Compartir

CHAPTER 5— THE WARNING

Autor: Mr. Yum
last update Fecha de publicación: 2026-10-31 20:36:46

AYA'S POV

“Girl, are you seriously telling me na ang daddy ng ex-boyfriend mo ang naghatid sa 'yo pauwi?!”

Napangiwi ako nang halos mabingi sa sigaw ni Trisha mula sa kabilang linya.

“Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka marinig ka ng kapitbahay!”

“Wala akong pakialam sa kapitbahay mo! Ang gusto kong malaman, guwapo ba ang daddy ni Tres?”

Napapikit ako. Ito talaga ang unang itatanong niya?

“Trisha naman!”

“Ano? Curious lang naman ako! Forty-three, right? May asawa?”

“Widower siya.”

“Oh my gosh! Single!”

“Trisha, please!”

Napahalakhak ang bruha.

“Wait. Don't tell me may gusto ka sa kaniya?”

“What?! Of course not!”

“Then bakit parang defensive ka?”

Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag sa ibabaw ng kama. “Wala akong gusto sa kaniya. Mabait lang siya sa akin.”

“Girl, ang daddy ng ex mo ang nagligtas sa 'yo sa bar, nag-book ng hotel room para sa 'yo, at naghatid pa sa 'yo pauwi. Hindi ka ba kinikilig kahit kaunti?”

Hindi ako agad nakasagot.

Dahil sa totoo lang, may mga sandaling bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko si Uno. Pero hindi ibig sabihin noon na gusto ko na siya.

Siguro, hindi lang ako sanay na may lalaking nag-aalala sa akin.

“Aya?”

“Wala, Trish. Huwag ka nang gumawa ng kuwento.”

“Okay, fine. Pero mag-iingat ka, ha?”

Napakunot ang noo ko.

“Bakit?”

“Because he's Tres's father. Kahit gaano pa siya kabait, complicated pa rin 'yan.”

Saglit akong natahimik. May punto siya.

At iyon din ang dahilan kung bakit gusto kong umiwas kay Uno.

“Don't worry. Hindi ko na naman siguro siya makikita.”

“Good. Focus on yourself muna.”

Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

“I will.”

Pagkatapos naming mag-usap, agad akong humiga sa kama. Pero sa halip na makatulog, bigla kong naalala ang sinabi ni Uno bago ako bumaba sa sasakyan.

“Stop calling me Sir. Uno is fine.”

Napangiti ako nang hindi sinasadya.

Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang unan.

“Aya! Tigilan mo 'yan!”

Kagagaling mo lang sa breakup! At ang mas malala, ama pa ng ex mo ang iniisip mo!

—-----

KINABUKASAN, maaga akong pumasok sa trabaho. Nagtatrabaho ako bilang administrative assistant sa isang maliit na marketing company. Hindi kalakihan ang suweldo ko, pero sapat naman para sa pang-araw-araw kong gastusin.

“Aya!”

Napalingon ako nang tawagin ako ng supervisor naming si Miss Carla.

“Yes, Ma'am?”

“Can you prepare the documents for our meeting this afternoon?”

“Sure po.”

“Make sure everything is complete. Important client natin ang darating.”

Tumango ako.

“Noted, Ma'am.”

Agad akong bumalik sa aking desk at nagsimulang magtrabaho. Sa wakas, may bagay na akong mapagkakaabalahan. Walang Tres.

Walang Bianca. At lalong walang Uno Buenaventura.

Pero mukhang ayaw talaga akong tantanan ng tadhana. Dahil bandang alas-onse, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang mensahe mula sa unknown number.

Unknown: Good morning, Aya. Have you eaten?

Napakunot ang noo ko.

Sino naman ito?

Me: Who's this?

Ilang segundo lamang ang lumipas bago dumating ang sagot.

Unknown: Uno.

Nanlaki ang mga mata ko.

UNO?!

Mabilis akong napatuwid sa pagkakaupo. Paano niya nakuha ang number ko?!

Me: How did you get my number?

Uno: You gave it to the hotel when you checked in.

Napakunot ang noo ko.

Me: I didn't check in. You booked the room.

Uno: You gave it to the receptionist before I left.

Napahawak ako sa noo. Ano pa bang ginawa ko noong gabing iyon na hindi ko maalala?!

Me: Oh. Okay.

Uno: You haven't answered my question.

Me: What question?

Uno: Have you eaten?

Napatingin ako sa orasan. Alas-onse na pala.

Me: Not yet. Busy po sa work.

Uno: Don't skip meals.

Napairap ako. Ang bossy talaga!

Me: Yes, Sir.

Agad siyang sumagot.

Uno: Uno, Aya.

Napangiti ako.

Me: Okay, Uno.

Hindi na siya nag-reply. At dapat doon na natapos ang lahat. Pero ilang minuto lamang ang lumipas, may tumawag sa reception.

“Aya! May delivery ka!”

Nagtaka ako. Delivery?

Wala naman akong inorder.

Nang lumapit ako sa reception, isang paper bag mula sa mamahaling restaurant ang iniabot sa akin.

May kasama iyong maliit na card.

Eat properly.

— Uno

Napanganga ako.

Grabe naman ang lalaking ito!

Sinabihan ko lang na hindi pa ako kumakain, nagpadala na agad ng pagkain?! Napailing ako habang pinipigilan ang ngiti.

Pero bago pa ako makabalik sa desk, biglang nagsalita ang receptionist.

“Uy, Aya! Boyfriend mo?”

Agad akong umiling.

“Hindi!”

“Then suitor?”

“Hindi rin!”

Napangisi siya.

“Sure ka?”

Napabuntong-hininga ako.

“Basta hindi!”

Pero habang naglalakad ako pabalik sa desk, hindi ko maiwasang mapatingin sa card. At sa hindi ko malamang dahilan, biglang may kakaibang kaba sa dibdib ko.

Dahil alam kong hindi dapat ako masanay sa ganitong klaseng atensiyon. Lalo na kung nanggagaling iyon sa ama ng ex-boyfriend ko.

Bandang hapon, abala ako sa pag-aayos ng documents nang biglang lumapit si Miss Carla.

“Aya, can you bring these folders to the conference room?”

“Yes, Ma'am.”

Kinuha ko ang mga folder at agad na naglakad patungo sa meeting room.

Ngunit bago pa ako makapasok, may narinig akong pamilyar na boses mula sa loob.

“I'm expecting the proposal to be ready by Friday.”

Napahinto ako. Wait lang.

Bakit parang kilala ko ang boses na iyon? Dahan-dahan kong itinulak ang p***o. At halos mabitawan ko ang mga folder nang makita kung sino ang nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa.

“U-Uno?”

Si Uno nga! Nakasuot siya ng dark gray suit habang seryosong nakikinig sa presentation ng boss namin.

Lord! Ano na naman ito?! Sinusubok mo ba talaga ako?

Napatingin siya sa akin.

At sa isang iglap, bahagyang umangat ang kaniyang kilay.

“Aya?”

Agad na napalingon ang lahat.

Napakagat ako sa ibabang labi.

“H-Hello, Sir.”

Napakunot ang noo ni Miss Carla.

“You know Mr. Buenaventura ?”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

Mr. Buenaventura. Ang pangalan na gusto kong iwasan pero sadyang gumagawa nang paraan ang tadhana.

“Ah... yes, Ma'am. We've met before.”

Tumango si Miss Carla.

“Well, that's good. Mr. Buenaventura is one of our biggest prospective investors.”

Nanlaki ang mga mata ko. Investor?!

Napatingin ako kay Uno. Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Dahil kung magiging investor siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, ibig sabihin ay mas madalas ko siyang makikita.

At hindi ko alam kung handa ako roon.

“Aya, the documents?” paalala ni Miss Carla.

“Ah! Yes, Ma'am!”

Mabilis kong inilapag ang mga folder sa mesa. Pero bago ako makalayo, biglang nagsalita si Uno.

“Miss Monteverde.”

Napahinto ako.

“Yes, Sir?”

Bahagya siyang ngumiti.

“Thank you.”

Tumango ako bago nagmamadaling lumabas. Pagkasara ko ng p***o, agad akong napasandal sa dingding.

Lord! Bakit ba kahit saan ako pumunta, parang nandoon siya?!

—--

KINAGABIHAN, pauwi na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown number. Ngunit bago ko pa sagutin, may pumasok na mensahe.

Uno: Did you get home safely?

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng mensaheng iyon ay napangiti ako.

Me: On my way home.

Uno: Be careful.

Me: Thank you. And thank you rin po sa lunch.

Uno: You're welcome.

Saglit kong tinitigan ang screen bago tuluyang ipinasok ang cellphone sa handbag. Pero bago pa ako makalakad, may isang itim na sasakyang biglang huminto sa harapan ko.

Napaatras ako. Bumukas ang bintana.

At agad na sumama ang timpla ng mukha ko nang makita ang taong nasa loob.

Si Tres. “Aya. Get in.”

Napakunot ang noo ko.

“What?”

“I said get in. We need to talk.”

Napailing ako.

“Wala na tayong dapat pag-usapan.”

Biglang bumukas ang p***o at bumaba siya.

“Don't make this difficult.”

Napahigpit ang hawak ko sa handbag.

“Tres, ano na naman ba ang problema mo?”

Lumapit siya nang ilang hakbang.

“My father.”

Bigla akong natigilan.

“What about him?”

Matalim niya akong tiningnan.

“Stay away from him.”

Napakurap ako.

“Excuse me?”

“I saw the way he looked at you yesterday. And I know you're trying to get close to him.”

Napatawa ako nang hindi makapaniwala.

“Are you seriously accusing me of seducing your father?”

“Don't play innocent, Aya!”

“Tres, you're being ridiculous!”

Lumapit siya nang kaunti.

“Listen carefully. My father isn't someone you can manipulate. He's not like me.”

Napataas ang kilay ko.

“Don't worry. I already learned my lesson about men like you.”

Biglang nagdilim ang mukha niya.

“You think this is funny?”

“No. Ang nakakatawa ay kung bakit pakialam na pakialam ka pa rin sa buhay ko gayong may fiancée ka na.”

Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay malamig siyang ngumiti.

“Fine. Do whatever you want.”

Napakunot ang noo ko.

“But don't say I didn't warn you.”

Tinalikuran niya ako at muling sumakay sa sasakyan. Ngunit bago niya tuluyang isara ang bintana, muli siyang nagsalita.

“Because if you keep getting close to my father, Aya...”

Saglit siyang huminto.

“I'll make sure you regret it.”

Pagkatapos ay mabilis na umalis ang sasakyan. Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada habang malakas ang tibok ng puso. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Tres.

Siya ang nanloko. Siya ang nakipaghiwalay. Pero ngayon, parang gusto pa rin niyang kontrolin kung sino ang puwede kong makilala. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko nang muli itong mag-vibrate.

Isang mensahe mula kay Uno.

Uno: Aya, there's something I need to tell you about Tres.

Nanlamig ang mga kamay ko.

Bakit? Ano ang ibig niyang sabihin?

At bakit pakiramdam ko, ang simpleng pagkakakilala namin ni Uno… Ay simula pa lamang ng isang gulong hindi ko na matatakasan?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 5— THE WARNING

    AYA'S POV“Girl, are you seriously telling me na ang daddy ng ex-boyfriend mo ang naghatid sa 'yo pauwi?!”Napangiwi ako nang halos mabingi sa sigaw ni Trisha mula sa kabilang linya.“Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka marinig ka ng kapitbahay!”“Wala akong pakialam sa kapitbahay mo! Ang gusto kong malaman, guwapo ba ang daddy ni Tres?”Napapikit ako. Ito talaga ang unang itatanong niya?“Trisha naman!”“Ano? Curious lang naman ako! Forty-three, right? May asawa?”“Widower siya.”“Oh my gosh! Single!”“Trisha, please!”Napahalakhak ang bruha.“Wait. Don't tell me may gusto ka sa kaniya?”“What?! Of course not!”“Then bakit parang defensive ka?”Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag sa ibabaw ng kama. “Wala akong gusto sa kaniya. Mabait lang siya sa akin.”“Girl, ang daddy ng ex mo ang nagligtas sa 'yo sa bar, nag-book ng hotel room para sa 'yo, at naghatid pa sa 'yo pauwi. Hindi ka ba kinikilig kahit kaunti?”Hindi ako agad nakasagot.Dahil sa totoo lang, may mga

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 4 — THE BILLIONAIRE'S ATTENTION

    AYA'S POV“Dad, are you seriously defending her?”Hindi makapaniwalang napatingin si Tres sa kaniyang ama. Samantalang ako, gusto ko na lamang maglaho sa kinatatayuan ko.Diyos ko! Bakit ba hindi pa ako umalis kanina?!“I'm not defending anyone, Tres. I'm simply reminding you to show some respect,” malamig na sagot ni Uno.“Respect? Dad, she's my ex-fiancée!”“And that gives you the right to insult her?”Napatiim-bagang si Tres.“Hindi mo siya kilala, Dad. She's just pretending to be innocent!”Napalingon ako sa kaniya.“Excuse me?!”“Don't act like you're the victim here, Aya. Alam kong may plano ka!”Napatawa ako sa sobrang inis.“Plano? Tres, kung may plano man ako, iyon ay ang makalayo sa inyong dalawa ni Bianca!”“Then why are you here in my father's office?”“Because I asked her to come here.”Sabay kaming napatingin kay Uno.Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng kaniyang desk, ngunit halatang nauubos na ang pasensiya niya.“Dad—”“Enough. Leave us.”Nanlaki ang mga mata ni Tres.“

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED     CHAPTER 3 — MY EX-BOYFRIEND'S FATHER

    AYA'S POV“Dad, this is Aya. My ex-fiancée.”Parang gusto kong lamunin ako ng lupa nang marinig ko ang pagpapakilala ni Tres.Dad?! Si Uno ang daddy niya?!Diyos ko! Sa dinami-dami ng lalaking puwede kong makilala sa bar, bakit ama pa talaga ng ex-boyfriend ko?!Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang aming mga mata.Pero huli na. Nakita ko kung paano bahagyang kumunot ang noo niya. Halatang nakilala rin niya ako.“Aya?” ulit niya.Napilitan akong ngumiti.“H-Hello, Sir.”Sir?! Gusto kong batukan ang sarili ko.Kagabi, gusto ko siyang halikan. Ngayon, tinatawag ko na siyang Sir!“Do you know each other?” biglang tanong ni Tres, habang nakakunot ang noo. Agad akong napatingin sa kaniya.“No!”Kasabay niyon ay ang mahinang pagsagot ni Uno.“We've met.”Napalingon ako sa kaniya. Sir naman!Hindi ba puwedeng makisama ka muna?!“Where?” kunot-noong tanong ni Tres.“In the hotel,” kalmadong sagot ni Uno.Biglang nanlaki ang mga mata ko.“Hotel?!” ulit ni Tres.“Sa lobby!” mabilis ko

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 2— THE MAN I SHOULD AVOID

    AYA'S POV“Good morning, Miss.”Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makarinig ng katok mula sa pinto.Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit iyon.“Aray!”Diyos ko! Bakit parang may nagko-concert sa loob ng ulo ko?Napapikit ako sandali bago dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Ngunit nang makita ko ang paligid, bigla akong natigilan.Wait lang. Nasaan ako?Napatingin ako sa malawak na silid. May malaking television sa dingding, mamahaling chandelier, at floor-to-ceiling windows na natatakpan ng makakapal na kurtina.At ang kama? Diyos ko! Parang limang tao ang puwedeng matulog dito!Mabilis kong inangat ang kumot at tiningnan ang sarili ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang suot ko pa rin ang damit ko kagabi.Pero hindi pa rin nawala ang kaba ko.Paano ako napunta rito?Ang huling naaalala ko ay nasa bar ako kasama ang isang estrangherong nagngangalang Uno.Napapikit ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang lalaking nanggulo sa akin. Ang pagdating ni Uno

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 1 — THE MYSTERIOUS STRANGER

    AYA'S POV “Isang margarita, please.” Agad na tumango ang bartender bago nagsimulang maghanda ng inumin. Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag ko sa ibabaw ng counter. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumasok sa ganitong lugar. Hindi naman talaga ako mahilig uminom. Sa katunayan, isang baso pa lang ng alak, namumula na agad ang mukha ko. Pero ngayong gabi, wala akong pakialam. Gusto kong malasing. Gusto kong makalimot. At kung puwede lang, gusto kong burahin sa utak ko ang pagmumukha ng walanghiyang lalaking sumira sa apat na taon ng buhay ko. “Here's your margarita, Ma'am.” “Thank you.” Kinuha ko ang baso at agad na humigop. Napangiwi ako nang malasahan ang maasim at bahagyang matapang na inumin. “Ang asim naman nito,” mahina kong reklamo. Pero muli pa rin akong uminom. Mas maasim pa rin naman ang ugali ng ex-boyfriend ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nang kunin ko iyon mula sa handbag, agad na nawala ang bahagyang ngiti

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status