Share

CHAPTER 3: UNWELCOME SURPRISES

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-07-29 21:27:08

CHAPTER THREE: UNWELCOME SURPRISES

MAHIRAP makapasok sa Valen Group kaya hindi ko na inaasahan na makakapasok pa ako sa kumpanya na yan kaya naghanap ulit ako ng mapapasukan.

“Gwapo ba talaga ang Leonard Valen na yun? “ tanong pa sa akin ni Carla. Nasa condo na kami ng mga oras na iyon at tinutulungan ako nitong mag-ayos.

“Okay naman pero nakakatakot, ang hindi ko lang alam ay kung bakit alam niya ang issue tungkol sa akin.”

“Bakit nga kaya? Baka naman kasi inaalam niya ang mga background ng kanyang mga empleyado.”

“Ang sipag naman niya pero hindi naman natin siya masisisi. Ang sabi nga ay mahigpit daw si Leonard Valen sa kanyang mga empleyado kaya okay lang kung hindi ako matanggap dun. Baka mamaya ay magkasakit naman ako sa puso sa tuwing na titingnan niya ako,” sagot ko kay Carla.

“Sabagay.”

“Wait, Sam. May email ka,” wika sa akin ni Carla dahil ginagamit nito ang laptop ko. 

“Sino?”

“From Valen Group.”

Natigilan ako sa sinabi ni Carla.

“Buksan mo,” ani ko pang hindi naman umaasa.

“You got the job!” halos pasigaw na bati ni Carla. “I told you! You deserve this, Sam! Tanggap ka na!” 

Hindi ako nakasagot kaagad.

“Hoy! May trabaho ka na!” sigaw pa sa akin ni Carla.

Napangiti ako sa aking narinig.

Sabi nga sa orientation email. “You’ll be assisting mid-level executives in the marketing department.” Kaya mentally ready na ako sa filing work, admin tasks, at pagkakape ng libre para sa mga boss.

“Ms. Villaflor,” wika ng HR habang nakatingin sa screen ng computer. “You’ve been reassigned.”

Napakunot ang noo ko. “Po? Reassigned?”

“Yes. Effective immediately, you’ll be reporting directly under Mr. Leonard Valen, the CEO.”

Natigilan ako.

“What? “Ahhhhmm... sorry, bakit po? I wasn’t interviewed for that role.”

“Mr. Valen requested you personally,” sagot sa akin na parang wala lang. “In the next project you will work with StratDev Project which is under his supervision, be aware of strict deadlines, high secrecy level, and the rivalry.

“Pero—” 

“Congratulations, Ms. Villaflor. Not everyone gets this opportunity.”

Opportunity ba ‘to o parusa? Gusto kong tumutol pero hindi ko magawa.

Pagdating ko sa 39th floor, ang top floor ng Valen Group para akong naligaw sa ibang mundo. Pakiramdam ko lahat ng nandoon ay mga boss. Wala kang marinig ng konting ingay o di kaya usapan ng mga empleyado.

May lumapit sa akin na babae mukhang executive assistant. 

“You must be the reassigned hire. Samantha Villaflor?”

“Yes Maam.”

“Mr. Valen is in a meeting. Wait here,” sabay turo sa isang glass office lounge.

Tumango ako at tahimik na umupo.

Nabaling ang tingin ng lahat sa elevator nang bumukas ito. Parang may paparating na artista. Natigilan ako nang makita ko si Nina na lumabas sa elevator. Wearing a red designer dress, heels na parang pang-Miss Universe, at ngiti na parang walang ibang mas mahalaga sa mundo kundi siya lang. My evil stepsister. Alam kong nakita niya ako pero dinaanan lang ako nito.

Dumiretso siya sa receptionist at sinadyang nilakasan ang boses.

“Hi! I’m here to see my fiancé, Darren Serrano. He’s in a meeting with Mr. Valen, right?” tanong ni Nina.

Fiancé. Pinilit kong huwag gumalaw dahil sa aking narinig.

Nilingon niya ako at nilapitan.

“Oh. Samantha? You work here?” tanong nitong kunwari ay nagulat nang makita ako.

Tumango ako, walang imik.

“Wow. What a small world,” dagdag niya, sabay tingin sa ibang empleyado sa lounge. “She’s my—---well, sort of step-sister. And ex-fiancee ng fiancé ko ngayon.” Sabay tawa.

Naningkit ang mga mata ko…Nakatingin ang mga empleyado sa akin. Yung iba, halatang hindi alam kung matatawa o maaawa.

Napangiti ako sa stepsister ko.

“Yes. I work here now. And unlike some people, I earned it.”

Nagtaas ito ng kilay. “Of course. I’m sure you earned something. Lahat naman talaga pinaghihirapan kaya dapat ‘yan. Magtrabaho ka at wag umasa sa allowance kay Papa.”

Sasagot pa sana ako nang lumabas na si Leonard mula sa conference room. Matangkad. Naka-dark navy suit. Walang emosyon ang mukha.

“Mr. Valen!” bati ni Nina na akala mo ay inaakit ang boss ko. “We were just talking about you.”

Hindi siya ngumiti. Tumango lang. Pagkatapos ay tiningnan ako ni Mr. Valen.

“Ms. Villaflor. In my office. Now.”

Pagpasok ko sa opisina niya, hindi ko alam kung gusto kong himatayin o sumuka. Nanginginig ang buong katawan ako.

“Sir?” ani ko.

Tumayo ang lalaki at dahan-dahang naglakad papunta sa harap ng desk, saka tumitig sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay mapapaso ako sa mga titig ng lalaki.

“I’ll be direct,” wika niya. “Stay away from Darren Serrano.”

Napalunok ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa kanyang sinabi.

“Excuse me?”

“You heard me.”

“Sir, I’m not the one flaunting anything. I’m not the one who—”

“I don’t care about online drama,” putol niya. “I care about focus. This project you’re assigned to? It’s critical. I won’t let personal history get in the way.”

Napakamot ako sa sentido. “So, this isn’t about me. It’s about control.”

“Exactly. Control yourself. Control your emotions. Or walk away now.”

Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi siya nagyayabang. Hindi siya galit pero nakakatakot kung magsalita.

“I’m not the liability here, Mr. Valen,” mariin kong sagot. “But fine. If staying away means doing my job better, you won’t have a problem. Hindi niyo po ako kailangan pagsabihan na layuan siya dahil ginawa ko na po.”

Nagtagal ang tingin niya sa akin, then slowly nodded.

“Good.”

Paglabas ko ng opisina niya, gusto kong mapaupo sa sahig. Sa isang araw, na-promote ako, na-reassign, na-bash online, nakasalubong ang kapatid, at ngayon, na-warning-an ng CEO.

Pero kahit ang dami kong gustong isigaw…

Isa lang ang malinaw sa lahat. I’m not walking away. Not this time.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 110: THE PRICE OF SILENCE

    Mabilis akong umalis ng bahay, halos hindi ko na naisara ng maayos ang pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagmamaneho, at paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ng tatay ko at ang pangalang ayaw na ayaw ko nang marinig.Sam.Parang kutsilyong paulit-ulit na isinusuksok sa dibdib ko. Pagdating ko sa dati naming tagpuan ang lumang bahay na matagal nang walang nakatira ay agad akong sinalubong ng katahimikan. Sa bahay na ito kung saan maraming lihim.Nandoon na si Simon. Nakatayo sa may pintuan, halatang kanina pa naghihintay at naiinip na sa akin.. Pagkakita pa lang niya sa akin, alam kong nabasa niya agad ang emosyon ko, ang galit, ang inggit na matagal ko nang kinikimkim.“Hey,” mahinahon niyang sabi. “What happened?”Hindi ako sumagot. Diretso akong pumasok at inihagis ang bag ko sa mesa.“Huwag mo muna akong tanungin,” malamig kong sabi. “Baka sumabog lang ako.”Tahimik niya akong sinundan. “Si Sam na naman?” maingat niyang tanong. “Napanood ko an

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 109: WHAT ABOUT ME?

    Pagkaalis ni Sonya, nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala. Tahimik ang paligid pero sa loob ng ulo ko, parang may sumisigaw. Paulit-ulit. Walang tigil. Ang pagkukulang ko kay Sam. At higit sa lahat, ang pagkukulang ko sa ina ng batang pinalayas ko, na ginawa ko rin sa ina niya. I failed her.Hindi ko siya naprotektahan. Hindi ko siya pinili. Hinayaan kong lamunin ako ng bago kong pamilya. Ang totoo ay hindi naman ako naging masaya sa piling ni Sonya. Ngayon ko lang narealize na masyadong kontrolado ang buhay ko. At nang mawala si Sam, doon ko lang tuluyang naunawaan kung gaano kalaki ang kasalanan ko, ang pagkukulang ko. Oo, nagduda ako kung anak ko ba bata si Sam pero nagpa- DNA ako ng hindi alam ni Sonya at nalaman ko na biological kong anak si Sam. Walang duda yun kaya pala kahit na anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko ito anak ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing na involved ito sa mga away.One year, bulong ng isip ko. Isang taon na akong naghahanap. Isang taon na akong nagba

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 108: COLLATERAL DAMAGE

    Napabuntong-hininga ako habang nakatutok sa TV. Paulit-ulit na lumalabas ang panawagan ni Leonard seryoso ang mukha, puno ng urgency ang boses. Parang eksena sa pelikula, isang billionaire na nagmamakaawa sa harap ng buong bansa.“Sana all talaga,” hindi ko napigilang sambitin.Lumingon ako kay Edmund. Doon ko agad napansin na panay ang lunok niya, hindi mapakali. Halatang tensyonado. Naiinis ako lalo.Hindi dahil kay Sam. Wala talaga akong pakialam sa babaeng ‘yon. Kung nasaan man siya, bahala siya sa buhay niya. That’s not my problem. Ang ikinaiinis ko ay ang asawa ko kung paano siya malinaw na naaapektuhan. Every word Leonard said, parang may tinatamaan sa kanya.“Bakit ka ba ganyan?” tanong ko, hindi na pinipigilan ang tono ko. “Parang ikaw ang nawawala.”Napatingin siya sa akin, nagulat. “Ha? Wala naman,” sagot niya, pilit na kalmado. Pero alam ko ang itsurang ‘yon. Kilala ko siya.Napangisi ako, puno ng iritasyon. “Huwag mo akong lokohin. Ganyan ka rin dati. Same look. Same sile

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 107: NOT A FAIRYTALE

    Tumigil ang paghinga ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Para bang biglang lumiit ang café, parang kami na lang dalawa ang natira sa mundo at ang bawat tunog ay masyadong malinaw.“Ariana,” mababa ang boses ni Darren, halos pabulong, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita. “Gusto ko ng makipaghiwalay kay Nina.”Napakurap ako. Hindi dahil hindi ko inaasahan kundi dahil sa bigat ng ibig sabihin nito.“Araw-araw na magkasama kami,” dugtong niya, napapikit sandali, “pakiramdam ko nasa impyerno ako. I smile. I pretend. Pero sa loob ko, unti-unti akong nauupos. Napapagod na ako. Hindi ako masaya.”Tumingin siya sa akin, diretso. Walang pagtatago. “Mas nakakahinga pa nga ako kapag tayong dalawa ang magkasama. At alam mo ba,” pagpapatuloy niya, “simula nang may nangyari sa atin unti-unti kong nakakalimutan yung kabaliwan ko kay Sam, ang obsession na bumalik siya sa buhay ko…. Hindi na siya ang laman ng isip ko.”Huminga siya ng malalim, parang inaalala ang isang alaala na ayaw at gust

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 106: UNSPOKEN LOVE

    Tahimik pa rin ang café, pero parang mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan namin ni Darren. Ilang segundo akong nag-ipon ng lakas ng loob bago tuluyang nagsalita. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa tenga ko.“Alam mo, minsan, Darren…” mahina kong umpisa, halos pabulong. “Naiinggit ako kay Sam.”Napatingin siya agad sa akin. Hindi siya nagsalita, pero kita ko ang gulat sa mga mata niya. “Naiinggit ako,” ulit ko, mas malinaw na ngayon ang boses ko.“Because lahat kayo, mahal niyo siya. Ikaw at si kuya Leonard. Lahat kayo may parte sa puso niyo na si Sam ang laman.”Napayuko ako. Parang mas madaling magsalita kapag hindi ko siya tinitingnan.“Ang nangyari sa ating dalawa,” dugtong ko, nanginginig ang boses, “gusto kong kalimutan. Araw-araw, sinasabi ko sa sarili ko na dapat ko nang burahin. Dapat wala lang ‘yon.” Huminga ako nang malalim.“Pero Darren… noon pa man, gusto na kita.”Biglang tumigil ang mundo.Nanigas si Darren sa kinauupuan niya. Parang hindi siya nakahinga agad.“Arian

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 105: BABY YURI

    Napaiyak na lamang ako sa alaalang iyon.Tahimik ang apartment, sobrang tahimik na parang wala nang mundo sa labas. May TV nga ako. May lingguhang supply ng pagkain, tubig, at mga pangunahing kailangan. Pero kahit anong dami ng gamit, walang kahit anong makakapuno sa pakiramdam na iniwan ako ng mundo.Parang pinatay ang oras dito. Ang pinto, doble ang kandado.Walang susi. Walang bintana sa labas. Walang kahit anong senyales na may makakarinig sa akin kung sisigaw man ako.Walang paraan para makatakas. Kahit gusto ko.Napatingin ako sa kama.At doon ko siya nakita. Ang tatlong buwang gulang kong anak. Ang anak namin ni Leonard. Ang bunga ng pagmamahal ko sa aking asawa. Ang nagbibigay sa akin ng lakas dahil kung ako lang, mag-isa baka hindi ko kayanin..Lumaban ako ng malaman kong buntis ako. Napatingin ako kay Yuri sa aking anak. Mahimbing siyang natutulog, nakatagilid, maliit na maliit ang dibdib na dahan-dahang umaangat at bumababa. Mapula ang pisngi. Bahagyang nakabukas ang mga la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status