Home / Romance / MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND / CHAPTER 5: Password Anniversary

Share

CHAPTER 5: Password Anniversary

Author: febbyflame
last update publish date: 2025-08-10 10:05:32

Meleah’s Point of View

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong matuwa na nagkita kami muli at hindi siya galit sa akin? O mas dapat akong matakot dahil baka muling manganib ang buhay namin? At higit sa lahat… paano kung malaman niya ang tungkol kay Alliya?

Tahimik akong nakahiga sa tabi niya habang pinagmamasdan ang mahinahon niyang mukha sa ilalim ng malabong ilaw ng lampshade. Ang lalim ng kaniyang tulog, para bang walang mabigat na iniisip. Pero ako… para akong binabayo ng magkasalungat na damdamin.

Sobrang laki ng ipinagbago ni Walden. Mas tumalim ang panga niya, mas nagmukhang mature ang mga mata, at mas tumibay ang katawan niya—hindi na siya ’yung payat na binata na iniwan ko noon. Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili: Natupad kaya niya ang pangarap niyang maging doktor?

At isa pang mas mabigat na tanong, May asawa na kaya siya? Limang taon na ang nakalipas… halos imposibleng wala pa siyang pamilya. Kung totoo man, ang pagkakalagay ko rito sa tabi niya ngayon ay isang uri ng pagtataksil—at hindi ko alam kung paano ko iyon haharapin.

Napatingin ako sa orasan. Ala-una na ng madaling araw, at heto pa rin ako gising, habang alam kong bawat segundo ay mahalaga para sa operasyon ni Nanay.

Bigla kong naisip si Trisha. Siguradong nag-aalala na siya at hinahanap ako. Naiwan ko pa naman ang cellphone ko sa kanila! Maingat kong tinanggal ang kamay ni Walden na nakayakap sa akin at marahang bumangon. Lumingon ako sa paligid, naroon lang ang cellphone niya sa maliit na lamesa sa tabi ng lampshade.

Dahan-dahan akong lumapit, pinipigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Pagbukas ko ng cellphone, lumabas ang lock screen. Pin code. Sinubukan ko ang birthday niya—mali. Sinubukan ko lahat ng alam kong personal numbers niya—mali pa rin. Hanggang sa maalala ko ang anniversary namin.

11.12.19

Nanginginig ang mga daliri ko habang itina-type iyon. Nang bumukas ang screen, napahinto ako. Naalala pa rin niya. Sandali kong tiningnan ang mahimbing niyang mukha, bago mabilis na dinial ang numero ni Trisha—mabuti na lang at kabisado ko pa ito.

“Hello?! Sino ’to?!” bakas sa boses niya ang pag-aalala.

“Ako ’to, Trisha—si Meleah,” mahina kong sagot.

“Meleah! Diyos ko! Nasaan ka na ba?! Ano, sinaktan ka ba ng lalaking ’yon? Sabihin mo kung nasaan ka, pupuntahan kita!”

Napatingin ako sa kama kung saan nakahiga pa rin si Walden, malalim ang tulog.

“H–Hindi niya ako sinaktan. Tumawag lang ako para sabihin sa ’yo—bukas, kausapin mo ang doktor ni Nanay. Sabihin mong ituloy na ang operasyon, nakahanap na ako ng halagang kailangan nila.”

“Salamat naman! Pero teka… kanino mo nakuha ang pera? Sa lalaking iyan? Kung gano’n, umuwi ka na agad. Nababaliw na ako sa kakaisip sa ’yo!”

“Wala pa sa akin ang pera pero—”

“Ano?! Meleah! Nagpaggamit ka tapos wala ka pang pera?!”

Halos takpan ko ang speaker sa lakas ng sigaw niya.

“Trisha, kalma ka. Walang nangyari sa amin. Sabi niya babayaran niya ako at dodoblehin pa. Kilala ko si Walden… alam kong tutuparin niya ’yon. Sige na, ibababa ko na ’to baka magising siya. Pakisabi kay Alliya na mahal ko siya… at uuwi ako pag nagliwanag na.”

Hindi ko na siya hinintay sumagot at pinutol ko ang tawag. Maingat kong ibinalik ang cellphone sa lamesa at bumalik sa kama. Hindi ko na binalik ang kamay niya sa akin, pero nagulat ako nang bigla niya ulit akong yakapin mula sa likod.

“W–Walden, nagising ba kita?” halos pabulong kong tanong, kaba ang pumipintig sa dibdib ko.

“Hmmm… Do you really need that money now?” mahina niyang tugon.

Kinabahan ako. “N–Narinig mo ba ang pinag-usapan namin ni Trisha?”

“Not everything… ’yung huling sinabi mo lang.”

Bahagya akong huminga nang malalim. Mas mabuti na ring wala siyang narinig nang buo. Pero mas mabuting hawak ko na ang pera para maipadala agad kina Trisha o diretso sa ospital.

Kumilos si Walden, kinuha ang cellphone niya, at tumingin sa akin. “Binuksan mo ang cellphone ko. Nagulat ka ba sa password?”

Namula ako sa hiya. “S–Sorry… kailangan ko lang talagang tawagan ang kaibigan ko.”

“What’s your bank account number?” tanong niya.

Napakunot ang noo ko. “Bakit?”

“Ipapadala ko na ngayon din.”

Sinabi ko ang bank account number ko—kabisado ko iyon dahil minsan doon nagpapadala ng tip ang mga kustomer sa mall. Pinakita pa niya sa akin ang transaction. Totoo nga, dinoble niya ang halagang pinag-usapan namin.

Hindi ko napigilan ang mapahawak sa kaniyang dibdib at yakapin siya nang mahigpit. Napaluha ako. Ngayong gabi, parang bumalik ang suwerte ko. Hindi ko kailangang ibenta ang sarili ko ng paulit-ulit para lang makakuha ng ganoong halaga. At hindi na rin magtatagal na mahihirapan si nanay huminga.

“S–Salamat, Walden. Maraming salamat,” nanginginig kong sabi habang umiiyak.

Hinimas niya ang likod ko at nilaro ang buhok ko.

“Now, I want you to sleep beside me. Matulog ka nang mapayapa. Huwag mo nang tanggalin ang yakap ko… because if you do it again, I will punish you.”

Mabuting tao talaga si Walden kahit noon pa man, may malambot na puso. Hindi tulad ng kaniyang ama… na walang awa at nakakatakot.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at sabay kaming humiga ni Walden habang yakap yakap niya pa rin ako. Dahil na rin siguro sa nainom kong alak at pagod ay unti-unti na akong nilalamon ng antok. Hanggang sa hindi ko na ito nagawang labanan pa.

“I double it because I want you to stay with me for at least one week.” narining kong huling sinabi ni Walden bago ako tuluyang lamunin ng antok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 21: Act Like One

    Napatigil naman si Meleah, at halos mabitawan niya ang hawak niyang baso.Napatingin siya kay Walden na para bang hindi niya narinig nang tama ang sinabi nito. Samantala, kapwa napatingin ang kanyang ama at lola sa kanya, tila nagulat ngunit hindi naman negatibo ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin makapagsalita si Meleah dahil hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagsinungaling si Walden tungkol sa isang bagay na napakalaki. At bago pa siya makapagtanong, lalo pang nagdagdag si Walden.“Yes, Grandma.” dagdag ni Walden habang mariing nakatingin kay Meleah.Nanlaki ang mga mata ni Meleah.“W-Walden…” bulong niya habang halos hindi lumalabas ang kanyang boses. “What are you saying?”Bahagyang pinisil ni Walden ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Hindi niya ito tinitigan agad dahil alam niyang makikita nito ang desisyong ginawa niya. Sa halip ay nanatili siyang kalmado sa harap ng kanyang pamilya. Alam niyang kailangan niyang ipakita na walang duda sa kanyang sinasabi. At higit sa lah

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 20: I Had A Daughter

    Kinabukasan, maagang nagising si Meleah sa guest room ng condominium. Ilang sandali siyang nakahiga lamang habang nakatitig sa kisame, tila umaasang kapag muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata ay magigising siyang parang walang nangyari kahapon. Ngunit nang makita niya ang folder na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng kama, bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng nangyari. Ang marriage contract, ang pirma niya, ang pangakong isang taon lamang, at ang perang ipinangako ni Walden para sa operasyon ng kanyang ina ay sabay-sabay na dumagan sa kanyang isip. Napahawak siya sa kanyang noo habang marahan siyang napabuntong-hininga. Hindi pa man siya tuluyang nakabangon ay tatlong marahang katok ang narinig niya mula sa p***o. Napatingin siya roon habang mabilis na inaayos ang gusot niyang buhok at hinihila pababa ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Ilang segundo siyang naghintay bago muling kumatok ang nasa labas, ngunit sa pagkakataong iyon ay mas malinaw na niyang narinig ang

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 19: Conditions

    Nanginginig ang mga daliri ni Meleah habang hawak ang dokumentong ilang segundo pa lamang niyang binabasa, ngunit tila isang buong buhay na ang lumipas sa pagitan ng bawat salitang nakasulat doon. Hindi niya maialis ang mga mata sa dalawang salitang nasa pinakataas ng unang pahina, na para bang kapag muli niya itong binasa ay bigla itong magbabago at magiging ordinaryong business agreement na lamang. Ngunit hindi iyon nangyari, dahil malinaw na malinaw sa kanyang harapan ang nakasulat na MARRIAGE CONTRACT. Unti-unting nanuyo ang kanyang lalamunan habang nararamdaman niyang kumakabog nang malakas ang kanyang dibdib. Sa loob ng ilang segundo, nakalimutan niyang huminga.“W-Walden…” nanginginig na sambit ni Meleah habang dahan-dahan niyang ibinababa ang papel. “Ano ’to?”Hindi agad sumagot si Walden habang nananatili siyang nakaupo sa kabilang sofa, ngunit hindi rin niya inalis ang mga mata kay Meleah. Nakapatong lamang ang isang kamay niya sa armrest habang ang kabilang kamay ay bahagya

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 18: Marriage Contract

    “Pakiusap, Walden.” mahinang tugon ni Meleah habang nakayuko. “Huwag na po nating pag-usapan ang anak ko.” Kapag tungkol sa personal na buhay, nakakalimutan niyang boss niya si Walden, pero kahit na! She used to call him Walden naman before, kaya parang hindi din nakakailang tawagin ito sa pangalan lang. Makalipas ang halos kalahating oras, tuluyan nilang narating ang Laguna Heights Condominium. Bumungad kay Meleah ang isang napakataas at modernong gusali na tila bagong gawa pa lamang. Malawak ang paligid nito, maayos ang landscaping, at mula sa kanilang kinatatayuan ay tanaw ang napakagandang tanawin ng Laguna. Sa unang tingin pa lamang ay ramdam na niya kung gaano kalaki ang proyektong ito at kung gaano kalaki ang halagang nakataya rito. Ngunit imbes na humanga lamang, lalo siyang napaisip kung bakit kailangan niyang makasama rito ni Walden. Pagkapasok nila sa lobby, agad silang sinalubong ng ilang staff. Halos sabay-sabay na yumuko ang mga ito nang makita si Walden. “Good mornin

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 17: Hello, Stranger!

    Habang patuloy na binabagtas ng sasakyan ang mahabang kalsada patungong Laguna, tanging mahinang tugtog mula sa radyo ang pumupuno sa loob nito. Nakaupo si Meleah sa passenger seat habang tahimik na nakatingin sa bintana, pilit na iniiwasang makipag-usap kay Walden. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay may kakaiba sa katahimikan ng lalaki, ngunit ayaw niyang magtanong dahil baka lalo lamang siyang malagay sa alanganin. Simula nang umalis sila ay wala halos naging usapan sa pagitan nila, at mas pinili niyang manahimik kaysa gumawa ng anumang bagay na maaaring pagsisihan niya. Ngunit habang tumatagal ang biyahe, may isa pang problemang unti-unting hindi na niya kayang ipagwalang-bahala—ang kanyang pantog. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyan siyang napapikit at napakagat sa kanyang labi. Pinilit niyang magtiis, umaasang makakahanap sila agad ng lugar na maaaring paghintuan. Ngunit nang maramdaman niyang hindi na talaga niya kakayanin, maingat siyang humarap kay Wa

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 16: Question

    Nagpatuloy ang meeting na parang walang nangyari—parang dalawang estranghero lang sina Meleah at Walden sa harap ng ibang executives. Ngunit sa ilalim ng mesa, sa bawat sulyap at bawat paghinga, ramdam ang tensyon na hindi maitatago. Tahimik na nakatayo si Meleah sa gilid, hawak ang tablet habang ipinapakita ang presentation. Kahit nanginginig ang kamay niya, pinilit niyang maging maayos ang bawat detalye. “Next slide, Miss Meleah.” malamig na utos ni Walden. “Yes, Sir.” sagot niya, pero saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa isang iglap, bumalik ang alaala— “Wag mo akong iiwan, Meleah…” “Pangako, Walden… kahit anong mangyari.” Napakurap siya, agad pinigilan ang sarili. Hindi ngayon. Hindi dito. Natapos ang meeting nang walang aberya. Isa-isang lumabas ang mga tao, hanggang sa silang dalawa na lang ang natira sa conference room. Tahimik. Mabigat. Parang bawat segundo ay may dalang hindi nasasabi. “Impressive.” biglang sabi ni Walden, nakatalikod habang

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 7: His Daughter?

    Pagkasalubong ng mga mata namin ni Walden, para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat, at hindi iyon maitatanggi—pero alam kong pareho kaming nakaramdam ng parehong emosyon. Hindi ko inaasahan na sa dinami-dami ng doktor sa ospital na ito, siya pa ang mag-oopera k

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 6: Dr. Walden Gallagher

    Meleah’s Point of ViewKinabukasan, nagising ako sa katahimikan. Walang tunog ng tao, walang presensya ng init mula sa tabi ko. Napakunot ang noo ko at agad na bumangon mula sa kama. Hinaplos ko pa ang malamig na bahagi ng kama kung saan nakahiga si Walden kagabi—patunay na matagal na siyang umalis

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 4: Fvcking Crazy

    Walden’s Point of View“What? Choose now, Meleah. Sasayaw ka sa harap ng mga kaibigan ko, sisiping ka sa isa sa kanila, o sa akin na siyang dati mong nobyo?”Hindi na nagsalita pa si Meleah. Nang mukhang kumalma na siya, basta na lamang siyang sumunod sa akin patungo sa parking lot. Ipinasakay ko s

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 3: How Much?

    Walden’s Point of ViewHindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa mga kaibigan ko. Paano ba naman kasi, kailangan pa nilang magsinungaling para lang sumama ako. “I thought we were having dinner? Eh, bakit nandito tayo sa ganitong lugar?” asar kong tanong sa mga kaibigan ko, ramdam ang in

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status