AYA'S POV
“Good morning, Miss.”
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makarinig ng katok mula sa p***o.
Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit iyon.
“Aray!”
Diyos ko! Bakit parang may nagko-concert sa loob ng ulo ko?
Napapikit ako sandali bago dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Ngunit nang makita ko ang paligid, bigla akong natigilan.
Wait lang. Nasaan ako?
Napatingin ako sa malawak na silid. May malaking television sa dingding, mamahaling chandelier, at floor-to-ceiling windows na natatakpan ng makakapal na kurtina.
At ang kama? Diyos ko! Parang limang tao ang puwedeng matulog dito!
Mabilis kong inangat ang kumot at tiningnan ang sarili ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang suot ko pa rin ang damit ko kagabi.
Pero hindi pa rin nawala ang kaba ko.
Paano ako napunta rito?
Ang huling naaalala ko ay nasa bar ako kasama ang isang estrangherong nagngangalang Uno.
Napapikit ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang lalaking nanggulo sa akin. Ang pagdating ni Uno. Ang pag-uusap namin.
At pagkatapos...
Bigla nanlaki ang mga mata ko.
“Uno... can I kiss you?”
“AAAAH!”
Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang unan. Diyos ko! Sinabi ko talaga iyon?!
Ako mismo ang nagtanong kung puwede ko siyang halikan?!
Gusto kong magpalamon sa lupa sa mga oras na iyon!
Hindi pa nga kami magkakilala nang maayos, tapos ako pa ang unang nag-alok ng halik! Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin?
Muli akong napahiga habang nakatitig sa kisame. Pero sandali… Ano nga bang nangyari pagkatapos kong sabihin iyon?
Pilit kong inalala ang sumunod na eksena. Naalala kong tinitigan ako ni Uno nang ilang segundo bago dahan-dahang inilayo ang mukha niya.
“You're drunk, Aya.”
“Hindi ako lasing!”
“Then stand properly without holding on to me.”
At dahil matigas ang ulo ko, sinubukan kong tumayo nang mag-isa.
Ang problema, muntik na naman akong matumba. Buti na lang at agad niya akong nasalo. Diyos ko. Nakakahiya!
“Miss? Are you awake?”
Muli akong napalingon sa p***o nang makarinig ang katok.
“Y-Yes! Sandali lang!”
Mabilis akong bumangon at inayos ang buhok bago lumapit sa p***o.
Nang buksan ko iyon, isang babaeng nakasuot ng hotel uniform ang bumungad sa akin.
“Good morning, Ma'am. Your breakfast is ready.”
Napatingin ako sa food trolley sa tabi niya.
“Breakfast?”
“Yes, Ma'am. The gentleman who booked this room requested that we serve your breakfast at nine.”
Napakurap ako. Gentleman?
Si Uno ba ang tinutukoy nito?
“Ah... okay. Thank you.”
Ngumiti siya bago itinulak ang trolley papasok. Habang inaayos niya ang pagkain sa mesa, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid.
Napakamahal sigurong mag-stay sa ganitong klase ng kuwarto. At si Uno ang nagbayad? Jusme. Paano kung singilin niya ako? Wala akong dalang sapat na cash para bayaran ang ganitong suite!
“Anything else, Ma'am?”
Agad akong umiling.
“Wala na po. Thank you.”
Nang makaalis ang hotel staff, saka ako lumapit sa mesa. May nakahandang toast, scrambled eggs, bacon, prutas, at isang basong orange juice. Mayroon ding maliit na puting envelope sa tabi ng plato. Napakunot ang noo ko bago iyon kinuha. Sa loob ay isang business card at maliit na papel na may sulat.
— Uno>
Napanganga ako.
“Grabe! Pinagalitan pa talaga ako!”
Napairap ako bago muling tiningnan ang papel. Pero sa kabila ng pagkainis ko, hindi ko napigilang mapangiti.
Hindi niya pala ako pinabayaan kagabi.
Inihatid niya ako sa isang ligtas na silid at siniguradong may makakain ako pagkagising. Napatingin ako sa business card.Gusto ko sanang basahin ang buong pangalan niya, ngunit biglang tumunog ang cellphone ko.
Napapitlag ako sa gulat. Dahil doon, nabitawan ko ang card at nahulog iyon sa ibabaw ng basang bahagi ng mesa.
“Shocks!”
Mabilis ko iyong pinulot, ngunit kumalat na ang tinta sa ilang bahagi.
“Great. Ang malas ko talaga!”
Napabuntong-hininga ako bago inilapag ang card sa tabi.
Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko. At agad na sumama ang timpla ng mukha ko nang makita ang pangalan sa screen.
TRES CALLING...
Napapikit ako. Ano na naman kaya ang pakulo nito? Hindi pa ba siya nagsasawang guluhin ang buhay ko?
Gaya nang ginawa ko kagabi, pinatay ko ang tawag. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, may pumasok na mensahe.
Tres: We need to talk. Come to the mansion this afternoon.
Napakunot ang noo ko. Mansion?
Bakit kailangan kong pumunta roon?
Mabilis akong nag-type ng sagot.
Me: We have nothing to talk about.
Agad siyang nag-reply.
Tres: This is about our engagement. Dad wants everything settled properly.
Napahinto ako. Ang daddy niya?
Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko.
Sa loob ng apat na taon naming relasyon, ilang beses ko nang narinig ang tungkol sa ama ni Tres. Ni minsan ay hindi ko ito nakita sa personal dahil palagi raw abala sa negosyo nila. Hindi rin ito mahilig sa publicity kaya wala akong odeya sa kung ano ang itsura nito. Ang alam ko lamang ay mahigpit, seryoso, at hindi madaling kausapin ang ama niya. At ngayon, gusto nitong pag-usapan ang engagement namin? Napabuntong-hininga ako.
Wala na rin naman akong balak ipagpatuloy ang kasal. Mas mabuti sigurong matapos na ang lahat.
Me: Fine. I'll be there.
Ibinalik ko ang cellphone sa mesa bago napatingin sa business card ni Uno.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng panghihinayang. Gusto ko sanang magpasalamat nang maayos.
Pero siguro, mas mabuti na rin ito.
Isa lamang siyang estrangherong nakilala ko sa bar. At ako? Isang babaeng kagagaling lamang sa masakit na breakup. Hindi ko kailangan ng panibagong komplikasyon sa buhay.
Lalo na kung ang komplikasyong iyon ay isang napakaguwapong forty-three-year-old widower.
Napailing ako.
“Tama na, Aya. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano.”
Pero bago ko tuluyang inilapag ang card, muli ko itong tiningnan.
At sa pagkakataong iyon, isang bagay ang napansin ko.
May natitira pang ilang letra sa bahaging nabasa.
U. B.
Napakunot ang noo ko.
“B?”
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon. At dahil wala rin naman akong balak hanapin siya, ipinasok ko na lamang ang card sa handbag ko.
Hindi ko alam kung magkikita pa kami.
Pero kung sakali man, sana ay hindi na ako lasing sa susunod. Dahil siguradong hindi ko kakayaning makita siyang muli matapos ang kahihiyang ginawa ko kagabi.
—--
HAPON — BUENAVENTURA MANSION
Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa harapan ng malaking gate.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ilang beses na akong nakapunta rito noon. Pero ngayon, pakiramdam ko ay ibang tao na ako. Hindi na ako ang girlfriend ni Tres na masayang pumupunta rito para makipagkita sa kaniya. Isa na lamang akong babaeng niloko at iniwan. Nang buksan ng guard ang gate, agad akong pumasok. Napakaganda pa rin ng mansiyon. Malawak ang garden, maayos ang mga halaman, at may malaking fountain sa gitna.
Pero sa halip na humanga, mas lalo lamang akong nalungkot. Dati, pangarap kong maging bahagi ng pamilyang ito. Ngayon, gusto ko na lamang makaalis. Pagpasok ko sa sala, agad kong nakita si Tres. Nakaupo siya sa sofa habang may hawak na cellphone. At siyempre, sino pa ba ang katabi niya? Eh ‘di si Bianca.
Napapikit ako sandali. Talagang dinala pa niya rito ang kabit niya.
“Aya,” tawag ni Tres nang makita ako.
Tumayo siya.
“You're late.”
Napatingin ako sa wall clock.
“Five minutes lang akong late.”
“Still late.”
Napatawa ako nang mapait.
“Wow. Ang strict mo naman sa oras. Sana ganiyan ka rin ka-strict pagdating sa pagiging faithful.”
Biglang nagbago ang ekspresyon niya.
“Aya, don't start.”
“Then don't provoke me.”
Napairap si Bianca bago humalukipkip.
“Can we just finish this? I don't want unnecessary stress.”
Napatingin ako sa kaniya.
“Then why are you here?”
“Excuse me?”
“Hindi naman ikaw ang engaged kay Tres, di ba? O baka pati engagement namin gusto mong angkinin?”
“Aya!”
Agad akong napalingon kay Tres.
“What?”
“Watch your words.”
Napatawa ako.
“Talaga? Siya na naman ang ipagtatanggol mo?”
“She's pregnant!”
“And I'm the woman you cheated on!”
Saglit siyang natahimik.
Napabuntong-hininga ako.
“Look, Tres. Wala akong balak makipag-away. Gusto ko lang matapos na 'to.”
“Good. Because Dad doesn't like unnecessary drama.”
Napakunot ang noo ko.
“Nasaan ba ang daddy mo?”
“He's upstairs. He'll be here any minute.”
Tumango ako bago umupo sa pinakamalayong sofa. Ayokong makalapit sa kanilang dalawa.
Lalo na kay Bianca na parang sinasadyang ipakita ang engagement ring na suot niya.
Napakunot ang noo ko. Sandali lang.
Engagement ring? Napatingin ako kay Tres.
“Don't tell me...”
Napangisi si Bianca.
“Oh, you noticed?”
Itinaas niya ang kamay upang mas makita ko ang singsing.
“Tres proposed to me last night.”
Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Last night?
Kagabi lang kami naghiwalay.
At agad na siyang nag-propose sa ibang babae? Napakabilis naman.
Pero sa halip na umiyak, napatawa ako nang pilit.
“Congratulations.”
Tila hindi iyon ang inaasahan ni Bianca.
“That's all?”
“What do you want me to do? Clap?”
Napangisi ako.
“Congratulations sa inyong dalawa. Sana hindi ka rin niya lokohin kapag nagsawa na siya sa 'yo.”
Biglang nagdilim ang mukha niya.
“You—”
“Enough!”
Agad kaming napalingon nang marinig ang isang malalim na boses mula sa hagdan. Nanigas ako sa kinauupuan.
Teka lang. Bakit parang pamilyar ang boses na iyon? Dahan-dahan akong tumingin sa pinanggalingan nito.
At doon ko siya nakita.
Isang matangkad na lalaking nakasuot ng mamahaling black suit ang pababang naglalakad sa hagdan.
Maayos ang pagkakasuklay ng kaniyang itim na buhok.
Matangos ang ilong. Makapal ang kilay.
At may matatalim na matang hindi ko kailanman makakalimutan.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
No. Hindi maaari. Baka namamalikmata lang ako. Pero nang tuluyan siyang makarating sa sala, mas lalo akong nanigas. Dahil kilalang-kilala ko ang mukha niya. Ang lalaking nagligtas sa akin kagabi. Ang lalaking nagdala sa akin sa hotel suite. At ang lalaking muntik ko nang halikan. It's Uno.
“Dad,” agad na bati ni Tres habang tumatayo. Parang biglang huminto ang mundo ko.
Dad? Dahan-dahan akong napatingin kay Tres bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.
At sa sandaling iyon, tila nawala ang lahat ng hangin sa aking mga baga.
Dahil ang lalaking nakilala ko kagabi sa bar… Ay walang iba kundi ang ama ng ex-boyfriend ko.