4th update hahahaa kinatay na baboy shuta
Napatingala ang babae sa gulat nang makita ang asawa na lumulusot sa gitna ng mga tao at papalapit sa kanya. Punong-puno ng galit ang mukha nito at may bakas ng pagkakasala sa kanyang mga mata.Agad siyang tumayo, halatang hindi alam ang gagawin.“Lemuel? Anong ginagawa mo rito?”Namumula ang mukha ni Lemuel habang pinipilit niyang pigilan ang galit. “Kung hindi pa ako pumunta, ewan ko na lang kung ano na naman ang kahihiyan na ginawa mo! Hindi ka na lang manatili sa bahay, kailangang magpakalat ng kahihiyan sa labas, ano?!”Ang mga mata nito ay hindi na nagtago pa ng pagkasuklam sa asawa niyang si Marites.“Alam mo bang binugbog ang anak mo sa school kanina?! Ang alam mo lang ay sisihin ako! Ako ang nagluwal sa anak mo! Hindi ba’t dapat mo ring isaalang-alang ‘yon?! Wala ka na bang konsensiya?!”“Nakausap ko na ang guro sa kindergarten kanina. Si Gian ang unang nagbitiw ng masasakit na salita kay Lance. Ngayon, sasama ka sa akin para humingi ng tawad kay Lance.”Handa na siyang hilahi
Lahat ng tao ay sabay-sabay na napalingon sa pintuan. Ang unang nakita nila ay isang pares ng mahahabang binti, kasunod ang malamig na mukha ni Devon.Napatingin siya sa kamay na nakahawak sa kwelyo ni Lance. Naramdaman ng matandang babae ang malamig na hangin na tila dumaloy sa kanyang ulo. Napaangat ang balahibo niya at kusa niyang binitiwan si Lance.Sa sandaling iyon, tila may kutob na siya — pakiramdam niya ay puputulin ng lalaki ang kanyang kamay.Bagamat haka-haka lang iyon, sapat na ang titig ng lalaki para takutin siya.Agad namang sinalo ni Roxanne si Lance, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. “Lance, ayos ka lang ba?”Umiling si Lance. “Mommy, ayos lang ako…”Ngunit hindi niya napigilang sulyapan si Devon, may kakaibang liwanag sa kanyang mga mata.Noong dati, kapag inaaway siya ng ibang bata, palaging ang kanyang ina ang pumapagitna para ipagtanggol siya. Noon, palagi niyang hinihiling na sana bumaba ang kanyang ama mula sa langit at gantihan ang mga umaapi sa kanila n
Pagkabigkas ng mga salita, malinaw na napansin ni Charles na bumaba ang temperatura sa paligid ng higit sampung antas, at naging sobrang pangit ng itsura ni Devon.“Talaga bang… wala ka talagang naaalala? Si Paris ay dating asawa ng kapatid mo. Kahit hindi mo maalala ang pangalan niya, dapat man lang maalala mo ang itsura niya, hindi ba?”Maganda si Paris, yung klase ng ganda na hindi madaling makalimutan. Kahit minsan pa lang niyang nakita si Paris, sariwa pa rin ito sa kanyang alaala.Naging malamig ang mukha ni Devon. Binalikan niya sa isipan ang pangalan at itsura ng dating asawa ni Jameson, ngunit wala siyang maalala.Sa alaala niya, dinaluhan ni Jameson ang isang hapunan ng pamilya matapos niyang ikasal sa babae, pero ngayon ay wala na siyang kahit anong alaala tungkol dito.Maging ang kasal at diborsiyo nila ay malabo rin sa kanyang isipan.Hindi maganda ang relasyon nila ni Jameson, at nang magising siya pagkatapos ng aksidente, naipadala na si Jameson sa ibang bansa ni Madame
Kumunot ang noo ni Donovan. "Dad, pakinggan mo muna ang paliwanag ko.""Manahimik ka! Dumating ako ngayon para ayusin ang gulong ginawa mo. Dahil wala kang sapat na kakayahang pamunuan ang kumpanya, mas mabuting ipaubaya na lang ito sa mas karapat-dapat bago pa tuluyang masira sa mga kamay mo."Sa malamig na titig ni Mr. Dalton, hindi makapaniwala si Donovan sa narinig niya."Ilang taon na akong tapat na nagtatrabaho sa kumpanya. Ngayon lang ako nagkamali, at gusto mo na akong paalisin?"May kumislap na komplikadong emosyon sa mata ni Mr. Dalton, bago siya tumalikod at malamig na nagsalita, "Kung simpleng pagkatalo lang sa investment, hindi ako magsasalita. Pero pinalugi mo ang kumpanya dahil lang sa isang babae. Hindi ko matitiis 'yon!"Tahimik ang buong conference room, walang isa mang shareholder ang nangahas huminga nang malalim. Sa totoo lang, karamihan sa kanila ay nagsabi lang noon na dapat magbitiw si Donovan dahil sa galit. Gusto lang nilang bigyan siya ng babala para hindi na
Umitim ang mga mata ni Donovan at malamig niyang sinabi, "Alam ko. Pupunta na ako."Hindi naging maganda ang reaksyon ng mga shareholders. Madaling mahulaan na ang mga kasosyo ay pumunta roon upang pag-usapan ang pagputol ng kontrata."Donovan, kung hindi mo kayang kumbinsihin ang mga kasosyo na huwag ituloy ang termination, magbitiw ka na ngayon din. O kaya naman, kakausapin ko ang ama mo para makita niya kung mas nararapat na ibigay ang posisyong ito sa mas karapat-dapat na tao!"Biglang lumamig ang tingin ni Donovan at tumitig sa shareholder na nagsalita.Napaatras ang shareholder sa malamig na tingin niya, namutla ang mukha, pero agad din itong bumawi at galit na nagsabi, "Donovan, kahit anong titig mo sa’kin, wala ‘yang silbi. Para rin naman ito sa ikabubuti ng kumpanya!""Hay naku, matagal ko nang alam na ‘yang mga anak ng mayayaman, walang alam sa negosyo. Kung anu-ano lang ang pinaggagawa!""Tama na ‘yan. Wala naman tayong magagawa, mas marami kasi siyang shares sa atin.""Kung
Habang iniisip ito, mas naging masigasig ang tingin ni Irene kay Merida."Madame, namimili ka rin ba rito?"May ngiti sa mukha ni Merida, ngunit malamig ang kanyang mga mata. "Hindi, may nakipagkita lang na kaibigan. Miss Irene, kung wala ka nang iba pang kailangan, may meeting pa ako. Magkita na lang tayo ulit sa ibang pagkakataon."Nang mukhang paalis na si Merida, nagmadaling nagsalita si Irene. "Madame Merida, narinig ko na may resort project daw ang kumpanya ninyo ngayon, at wala pa raw kayong kapartner..."Ngunit pinutol siya ni Merida nang may ngiti, "Miss Irene, kakapirma lang namin ng kasunduan. Pasensya na, pero kung magkaroon ng pagkakataon sa susunod, tiyak na makikipagtulungan ang kumpanya namin sa kompanya ninyo."Napako sa kinatatayuan si Irene, at ilang segundo pa bago siya tuluyang naka-react."Madame, pwede ko po bang malaman kung aling kompanya ang napili ninyong maging ka-partner?"May sumilay na pagkainis sa mga mata ni Merida at malamig siyang sumagot, "Hindi pa m
Nanigas ang mukha ni Mr. Medina at agad na nagsalita, "Mr Devon, sobrang bilis niyo naman po maghinuha. Ang totoo niyan, huli ko ng malaman ang tungkol sa alitan ninyo. Kung alam ko lang agad, hinding-hindi ko siya hahayaan gawin iyon. Bukod pa roon, malaki rin ang naging pagkalugi ni Donovan sa pagkakataong ito. Maraming shareholders ang lihim na gustong tanggalin si Donovan bilang presidente ng kumpanya."Walang reaksyon sa mukha ni Devon, halatang wala siyang interes sa usapan. "At wala naman yata itong kinalaman sa akin kung gusto siyang pabagsakin ng kasamahan niya."Maingat na pinagmamasdan ni Mr. Medina ang mukha ni Devon, sinusubukang basahin ang iniisip nito, pero wala siyang nakita ni bakas ng emosyon. Ayon sa tsismis, tuso raw si Devon, kaya dapat mag-ingat sa pakikitungo sa kanya.Habang iniisip ito, pinatatag ni Mr. Medina ang kanyang loob at mariing nagsalita, "Mr. Devon, alam kong ayaw ninyong maglaro ng putik pero alam ko na ang dahilan ng alitan ninyo ay si Paris Gueva
Kinabukasan ng umaga, ihinatid ni Paris si Lance sa paaralan, ngunit tila wala siya sa sarili habang nagmamaneho. Napansin ito ni Lance kaya kusa niyang pinisil ang kanyang maliliit na kamao.Pagkaparada ng sasakyan sa harap ng gate ng paaralan, pinilit ngumiti si Paris, tinitigan si Lance at malumanay na nagsabi, "Lance, susunduin kita mamayang gabi ni mama."Tumango si Lance. "Okay Mommy."Pagkaalis ni Paris, binuksan ni Lance ang kanyang smartwatch at tinawagan ang numerong ibinigay sa kanya noon ni Secretary Kenneth.Makalipas ang ilang saglit, isang malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?"Huminga nang malalim si Lance, kita sa kanyang batang mukha ang kaseryosohan. "Gusto kitang makausap."Isang oras ang lumipas, nasa opisina na sila ng punong-guro.Nasa tapat niya si Devon, at puno ng galit ang mukha ni Lance."Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang tigilan mo na kami ni Mommy, hmp???"Bagaman apat na taong gulang pa lang siya, tinitigan niya s
Hindi na napigilan ni Paris ang kanyang emosyon at niyakap si Lance. Namumula ang kanyang mga mata, ngunit matigas niyang pinipigilan ang pagluha.Hindi niya maintindihan. Kahit limang taon na ang lumipas at nakalimot na si Devon, patuloy pa rin itong nanggugulo sa kanyang tahimik na buhay. Si Devon ang makapangyarihang presidente ng Pharmanova, samantalang si Paris ay isang simpleng pharmacist.Kahit na maraming tagumpay na siyang naabot sa pananaliksik at pagbuo ng mga gamot, wala pa rin itong saysay kumpara sa Pharmanova.Ginawa na niya ang lahat, pero bakit hindi pa rin siya pinapalaya ni Devon?Napansin ni Lance ang panginginig ng katawan ni Paris kaya't marahan niyang hinaplos ang likod nito, "Mommy, huwag ka ng malungkot. Sayo pa rin ako sasama okay?”Sa narinig, lalong humigpit ang yakap ni Paris kay Lance at tumango, "Alam ko anak, huwag kang mag-aalala. Hindi tayo mawawakay sa isa’t-isa.”Lumabas ang yaya mula sa kusina at nakita si Paris na yakap si Lance sa may pintuan. Sin