Walden’s Point of View
“What? Choose now, Meleah. Sasayaw ka sa harap ng mga kaibigan ko, sisiping ka sa isa sa kanila, o sa akin na siyang dati mong nobyo?” Hindi na nagsalita pa si Meleah. Nang mukhang kumalma na siya, basta na lamang siyang sumunod sa akin patungo sa parking lot. Ipinasakay ko siya sa passenger seat, at pag-upo ko sa driver seat ay agad kong iniabot sa kaniya ang itim kong t-shirt. Tiningnan niya ako na parang nagtatanong kung para saan ang damit. “Suotin mo ’to, dahil malamig,” saad ko. Kung maririnig ako ng mga kaibigan ko, siguradong sasapakin nila ako. Hinding-hindi nila hahayaang maging kalmado at mabait ako kay Meleah. Alam na alam nila kung anong impyerno ang pinagdaanan ko noong mawala siya. Pero ano bang magagawa ko? Kahit alam kong dapat akong magalit sa kaniya, hindi ko magawa. “H–Hindi na kailangan,” umiwas siya ng tingin. “Dito na natin gawin ang gusto mong mangyari.” Napangisi ako. “What’s the rush?” tanong ko, pero hindi siya agad nakasagot. “Ah, dahil baka gusto mong makakuha pa ng ibang customer? I get it.” Sinimulan kong paandarin ang sasakyan. “But I don’t allow you to do that. Dalawang milyon ang ibabayad ko—hindi iyon mababang halaga, at iilang lalaki lang ang makakapagbigay sa ’yo no’n. Kaya ngayong gabi, sa akin ka. Kaya suotin mo ang damit na ’yan.” Wala na siyang nagawa. Nagsimula na akong mag-drive patungo sa condo unit ko. Ano bang iniisip niya—hahayaang ibenta pa niya ang katawan niya ngayong gabi matapos ko siyang magamit? Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito, pero ang alam ko lang, ayokong gawin niya pa iyon. Sa loob ng limang taon, hindi naging maayos ang buhay ko. Naka-graduate ako sa kolehiyo nang wala siya, kahit nangako kami na sabay kaming magtatapos. After that one night, bigla na lang siyang nag-drop out nang hindi ko alam, at nang puntahan ko siya sa bahay nila, doon ko lang nalaman na lumipat na sila. Para akong mababaliw noon, but thanks to my friends dahil hindi nila ako iniwan. Tapos heto siya! Nasa tabi ko na parang walang nangyari. Na parang hindi niya ako iniwan nang basta-basta. Dapat galit ako! Dapat sigawan ko siya! Pero putcha… pagdating talaga sa kaniya, tumitiklop ako. Katulad pa rin dati—napapakalma niya pa rin ako. Pagdating namin sa condo, agad ko siyang dinala sa shower room. Itinapat ko siya sa shower at binuksan iyon. Nagulat siya at napasinghap pa. “Maligo ka. Linisin mong mabuti ang katawan mo,” saad ko bago lumabas ng shower room. Kumuha ako ng t-shirt at boxer shorts. Wala naman akong gamit na pambabae rito, kaya iyon na lang ang ipapasuot ko sa kaniya. Paglabas niya ng shower room, sakto namang nailapag ko na sa kama ang mga damit. Nagulat ako nang lumabas siya—kahit nakabathrobe, hindi ito nakasara. Kita ko ang buong katawan niyang basa pa ng tubig. Napatingin ako sa kaniyang mga mata. “Anong ginagawa mo?” tanong ko na halatang naguguluhan. “Tara na, simulan na natin para matapos na ’to,” malamig niyang sagot. Natawa ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong lumapit at hinawakan ko ang kaniyang baba. Tumingin ako sa kaniyang mapupulang labi. Umigting ang panga ko nang maisip ko kung ilang lalaki na kaya ang humalik dito… o kung ilan na ang gumamit sa kaniya. Parang may sumaksak sa puso ko, kaya bahagya akong lumayo. Kinuha ko ang damit at boxer shorts na nasa kama at iniabot iyon sa kaniya. “Magbihis ka na bago ka lamigin. Ayokong ako pa ang masisi kapag nilagnat ka,” sabi ko, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “A–Ano bang gusto mong mangyari? Ibinibigay ko na ang katawan ko sa ’yo. Gawin mo na ang gusto mong gawin, tapos bayaran mo ako agad.” Napabuntong-hininga ako. Hindi na talaga siya ang Meleah na nakilala ko. Sobrang laki ng pinagbago niya—hindi ganito kabulgar ang Meleah ko noon. “Ang gusto kong mangyari, magbihis ka muna. Maliligo pa ako bago ko gawin ang gusto kong gawin sa ’yo,” tugon ko saka pumasok sa shower room. Napabuga ako ng hangin dahil sa temptasyong nangyari. F*ck! I saw her full body naked. She’s the only one who can give me a boner in an instant! Mabilis akong tumapat sa shower at binuksan ito. Kailangan kong mawala ang init na nararamdaman ko. Kahit gaano ko pa siya kagustong halikan, hindi ko magawa—ayokong mangyari iyon dahil lang sa perang ibabayad ko. Pagpikit ko ng mga mata, hindi ko mapigilang maalala ang bawat detalye ng katawan niya. Walang pinagbago—balingkinitan pa rin, may katamtamang laki ng dibdib, at shaved ang private part niya. “Damn it!” Napamura ako nang maramdaman kong naninigas na naman ang taksil kong kaibigan. Kilala pa rin nito ang tanging lagusan na minsan ko nang napasok. Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng shower room at nagulat nang wala si Meleah. Mabilis akong lumabas ng kuwarto, takot na baka tumakas siya. Pero nawala ang pag-aalala ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, nanonood ng TV habang may hawak na bote ng wine. That’s one of my collection. Kahit mga kaibigan ko, bawal humawak niyan—pero siya, tinungga pa sa harapan ko, at wala akong naging reaksyon. “Why? Akala mo ba tatakas ako? Siya nga pala, kinuha ko na itong wine mo para naman lumakas ang loob kong harapin ka sa kama mamaya,” saad niya na parang lasing na. Pinunasan ko ng towel ang buhok ko at lumapit sa kaniya. Mabilis kong inagaw ang bote. “Get up, and go to bed. Gusto ko nang gawin sa ’yo ang gusto kong mangyari,” sambit ko, dahilan para bahagya siyang magulat. “S–Sige,” utal niyang sagot, saka siya tumayo at iniwan ako sa sala. Napatingin ako sa wine collection ko at napailing. Si Meleah lang pala ang makakatikim niyon. That’s crazy. Sumunod ako sa kaniya sa kama. Naghintay lang siya roon, kaya agad ko siyang tinulak pahiga. Napasinghap siya. Pinatungan ko siya, at nakita ko sa kaniyang mga mata ang takot, imbes na tuwa. “Namiss mo ba ako, Meleah?” mahinang tanong ko. “It’s been five years.” Agad siyang umiwas ng tingin. “Hindi ko dinadala ang personal na buhay ko sa trabaho,” tugon niya. Napangiti ako at humiga sa tabi niya, saka siya niyakap nang mahigpit. “Kasi ako… namiss kita,” pag-amin ko. “A–Ano bang sinasabi mo? A–Akala ko ba gusto mong—” “Akala mo ano? Na aangkinin kita ngayong gabi? No, Meleah. I would love to make love with you, not just have sex with you. Ito ang gusto kong gawin sa ’yo. Kaya dapat yakapin mo rin ako pabalik para masiyahan ako.” Parang nag-aalangan naman siyang yakapin ako pabalik. May kung anong pumipigil sa kaniya na hindi ko alam kung ano 'yon, but I don't care. Gusto ko lang ng yakap niya— sa limang taon na nawala siya ay ito lang muna ang gusto kong maramdaman mula sa kaniya.Kinabukasan, maaga pa lang ay nakarating na si Meleah sa opisina. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa excitement at kaba na rin sa mga salitang binitiwan ng CEO. “You will do anything for me…” Paulit-ulit ‘yon na pumapasok sa isip niya.Pagpasok niya sa main lobby ng kumpanya, sinalubong siya ng receptionist.“Good morning, Miss Meleah. This way po.”Medyo nagtaka siya kung bakit tila may VIP treatment. Sinamahan siya diretso sa elevator na may kasamang guard, at doon ay dinala siya sa top floor kung saan naroon ang CEO’s office.Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Eric, nakaayos na ang mesa at may nakahandang folder na may pangalan niya.“Good morning, Miss Meleah. Handa ka na ba?” bati nito na may kasamang ngiti.Ngumiti rin siya kahit kinakabahan. “Good morning po. Yes, ready na ako.”“Good. Kasi ngayon makikilala mo na mismo si Sir Den.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?! As in face to face? Hindi na video call?”Tumango si Eric. “Oo. Pero gusto kong ipaalala na hindi l
Wala nang nagawa pa si Sunshine nang maglakad ako patungo sa CEO’s office. Pagdating ko roon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid, at yumuko ito nang bahagya nang makita ako nito. “Good morning, Miss Meleah.” Bati nito sa akin. Yumuko rin ako nang bahagya bilang paggalang. “Good morning din po, Sir—” “I’m not the CEO.” Putol nito sa akin. “I’m Eric, I’m also personal assistant here, pero more on personal na trabaho lang din ang ginagawa ko.” Paliwanag nito sa akin. “Pero he’s the one who will interview you.” Napatango ako dahan-dahan, “Ah, gano’n po pala.” Sagot ko sabay tumingin ako sa paligid para hanapin ang CEO, pero wala na akong nakita pang ibang tao bukod sa aming dalawa. “Eh, nasaan po ang CEO?” tanong ko. “He’s not here.” “Ha? Pero akala ko ay siya po ang mag-interview sa akin?” “Siya nga, pero via video call.” Naglakad si Eric papalapit sa lamesa at ihinarap nito sa akin ang laptop. “You may seat now, Miss Meleah.” sambit nito na kaagad ko rin naming si
Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Maaga akong nagpunta sa Gstone Builders Company upang magpasa sana ng resume, pero sana ay diretso interview na.Finger cross!This is my last hope, at sana talaga ay makapasok ako, dahil bago pa ako magtungo rito ay napakaraming gamot ang kailangan kong bilihin para kay nanay. Ang iba ay talagang pricey ang presyo, at mabibili lang sa mismong hospital.Nang makarating ako sa entrance ng kompanya ay kaagad akong pinigil ng guwardya.“Miss, hindi po basta-basta nagpapapasok ng tao rito sa kompanya, lalo kung wala po kayong appointment.” Sambit ng guwardya saka ako pinsadahan ng tingin nito. “At mukhang sa ayos niyo Miss ay malabong matanggap kayo rito, dahil maseselan ang mga tao rito.”Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Ayos naman ang suot ko, ah? Naka-black slacks ako at white polo shirt.“Grabe ka naman, Manong Guard! Maayos naman po ang suot ko, ah?” sambit ko.Napailing ang guwardya. “Hindi naman sa panlalait, Miss, pero kasi lahat
Bago pa ako makasagot sa banat ni Walden, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito agad at umaasang baka tawag ito mula sa opisina para sa ibang appointment.Ngunit sa unang ring pa lang, nakita ko na ang pangalan ng branch manager namin. Kinabahan akong bigla at napakunot ng noo.Bakit naman tatawag ang manager namin sa akin?“Hello?” Sinubukan kong gawing normal ang boses ko, kahit ramdam kong nakatitig sa akin si Walden.“Miss Flamenco,” mabilis at malamig ang tono ng nasa kabilang linya. “Hindi na ako maglalabas pa ng memo, pero effective today… terminated ka na bilang sales agent.”Parang umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salita. Napasinghap ako, at halos mahulog ang cellphone sa kamay ko. “W–wait, bakit po? Ano’ng nang—”“May reklamo mula sa kliyente. Ayokong ipaliwanag sa telepono. Ibalik mo na lang ang mga gamit ng kumpanya.” At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.Napako ako sa kinatatayuan ko, at halos hindi pa rin ako m
“Ano ang dapat kong malaman?” tanong ng pinakapamilyar na boses sa akin.I know that voice na lumipas ang maraming taon, kaya niyang basagin ang pader na itinayo ko bilang pang depensa.Parang nanigas tuloy ang katawan ko. Mabigat at mabagal ang bawat paghinga habang dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita… si Walden. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng white coat, ang kilay niya’y magkadikit sa lalim ng pagkakunot, at ang mga mata niya ay diretso sa amin ni Zachary, matalim at puno ng katanungan.“What?” muling tanong ni Walden, ngunit mas mababa at mas mariin na ang tono. “Napipi yata kayong bigla?” dagdag pa niya, na para bang nauubusan ng pasensya sa aming dalawa ni Zachary.Napatingin ako kay Zachary, at marahan akong umiling. Hindi ko na kailangan pa na magsalita, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Bumuntong-hininga si Zachary, at kita sa kaniyang mukha ang pag-aalangan. “We were talking about…” sandali siyang natigilan, at tila pinag-iisipan niy
Nang tingnan ko siya ay para akong nakakita ng multo. It was Zachary. I remember before na isa siya sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan ni Walden noon. “Zach, what are you doing here?” tanong ni Kristoff na parang inilalayo nito ang atensyon sa akin, pero sa halip na sumagot ito ay sa akin ito diretsong tumitig. Bago pa ako makaiwas ay nagsalita na ito kaagad. “T–Teka… Meleah? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Zachary, bakas ang pagkagulat at kunot ang noo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Alam kong hindi lang sorpresa ang nararamdaman niya ngayon, may halong hinanakit din, dahil isa siya sa mga taong nakasaksi kung paano ko iniwan si Walden… at walang paliwanag na iniwan ko ang lahat. Bubuka na sana ang bibig ko para magpaliwanag kahit kaunti, pero bago ko pa magawa, naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. “Mama…” lumingon ako. Nandoon si Alliya, nakataas ang mukha sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa tensyong nasa paligid. “