Share

CHAPTER 5-DINNER

Penulis: Leigh Obrien
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-24 21:00:52

Matapos makapaghanda ni Roxanne, bumaba na siya ng hagdan at nasa ibaba si Jameson na naghihintay. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Simple lamang ang suot niyang pulang dress ngunit ang elegante ng kanyang hitsura. Inalalayan din siya ng asawa na binuksan ang pintuan sa front seat.

"I'm very sorry, hon. Hindi kita gustong saktan pero ayaw kong mawala ka sa tabi ko, kaya please, huwag kang aalis." Paumanhin ni Jameson at kinuha ang palad niya para halikan pero kaagad binawi ni Roxanne ang kamay.

Nanahimik lang si Roxanne at magtitiis muna dahil hindi pa siya makakatakas sa ngayon. Naghihintay din siya ng update kay Grace na tinutulungan siyang maghanap ng maari niyang pasukang trabaho sa Japan.

Sa gitna ng pagmamaneho ni Jameson, napansin niyang nakatutok si Roxanne sa phone na parang may ibang kausap kaya bigla niya itong hinablot.

"Ano ba!" Nagulat siya at sinubukan itong kunin.

Nabasa ni Jameson ang mga text ni Roxanne sa kaibigan, "Balak mong mag-japan? Ano trabaho mo doon? Magbenta ng katawan?" Pang-iinsulto niya.

Napangisi si Roxanne sa kaniyang naisip, "May respeto naman ako sa sarili ko kaya hindi ko magagawang magbenta ng laman. Eh, ikaw nga itong walang dignidad na kahit sekretarya pinapatulan." Pambabanas niya.

"Shut up!" Napipikon naman si Jameson sa talas ng dila niya kaya tinigilan niya ng inisin ito.

Dumaan ang ilang minuto, narating nila ang mansyon ng pamilya Delgado na kung saan ay nagtitipon ang mga mayayaman. Isa si Jameson Delgado na ipinagmamalaki ng pamilya dahil nagmamay-ari ito ng isa sa pinaka malaking pharmaceutical company sa bansa. Isinasama niya naman si Roxanne na hindi komportable sa mga ito, hindi niya alam kung bakit pero hindi siya komportable sa pamilya ng asawa lalo na sa kanilang lolo.

Sa pagparada ni Jameson ng sasakyan, nagulantang sila ng biglang may umarangkada na itim sasakyan sa harapan na muntik na silang mabangga. Nakita ni Roxanne ang galit na reaksyon ng asawa na mabilis na lumabas.

"Devon!" Sigaw nito at nanlaki ang mata ni Roxanne dahil nakita niya rin ang lalaking lumabas sa tapat.

Naisip ni Roxanne na manatili lang sa loob dahil hindi niya alam kung anong mukhang ihaharap matapos ang nangyari sa kanilang dalawa ni Devon.

"What's up? Brother." Sarkastikong bati ni Devon sa nakababatang kapatid.

"Wala akong maalala na may kapatid akong sinto-sinto." Inis na sabi ni Jameson tsaka lumingon sa sasakyan at hinihintay si Roxanne na lumabas.

Walang magawa si Roxanne kung hindi sumunod sa labas at inuyuko ang ulo dahil sa matinding kahihiyan. Napansin naman ni Jameson ang malalagkit na mata ni Devon sa asawa.

"Stop staring at my wife." Suway ni Jameson ngunit hindi siya pinansin ni Devon na sinundan ng tingin ang babae.

Nagpatuloy silang pumasok sa loob at napatingin ang lahat kay Devon na nakakapukaw pansin dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Ngunit mailap siya sa mga tao, at parang may sarili siyang mundo.

"Huwag kang didikit sa lalaking 'yun." Habilin ni Jameson habang ipinaupo si Roxanne sa kaliwang table na malayo kay Devon.

Naiinis si Roxanne sa ikinikilos ng asawa niyang nababahala sa presensya ng kapatid. "Bakit ba? Ikaw nga itong mismong dumidikit sa mga higad."

"Manahimik ka, Roxanne. Huwag na huwag kang gagawa ng eskandalo dito." Babala ni Jameson at inirapan siya ng babae.

Nakihalubilo si Jameson sa ibang tao at naiwan si Roxanne sa table na nakatingin sa masasarap na pagkain ngunit wala siyang ganang kumain.

"Roxanne." Napalingon siya ng tawagin ni Madame Julie, ang ina ng magkakapatid.

"Good evening po." Napatayo si Roxanne at nagbigay galang. Naiilang siya sa babae ngunit magaan naman ang loob niya dito dahil mabait itong makitungo.

"Natutuwa akong makita ka ngayong gabi. Halika, nandoon si mama at papa. They'll be happy to see you." Dinala naman siya nito sa table na nakaupo ang mga matatanda.

Nakaupo rin doon si Devon na hindi mapigilan na mapatingin kay Roxanne na nagmamano sa matatanda. Lumapit din si Jameson sa direksyon niya tsaka bigla siyang hinawakan sa beywang na parang gustong ipakita sa lahat na pagmamay-ari siya nito.

"Mabuti pa ang kapatid mo, Devon. Mayroong sariling kompanya at magandang asawa. Baka magkaroon na rin sila ng anak. Ikaw anong plano mo sa buhay? Nasa trenta ka na pero hindi ka pa rin nakakapag-asawa." Sabi ni Grandpa Gerald at napahiya si Devon sa harapan ng mga bisita.

"Bihira ka lang makakita ng magandang babae tulad ni Roxanne na mula pa sa probinsya," Dagdag pa ng matanda at nakaramdam ng hiya si Roxanne dahil bigla silang nagtatawanan at sumabay pa si Jameson.

Ngunit natahimik sila dahil biglang nagsalita si Devon, "Hindi lang siya maganda, perpekto siyang asawa."

Napakurap si Roxanne na napatingin sa kanya habang napansin ni Jameson ang kakaibang pagtitig ng kapatid na nagdulot sa kanyang makaramdam ng matinding selos.

"S'yempre naman kaya ang swerte kong lalaki dahil siya ang napangasawa ko." Pagmamalaki ni Jameson at biglang hinalikan si Roxanne sa harapan nila. Nagpapanggap na parang wala silang problema.

Kung wala lang sanang madadamay ay ibubunyag ni Roxanne ang totoo ngunit ang tanging magagawa niya sa ngayon ay mag-antay ng oportunidad na makatakas.

"Maghanap ka dapat ng ganyan kagandang babae pero 'yung galing naman sa mayamang pamilya." Suhestiyon ni Auntie Diana na noon pa ay hindi boto kay Roxanne.

"Hindi naman nasusukat sa yaman o hitsura ang halaga ng tao, what I'm looking for a woman is someone with a golden heart." Seryosong sabi ni Devon, napapagod na makinig sa kanilang pandidikta sa kung anong katangian ang hahanapin niya sa babae.

"You have to be practical, Devon. You need a rich wife who will save your crumbling company. Hindi ka na puwedeng umasa sa amin dahil matanda ka na." Naiinis na sabi ni Grandpa Gerald.

"Is that why you married Grandma because she came from a rich family?" Sarkastiko tanong ni Devon at uminit ang ulo ng matanda.

"Your getting on my nerves again!" Suway ng matanda at pinakalma siya ng asawa.

"Bakit ako ang laging pinag-uusapan dito? Pansinin niyo naman ang magaling niyong apo." Parinig ni Devon kay Jameson.

"Mas mabuti pa nga. Kaya kailan ang balak niyong magka-anak, Jameson? Huwag niyo na sana ng patagalin dahil malapit na kami sa finish line." Pagbibiro ng matanda.

Natatawa naman si Jameson na hinawakan ang kamay ni Roxanne sa ilalim ng mesa, "Mapagbiro ka talaga, Lolo. Well, me and my wife are planning to have a baby this year. Diba honey?" Pagbabahagi niya habang pinipisil ang kamay ni Roxanne.

"Totoo ba iyon, Roxanne? Nakakatuwa naman!" Masayang sabi ni Madame Julie na matagal ng naghahangad na magkaroon ng apo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 130

    Pagkadikit pa lang ng tawag, narinig agad ang takot na tinig ni Diana, “Devon, biglang nawalan ng malay ang matanda at ngayon ay nasa ospital para sa agarang gamutan. May mahalaga akong meeting para sa isang kasunduan mamaya. Pwede ka bang pumunta ngayon?”Pagkabigay ni Diana ng address ng ospital, agad ibinaba ni Devon ang tawag. Wala pang kalahating oras ay dumating na si Devon sa ospital.Nang makita siya ni Diana, napabuntong-hininga ito at dali-daling lumapit, “Devon, nasa emergency room pa si Emmanuel. Malapit na ang oras ng meeting ko sa partner ko. Aalis na muna ako.”Mabilis na umalis si Diana, at muling tumahimik ang pasilyo.Sumunod si Secretary Kenneth sa kanya at nagtanong, “Boss, ipapaalam ba natin ito kay Roxanne?”Si Emmanuel ay ama ni Roxanne, at ngayon ay nasa emergency treatment. Paano kung may masamang mangyari. Naalala ni Devon ang malamig na pakikitungo ni Roxanne kay Emmanuel, kaya’t dumilim ang kanyang mukha. “Huwag muna. Pag-usapan na lang natin 'yan sa susunod

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 129

    Pagbalik sa kompanya, si Roxanne ay naghahanda na sana para sa kanyang tanghalian nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Zach."Roxanne, subukan mong gawin ang mga lab reports mo sa oras ng trabaho simula ngayon." Nagulat si Roxanne."Bakit? Hindi ba’t ang mga guro at mga staff sa laboratoryo ang gumagawa ng mga eksperimento sa oras ng trabaho?""Sabi ni Devon, dadalo rin siya sa mga susunod na ulat tungkol sa progreso ng laboratoryo at inutusan kami na i-schedule ito sa oras ng trabaho."Doon lamang naintindihan ni Roxanne na malamang si Devon ang nag-request noon para sa kanya. Pero kung babaguhin ang oras ng report para lang sa kanya, maaantala naman ang mga eksperimento ng iba.Iniisip ito, mahina niyang sabi, "Kuya Zach, kakausapin ko si Devon tungkol dito at titingnan kung puwede pang i-adjust ang oras.""Huwag mong pilitin. Ikaw at si Devon, marami na kayong pinagdaanan. Hindi ba sabi mo ayaw mo nang magkaroon ng maraming kontak sa kanya?"Noong iminungkahi ng manager n

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 128

    Nang marinig ang kakaibang tono sa boses ni Grace, agad na nagtanong si Roxanne, "May nangyari ba? Anong problema?""Sa personal na lang natin pag-usapan. Magkita tayo malapit sa kompanya mo mamayang tanghali."Matapos magkasundo sa oras at lugar, agad na ibinaba ni Grace ang tawag."May nangyari ba? Ang seryoso ng mukha mo."Umiling si Roxanne. "Hindi ko rin alam. Nagpasabi si Grace na magkita raw kami mamaya."Sa tono nito, halatang may mahalagang bagay itong sasabihin.Biglang dumilim ang ekspresyon ni Devon habang nakatitig sa gilid ng mukha ni Roxanne. Mahinang bulong niya, "Roxanne, tutulungan ko ang pamilya ni Grace na makabangon. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong magsimula ulit. Pwede ba?"Napakagat-labi si Roxanne. Gusto sana niyang pagalitan si Devon sa pagsasamantala sa sitwasyon, pero naalala niyang wala namang kinalaman si Devon sa sinapit ng pamilya ni Grace. Oo, pwede niyang gamitin ang damdamin nito para matulungan sila, pero magiging hindi patas iyon para sa kanya.Bu

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 127

    Nang maramdaman niya ang mainit na mga daliri ni Devon na humahaplos sa kanyang buhok, hindi niya napigilan ang pag-ipit ng mga kamay niya sa ibabaw ng mesa at ang paninigas ng kanyang katawan."Kung gano’n, ako na lang ang gagawa."Aalis na sana siya nang bigla niyang maramdaman ang kamay ni Devon sa balikat niya."Ako na ang bahala."Mahinahon ang kanyang boses, pero may kapangyarihang hindi kayang tanggihan. Pinag-ipit ni Roxanne ang kanyang mga labi at hindi na nagpumilit pa. Bigla, ang tanging maririnig sa kwarto ay ang ugong ng hair dryer.Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, tumigil na rin sa wakas ang hair dryer sa kanyang likuran."Ayan, tingnan mo."Hinaplos ni Roxanne ang kanyang buhok. Makinis at tuyo na ito. Pagharap niya kay Devon ay sinabi niya, "Salamat."Tinapunan siya ng tingin ni Devon. Bahagyang tumigil ang kanyang mga mata sa suot nitong V-neck na pajama bago agad iniiwas ang tingin."Halika na, bumaba na tayo at kumain.""Huwag na. Gabi na. Hindi na ako kakain."

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 126

    Magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan, at kalahating basa na ang suit ni Devon. Bukod pa roon, hubo’t hubad na siya ngayon. Sa pag-alala lang sa eksenang iyon, labis na napahiya at nagalit si Roxanne.Kung alam lang niya na si Devon pala ang nasa labas, hinding-hindi niya ito pinahintulutang kunin ang kanyang pantulog.Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at hindi namalayang tinulak siya palayo. Ngunit bago pa siya tuluyang makatakas, may mababang boses na narinig siya sa uluhan, "Gusto mo bang madapa ulit?"Napahinto si Roxanne at napayuko. "Bitawan mo muna ako… nakatayo naman ako nang maayos," mahina niyang tugon.Ibababa ni Devon ang tingin at tinitigan siya. Bahagyang nakatungo ang babae, namumula ang mukha, at ang kanyang basang buhok ay patuloy pa ring tumutulo ng tubig. Magkadikit pa rin ang kanilang katawan, at ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib ay nagbibigay ng mga hindi kanais-nais na imahinasyon.Hindi niya alam kung gaano siya kaakit-akit sa mga sandaling iyon.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 125

    Umiling si Henry. "Hindi, nalulugi na ang kompanya ni Grace. Imbes na ibenta ko ang mga shares ko at mawalan ng pera, mas pipiliin ko pang magsumikap para maging presidente ng kompanya nila at tulungan siyang buhaying muli ang negosyo niya."Tumingin sa kanya si Devon. "Pag-isipan mong mabuti.""Devon, pumunta ng apala ako rito ngayon para humingi ng pabor.""Ano iyon?""Naalala ko, kamakailan lang ay may ilang malalaking pakikipag-ugnayan ang Pharmanova sa kumpanya ni Nikko. Sana huwag mo nang ituloy ang pakikipagkasundo sa kanila."Tumingin siya kay Devon na may pagsusumamo sa mga mata, ngunit nanatiling hindi natinag si Devon. "Ibig mong sabihin, gusto mong hayaan kong makialam ang personal na usapin sa opisyal na negosyo?"Napakabigat ng presensya ni Devon kaya napayuko agad si Henry, hindi magawang tumingin sa kanyang mukha. "Devon, hindi lang ito para sa sarili kong interes.""Ganun ba?" Bahagyang tumingala si Devon ngunit malamig ang kanyang mga mata. "Kung ganoon, sabihin mo sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status