Share

CHAPTER 4-CRUEL

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-06-24 20:57:23

"Bitawan mo ako!" Nasasakal si Roxanne na pinipilit ng kanyang asawa na makipagtalik.

Tinanggal ni Jameson ang tapis niyang tuwalya at nang makita ang kanyang mga dibdib ay pinaghihimas niya ito. Sumagi ulit sa isipan ni Roxanne ang eksena ng kanyang asawa na nakikipagtalik sa sekretarya.

Naluluha na siyang tinutulak ito ng malakas. "Jameson! Tumigil ka na!"

Hinawakan din ni Jameson ang kanyang pagkababae ngunit wala siyang maramdamang sensasyon at ibang-iba ito sa ginawa ni Devon na marahan itong pinaglalaruan, na parang dinala siya kaulapan.

"Jameson, tama na sabi!" Naiiyak niyang banggit sa pangalan ng asawa na ayaw tumigil. Gigil na gigil itong bumawi pero kahit anong gawin niya ay nandidiri si Roxanne dahil sa pagtikim nito sa ibang putahe.

Nanigas si Roxanne na pinatungan ng desperadong asawa na sinusubukang ibalik ang init ng kanilang pagmamahalan. Ngunit sa mga oras na ito, nakita ni Jameson ang takot sa mga mata niya at alam niyang hindi siya nito madaling mapatawad.

"Ano ba ang magagawa ko para mapatawad mo ako?" Seryoso tanong ni Jameson habang tinitigan siya sa mata.

"Hinding-hindi kita mapapatawad." Pagdidiin ni Roxanne at uminit ang ulo ng lalaki na marinig ito.

Napatayo sa kama si Jameson at nagbihis. Lumabas ito at padabog na isinara ang pinto. Nanatiling nakahilata si Roxanne sa kama na nakatulala sa kawalan, natatakot na baka makulong sa ganitong buhay.

Naiiyak siyang nagbihis at nakikita niya rin ang malaking wedding picture nilang mag-asawa na nakadikit sa dingding. Mas lalo siyang napapaiyak dahil naaalala ang mga masasayang araw na hindi na muling maibabalik.

Sa mga sumunod na araw, mapag-isa si Roxanne sa mansyon dahil nag-business trip si Jameson sa Singapore. Habang wala siya ay dumiskarte si Roxanne na maghanap ng trabaho dahil balak niyang magpakalayo-layo kapag mayroon na siyang ipon. Hindi kasi siya mahilig manghingi ng pera sa asawa kahit mayaman ito.

Kasama niya ngayon si Grace na tinutulungan siyang maghanap ng trabaho sa bayan, "May natapos ka namang kurso kaya magagamit mo ang diploma mo. Puwede ka nga mag-apply bilang isang sekretarya ng kompanya eh."

"Puwede naman pero kailangan kong umiwas sa mga lugar na maari niya akong makita. Mas mabuti pa nga mag-abroad kaagad ako, puwede nga sa Japan." Nagbabalak na siyang tumakas habang mas maaga pa pero nag-aalala siya na baka susundan siya ni Jameson.

"Ikaw bahala besh. Basta support kita kahit anong plano mo. Ang problema lang sa ngayon is papaano mo hihiwalayan ang lalaking 'yon?"

"Magpapatulong ako sa korte. May laban ako dahil nakiapid siya sa iba at may malaki akong tyansa na manalo." Naniniwala si Roxanne na papanig sa kanya ang hustisya.

Isang gabi, habang nag-iimpake siya ng gamit ay biglang dumating si Jameson. Ngayon lang sila ulit nagkita matapos ang apat na araw.

"Tingin mo hahayaan kitang lumayas?" Matalim ang tingin ni Jameson habang hinuhubad ang kanyang necktie.

"Ano namang gagawin ko dito tumunganga? Tsaka nandito ka rin naman, pirmahan mo na ito para tapos ang usapan." Inilabas ni Roxanne ang divorce agreement paper at ipinatong ito sa mesa.

Kinuha naman ito ni Jameson at pinagpupunit, "Sinabi ng ayaw ko! Mabuti pang magbihis ka na dahil pupunta tayo sa Valencia."

Naalala naman ni Roxanne na araw ito kung saan ay may family dinner ang buong pamilya Delgado sa kanilang mansyon taon-taon.

"Ayaw kong sumama, baka gagawa lang ako ng eskandalo doon." Nagpatuloy siya sa pagtutupi ng damit at isinilid sa maleta.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Roxanne. Pagsisisihan mo kung ginalit mo ako." Pananakot nito at pinagkakalat ang kanyang tinuping damit.

"Balak mong lumayas? At saan ka matutulog? Sa kalsada? Alalahanin mo wala kang kakayahang buhayin ang sarili mo. Umaasa ka lang sa akin at kung wala ako matagal ka ng namatay sa gutom!" Dikta ni Jameson.

Kumuyom ang mga kamao ni Roxanne sa narinig niya. "Baka nakakalimutan mong ako rin ang bumubuhay sa ama mong nasa hospital. Kaya mo bang bayaran ang milyon-milyon na bayarin ng pasyente? Kaya mag-isip ka ng mabuti dahil hindi mo kilala ang binabangga mo."

"Tama ka nga, hindi ko alam na isa ka palang demonyo!" Sigaw ni Roxanne at nakatanggap siya ng isang malakas na sampal.

"At ngayong alam mo na kung sino ako. Mag-umpisa ka ng magdasal dahil impyerno ang aabutin mo kung hindi ka susunod sa mga gusto ko." Nagdulot ito ng takot kay Roxanne dahil ang lalaking mala-anghel na nakilala niya noon ay unti-unti ng nagpakita ng sungay at mahihirapan siyang putulin ang mga ito.

"Please, bitawan mo na ako. Maghanap ka nalang ng ibang babaeng matitiis ang kasamaan mo. Maawa ka sa'kin may mga pangarap pa akong gustong tuparin na matagal mo ng hinahadlangan." Sinubukan ni Roxanne na magmakaawa pero wala siyang makikitang awa sa mga mata nito.

"Tigilan mo ako, Roxanne. Balak mo lang kunin ang yaman ko pero hindi ako makakapayag." Isip ni Jameson na iniisahan siya ni Roxanne dahil kapag nagkataon na maghiwalay sila ay mahahati ang kanyang yaman.

"Hindi ako mukhang pera katulad mo! Wala akong ibang hinahangad kung hindi ang kalayaan ko kaya bitawan mo na kasi ako!" Nanggagalaiti na si Roxanne dahil sa katigasan ng lalaki.

Biglang kinuha ni Jameson ang phone niya sa bulsa at may tinawagan, "Hello? This is Jameson Delgado, I would like to cut the payment for my father-in-"

"Jameson!" Pinigilan siya ni Roxanne na naluluhang napailing na huwag idamay ang kanyang ama na nasa kritikal pa rin na kondisyun matapos magkaroon ng lung cancer.

"At hahamunin mo pa ako? Roxanne, hindi ako nagbibiro. Kung magmamatigas ka, magmamatigas din ako." Ipinakita ni Jameson kung gaano kalakas ang kanyang impluwensiya. Napahakbang siya papalapit kay Roxanne na nanginginig sa galit.

"Wala ring saysay kung lalayakas ka dahil kahit saan ka magpunta, masusundan kita." Hinawakan niya ang pisnge ng asawa at hinaplos.

"Kaya honey. magbihis ka na dahil may pupuntahan pa tayo." Pag-uulit nito tsaka iniwan siya para makapaghanda.

Parang mawawalan ng malay si Roxanne dahil sa nasaksihang kasamaan ng asawa na magagawang idamay ang mga mahal niya sa buhay.

Napaupo siya ngayon sa harapan ng salamin at inaayos ang sarili. Tinatakpan niya ng make-up ang kanyang namumulang pisnge habang malungkot ang kanyang mga mata na laging may namumuong luha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 118

    Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod si Drake at umalis. Pinanood siya ni Cassie habang papalayo, bahagyang nanlilim ang mga mata.Hindi niya inakala na magiging ganoon kahirap lapitan si Drake sa kabila ng pagpapapansin niya.Maya-maya, dumating na ang elevator.Pumasok si Roxanne at nakita si Cassie na nakatayo pa rin sa labas ng pinto. “Team Leader Cassie, hindi ka pa ba aalis? Hindi mo ba sinabi kanina na may data kang gustong pag-usapan sa akin?”Ibinaling ni Cassie ang tingin sa sahig. “Hindi ba’t sabi mo rin na pupuntahan mo ako sa oras ng trabaho? Tsaka, magpa-deliver na lang po ako ng pagkain.”Tumango lang si Roxanne at hindi na siya pinigilan. “Sige, paalam.”Pagkatapos kumain sa ibaba, ipinabalot ni Roxanne ng pansit para kay Drake. Pagbalik niya sa opisina, nadatnan niyang nakaupo si Drake sa upuan nito, tulalang nakatitig sa kawalan. Hindi nito namalayang papalapit na siya hanggang sa marinig ang kanyang mga yabag at agad itong natauhan at lumingon.Ibinaba ni Roxanne ang p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 117

    Kung muling may gawin si Miles kay Roxanne hindi niya ito palalampasin. Ngayong pwede nang mamuhay nang tahimik ang pamilya nilang tatlo, hindi niya hahayaang may sumira pa nito.Kinabukasan ng umaga, pagkagising at matapos maghilamos ni Roxanne, napansin niyang nawala na ang mga paltos sa kanyang dila na nasunog kagabi, pero may kaunting pamumula at pamamaga pa rin. Sa tingin niya, dalawang araw na lang ay tuluyang gagaling na ito.Pagkababa niya, nadatnan niyang kumakain ng almusal si Devon. Narinig siya nito at agad na lumingon, at nagtagpo ang kanilang mga mata.Napangiti si Roxanne, medyo hindi komportable. "Good morning.""Magandang umaga. Kumusta na ang dila mo?"Natakot si Roxanne na baka siya pa mismo ang maglagay ng gamot kaya agad niyang sinabi, "Gumaling na, hindi na kailangang lagyan ng gamot."Napangiti si Devon, "Takot ka ba na ako ang maglalagay ng gamot sa'yo?""Hindi naman, gusto ko lang sabihin na talaga namang gumaling na ito, at ayoko nang abalahin ka pa." Matigas

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 116

    Napahinto si Roxanne saglit, at sa gulat niya ay kusa siyang kumawala, kaya binitiwan na siya ni Devon."Umupo ka sa sofa."Habang nakatingin sa pamahid na nasa kamay na ni Devon, bubuka pa sana ang bibig ni Roxanne para magsalita, ngunit naunahan siya ni Devon at nagsalita ito, “Kapag tumanggi ka pa, ako na mismo ang magbubuka ng bibig mo.”Sa ilalim ng titig ni Devon na walang puwang sa pagtutol, napayuko si Roxanne at napilitan na lang sumunod.Pagkaupo niya sa sofa, dumungaw mula sa itaas ang mahinang boses ni Devon, “Tingala ka, ibuka mo ang bibig mo.”Sumunod si Roxanne sa utos, ngunit sa mismong sandaling itinaas niya ang ulo, nagtagpo ang kanilang mga mata.Sa sandaling iyon, tila bumilis ang tibok ng kanyang puso.Agad niyang iniiwas ang tingin, at hindi niya namalayang napakuyom ang kanyang mga kamay sa gilid, pilit pinapakalma ang sarili.Hinawakan ni Devon ang kanyang baba, at narinig niya ang mahinang tinig nito sa kanyang tainga, “Ibuka mo ang bibig mo.”Dahan-dahang ibin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 115

    Tinitigan ni Roxanne ang likod ni Devon. Para bang nasunog ng apoy ang bahagi ng balat niya kung saan dumampi ang kamay ng lalaki. Kumalat ang init na iyon hanggang sa kanyang puso.Makaraan ang ilang segundo, ibinaling niya ang tingin at inilabas ang dalawang mangkok ng pansit.Naghugas ng kaldero si Devon at lumabas. Nakita niyang nakaupo si Roxanne sa hapag-kainan, nakayuko, tila malalim ang iniisip. Lumapit siya at naupo sa tapat nito.“Bakit hindi ka pa kumakain?”Tumingala si Roxanne at sa mismong sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, agad niya itong iniwas. “Hinihintay lang kita para sabay tayong kumain.”Pagkasabi niya niyon, yumuko siyang muli at kumuha ng pansit gamit ang tinidor at isinubo.“Dahan-dahan lang, mainit pa yan.”Binalaan siya ni Devon pero huli na. Nang dumampi ang mainit na pansit sa kanyang dila, napangiwi si Roxanne. Naramdaman niya ang hapdi sa kanyang dila kaya dali-daling niluwa ang kinain.Kasunod niyon, isang malamig na kamay ang humawak sa kanyang b

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 114

    Mula sa malayo, nakatanaw ang ina ni Drake na puno ng galit ang kanyang mga mata. Sa ganda ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Drake, paano siya magiging dukha?Plano lang niya talagang pabayaan ang pamilya na mamatay nang walang tulong!Sa harap niya ay nakaupo ang isang lalaking nasa edad kuwarenta, bulag ang isang mata, may peklat sa pisngi, matalim ang mga kilay, at mukhang nakakatakot.“Sigurado ka ba na bibigyan mo ako ng dalawampung libong piso kung mahuli ko siya?”Gigil na sagot ng ina, “Oo naman! Pag nakuha ko na ang pera mula sa dote na tatlong daang libo, bibigyan kita ng beinte mil.”Ngunit nang marinig ito, ngumisi nang may panunuya ang lalaking may peklat. “Tatlong daang libo, tapos ako bente mil lang? Hindi ba’t masyadong lugi naman ako?”Hindi niya inaasahan na magbabago ng isip ang kausap sa huling sandali. Nagtumigas ang mukha ng babae. “Hoy, huwag mong subukang humingi ng mas mataas. Alam mong gagamitin ko ang pera para iligtas ang anak ko. Pinagsasamantalahan mo ang

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 113

    Nang makita niyang iniiwasan ni Reign si Cassie, naintindihan naman ni Roxanne na naiilang ito. “Sige, gets ko na.”Natapos ang eksperimento bandang alas-siyete ng gabi.Matapos ayusin ang mga kagamitan at ang mesa, papauwi na sana si Roxanne nang dumating si Cassie dala ang isang bungkos ng pagkain.“Miss Roxanne, napagod kayo sa eksperimento. Dinalhan ko po kayo ng pagkain.”Nagulat si Roxanne at tinaasan niya ng kilay si Cassie. “Team, bakit ang bait mo naman bigla?”Magkakilala na sina Reign at Cassie noon pa man, kaya dumiretso ito sa pinto. “Miss Cassie, talagang maalalahanin ka pa rin.”Noon, tuwing may gabing pagod sila sa eksperimento, binibilhan din sila ng pagkain ni Cassie. Hindi niya inakala na kahit magkaibang grupo na sila ngayon ay dadalhan pa rin sila nito.May ngiti sa labi ni Cassie. “Siyempre, todo kayod kayo sa proyekto. Bilang project leader, responsibilidad kong ayusin ang logistics para sa inyo.”Dahil bawal kumain sa laboratoryo, dinala ni Cassie ang pagkain sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status