Home / Romance / MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED / CHAPTER 3 — MY EX-BOYFRIEND'S FATHER

Share

CHAPTER 3 — MY EX-BOYFRIEND'S FATHER

Author: Mr. Yum
last update publish date: 2026-10-31 20:35:21

AYA'S POV

“Dad, this is Aya. My ex-fiancée.”

Parang gusto kong lamunin ako ng lupa nang marinig ko ang pagpapakilala ni Tres.

Dad?! Si Uno ang daddy niya?!

Diyos ko! Sa dinami-dami ng lalaking puwede kong makilala sa bar, bakit ama pa talaga ng ex-boyfriend ko?!

Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang aming mga mata.

Pero huli na. Nakita ko kung paano bahagyang kumunot ang noo niya. Halatang nakilala rin niya ako.

“Aya?” ulit niya.

Napilitan akong ngumiti.

“H-Hello, Sir.”

Sir?! Gusto kong batukan ang sarili ko.

Kagabi, gusto ko siyang halikan. Ngayon, tinatawag ko na siyang Sir!

“Do you know each other?” biglang tanong ni Tres, habang nakakunot ang noo. Agad akong napatingin sa kaniya.

“No!”

Kasabay niyon ay ang mahinang pagsagot ni Uno.

“We've met.”

Napalingon ako sa kaniya. Sir naman!

Hindi ba puwedeng makisama ka muna?!

“Where?” kunot-noong tanong ni Tres.

“In the hotel,” kalmadong sagot ni Uno.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.

“Hotel?!” ulit ni Tres.

“Sa lobby!” mabilis kong singit. “Nagkasalubong lang kami sa lobby!”

Saglit akong tinitigan ni Uno bago bahagyang umangat ang isang sulok ng kaniyang labi. Mukhang natutuwa pa siya sa paghihirap ko!

“That's right,” sabi niya. “At the hotel.”

Nakahinga ako nang maluwag.

Salamat naman at sa wakas ay nakisama siya!

“Anyway, Dad,” singit ni Tres. “I called Aya here so we can officially end our engagement.”

Nawala ang ngiti sa mukha ko.

Bigla kong naalala kung bakit nga pala ako narito.

“Is that so?” tanong ni Uno.

“Yes. Bianca and I are getting married.”

Napatingin si Uno sa babaeng nakaupo sa tabi ni Tres.

“And who is Bianca?”

Agad na tumayo ang babae.

“Good afternoon, Sir. I'm Bianca Salazar.”

Iniabot nito ang kamay, ngunit simpleng tumango lamang si Uno bago umupo sa malaking sofa.

“Sit down, everyone.”

Hindi ko alam kung bakit, pero agad kaming sumunod. Grabe. Iba talaga kapag sanay kang mag-utos.

“Now, explain to me what happened,” seryosong sabi ni Uno.

Agad na nagsalita si Tres.

“Dad, Aya and I are no longer compatible. We've been having problems for months, so we decided to separate.”

Napatingin ako sa kaniya.

Wow. Problems for months?

Galing talaga gumawa ng kuwento! Last month lang nagpapaplano na kami sa magiging future namain tas ngayon biglang may problema na kami?

“And Bianca?” tanong ni Uno.

“She's my girlfriend now.”

“Now?” ulit ng ama niya.

Saglit na natigilan si Tres.

“Yes, Dad.”

Napatawa ako nang mapalit.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Girlfriend niya na po bago pa kami maghiwalay.”

Agad na napalingon sa akin si Tres.

“Shut up, Aya!”

“What? Totoo naman!”

“Aya, don't embarrass me in front of my father!”

Napatingin ako sa kaniya.

“Embarrass you? Tres, niloko mo ako nang mahigit isang taon! Tapos ako pa ang nakakahiya?”

“Aya, enough!”

“Let her speak.”

Biglang natahimik ang buong sala.

Napalingon ako kay Uno.

Nakasandal siya sa sofa habang seryosong nakatingin sa anak.

“I want to hear her side.”

“Dad, there's no need—”

“I wasn't asking you, Tres.”

Napayuko si Tres. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalo akong kakabahan. Dahan-dahang bumaling sa akin si Uno.

“Go ahead, Aya.”

Napahigpit ang hawak ko sa handbag.

“Yesterday was supposed to be our fourth anniversary,” mahina kong simula. “Pumunta ako sa hotel para sorpresahin siya. Pero doon ko nalaman na mahigit isang taon na pala silang may relasyon ni Bianca.”

Saglit akong huminto bago muling nagsalita.

“At buntis po siya.”

Nakita kong bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Uno.

“Pregnant?”

“Yes, Sir,” mabilis na sagot ni Bianca habang hinahaplos ang tiyan. “I'm carrying Tres's baby.”

Ilang segundo siyang natahimik.

Pagkatapos ay dahan-dahang tumingin sa anak.

“Is that true?”

“Yes, Dad.”

“And you proposed to her?”

“Yes.”

“While you were still engaged to Aya?”

Napayuko si Tres.

“We already broke up.”

“Yesterday,” may diing singit ko.

Matalim akong tiningnan ni Tres, ngunit hindi ko siya pinansin.

Napabuntong-hininga si Uno.

“Unbelievable.”

“Dad, I can explain.”

“Then explain why you thought cheating on your fiancée was acceptable.”

Hindi agad nakasagot si Tres.

“I'm waiting.”

“Dad, I don't love Aya anymore. I love Bianca. And she's carrying my child.”

“Then you should have ended your relationship with Aya before pursuing another woman.”

Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiyak.

Hindi dahil nasasaktan ako sa mga sinabi ni Tres. Kundi dahil sa unang pagkakataon mula nang malaman ko ang pagtataksil niya, may taong handang makinig sa akin.

At hindi ko inaasahang ang taong iyon ay ang sarili niyang ama.

Dad, you're making me look like the bad guy,” reklamo ni Tres.

“Because you made a bad decision.”

Natahimik siya. Biglang sumingit si Bianca.

“Sir, with all due respect, hindi naman po kasalanan ni Tres kung hindi na siya masaya kay Aya.”

Dahan-dahang napatingin sa kaniya si Uno.

“Did I ask for your opinion?”

Agad na natigilan si Bianca.

“N-No, Sir.”

“Then don't interrupt.”

Napakagat ako sa ibabang labi.

Hindi ako dapat matuwa.

Pero sorry, Lord. Ang satisfying!

Muling humarap si Uno sa anak.

“The engagement is over. I won't force either of you to continue it.”

Nakahinga ako nang maluwag.

“But that doesn't mean I approve of how you handled things.”

“Dad—”

“And as for your marriage plans with Bianca, we'll discuss that another time.”

Napakunot ang noo ni Bianca.

“But, Sir—”

“That's all.”

Wala nang nakapagsalita.

Tumayo si Uno bago tumingin sa akin.

“Aya, may I speak with you privately?”

Bigla akong nanigas. Ako?! Privately?!

Napatingin ako kay Tres, na halatang nagulat din.

“Dad, why do you need to talk to her?”

“Because I have something to discuss with her.”

“What is it?”

Dahan-dahang lumingon si Uno sa anak.

“Do I need your permission?”

Agad itong natahimik. Samantalang ako ay gusto nang tumakbo palabas ng mansiyon. Diyos ko! Paano kung banggitin niya ang tungkol sa nangyari kagabi?!

“Aya?”

Napatingala ako.

“Yes, Sir?”

“Come with me.”

Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Tahimik kaming naglakad patungo sa kaniyang private office. Nang makapasok kami, agad niyang isinara ang p***o. At doon ako tuluyang kinabahan.

“Sir, bago po ang lahat, gusto ko lang pong mag-sorry tungkol sa kagabi.”

Bahagyang umangat ang kilay niya.

“Sorry for what?”

Napakagat ako sa ibabang labi.

“Alam n'yo na po iyon.”

“I'm afraid I don't.”

Napatingin ako sa kaniya.

Talaga ba?! Gusto niya pa talagang sabihin ko?!

“Y-You know... about the kiss.”

Saglit siyang natahimik.

Pagkatapos ay bahagyang ngumiti.

“Oh. That.”

Biglang uminit ang mukha ko.

“Please forget about it! Lasing lang po talaga ako kagabi. Hindi ko alam ang ginagawa ko.”

“Really?”

“Yes!”

“Interesting.”

Napakunot ang noo ko.

“What's interesting?”

“You seemed quite certain about what you wanted last night.”

Napanganga ako.

“Sir!”

Sa pagkakataong iyon, mahina siyang natawa. At hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo akong nainis sa sarili ko nang marinig iyon. Bakit ba kasi ang guwapo niya kahit nang-aasar?! Tas kapag si Tres dati, nakakainis!

“Relax, Aya. Nothing happened.”

Napabuntong-hininga ako.

“I know. And thank you po for taking care of me.”

“You're welcome.”

Saglit kaming natahimik.

Pagkatapos ay huminga ako nang malalim.

“Sir, I think it's better if we pretend that we never met last night.”

Bahagyang nawala ang ngiti niya.

“Why?”

Napatingin ako sa kaniya.

“Because you're Tres's father.”

“And?”

Napakurap ako. And?! Ano pang and ang pinagsasabi nito?!

“Sir, isn't that enough reason?”

Dahan-dahan siyang lumapit, ngunit huminto pa rin nang may pagitan kami.

“Aya, whatever happened between you and my son has nothing to do with our meeting last night.”

“Pero awkward po.”

“Only if you make it awkward.”

Napabuntong-hininga ako.

Ang hirap naman kausap ng lalaking ito!

“Anyway, Sir, I should go.”

Tumango siya.

“I'll have my driver take you home.”

“No need po. Kaya ko naman.”

“I insist.”

Napatingin ako sa kaniya.

“Sir, do you always insist on everything?”

Bahagyang ngumiti si Uno.

“Only when it concerns someone I don't want to see getting hurt.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako agad nakasagot. Dahil sa paraan ng pagkakasabi niya, parang may ibang ibig sabihin ang mga salita niya. Ngunit bago pa ako makapagtanong, biglang bumukas ang p***o.

“Dad!”

Sabay kaming napalingon.

Si Tres.Nakatayo siya sa pintuan habang salit-salit kaming tinitingnan.

“What the hell is going on here?”

Napakunot ang noo ni Uno.

“Didn't I teach you to knock?”

Hindi iyon pinansin ni Tres.

Sa halip ay dumiretso ang tingin niya sa akin.

“Why are you still here, Aya?”

Napataas ang kilay ko.

“Excuse me?”

“Don't tell me you're trying to get close to my father now that we're over.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

“Ano?!”

Napangisi siya.

“Come on, Aya. I know you're desperate, but this is too much.”

Hindi ako agad nakapagsalita.

Pero bago pa ako makasagot, isang malamig na boses ang pumagitna sa amin.

“Watch your mouth, Tres.”

Napalingon kami kay Uno.

Nawala ang anumang bakas ng ngiti sa mukha niya.

“She is my guest.”

“Dad, she's my ex!”

“I know exactly who she is.”

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

“And unlike you, I know how to treat a woman with respect.”

Nanlaki ang mga mata ni Tres.

At ako? Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahil sa unang pagkakataon, ang lalaking ipinagtatanggol ako laban kay Tres Buenaventura...

Ay ang sarili niyang ama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 5— THE WARNING

    AYA'S POV“Girl, are you seriously telling me na ang daddy ng ex-boyfriend mo ang naghatid sa 'yo pauwi?!”Napangiwi ako nang halos mabingi sa sigaw ni Trisha mula sa kabilang linya.“Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka marinig ka ng kapitbahay!”“Wala akong pakialam sa kapitbahay mo! Ang gusto kong malaman, guwapo ba ang daddy ni Tres?”Napapikit ako. Ito talaga ang unang itatanong niya?“Trisha naman!”“Ano? Curious lang naman ako! Forty-three, right? May asawa?”“Widower siya.”“Oh my gosh! Single!”“Trisha, please!”Napahalakhak ang bruha.“Wait. Don't tell me may gusto ka sa kaniya?”“What?! Of course not!”“Then bakit parang defensive ka?”Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag sa ibabaw ng kama. “Wala akong gusto sa kaniya. Mabait lang siya sa akin.”“Girl, ang daddy ng ex mo ang nagligtas sa 'yo sa bar, nag-book ng hotel room para sa 'yo, at naghatid pa sa 'yo pauwi. Hindi ka ba kinikilig kahit kaunti?”Hindi ako agad nakasagot.Dahil sa totoo lang, may mga

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 4 — THE BILLIONAIRE'S ATTENTION

    AYA'S POV“Dad, are you seriously defending her?”Hindi makapaniwalang napatingin si Tres sa kaniyang ama. Samantalang ako, gusto ko na lamang maglaho sa kinatatayuan ko.Diyos ko! Bakit ba hindi pa ako umalis kanina?!“I'm not defending anyone, Tres. I'm simply reminding you to show some respect,” malamig na sagot ni Uno.“Respect? Dad, she's my ex-fiancée!”“And that gives you the right to insult her?”Napatiim-bagang si Tres.“Hindi mo siya kilala, Dad. She's just pretending to be innocent!”Napalingon ako sa kaniya.“Excuse me?!”“Don't act like you're the victim here, Aya. Alam kong may plano ka!”Napatawa ako sa sobrang inis.“Plano? Tres, kung may plano man ako, iyon ay ang makalayo sa inyong dalawa ni Bianca!”“Then why are you here in my father's office?”“Because I asked her to come here.”Sabay kaming napatingin kay Uno.Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng kaniyang desk, ngunit halatang nauubos na ang pasensiya niya.“Dad—”“Enough. Leave us.”Nanlaki ang mga mata ni Tres.“

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED     CHAPTER 3 — MY EX-BOYFRIEND'S FATHER

    AYA'S POV“Dad, this is Aya. My ex-fiancée.”Parang gusto kong lamunin ako ng lupa nang marinig ko ang pagpapakilala ni Tres.Dad?! Si Uno ang daddy niya?!Diyos ko! Sa dinami-dami ng lalaking puwede kong makilala sa bar, bakit ama pa talaga ng ex-boyfriend ko?!Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang aming mga mata.Pero huli na. Nakita ko kung paano bahagyang kumunot ang noo niya. Halatang nakilala rin niya ako.“Aya?” ulit niya.Napilitan akong ngumiti.“H-Hello, Sir.”Sir?! Gusto kong batukan ang sarili ko.Kagabi, gusto ko siyang halikan. Ngayon, tinatawag ko na siyang Sir!“Do you know each other?” biglang tanong ni Tres, habang nakakunot ang noo. Agad akong napatingin sa kaniya.“No!”Kasabay niyon ay ang mahinang pagsagot ni Uno.“We've met.”Napalingon ako sa kaniya. Sir naman!Hindi ba puwedeng makisama ka muna?!“Where?” kunot-noong tanong ni Tres.“In the hotel,” kalmadong sagot ni Uno.Biglang nanlaki ang mga mata ko.“Hotel?!” ulit ni Tres.“Sa lobby!” mabilis ko

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 2— THE MAN I SHOULD AVOID

    AYA'S POV“Good morning, Miss.”Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makarinig ng katok mula sa pinto.Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit iyon.“Aray!”Diyos ko! Bakit parang may nagko-concert sa loob ng ulo ko?Napapikit ako sandali bago dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Ngunit nang makita ko ang paligid, bigla akong natigilan.Wait lang. Nasaan ako?Napatingin ako sa malawak na silid. May malaking television sa dingding, mamahaling chandelier, at floor-to-ceiling windows na natatakpan ng makakapal na kurtina.At ang kama? Diyos ko! Parang limang tao ang puwedeng matulog dito!Mabilis kong inangat ang kumot at tiningnan ang sarili ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang suot ko pa rin ang damit ko kagabi.Pero hindi pa rin nawala ang kaba ko.Paano ako napunta rito?Ang huling naaalala ko ay nasa bar ako kasama ang isang estrangherong nagngangalang Uno.Napapikit ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang lalaking nanggulo sa akin. Ang pagdating ni Uno

  • MY EX'S FATHER IS DANGEROUSLY OBSESSED    CHAPTER 1 — THE MYSTERIOUS STRANGER

    AYA'S POV “Isang margarita, please.” Agad na tumango ang bartender bago nagsimulang maghanda ng inumin. Napabuntong-hininga ako habang inilalapag ang handbag ko sa ibabaw ng counter. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumasok sa ganitong lugar. Hindi naman talaga ako mahilig uminom. Sa katunayan, isang baso pa lang ng alak, namumula na agad ang mukha ko. Pero ngayong gabi, wala akong pakialam. Gusto kong malasing. Gusto kong makalimot. At kung puwede lang, gusto kong burahin sa utak ko ang pagmumukha ng walanghiyang lalaking sumira sa apat na taon ng buhay ko. “Here's your margarita, Ma'am.” “Thank you.” Kinuha ko ang baso at agad na humigop. Napangiwi ako nang malasahan ang maasim at bahagyang matapang na inumin. “Ang asim naman nito,” mahina kong reklamo. Pero muli pa rin akong uminom. Mas maasim pa rin naman ang ugali ng ex-boyfriend ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nang kunin ko iyon mula sa handbag, agad na nawala ang bahagyang ngiti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status