HABANG naghihintay ako sa pantry ng Valen Group para kumuha ng kape, napansin kong parang ang daming mata ang nakatingin sa akin. Mga bulungan, mga titig na parang may alam silang hindi ko alam. Wala pa akong kilala sa Valen Group pero naging malapit na agad ako kay Dina, nakikita ko kasi dito si Carla.
“Uy, si Samantha ‘yan diba?” bulong ng isa kahit pa narinig ko naman dahil nasa likuran ko lang sila.
“Yung trending ex? Si Sir Valen pala ang naka-rebound?” sabat pa ng isa, sabay tawa.
“Oo nga, siya nga yan. Mabuti na lang at nagising si ex,” ani pa ng isa. Gusto kong komprontahin ang mga ito pero hindi ko magawa. Baguhan lang ako sa Valen Group at ang bilin sa akin ni Mr. Valen ay wag patulan ang mga taong katulad ng mga ito.
Pagbalik ko sa desk ko, nadatnan ko si Dina na naka-cross arms at mukhang sasabog sa inis.
“Sam,” bungad niya. “Anong ginawa mo?”
Napalingon ako sa kanya. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?”
“May tsismis sa buong 17th floor. Ikaw daw, sineduce mo si Mr. Valen kaya ka agad na-interview. At ito pa ha? Ikaw daw ang dahilan kung bakit malapit nang mawalan ng posisyon ang dating nasa posisyon mo.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!”
“Sino na naman ang makating dila ang nagkalat niyan?”
“Ang sabi ay kapatid mo raw, pumunta siya dito sa Valen Group at yan daw ang sinabi sa ibang empleyado rito,” ani pa ni Dina sa akin.
Napakuyom ako sa aking kamao. Kailan ba ako titigilan ni Nina? Lumayo na nga ako pero hindi pa rin ako nito tinitigilan.
“Galing kay Nina ‘yan?”
“Obviously. Pati nga HR narinig ko nag-uusap kanina. Ang bilis kumalat, Sam.”
Napakapit ako sa ulo ko. “Hindi totoo ‘yan! Nakakahiya kay Mr. Valen kapag narinig ang mga yan. Baka kapag nakarating sa kanya ay mawalan pa ako ng trabaho..”
Dina raised a brow. “Well, ikaw kasi ‘yung pinasunod niya agad sa interview, remember? Sa harap ng maraming tao. Obvious na may napansin sila sa ‘yo. Unfair nga naman yun sa mga nauna sa pila, hindi ba?”
“Hindi ko alam, Dina. Kung bakit ako nauna at kung bakit ako na-promote.”
“Hindi naman natin sila mapipigilan kung ano ang iniisip nila. Ang mahalaga naman hindi totoo hindi ba?”
“Oo naman. Hindi ko kilala si Mr. Valen kaya kung ano man ang iniisip ng iba ay hindi yun totoo. Ako ang niloko ng boyfriend ko at dahil yun sa stepsister ko. Sila ang may kasalanan sa akin,” paglilinaw ko kay Dina.
“Naniniwala naman ako sayo, Sam. Nag-aalala lang ako na baka marinig mo ang usap-usapan dito.”
Huminga ako ng malalim. “Then I’ll prove myself through my work. Period.”
Pero bago pa man ako makasagot pa, tumunog ang intercom sa desk ko.
“Ms. Villaflor, you may come to the Executive Wing, Mr. Valen’s office.”
Napakagat ako sa labi.
Habang naglalakad ako papunta sa opisina niya, iniisip ko kung alam na ba ni Mr. Valen ang kumakalat na tsismis. Kinakabahan tuloy ako na baka maging dahilan pa ito para mawalan ako ng trabaho.
Pagpasok ko, nakita ko si Mr. Valen na nakatayo sa harap ng malaking bintanang salamin…
“Sir?” maingat kong bati.
Lumingon siya. “Close the door.”
Napalunok ako pero sinunod ko siya. Umupo ako sa harap niya habang sinusuri niya ako ng malamig niyang tingin.
“You’re related to Darren Serrano, correct?”
Biglang tumigil ang paghinga ko. “P-po?”
“He’s my nephew. At kung anuman ang relasyon mo sa pamangkin ko ay wala akong pakialam kahit anong away man mayroon kayong dalawa.”
Natigilan ako sa narinig ko. Pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat. Hindi ako makakibo.
“Does that change anything?” tanong niya, diretsong tumitig sa akin.
“Honestly?” sagot ko, nanginginig ang boses. “Yes. It makes this whole thing a thousand times messier.”
“I agree,” sagot niya. “But I don’t care who he is to you. You work for me now.”
Gusto kong magtanong kung bakit niya ako tinanggap. Out of sympathy? Out of curiosity? Pero hindi ko na nagawang magsalita pa. Hindi ko alam kung matatakot ako o manginginig lang sa awkwardness.
“Be careful, Ms. Villaflor,” dagdag pa niya. “This company isn’t kind to scandal.”
“Naiintindihan ko po,” sagot ko.
“Back to work.”
Tumango ako at nagpaalam. Nasa isip ko pa rin ang sinabi nito—na pamangkin nito si Darren.
DAHIL sa traffic ay gabi na ako nakauwi. Pagod na pagod ako sa trabaho pero mas pagod ako sa pag-iisip kung bakit tinanggap ako ni Mr. Valen sa kumpanya nito samantalang pamangkin nito si Darren.
Nasa parking lot ako ng condominium kong inuupahan nang maramdaman ko na may sumusunod sa akin. Sa una akala ko imagination lang. Pero naririnig ko ang bawat hakbang mula sa likuran ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Napabilis ang lakad ko.
Pagliko ko sa sulok, biglang may lalaking humarang sa harapan ko. Napahood, may sunglass kahit gabi, at hawak ang phone na parang kinukunan ako ng picture.
“Miss Samantha Villaflor, right?”
“Who are you?!” tanong ko, umatras ako at bahagyang nanginginig.
Bago pa siya makalapit sa akin ay isang sasakyan ang biglang huminto sa tabi namin. Dalawang lalaking naka-itim ang bumaba at agad akong hinila. Tinulungan ako ng lalaking nakahood upang hindi maisakay sa sasakyan. Mabilis ang bawat kilos at nakipagsuntukan sa dalawang lalaki.
“Takbo!” sigaw sa akin ng lalaking nakahood kaya nagmamadali akong tumakbo at nagtago. Takot na takot ako. Nagmamadaling sinunod ang utos ng lalaki at naghanap ng matataguan. Ilang sandali pa ay narinig ko ang sasakyan na humarurot palayo. Kaagad naman akong lumapit sa lalaking nagligtas sa akin. Mukhang hindi ito kinaya ng dalawang lalaki.
“Sino ka? Sino ang mga yun?” kabado kong tanong. Nagtanggal ito ng shades.
“Mr. Valen’s orders,” sabi niya sa akin. “Mula ngayon, may assigned security ka.”
“Wait… what? Bakit?” naguguluhan kong tanong.
“Because you’re being watched.”
“Ha?”
“Nakita mo ang mga lalaki kanina? Gusto ka nilang kunin?”
“Ako? At bakit? Hindi ko maintindihan.”
“Mas mabuti siguro kung si Mr. Valen na lamang ang tanungin ninyo dahil hindi ko rin po masasagot ang mga tanong ninyo.”
“Dalhin mo ako sa boss mo ngayon!” utos ko sa lalaki kaya tumango ito. Sumakay ito sa kotse ko at dinala ako sa boss nito na nasa opisina pa rin pala. Nakasunod pa rin ang lalaking bodyguard ko raw hanggang sa nakarating ako sa opisina ng lalaki. Kumatok na muna ako bago ako pumasok.
“Mr. Valen,” pukaw ko rito kung kaya napatingin ito sa akin.
“Bakit?”
“Bakit may security kayong kinuha sa akin? Para saan yun? Bakit alam mo na nasa kapahamakan ako? Hindi ko maintindihan,” litong-lito kong tanong.
“Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam kung bakit nasa kapahamakan ka?”
“Sir, please. Gusto ko ng sagot.”
Tumayo si Mr. Valen at nilapitan ako.
“Kanina pauwi na sana ako nang mapansin kong may nakasunod sa sasakyan mo kaya tinawagan ko ang isa sa mga bodyguard ko. Inutusan kong sundan ka at tama nga ang hinala ko. May nakamasid sayo at kung bakit hindi ko alam.”
Natigilan ako sa narinig ko. Bahagya akong nanginig.
“Pero sino? At bakit?” naguguluhan kong tanong.
“Mukhang nasa panganib ang buhay mo Ms. Villaflor kaya ang bodyguard ko ay ikaw na muna ang babantayan. Mag-iingat ka. Mukhang seryoso silang saktan ka.”
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nanlamig ako sa aking narinig. Ilang sandali pa ay tinawag nito ang bodyguard nito at pinahatid ako sa condominium ko.
Darren’s POV“Pero,magkapatid kayong dalawa ni Uncle Leonard, bakit wala kang boses sa kumpanya? Bakit wala kang share?” naguguluhan na tanong ko sa ina.Napatingin siya sa akin… “Anak…” Huminga siya nang malalim, “Alam mo na ang sagot sa tanong na yan.”“Kahit na. Kapatid mo pa rin siya.”“Hindi ako tunay na anak ni Greco Valen. Pinulot niya lang ako. Binihisan, pinag-aral, binigyan ng pamilya pero hindi ako dugo niya. Sa madaling salita ay wala akong karapatan sa lahat ng mayroon si Leonard ngayon.”“Masakit na katotohanan,” sagot ko sa ina.Tumango siya, pero may mapait na ngiti. “Oo. Kaya wala akong boses sa kumpanya, wala akong share. At dapat magpasalamat tayo na kahit ganun, binibigyan pa rin tayo ng trabaho ni Leonard.”Napailing ako. “Pero Ma, that’s not fair. Lahat ng meron sila — pera, power, respeto, hawak nila. Tayo? Umaasa lang sa awa ni Uncle. And now, papakasalan pa niya si Sam! Alam mo ba kung gaano kalaking insulto ‘yon para sa akin? Kailangan ba na magbigay ako dah
Darren’s povILANG beses na pinag-isipan ni Darren kung tatawagan niya ba si Leonard. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa inasal ni Nina at gusto ko rin tanungin kung bakit si Sam ang pakakasalan nito. Simula ng malaman ko na ikakasal na si Sam ay hindi na ako mapakali. Oo, nauna akong nagproposed ng kasal kay Nina pero napilitan lang ako sa gusto ni Nina. After two rings, sumagot ni Leonard ang tawag.“What is it, Darren?” malamig at walang ganang sagot sa akin.“Uncle, gusto ko lang humingi ng pasensya about Nina. Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya kahapon about Sam. Alam mo naman, minsan—”“Hindi ko kailangan ng paliwanag, Darren.” Pinutol niya agad ako. “Pero may isang bagay akong malinaw na sasabihin sa’yo—layuan mo at ni Nina ang magiging asawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” Napalunok ako sa narinig ko.“Kung ganun seryoso ka nga, na ikakasal ka kay Sam?”Tahimik siya sandali bago sumagot. “Yes.”Ramdam ko kung paano kumunot ang noo ko. “Yes? ‘Yun lang? Wala ka bang p
Darren’s povGoing into the condo, I felt as if a bomb would go off in my chest any moment due to the level of tension there. My breath was stopped, and I held my fists tight and every step I made was burdened with anger and contempt not only about her, but also about myself. I had been trying and trying not to hit on Nina but I could not help it. Hindi ko man lang naipagtanggol si Sam katulad ng dati kong ginagawa noong kami pa.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Nina na nasa harap siya ng salamin, nagsusuklay ng buhok, at nang makita ako sa salamin ay ngumiti ito na parang inosente.“Hey babe,” bati niyang hahalikan sana ako pero umiwas ako…“You look mad. Traffic ba?” kunot ang noo na tanong ni Nina.“Cut the act, Nina,” mariin kong sabi. “We need to talk.”Napalingon siya, at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “About what?”“Don’t pretend like you don’t know,” sagot ko habang lumapit. “Bakit mo ginawa ‘yon kay Sam?”Napaangat siya ng kilay. “What? What did I do?”“Don
Samantha’s POVPAGKASARADO pa lang ng pintuan ay para akong natulala. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang huling sinabi ni Leonard bago siya lumabas ng kwarto.“Gusto kitang pakasalan, Sam. Gusto ko ng anak mula sayo.”Napatitig lang ako sa pinto. Parang may namuong usok sa paligid, isang uri ng katahimikan na parang sinasakal ako. Sa dami ng posibleng sinabi niya, bakit 'yon pa?Okay na sana ang kasal pero ang anak?Dahil lang ba sa idea ng “tagapagmana? HIndi ko alam kung bakit ako ang naisip niya gawing babymaker ng kanyang anak.Tumingin ako sa salamin. May maayos bang babae na tatanggap ng alok ng kasal at anak mula sa lalaking hindi siya mahal?At higit sa lahat—lalaking hindi rin niya mahal?“Hindi nga tayo totoo, Leonard,” mahina kong bulong sa sarili ko. Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago bumangon dahil sa sunod-sunod nitong katok.“Sam,” ani Leonard habang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko. May
Samantha’s POVHINDI ko alam kung bakit may kabang kasama ang bawat minuto habang binabaybay namin ang daan. Tahimik si Leonard habang nakatutok sa manibela, samantalang ako, hindi mapakali sa upuan ko lalo na at hindi ito ang daan pabalik sa condo ng aking kaibigan. Pagkatapos ng trabaho ay hindi naman ako nito kailangan ihatid pero nagpumilit si Leonard na ihatid ako kung kaya wala akong nagawa.“Leonard, saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi ng condo,” tanong ko habang pilit pinapakalma ang boses ko.“Sa bahay,” maikli niyang sagot, tila ba wala siyang intensyong magpaliwanag sa akin. “Bahay mo?” Hindi ko maitago ang gulat. “Akala ko ihahatid mo lang ako—”“Hindi ka na uuwi roon, Sam.” Napatingin siya sa akin. “Mas ligtas ka sa bahay ko. Mas tahimik, mas secured. Wala tayong dapat ikatakot at hindi ako dapat na matakot na may mangyari sayo.”“Wait—what?” Napatitig ako sa kanya. “Are you serious? Doon ako titira?”Tumango siya. “Oo. Mag-isa lang ako sa bahay. And let’s face i
Camia’s pov “Hindi ba sinabi ko na sa inyo na itigil ninyo ang mga bibig niyo? Lalo na ikaw, Ariana!” galit na wika ko.Napapikit ako sa sobrang inis. Umalingawngaw pa sa isip ko ang sigawan sa engagement party kanina. Isang okasyong dapat ay masaya, pero nauwi sa kahihiyan at lahat ng ‘yon ay dahil sa isang babaeng bagong salta, isang Samantha na hindi ko man lang kilala pero sapat na ang sinabi ni Nina kanina para malaman ko kung sino ba talaga ang Samantha na yun.Bumaling ako kay Ariana na nakayuko sa harapan ko. “Ginalit mo ang kuya mo. Ngayon, ano? Ano pa ngayon ang gagawin natin?”“Gusto niya na talagang pakasalan ang Samantha na ‘yon? Ma, papayag ka ba? Hindi ko pa nga lubusang nakakabisado ang mukha ng babaeng ‘yon. Ni background, ni pamilya, ni ugali, wala tayong alam. Pero si Kuya? Buong buo ang tiwala niya sa babaeng yun. Isang pagkakamaling hindi ko papayagang magpatuloy. Ayokong makialam, Ma,” mahina pero matigas ang boses ni Ariana. “Pero hindi ko rin kayang manahimik