SORRY LATE UPDATE! MATRY KO UPDATE NG 2 OR 3 CHAPS TONIGHT. SUNDAY KASI AND PAHINGA TALAGA DAPAT PERO GUSTO KO MAKAPAGBASA KAYO HIHI THANKSSS
Napangisi si Henry, “You’re such a dick! Kahit ibigay ko pa ang shares ko sa isang pulubi, hinding-hindi ko ito ibibigay sa isang tulad mong may masamang balak at gusto laging makakakuha ng lahat nang walang ginagawa!”“Hayop ka!”Itinaas ni Jameson ang kamao niya at inamba ito sa mukha ni Henry, pero bago pa ito tumama, isang malamig at nakakakilabot na boses ang umalingawngaw sa paligid.“Kapag tumama ang kamao mo sa kanya, sinisiguro kong hindi mo makukuha ang gusto mo.”Bakas ang pagbabanta sa boses ni Devon pero nanatili itong kalmado.Maging si Madame Julie ay kinabahan at gumawa ito ng paraan para matigil ang bangayan, “Henry! Jameson! Hindi ko kayo pinapunta rito para makipagsuntukan! Kung gusto niyong makipag-away, lumayas kayo!”Ito na ang naging palusot ni Jameson. Ibinaba niya ang kamay at malamig na tinitigan si Henry. “Palalampasin kita ngayon. Pero wala ka ng magagawa kapag ako na ang namahala sa kumpanya.”May pang-uuyam sa tingin ni Henry, “Ang lakas mong magsalita eh
“Shut up, Henry. Huwag ka ng makialam. Buti pa bumalik ka na sa amerika. Doon nababagay ang kanong tulad mo.” Dikta ni Jameson.Naiinis si Henry na tumingin dito, “Woah. Mukhang ikaw dapat ang bumalik sa mental, Jameson. Bumabalik ka na naman dito para mangulo ng buhay ng ibang tao. You’re sick!”Sinamaan lang siya ng tingin ni Jameson pero hindi ito hinayaan ni Henry na umalis, “Jameson! What the hell are you doing?!”"Gusto ko lang kausapin ang doktor at alamin kung gaano kalaki ang posibilidad na maibalik ang kanyang alaala.” Tugon ni Jameson.“Anong nangyayari dito?”Napalingin sila nang bumalik si Madame Julie kasama si Lola Ofelia. Naupo ulit ang dalawa sa sofa at walang nagawa si Jameson kung hindi hintayin ang kapatid.Napansin ni Madame Julie ang tensyon sa dalawa, alam niyang may gagawin na naman ang anak niya para makisali sa gagawing operasyon para maibalik ang alaala ni Devon.“Tita, kung may respeto pa kayo kay Devon, pwede bang hayaan niyo siyang maibalik ang buo niyang
Kalma lang na tiningnan ni Roxanne si Jameson. "Talaga ba?"Sandaling natigilan si Jameson, saka agad na nagsalita. "Siyempre! Sobrang nagmahalan tayo noon, nakalimutan mo na ba?"Itinaas ni Roxanne ang kanyang kilay. "Sakto, may gusto rin akong sabihin sa’yo.""Ano 'yon?""Lumapit ka." Utos ni Roxanne.Lumapit si Jameson kay Roxanne na may halong pagtataka sa mukha. Pagkalapit na pagkalapit niya, bigla siyang sinampal siya ni Roxanne.Lumagapak ang tunog ng sampal sa sala, at agad na namula ang pisngi ni Jameson. Bigla ring sumama ang itsura ng kanyang mukha."Roxanne!"Galit ang boses niya at puno ng dilim ang mga mata habang nakatingin kay Roxanne.Ngumiti si Roxanne habang inaalog ang masakit niyang kamay. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Yung sampal na 'to, dapat pa ‘to limang taon na ang nakalipas. Ngayon ko lang naisingit."Napakagat-labi si Jameson at pinilit pigilan ang galit sa dibdib."Roxanne, nasampal mo na ako, dapat ayos na ang pakiramdam mo. Pwede ba kitang ligawan ulit?
Matagal nang hindi nakikita ni Lance si Donovan kaya’t bakas sa mukha niya ang matinding pagkasabik din dito. “Sure!”Pagkasabi niya noon, napansin niyang nakatingin sa kanya si Devon. Pansin niyang parang ayaw nito na sumabay sa kanila si Donovan sa hapunan.Pero hindi niya alam na hindi pala ito gusto ng Daddy niya. Nakapagsalita na siya at pumayag na. Hindi niya puwedeng paalisin si Donovan ngayon, hindi ba? Isa pa, gusto rin niya si Tito Donovan at gusto niyang makasabay itong kumain.Umupo si Donovan sa tabi ni Roxanne, saka tumingin kay Devon, “Pasensya na.”Walang emosyon ang mukha ni Devon. “Kung alam mong istorbo ka, sana hindi ka na sumunod kay Roxanne sa simula pa lang, di ba?”Narinig ni Donovan ang sarkasmo sa boses ni Devon pero ngumiti lang ito at kalmadong nagsalita, “Dati naman ay palagi akong kumakain kasama sina Roxanne at Lance, at alam mo rin ang relasyon naming dalawa. Akala ko hindi mo ito mamasamain.”Nanlumo ang mukha ni Devon at hindi na nagsalita. Kung sasab
Sobrang natakot si Roxanne sa segundong matutumba na siya pero nang maramdaman ang pamilyar na haplos ng kamay ng lalaking nakahawak sa kanyang beywang ng mahigpit, bilang nawala ang pangamba.Hindi binitiwan ni Devon si Roxanne hanggang sa tuluyang makaalis ang mga tao sa paligid nila."Okay ka lang ba?"Isang malamig at mahinang tinig ang narinig niya mula sa itaas ng kanyang ulo. Napantingala si Roxanne at mahina niyang tugon, "Ayos lang ako."Nakahinga ng maluwag si Devon na makitang hindi sila napano at agad din silang nagkaiwasan nang pagmasdan sila ni Lance nagbigay ng malisyosong tingin.“Daddy, puwede ba kayong sumakay ni Mommy sa carousel kasama ako?”Tumingala si Lance kay Devon.Para kay Devon, ang carousel ay pambata, isang bagay na hinding-hindi niya gagawin. Ngunit bago pa siya makatanggi, niyakap na ni Lance ang kanyang binti, na para bang hino-hostage na siya.Nang magtagpo ang mga mata nila, ang pagtangging nasa dulo ng kanyang dila ay napalitan ng pagpayag. "Sige."
Punong-puno ng tuwa ang mukha ni Lance, at namumula ang kanyang pisngi sa sobrang kasabikan.Pagkaalis ni Devon, tumingala siya kay Roxanne, “Mommy, pumayag si Daddy!”Tahimik at mahiyain na bata si Lance. Bihirang-bihira siyang makita ni Roxanne na ganito ka-expressive kaya napangiti siya. “Mabuti naman.”Sa mga sumunod na araw, sabik na sabik si Lance sa pagdating ng Sabado at araw-araw niyang binibilang ang oras.Sa wakas, dumating ang Sabado. Maaga pa lang ay gising na si Lance. Dahil magaan ang tulog ni Roxanne, nagising na rin siya nang bumangon si Lance. Kaya sabay na rin silang bumangon.Pagkatapos nilang mag-agahan, bumaba na rin si Devon.Nang makita niyang magkatabi na nakaupo sina Roxanne at Lance sa sofa habang naghihintay sa kanya—lalo na si Lance na sabik na sabik ang tingin sa kanya, kahit hindi ito nagsasalita ay halatang sabik na sabik na ito—ay hindi niya namalayang binilisan niya ang pagkain ng almusal dahil pati siya ay excited na rin.Wala pang alas otso nang uma
Bakas ang pagaalala ni Jameson sa nakakatandang kapatid at kahit magkalaban sila, alam niya ang posibilidad na malalagay ito sa kapahamakan kung may mali silang galaw,“But Mom, kung ibabalik mo ang alaala niya, hindi pa rin magbabago ang isipan niya at kahit magpanggap kang mabuting tao, hindi pa rin natin siya maloloko.”Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Madame Julie. Huminga siya nang malalim at hindi na nagsalita. Naging tahimik sila sa loob ng sala, kanya-kanya ng iniisip, at walang nagsalita muli.*****Hindi pa man nagtatagal simula nang makabalik sa kumpanya si Devon, kumatok si Chris at pumasok."Sir, inianunsyo na ng pamilya Warner na matagal na nilang kinansela ang kasunduan sa pagitan ninyo ni Irene, upang maibalik ang dangal ni Irene at ng kanilang pamilya."Tumango si Devon. "Okay, hayaan na lang sila.""Sige po."Samantala, si Roxanne naman sa villa ay nakita rin ang mga litrato ni Irene, at napansin niyang nandoon din ito sa hotel na pinuntahan niya kagabi. Kumislap a
Nanlamig ang mga mata ni Devon. "Bakit mo naman tinatanong?""Dahil si Miss Irene ay fiancée mo, at maraming proyekto ng pamilya Warner ang ka-partner ang Pharmanova. Hindi maganda sa publiko o sa pribado na ilantad na si Miss Irene ay naghahanap ng ibang lalaki."Matapos ang ilang segundong katahimikan, malamig na sagot ni Devon, "You’re overthinking things. Wala siyang kinalaman sa mga ginagawa ko."Ibababa sana ni Chris ang kanyang tingin at hindi na nagsalita, pero sa totoo lang, hindi pa rin siya lubos na naniniwala. Kung hindi dahil kay Roxanne, wala sanang dahilan para ilantad ang paghahanap ni Irene ng ibang lalaki."May iba ka pa bang kailangan?"Muling narinig ni Chris ang malamig na boses ni Devon kaya agad siyang sumagot, "Wala na boss, lalabas na po ako.”“Mamaya darating si Mr. Warner, pakisabi sa kanya na dumeretso na dito sa opisina ko. Salamat.”Pagkatapos ng pananghalian, dumating agad si Mr. Johnson Warner.Galit na binuksan niya ang pinto ng opisina ni Devon. "Devo
Tinitigan siya ni Donovan, tila gusto niyang tanungin kung kaya ba talaga ni Roxanne na maging ganoon kalupit kay Devon?Pero matapos mag-isip sandali, hindi na lang siya nagsalita.Umasa na lang siya na si Roxanne ay wala na talagang nararamdaman para kay Devon.Gabi na nang bumalik si Roxanne sa villa. Pagpasok pa lang niya sa sala ay nakita na niya si Devon na nakaupo sa sofa.Nagulat siya nang bahagya na gising pa si Devon, kaya siya na ang unang nagsalita, “Devon, bakit hindi ka pa nagpapahinga sa ganitong oras?”Lumingon si Devon, at ang malamig at malalim niyang tingin ay dumapo sa kanya, parang may bigat, “Ah, alam mo pala na gabi na ngayon.”Narinig ni Paris ang pangungutya sa tono ng kanyang boses, kaya siya’y napakunot-noo, “Devon, kung tama ang pagkakaalala ko, parang wala kang karapatang pakialaman ang mga personal kong gawain.”“Syempre wala akong karapatang ganoon, pero sana huwag mong kalimutan na isa kang ina ngayon. Kahit pa gusto mong makipagkita sa lalaki mo, dapat