Share

CHAPTER 6-FAKE IT

Penulis: Leigh Obrien
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-28 09:59:08

Hindi ugali ni Roxanne na magsinungaling kaya nag-isip siya ng magandang isasagot. "Naghahanap po muna ako ng trabaho ngayon kaya hindi pa ako ready na magbuntis." Paliwanag ni Roxanne at naramdaman niya ang pagbaon ng kuko ni Jameson sa kanyang balat ngunit hindi siya nagpahalatang nasasaktan.

"At bakit mo pa kailangang magtrabaho? Isang CEO ang asawa mo at kaya kang buhayin pati pamilya mo sa bukid." Dikta ni Grandpa Gerald.

Sinenyasan ni Jameson si Roxanne na manahimik ngunit hindi ito nakinig, "Pasensiya na po pero hindi ako laging umaasa sa tulong ng ibang tao. Kaya ko naman buhayin ang sarili ko kahit hindi ko napangasawa ang apo niyo." Giit ni Roxanne at pinagtawanan siya ng mga ito.

"Excuse me? Sinasabi mo bang hindi mo kailangan ang asawa mo? Baka nakakalimutan mong si Jameson ang nagtakas sayo sa kahirapan. At siya rin ang nagligtas sa buhay ng ama mo." Sarkastikong sabi ni Auntie Diana habang naghihiwa ng pagkain sa plato.

Tahimik lang si Devon sa kanyang kinauupuan pero nakatitig siya sa namumulang mukha ni Roxanne. Alam niyang mayroong ginagawa ang kanyang kapatid pero ayaw niyang makialam sa buhay nilang mag-asawa.

"Ija, trabaho niyong mga babae na paramihin ang angkan naming mga Delgado kaya hindi mo iyon dapat ipagdamot sa asawa mo" Dagdag pa ng matanda na atat magkaroon ng mga apo sa tuhod.

Sumingit naman si Madame Julie na hindi nagustuhan ang pananalita ng ama sa kanyang manugang, "Papa, may mahaba pa silang panahon at kailangan muna nilang magplano ng mabuti dahil hindi isang madaling bagay ang pagbubuntis."

"Alam ko, Juliette, huwag mo akong pagsabihan. Ang gusto ko lang ay masiguro ang mga magiging tagapagmana natin kapag isa-isa na tayong lumisan sa mundo." Mabuting tumigil na sila sa pang-uusisa sa buhay ng mag-asawa, at hinila ni Jameson si Roxanne papalabas sa dining area papunta sa hardin.

"Gusto mo talaga akong ipahiya sa harapan ng pamilya ko, ha?!" Nasasaktan si Roxanne sa panghihila nito sa kanyang braso.

"Kung puwede ko lang sabihin ang totoo, gagawin ko!"

"At tingin mo may magbabago? Roxanne, wala silang magagawa dahil ako ang may karapatan sa buhay ko. Walang tutulong sayo."

"Jameson, you cheated on me. Nagkasala ka and you expect me to forgive you that easily? Kahit siguro mapatawad kita, hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo. Nakabaon na ang sakit dito sa puso ko." Turo ni Roxanne sa dibdib.

"Maghihintay ako na mapatawad mo pero pinapangako kong hindi ko na ulit iyon gagawin. At tatangalin ko na si Savannah sa kompanya, I assure you, lulubayan ko na siya." Patuloy nitong panunuyo.

"Ayaw ko ng magpakatanga, Jameson. Sinira mo ang lahat at kahit ayusin mo man ang nagpira-pirasong puso ko, hindi na ulit ito titibok tulad ng dati." Ani ni Roxanne.

Nalulungkot si Jameson na marinig ito, "Honey, tao lang din ako na nagkakamali pero handa akong magbago dahil mahal kita. Papatunayan ko basta huwag mo lang akong iwan."

Bakas sa mukha ni Roxanne na hindi siya kumbinsido, wala rin siyang balak na magbigay pa ng isa pang pagkakataon dahil parang binigyan niya lang ito ng permiso na saktan siya ulit.

"Jameson, hindi iyon isang pagkakamali. Alam mong masasaktan ako pero ginawa mo pa rin. At papatunayan mong mahal mo ako matapos mo akong durugin?"

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa mata ni Roxanne. At pakiramdam niya nagsasayang lang siya laway dahil hindi naman siya nito naiintindihan.

Hindi makapagsalita si Jameson, may namumuo ring luha sa kanyang mga mata. Ngunit ramdam niyang mayroon pang natitirang pagmamahal si Roxanne sa kanya, at tingin niya na lilipas lang ang lahat at hindi sila maghihiwalay.

"Honey, gusto kong magsimula ulit tayo pero hindi kita pipilitin na magka-anak. Kailangan muna nating maghanda. Tsaka gusto mo ng trabaho? Ako na ang bahalang magbigay sayo ng posisyon sa kompanya. You can be my new secretary." Pang-eenganyo ni Jameson.

"Seryoso ka? Gagawin mo akong tuta ng kompanya mo? Tapos ipapalit mo ako sa posisyon ng kabit mo? Anong kagaguhan to, Jameson?!" Punong-puno na si Roxanne sa mga kabaliwan ng lalaki. Hindi niya tuloy mapigilan na matawa.

Kinukurot ang puso ni Jameson na marinig ang kanyang halakhak, "Roxanne, tinutulungan lang kita. Gusto mo ng trabaho, bukas ang kompanya ko, kahit anong posisyon pa ang gusto mo. Sinusubukan kong maging mabuting asawa kaya anong nakakatawa?" Binabaliktad siya ngayon ni Jameson upang siya ang ipalabas na masama.

"Tama na, Jameson. Divorce lang ang kahahantungan natin kaya bakit mo pa ba ito patatagalin? Kasi kung isa kang mabuting asawa, hindi mo magagawang manloko."

Walang emosyon ang mukha ni Jameson na humahakbang papalapit sa kanya, "Roxanne, kahit sinong abogado ang lalapitan mo, walang maniniwala sa sasabihin mo dahil wala kang ebidensiya."

"Oo, alam kong gagamitin mo ang pera mo para baluktutin ang batas. Alam kong mahirap pero gusto kong linawin sayo na tapos na tayo. Na kahit anong pilit mo wala na akong nararamdamang pagmamahal sayo." Gusto ni Roxanne na marinig niya iyon para matauhan.

Nangilabot siya ng makita ulit ang mata nitong nag-aapoy sa galit. Nasampal siya nito kanina at ramdam niya pa rin ang palad nito sa kanyang pisnge.

"Sasaktan mo na naman ba ako? Sige, ipakita mo kung gaano ka kasamang tao." Panghahamon ni Roxanne. Ngunit biglang nanlambot ang mga mata ni Jameson at hinahaplos ang pisnge niya.

"Nagiging masama akong tao dahil sa ipinaparamdam mo. Sabihin mo ulit iyon, higit pa sa sampal ang aabutin mo."

Itinanggal ni Roxanne ang kanyang pagkakahawak, "Wala ka ba talagang konsensiya? Hindi mo matanggap ang totoo-"

Hindi siya pinatapos ni Jameson dahil bigla siya nitong hinalikan sa labi. Nagkalat na ang lipstick ni Roxanne at pilit niya mang kumawala pero mahigpit na hinawakan ni Jameson ang kanyang baba.

Naging marahas si Jameson at itinaas ang suot niyang dress kaya nanlaki ang mga mata ni Roxanne. "Jameson, nasisiraan ka na ba ng ulo?"

"Tuturuan lang kita ng leksyon." Tugon ni Jameson.

May lalaki namang nakatayo sa hindi kalayuan na kanina pa nakikinig sa kanilang alitan. Napangisi itong naglakad papalapit sa kanilang direksiyon.

"May nadistorbo ba ako?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Arnold Gatchalian Salas
Still on the process of reading
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 130

    Pagkadikit pa lang ng tawag, narinig agad ang takot na tinig ni Diana, “Devon, biglang nawalan ng malay ang matanda at ngayon ay nasa ospital para sa agarang gamutan. May mahalaga akong meeting para sa isang kasunduan mamaya. Pwede ka bang pumunta ngayon?”Pagkabigay ni Diana ng address ng ospital, agad ibinaba ni Devon ang tawag. Wala pang kalahating oras ay dumating na si Devon sa ospital.Nang makita siya ni Diana, napabuntong-hininga ito at dali-daling lumapit, “Devon, nasa emergency room pa si Emmanuel. Malapit na ang oras ng meeting ko sa partner ko. Aalis na muna ako.”Mabilis na umalis si Diana, at muling tumahimik ang pasilyo.Sumunod si Secretary Kenneth sa kanya at nagtanong, “Boss, ipapaalam ba natin ito kay Roxanne?”Si Emmanuel ay ama ni Roxanne, at ngayon ay nasa emergency treatment. Paano kung may masamang mangyari. Naalala ni Devon ang malamig na pakikitungo ni Roxanne kay Emmanuel, kaya’t dumilim ang kanyang mukha. “Huwag muna. Pag-usapan na lang natin 'yan sa susunod

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 129

    Pagbalik sa kompanya, si Roxanne ay naghahanda na sana para sa kanyang tanghalian nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Zach."Roxanne, subukan mong gawin ang mga lab reports mo sa oras ng trabaho simula ngayon." Nagulat si Roxanne."Bakit? Hindi ba’t ang mga guro at mga staff sa laboratoryo ang gumagawa ng mga eksperimento sa oras ng trabaho?""Sabi ni Devon, dadalo rin siya sa mga susunod na ulat tungkol sa progreso ng laboratoryo at inutusan kami na i-schedule ito sa oras ng trabaho."Doon lamang naintindihan ni Roxanne na malamang si Devon ang nag-request noon para sa kanya. Pero kung babaguhin ang oras ng report para lang sa kanya, maaantala naman ang mga eksperimento ng iba.Iniisip ito, mahina niyang sabi, "Kuya Zach, kakausapin ko si Devon tungkol dito at titingnan kung puwede pang i-adjust ang oras.""Huwag mong pilitin. Ikaw at si Devon, marami na kayong pinagdaanan. Hindi ba sabi mo ayaw mo nang magkaroon ng maraming kontak sa kanya?"Noong iminungkahi ng manager n

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 128

    Nang marinig ang kakaibang tono sa boses ni Grace, agad na nagtanong si Roxanne, "May nangyari ba? Anong problema?""Sa personal na lang natin pag-usapan. Magkita tayo malapit sa kompanya mo mamayang tanghali."Matapos magkasundo sa oras at lugar, agad na ibinaba ni Grace ang tawag."May nangyari ba? Ang seryoso ng mukha mo."Umiling si Roxanne. "Hindi ko rin alam. Nagpasabi si Grace na magkita raw kami mamaya."Sa tono nito, halatang may mahalagang bagay itong sasabihin.Biglang dumilim ang ekspresyon ni Devon habang nakatitig sa gilid ng mukha ni Roxanne. Mahinang bulong niya, "Roxanne, tutulungan ko ang pamilya ni Grace na makabangon. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong magsimula ulit. Pwede ba?"Napakagat-labi si Roxanne. Gusto sana niyang pagalitan si Devon sa pagsasamantala sa sitwasyon, pero naalala niyang wala namang kinalaman si Devon sa sinapit ng pamilya ni Grace. Oo, pwede niyang gamitin ang damdamin nito para matulungan sila, pero magiging hindi patas iyon para sa kanya.Bu

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 127

    Nang maramdaman niya ang mainit na mga daliri ni Devon na humahaplos sa kanyang buhok, hindi niya napigilan ang pag-ipit ng mga kamay niya sa ibabaw ng mesa at ang paninigas ng kanyang katawan."Kung gano’n, ako na lang ang gagawa."Aalis na sana siya nang bigla niyang maramdaman ang kamay ni Devon sa balikat niya."Ako na ang bahala."Mahinahon ang kanyang boses, pero may kapangyarihang hindi kayang tanggihan. Pinag-ipit ni Roxanne ang kanyang mga labi at hindi na nagpumilit pa. Bigla, ang tanging maririnig sa kwarto ay ang ugong ng hair dryer.Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, tumigil na rin sa wakas ang hair dryer sa kanyang likuran."Ayan, tingnan mo."Hinaplos ni Roxanne ang kanyang buhok. Makinis at tuyo na ito. Pagharap niya kay Devon ay sinabi niya, "Salamat."Tinapunan siya ng tingin ni Devon. Bahagyang tumigil ang kanyang mga mata sa suot nitong V-neck na pajama bago agad iniiwas ang tingin."Halika na, bumaba na tayo at kumain.""Huwag na. Gabi na. Hindi na ako kakain."

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 126

    Magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan, at kalahating basa na ang suit ni Devon. Bukod pa roon, hubo’t hubad na siya ngayon. Sa pag-alala lang sa eksenang iyon, labis na napahiya at nagalit si Roxanne.Kung alam lang niya na si Devon pala ang nasa labas, hinding-hindi niya ito pinahintulutang kunin ang kanyang pantulog.Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at hindi namalayang tinulak siya palayo. Ngunit bago pa siya tuluyang makatakas, may mababang boses na narinig siya sa uluhan, "Gusto mo bang madapa ulit?"Napahinto si Roxanne at napayuko. "Bitawan mo muna ako… nakatayo naman ako nang maayos," mahina niyang tugon.Ibababa ni Devon ang tingin at tinitigan siya. Bahagyang nakatungo ang babae, namumula ang mukha, at ang kanyang basang buhok ay patuloy pa ring tumutulo ng tubig. Magkadikit pa rin ang kanilang katawan, at ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib ay nagbibigay ng mga hindi kanais-nais na imahinasyon.Hindi niya alam kung gaano siya kaakit-akit sa mga sandaling iyon.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 125

    Umiling si Henry. "Hindi, nalulugi na ang kompanya ni Grace. Imbes na ibenta ko ang mga shares ko at mawalan ng pera, mas pipiliin ko pang magsumikap para maging presidente ng kompanya nila at tulungan siyang buhaying muli ang negosyo niya."Tumingin sa kanya si Devon. "Pag-isipan mong mabuti.""Devon, pumunta ng apala ako rito ngayon para humingi ng pabor.""Ano iyon?""Naalala ko, kamakailan lang ay may ilang malalaking pakikipag-ugnayan ang Pharmanova sa kumpanya ni Nikko. Sana huwag mo nang ituloy ang pakikipagkasundo sa kanila."Tumingin siya kay Devon na may pagsusumamo sa mga mata, ngunit nanatiling hindi natinag si Devon. "Ibig mong sabihin, gusto mong hayaan kong makialam ang personal na usapin sa opisyal na negosyo?"Napakabigat ng presensya ni Devon kaya napayuko agad si Henry, hindi magawang tumingin sa kanyang mukha. "Devon, hindi lang ito para sa sarili kong interes.""Ganun ba?" Bahagyang tumingala si Devon ngunit malamig ang kanyang mga mata. "Kung ganoon, sabihin mo sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status