Walden’s Point of View
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa mga kaibigan ko. Paano ba naman kasi, kailangan pa nilang magsinungaling para lang sumama ako. “I thought we were having dinner? Eh, bakit nandito tayo sa ganitong lugar?” asar kong tanong sa mga kaibigan ko, ramdam ang inis sa boses ko. “Yes, exactly! Dinner nating ngayong gabi… kasama ang mga babae rito sa Casa!” natatawang sagot ni Yilmaz, halatang tuwang-tuwa sa ideya. Napailing ako. Hindi sa ayokong may babaeng magpainit sa kama ko, wala lang talaga ako nasa mood. Pagod ako sa trabaho at may mahalaga akong pasyente na kailangan kong bisitahin bukas. “You guys know what? Uuwi na ako. May gagawin pa ako bukas—” “Huwag ka ngang killjoy diyan, Walden,” sabat ni Zachary na may bahid pang-aasar. “Get out from your comfort zone! Lagi ka na lang busy sa operasyon ng puso ng iba… pero puso mo, hindi mo maayos-ayos!” Napabuntong-hininga ako. Wala rin namang saysay na makipagtalo. Alam kong kapag sila ang kalaban ko sa diskusyon, siguradong talo ako. Kaya imbes na magpaliwanag, uminom na lang ako ng alak para matapos na ang usapan. Hindi na rin ako nabigla nang dumating si Xean at iba pa naming pinsan, kasama ang mga babaeng parang nakadikit na sa kanilang mga braso. Dalawa sa mga babae ay nagsimulang sumayaw sa harap namin. May isa pang lumapit at umupo sa tabi ko, pero ni hindi ko man lang siya tiningnan. Simula nang maghiwalay kami ng unang babaeng minahal ko, hindi na ako nagkaroon ng interes sa kahit sino. Maybe because she left without a word. Bigla na lang siyang nawala na parang bula, walang dahilan, walang paliwanag. Up until now ay sinisisi ko ang sarili ko dahil baka kasalanan ko. The night before she left… ay may nangyari sa amin, at iniisip kong iyon ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Sinasabi pa ng mga kaibigan ko na baka naliitan daw sa talong ko. Putcha! Kung alam lang nila kung gaano nabaliw si Meleah nang gabing iyon ay malamang hindi nila sasabihin sa akin na maliit ang talong ko! Ramdam ko nang dumausdos ang kamay ng babaeng katabi ko papunta sa gitna ng pantalon ko, pero hindi ko iyon pinansin. Hinayaan ko lang siya—wala namang epekto sa akin. Hindi basta-bastang babae ang gusto ko, lalo na kung pang-one night stand lang. Gusto ko iyong may klase. Mas ligtas pa, walang komplikasyon, momol lang. “Come on, Walden! Nasa harap mo na ang palay, ayaw mo pa ring tukain!” kantyaw ni Steven na ikinatawa ng lahat. “Hindi ba ako attractive sa ’yo?” tanong ng babae sa boses na halatang sanay mang akit. Napangisi ako at lumapit sa tenga niya. “You don’t even give me a boner,” bulong ko, na agad nitong ikinagulat. Ginawa ko iyon para hindi siya mapahiya nang sobra, pero hindi pa rin siya tumigil sa pang-aakit. Sunod-sunod ang halik niya sa leeg at balikat ko, ngunit tuwing susubukan niyang halikan ako sa labi, agad akong umiiwas. That’s not me, if I will allow her. “Gusto ko nang umuwi at magpahinga,” sabi ko sa mga kaibigan ko, pero agad silang umangal. Pagkapasok ng dalawang bagong babae, doon na naman napunta ang atensyon nila. Nagsisigawan, nagtatawanan, parang wala nang bukas. Ako naman, lalo lang naiinip. Halos lunurin nila ang sarili sa alak habang pinapaligaya ng mga bayarang babae. Ngunit sandali akong napakunot ng noo nang hindi gumagalaw ang isang babae na malapit sa pinto. Hindi siya gumagalaw, parang nag-aalangan kung papasok ba o hindi. Choosy ba siya? Pero she got my attention. At nang magsimula siyang sumayaw sa gitna, muling nagsigawan ang mga kaibigan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. Saglit akong natigilan… pero kasabay noon, sumiklab ang galit sa dibdib ko. All these years… narito lang pala siya? At ngayon, pinapakita niya sa harap ng lahat ang katawan niyang minsang sa akin lang? Tumayo ako bigla. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” sigaw ko, malakas at walang pakundangan. Natigil ang sayawan. Lahat napatingin sa akin, at si Meleah ay halatang nagulat. Tumama ang mga mata niya sa akin. Binanggit pa niya ang pangalan ko… so she still remembers me. Good to know. Siguro hindi na siya makikilala ng iba, pero ako, imposible. Bawat detalye ng mukha niya, labi, mata, ilong, at katawan… kabisado ko. She used to be my life. Ngayon, siya na ang bangungot ko. Limang taon kong dala-dala ang sakit ng pag-iwan niya. But here I am still crazy over her! Damn it! Kaagad kong tinanggal ang suot kong itim na jacket at lumapit sa kaniya at isinuot iyon sa kaniyang katawan. Mabilis ko siyang hinila palabas ng VIP room. Nagpatuloy ang paghila ko sa kaniya hanggang sa matapat kami sa elevator nang bigla niyang hilahin ang kaniyang kamay. “K–Kailangan kong bumalik sa loob. May trabaho akong—” “Trabaho ang tawag mo rito?! Damn it, Meleah! Ang talino mo noon, pero anong nangyari sa ’yo ngayon?!” halos pasigaw kong sabi, ramdam ang punit ng bawat salita. “W–Wala kang pakialam. Kailangan ko itong trabahong ’to,” nakayuko niyang sagot. Imbes na magpaliwanag pa, hinawakan ko muli ang kamay niya at ipinasok sa loob ng elevator. Pinindot ko ang floor bago pa siya makapigil, at agad sumara ang pinto. “Ano ba?! Bitawan mo ’ko! Kailangan kong bumalik sa loob! Kailangan ko ang trabahong ’to!” halos pasigaw na rin siya. Humarap ako sa kaniya, hinawakan ang balikat niya, at kinorner siya sa gilid ng elevator. “Tang’na! Then work for me! Trabahuin mo ako ngayong gabi! Magkano?! Magkano ang isang gabi mo rito?!” galit kong sigaw, halos lumabas ang apoy sa dibdib ko. Nagkatitigan ang aming mga mata at kitang-kita ko kung paano tumulo ang kaniyang luha. Ipinagdinikit ko ang aming noo, at pinunasan ko ang kaniyang luha. “Sabihin mo, Meleah… magkano ang isang gabi mo?” nanghihina kong tanong. “I–Isang milyon… kaya mo ba akong bayaran sa halagang ’yon?” Nagulat ako sa halagang sinabi niya hindi dahil sa laki ng halagang sinabi niya, kundi dahil iyon lang ang halaga ng dignidad na mayroon siya bilang tao. Napangisi ako, malamig at puno ng hamon. “You don’t know me. I’ll double it if you want.”Kinabukasan, maaga pa lang ay nakarating na si Meleah sa opisina. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa excitement at kaba na rin sa mga salitang binitiwan ng CEO. “You will do anything for me…” Paulit-ulit ‘yon na pumapasok sa isip niya.Pagpasok niya sa main lobby ng kumpanya, sinalubong siya ng receptionist.“Good morning, Miss Meleah. This way po.”Medyo nagtaka siya kung bakit tila may VIP treatment. Sinamahan siya diretso sa elevator na may kasamang guard, at doon ay dinala siya sa top floor kung saan naroon ang CEO’s office.Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Eric, nakaayos na ang mesa at may nakahandang folder na may pangalan niya.“Good morning, Miss Meleah. Handa ka na ba?” bati nito na may kasamang ngiti.Ngumiti rin siya kahit kinakabahan. “Good morning po. Yes, ready na ako.”“Good. Kasi ngayon makikilala mo na mismo si Sir Den.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?! As in face to face? Hindi na video call?”Tumango si Eric. “Oo. Pero gusto kong ipaalala na hindi l
Wala nang nagawa pa si Sunshine nang maglakad ako patungo sa CEO’s office. Pagdating ko roon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid, at yumuko ito nang bahagya nang makita ako nito. “Good morning, Miss Meleah.” Bati nito sa akin. Yumuko rin ako nang bahagya bilang paggalang. “Good morning din po, Sir—” “I’m not the CEO.” Putol nito sa akin. “I’m Eric, I’m also personal assistant here, pero more on personal na trabaho lang din ang ginagawa ko.” Paliwanag nito sa akin. “Pero he’s the one who will interview you.” Napatango ako dahan-dahan, “Ah, gano’n po pala.” Sagot ko sabay tumingin ako sa paligid para hanapin ang CEO, pero wala na akong nakita pang ibang tao bukod sa aming dalawa. “Eh, nasaan po ang CEO?” tanong ko. “He’s not here.” “Ha? Pero akala ko ay siya po ang mag-interview sa akin?” “Siya nga, pero via video call.” Naglakad si Eric papalapit sa lamesa at ihinarap nito sa akin ang laptop. “You may seat now, Miss Meleah.” sambit nito na kaagad ko rin naming si
Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Maaga akong nagpunta sa Gstone Builders Company upang magpasa sana ng resume, pero sana ay diretso interview na.Finger cross!This is my last hope, at sana talaga ay makapasok ako, dahil bago pa ako magtungo rito ay napakaraming gamot ang kailangan kong bilihin para kay nanay. Ang iba ay talagang pricey ang presyo, at mabibili lang sa mismong hospital.Nang makarating ako sa entrance ng kompanya ay kaagad akong pinigil ng guwardya.“Miss, hindi po basta-basta nagpapapasok ng tao rito sa kompanya, lalo kung wala po kayong appointment.” Sambit ng guwardya saka ako pinsadahan ng tingin nito. “At mukhang sa ayos niyo Miss ay malabong matanggap kayo rito, dahil maseselan ang mga tao rito.”Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Ayos naman ang suot ko, ah? Naka-black slacks ako at white polo shirt.“Grabe ka naman, Manong Guard! Maayos naman po ang suot ko, ah?” sambit ko.Napailing ang guwardya. “Hindi naman sa panlalait, Miss, pero kasi lahat
Bago pa ako makasagot sa banat ni Walden, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito agad at umaasang baka tawag ito mula sa opisina para sa ibang appointment.Ngunit sa unang ring pa lang, nakita ko na ang pangalan ng branch manager namin. Kinabahan akong bigla at napakunot ng noo.Bakit naman tatawag ang manager namin sa akin?“Hello?” Sinubukan kong gawing normal ang boses ko, kahit ramdam kong nakatitig sa akin si Walden.“Miss Flamenco,” mabilis at malamig ang tono ng nasa kabilang linya. “Hindi na ako maglalabas pa ng memo, pero effective today… terminated ka na bilang sales agent.”Parang umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salita. Napasinghap ako, at halos mahulog ang cellphone sa kamay ko. “W–wait, bakit po? Ano’ng nang—”“May reklamo mula sa kliyente. Ayokong ipaliwanag sa telepono. Ibalik mo na lang ang mga gamit ng kumpanya.” At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.Napako ako sa kinatatayuan ko, at halos hindi pa rin ako m
“Ano ang dapat kong malaman?” tanong ng pinakapamilyar na boses sa akin.I know that voice na lumipas ang maraming taon, kaya niyang basagin ang pader na itinayo ko bilang pang depensa.Parang nanigas tuloy ang katawan ko. Mabigat at mabagal ang bawat paghinga habang dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita… si Walden. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng white coat, ang kilay niya’y magkadikit sa lalim ng pagkakunot, at ang mga mata niya ay diretso sa amin ni Zachary, matalim at puno ng katanungan.“What?” muling tanong ni Walden, ngunit mas mababa at mas mariin na ang tono. “Napipi yata kayong bigla?” dagdag pa niya, na para bang nauubusan ng pasensya sa aming dalawa ni Zachary.Napatingin ako kay Zachary, at marahan akong umiling. Hindi ko na kailangan pa na magsalita, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Bumuntong-hininga si Zachary, at kita sa kaniyang mukha ang pag-aalangan. “We were talking about…” sandali siyang natigilan, at tila pinag-iisipan niy
Nang tingnan ko siya ay para akong nakakita ng multo. It was Zachary. I remember before na isa siya sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan ni Walden noon. “Zach, what are you doing here?” tanong ni Kristoff na parang inilalayo nito ang atensyon sa akin, pero sa halip na sumagot ito ay sa akin ito diretsong tumitig. Bago pa ako makaiwas ay nagsalita na ito kaagad. “T–Teka… Meleah? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Zachary, bakas ang pagkagulat at kunot ang noo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Alam kong hindi lang sorpresa ang nararamdaman niya ngayon, may halong hinanakit din, dahil isa siya sa mga taong nakasaksi kung paano ko iniwan si Walden… at walang paliwanag na iniwan ko ang lahat. Bubuka na sana ang bibig ko para magpaliwanag kahit kaunti, pero bago ko pa magawa, naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. “Mama…” lumingon ako. Nandoon si Alliya, nakataas ang mukha sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa tensyong nasa paligid. “