap si Roxanne sa lalaki. Napaiyak siya na maalala ang mukha ni Jameson na nakita niya kaninang nabangga ng itim na sasakyan. "Si J-jameson...." Naiiyak siyang bigkasin ang pangalan nito. Napapikit si Devon na siya ring nag-aalala sa kalagayan ng kapatid dahil natagpuan niya rin ito kanina na duguan sa kalsada. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Aniya. Mayroon namang pumasok sa ward at ito ay si Madame Julie na namumugto ang mga mata kakaiyak dahil sa sinapit ng anak. "Anong ginawa mo sa anak ko, Roxanne?!" Galit niyang tanong. Akma niyang susugurin si Roxanne pero pinigilan siya ni Devon. "Mom! Don't blame her!" Nang dahil sa silakbo ng damdamin, nasampal ni Madame Julie si Devon. "How dare you! Nag-aagaw buhay ang kapatid mo ngayon
Nagulat si Roxanne sa mga nalaman mula sa pulis at hindi siya naniniwala na isa iyong aksidente. "Sir, dumeretso ang sasakyan na iyon sa aking direksyon. Sinasadya iyong mangyari at may gustong magtangka sa aking buhay." "Isa po ito sa mga anggulo na aming tinitingnan ma'am at maari po ba naming matanong kung mayroon po ba kayong nakaaway na mga tao na posibleng gumanti sa inyo?" Napalunok ng kaway si Roxanne at alam niya na kung sino ang kanyang kaaway pero hindi niya ito magagawang ituro. "W-wala naman po." Matapos ang ilang minuto, umalis na ang mga pulis at naiwan si Roxanne na nagpapahinga sa kanyang kama, at mamayang hapon ay maari na siyang umuwi. Ngunit hindi niya pa magagawang umuwi ngayon dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Jameson. Nagulat din siya na malaman na posibleng hindi na ito muling makapaglakad. "Roxanne, huwag mo muna siyang alalahanin. Nasa pangangalaga siya ng doktor at mas mainam na unahin mo muna ang sarili mo. Ipapaalam ko rin agad sayo kapag nagisi
Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig ni
Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—pa
Hindi na pinagtuunan pa ni Roxanne ang usapan at ipinagpatuloy ang naunang paksa. Matapos ang ilang sandaling pag-uusap, pinag-isipan ni Devon at sa huli ay nagdesisyong mamuhunan sa dating pinagtatrabahuan ni Roxanne.At pinapaalala niya sa sarili na hindi na siya si ROXANNE na kinalimutan ng lahat, siya na ngayon si PARIS at may kakaunting pagbabago sa kanyang hitsura kaya hindi siya masyadong makilala.Lagpas alas-diyes na ng gabi nang matapos ang salu-salo. Sina Paris at ang kanyang mentor ay inihatid sina Devon at ang iba pang mamumuhunan sa harap ng hotel.Ang sekretaryong kasama ni Devon sa pagkakataong ito ay si Chris. Na-recruit siya sa Pharmanova apat na taon na ang nakalilipas at personal na sinanay ni Secretary Kenneth. Ang estilo niya sa trabaho ay halos pareho ng kay Secretary Kenneth.Habang pauwi, hindi naiwasan ni Secretary Chris ang mapabuntong-hininga. “Ang ganda at ang galing ni Miss Paris. Siguradong maraming nanliligaw sa kanya!”Nagbabasa si Devon ng dokumento a
Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige
"Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J
Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin
Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis