Inicio / Romance / MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED / CHAPTER 4 — THE BILLIONAIRE'S ATTENTION

Compartir

CHAPTER 4 — THE BILLIONAIRE'S ATTENTION

Autor: Mr. Yum
last update Fecha de publicación: 2026-10-31 20:35:33

AYA'S POV

“Dad, are you seriously defending her?”

Hindi makapaniwalang napatingin si Tres sa kaniyang ama. Samantalang ako, gusto ko na lamang maglaho sa kinatatayuan ko.

Diyos ko! Bakit ba hindi pa ako umalis kanina?!

“I'm not defending anyone, Tres. I'm simply reminding you to show some respect,” malamig na sagot ni Uno.

“Respect? Dad, she's my ex-fiancée!”

“And that gives you the right to insult her?”

Napatiim-bagang si Tres.

“Hindi mo siya kilala, Dad. She's just pretending to be innocent!”

Napalingon ako sa kaniya.

“Excuse me?!”

“Don't act like you're the victim here, Aya. Alam kong may plano ka!”

Napatawa ako sa sobrang inis.

“Plano? Tres, kung may plano man ako, iyon ay ang makalayo sa inyong dalawa ni Bianca!”

“Then why are you here in my father's office?”

“Because I asked her to come here.”

Sabay kaming napatingin kay Uno.

Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng kaniyang desk, ngunit halatang nauubos na ang pasensiya niya.

“Dad—”

“Enough. Leave us.”

Nanlaki ang mga mata ni Tres.

“What?”

“You heard me.”

“But she's—”

“Tres.”

Isang salita lamang iyon, pero agad na natahimik ang anak niya. Napailing si Tres bago ako tiningnan nang masama.

“This isn't over, Aya.”

Pagkatapos ay padabog siyang lumabas at isinara ang p***o. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng opisina.

Napabuntong-hininga ako.

“I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadyang maging dahilan ng pagtatalo ninyo.”

“Don't apologize for his behavior.”

Napatingin ako sa kaniya.

“But he's your son.”

“Exactly. Which means I'm responsible for correcting him when he's wrong.”

Hindi ako agad nakapagsalita.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahang ganito si Uno. Akala ko, dahil anak niya si Tres, kakampihan niya ito kahit mali.

Pero kabaligtaran ang nangyari.

“Thank you po,” mahina kong sabi.

“For what?”

“For listening to me. At saka sa pagtatanggol sa akin.”

Saglit niya akong tinitigan.

“You don't have to thank me for doing what's right.”

Napangiti ako. Kung sana ganito rin mag-isip ang anak niya, baka hindi kami humantong sa ganito. Kanina pa nga ako napapaisip kung mag-tatay ba talaga sila dahil mukhang hindi namana ni Tres ang ugali ng kaniyang ama.

Sayang naman. Mukha lang yata ang namana.

“Aya?”

Napakurap ako.

“Yes, Sir?”

“Are you feeling alright?”

“Opo. Bakit?”

“You've been staring at me.”

Biglang uminit ang mukha ko.

Gosh! Hindi ko na pala namalayan na napatitig na ako nanmg matagal sa lalaking nasa harapan ko.

“H-Hindi ah!”

Bahagyang umangat ang kaniyang kilay.

“Really?”

“Opo! May iniisip lang ako!”

“And what were you thinking about?”

“Wala po!”

Napapikit ako. Diyos ko, Aya!

Bakit parang lalo kang nagmumukhang guilty?! Defensive yarn?!

Mahina siyang natawa bago kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

“I'll ask my driver to take you home.”

“Sir, huwag na po. Kaya ko naman mag-commute.”

“I know you can.”

“Then why—”

“Because I want to make sure you get home safely.”

Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang init na kumalat sa dibdib ko.

Sa loob ng ilang buwan, halos hindi na ako tinatanong ni Tres kung nakauwi ba ako nang maayos.

Samantalang ang ama niya, na dalawang beses ko pa lamang nakakausap, ay nag-aalalang makauwi ako nang ligtas. Napakaironic naman ng buhay.

“Sir, hindi n'yo naman po kailangang gawin 'to.”

“I know.”

“Then?”

Bahagya siyang ngumiti.

“Must there always be a reason?”

Hindi ako nakasagot.

Maya-maya, may kumatok sa p***o.

“Come in,” sabi ni Uno.

Bumukas iyon at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng black suit.

“Sir, the car is ready.”

“Thank you, Daniel.”

Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.

“Let's go.”

Napakurap ako.

“Wait. Sasama po kayo?”

“Yes.”

“Bakit?”

“I have somewhere to be.”

Napanganga ako. Ah, okay.

Akala ko ihahatid niya talaga ako.

Gosh! Ang assuming mo, Aya!

Tahimik kaming naglakad palabas ng mansiyon. Ngunit bago kami makarating sa sasakyan, biglang may tumawag sa pangalan ko.

“Aya!”

Napalingon ako. Si Bianca iyon.

Nakatayo siya malapit sa entrance habang nakahalukipkip. Napabuntong-hininga ako.

Ano na naman kaya ang ipagyayabang nito?!

“Can we talk?” tanong niya.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa.”

“Just a minute.”

Napatingin ako kay Uno.

“Sir, mauna na po kayo.”

Saglit niya akong tiningnan bago tumango.

“I'll wait by the car.”

Nang makalayo siya, agad akong humarap kay Bianca.

“What do you want?”

Napangisi siya.

“Ang galing mo rin pala.”

Napakunot ang noo ko.

“Excuse me?”

“Akala ko ba tapos ka na kay Tres? Bakit pati daddy niya nilalandi mo na?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Are you serious?!”

“Don't act innocent, Aya. Nakita ko kung paano ka niya ipinagtanggol kanina.”

Napatawa ako nang hindi makapaniwala.

“So, kapag ipinagtanggol ako ng isang lalaki, ibig sabihin nilalandi ko na?”

“Alam kong may balak kang gumanti.”

Napailing ako.

“Bianca, hindi umiikot sa inyong dalawa ang mundo ko.”

Lumapit siya nang kaunti.

“Listen carefully. Tres is mine now. And I'm carrying his child. Kaya kung iniisip mong makakabalik ka pa sa buhay niya, forget it.”

Saglit ko siyang tinitigan.

Pagkatapos ay napangiti ako.

“Don't worry. Hindi ko na kukunin ang lalaking kusang mong pinulot. Nagtataka nga ako, eh, ano ba talaga ang trabaho mo? Business Associates, or Garbage collector?”

Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

“What did you say?!”

“You heard me.”

“Aya!”

“Congratulations nga pala sa engagement ninyo,” dagdag ko. “Sana lang hindi mo maranasan ang ginawa niya sa akin.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya.

Tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa sasakyan. Pero kahit nakangiti ako, hindi ko maiwasang maramdaman ang kirot sa dibdib ko. Hindi dahil gusto ko pang bumalik kay Tres. Kundi dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nila kayang respetuhin ang sakit na idinulot nila sa akin.

“Everything alright?”

Napalingon ako kay Uno nang makaupo ako sa loob ng sasakyan.

Nasa kabilang upuan siya habang may hawak na tablet.

“Opo.”

Tiningnan niya ako sandali.

“She said something unpleasant?”

Napakurap ako.

“Paano n'yo nalaman?”

“I saw your expression when you walked back.”

Napayuko ako.

“Wala naman pong bago. Akala niya, may balak akong agawin si Tres.”

“And do you?”

Agad akong napatingin sa kaniya.

“Of course not!”

Bahagyang umangat ang kilay niya.

“Good.”

Napakunot ang noo ko.

“Good?”

“Yes.”

“Bakit po?”

Ibinaba niya ang tablet bago ako tiningnan.

“Because going back to someone who repeatedly betrayed you would only hurt you again.”

Hindi ako agad nakapagsalita. May punto naman siya. Pero bakit parang may iba akong naramdaman sa paraan ng pagkakasabi niya?

“Don't worry, Sir. Wala na akong balak bumalik sa anak n'yo.”

Tumango siya.

“I'm glad to hear that.”

Saglit kaming natahimik.

Pagkatapos ay may naalala ako.

“By the way, Sir, may itatanong po sana ako.”

“Go ahead.”

“Bakit Uno ang ipinakilala n'yong pangalan sa akin kagabi?”

Bahagyang umangat ang kilay niya.

“Because that's my name.”

“I know. Pero hindi n'yo sinabi ang surname n'yo.”

“You didn't ask.”

Napanganga ako.

“Seriously?!”

Bahagya siyang ngumiti.

“Would it have changed anything?”

Natigilan ako. Oo naman!

Kung alam ko lang na Buenaventura siya, hindi ko sana—

Bigla akong tumigil. Hindi ko sana ano?

Kinausap? Pinagtawanan?

O inalok ng halik?

Diyos ko! Ayoko nang maalala iyon!

“Aya?”

Napatingin ako sa kaniya.

“Yes?”

“You're blushing again.”

Agad kong hinawakan ang pisngi ko.

“Hindi po!”

Mahina siyang natawa.

At sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag kasama ko siya, parang nakakalimutan ko kahit sandali ang sakit na iniwan ni Tres. At iyon ang mas nakakatakot. Dahil hindi dapat ganito ang nararamdaman ko.

Hindi sa ama ng ex-boyfriend ko.

Hindi kay Uno Buenaventura.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment building namin.

“Thank you po sa ride, Sir.”

Tumango siya.

“Take care, Aya.”

Ngumiti ako bago binuksan ang p***o.

Ngunit bago ako tuluyang makababa, muli niya akong tinawag.

“Aya.”

Napalingon ako.

“Yes, Sir?”

Saglit niya akong tinitigan.

“Stop calling me Sir.”

Napakurap ako.

“Ha?”

“Uno is fine.”

Napakagat ako sa ibabang labi.

“Pero daddy po kayo ni Tres.”

“And?”

Napabuntong-hininga ako.

Ito na naman tayo sa and niya!

“It's inappropriate.”

“Calling someone by their name?”

“Hindi po iyon ang ibig kong sabihin!”

Bahagya siyang ngumiti.

“I know.”

Napailing ako. Ang hirap talagang kausap ng lalaking ito.

“Fine. Thank you, Uno.”

“You're welcome, Aya.”

Mabilis akong bumaba bago pa ako tuluyang mapahiya. Ngunit habang naglalakad ako patungo sa entrance, hindi ko napigilang lumingon.

Nandoon pa rin ang sasakyan.

At sa likod ng bahagyang nakabukas na bintana, nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong humarap at nagmamadaling pumasok sa building.

Oh God. Ano ba itong pinapasok ko?!

Akala ko, matapos kong hiwalayan si Tres, magiging tahimik na ang buhay ko. Pero mukhang nagkakamali ako.

Dahil sa halip na tuluyang makalayo sa pamilya Buenaventura...Parang mas lalo pa akong napapalapit sa pinakadelikadong miyembro nito.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 5— THE WARNING

    AYA'S POV“Girl, are you seriously telling me na ang daddy ng ex-boyfriend mo ang naghatid sa 'yo pauwi?!”Napangiwi ako nang halos mabingi sa sigaw ni Trisha mula sa kabilang linya.“Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka marinig ka ng kapitbahay!”“Wala akong pakialam sa kapitbahay mo! Ang gusto kong malaman, guwapo ba ang daddy ni Tres?”Napapikit ako. Ito talaga ang unang itatanong niya?“Trisha naman!”“Ano? Curious lang naman ako! Forty-three, right? May asawa?”“Widower siya.”“Oh my gosh! Single!”“Trisha, please!”Napahalakhak ang bruha.“Wait. Don't tell me may gusto ka sa kaniya?”“What?! Of course not!”“Then bakit parang defensive ka?”Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag sa ibabaw ng kama. “Wala akong gusto sa kaniya. Mabait lang siya sa akin.”“Girl, ang daddy ng ex mo ang nagligtas sa 'yo sa bar, nag-book ng hotel room para sa 'yo, at naghatid pa sa 'yo pauwi. Hindi ka ba kinikilig kahit kaunti?”Hindi ako agad nakasagot.Dahil sa totoo lang, may mga

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 4 — THE BILLIONAIRE'S ATTENTION

    AYA'S POV“Dad, are you seriously defending her?”Hindi makapaniwalang napatingin si Tres sa kaniyang ama. Samantalang ako, gusto ko na lamang maglaho sa kinatatayuan ko.Diyos ko! Bakit ba hindi pa ako umalis kanina?!“I'm not defending anyone, Tres. I'm simply reminding you to show some respect,” malamig na sagot ni Uno.“Respect? Dad, she's my ex-fiancée!”“And that gives you the right to insult her?”Napatiim-bagang si Tres.“Hindi mo siya kilala, Dad. She's just pretending to be innocent!”Napalingon ako sa kaniya.“Excuse me?!”“Don't act like you're the victim here, Aya. Alam kong may plano ka!”Napatawa ako sa sobrang inis.“Plano? Tres, kung may plano man ako, iyon ay ang makalayo sa inyong dalawa ni Bianca!”“Then why are you here in my father's office?”“Because I asked her to come here.”Sabay kaming napatingin kay Uno.Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng kaniyang desk, ngunit halatang nauubos na ang pasensiya niya.“Dad—”“Enough. Leave us.”Nanlaki ang mga mata ni Tres.“

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED     CHAPTER 3 — MY EX-BOYFRIEND'S FATHER

    AYA'S POV“Dad, this is Aya. My ex-fiancée.”Parang gusto kong lamunin ako ng lupa nang marinig ko ang pagpapakilala ni Tres.Dad?! Si Uno ang daddy niya?!Diyos ko! Sa dinami-dami ng lalaking puwede kong makilala sa bar, bakit ama pa talaga ng ex-boyfriend ko?!Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang aming mga mata.Pero huli na. Nakita ko kung paano bahagyang kumunot ang noo niya. Halatang nakilala rin niya ako.“Aya?” ulit niya.Napilitan akong ngumiti.“H-Hello, Sir.”Sir?! Gusto kong batukan ang sarili ko.Kagabi, gusto ko siyang halikan. Ngayon, tinatawag ko na siyang Sir!“Do you know each other?” biglang tanong ni Tres, habang nakakunot ang noo. Agad akong napatingin sa kaniya.“No!”Kasabay niyon ay ang mahinang pagsagot ni Uno.“We've met.”Napalingon ako sa kaniya. Sir naman!Hindi ba puwedeng makisama ka muna?!“Where?” kunot-noong tanong ni Tres.“In the hotel,” kalmadong sagot ni Uno.Biglang nanlaki ang mga mata ko.“Hotel?!” ulit ni Tres.“Sa lobby!” mabilis ko

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 2— THE MAN I SHOULD AVOID

    AYA'S POV“Good morning, Miss.”Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makarinig ng katok mula sa pinto.Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit iyon.“Aray!”Diyos ko! Bakit parang may nagko-concert sa loob ng ulo ko?Napapikit ako sandali bago dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Ngunit nang makita ko ang paligid, bigla akong natigilan.Wait lang. Nasaan ako?Napatingin ako sa malawak na silid. May malaking television sa dingding, mamahaling chandelier, at floor-to-ceiling windows na natatakpan ng makakapal na kurtina.At ang kama? Diyos ko! Parang limang tao ang puwedeng matulog dito!Mabilis kong inangat ang kumot at tiningnan ang sarili ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang suot ko pa rin ang damit ko kagabi.Pero hindi pa rin nawala ang kaba ko.Paano ako napunta rito?Ang huling naaalala ko ay nasa bar ako kasama ang isang estrangherong nagngangalang Uno.Napapikit ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang lalaking nanggulo sa akin. Ang pagdating ni Uno

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 1 — THE MYSTERIOUS STRANGER

    AYA'S POV “Isang margarita, please.” Agad na tumango ang bartender bago nagsimulang maghanda ng inumin. Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag ko sa ibabaw ng counter. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumasok sa ganitong lugar. Hindi naman talaga ako mahilig uminom. Sa katunayan, isang baso pa lang ng alak, namumula na agad ang mukha ko. Pero ngayong gabi, wala akong pakialam. Gusto kong malasing. Gusto kong makalimot. At kung puwede lang, gusto kong burahin sa utak ko ang pagmumukha ng walanghiyang lalaking sumira sa apat na taon ng buhay ko. “Here's your margarita, Ma'am.” “Thank you.” Kinuha ko ang baso at agad na humigop. Napangiwi ako nang malasahan ang maasim at bahagyang matapang na inumin. “Ang asim naman nito,” mahina kong reklamo. Pero muli pa rin akong uminom. Mas maasim pa rin naman ang ugali ng ex-boyfriend ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nang kunin ko iyon mula sa handbag, agad na nawala ang bahagyang ngiti

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status