NAKATITIG lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama ni Carla. Ang bestfriend ko ang tinakbuhan ko ng maglayas ako isang linggo na ang nakalipas.. Ang plano ko ay maghanap ng marerentahan pero hindi ko pa magawa. Ang gusto ko lang kasi ay magmukmok hanggang sa mapagod at maging manhid ako. Hindi ko na alam kung ilang beses akong umiyak. Ilang ulit kong tinanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang at kung bakit nagawa ito sa akin ni Darren pero wala akong makuhang sagot.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog.
Notifications flooded my screen, group chats, social media mentions, private messages. Sa una, akala ko baka may trabaho o recruiter na nag-reply dahil nagsisimula na akong maghanap ng trabaho.
Pero hindi.
Pagbukas ko ng social media account ko, unang bumungad sa akin ang post ni Nina.
"Engaged to my soulmate. Sometimes love happens in unexpected places... #FromPainToForever #ExWho #SorryNotSorry #DarrenNina
Kasabay ng post ni Nina ang larawan nito kasama si Darren nakaluhod at may hawak na singsing, naka-ngiti ang dalawa na parang walang nasaktan at walang tinapakan. Binasa ko rin ang mga comments at hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha. Ako ang naging usap-usapan sa comment section. Ang totoo naman daw na mahal ni Darren ay hindi ako kundi ang aking stepsister.
Napaupo ako bigla, nanginginig ang kamay ko habang nagbabasa lalo na at pinagtatawanan ako ng mga kaibigan at pamilya namin. Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw. Niloko na nga ako, ngayon pinagtatawanan pa ako sa social media? Niyurakan na nga ang puso ko, pati dignidad ko gusto ng durugin.
“Bitch talaga siya,” sabi ni Carla habang binabasa ang post sa tabi ko. “She’s doing this para lang sirain ka pa lalo. I swear, kung ako ‘yan kakalbuhin ko yang kapatid mo. Proud pa talaga na nasaktan ka. Isang linggo lang ha? Engaged na agad? Sana all!” galit na galit pang wika ni Carla.
“Carla, tama na,” putol ko. “Ayokong makita pa mukha nila. Hindi ako magpapakababa sa tulad nila. They can flaunt their ‘love’ all they want. Pero ako, babangon ako. Ipapakita ko sa kanila na hindi ko sila kailangan, patutunayan kong kaya ko,” sagot kong umiiyak pero sa pagkakataon ito, pinipilit ko ng maging matatag.
“Tama yan, besh… Sayang lang ang luha mo sa kanila lalo na sa Darren na yan? Tuhugin ba naman kayong magkapatid! Tang-*ina niya! Akala niya siguro ay siya lang ang lalaki sa mundo.”
“Ano ba ang mali sa akin? Bakit ako niloko ni Darren? Tama ba ang sinabi ni Tita Sonya, na baka boring akong kasama?” tanong ko pa kay Carla.
“At dahil boring ka lolokohin ka na agad? Ganoon ba dapat?”
“Si Nina, siya lang ang naiisip kong dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Gusto niya akong maging miserable. Gusto niya akong saktan. Mga bata pa lang kami ay ganyan na siya sa akin. Palagi niyang sinasabi na hindi niya ako tunay na kapatid.”
“Sira ulo lang talaga yang kapatid mo. Parang aso, mahilig sa tira-tira!”
Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.
“Ayoko na silang isipin pa. Ang kailangan kong gawin ngayon ay maghanap ng trabaho para sa sarili ko. Ipapakita ko sa kanila na hindi na ako ang dating Sam na kayang-kaya nilang saktan,” ani ko pang pilit na pinapatatag ang sarili.
“Tama, kaya mag beautyrest ka na at may interview ka pa bukas. Huwag mo na silang isipin at masasayang lang ang luha mo.”
KINABUKASAN, pinilit akong bumangon kahit wala akong maayos na tulog. Mabigat ang dibdib ko, pero hindi ako magpapatalo. Mabilis akong nag-ayos, white blouse, black slacks at nag-apply ng light makeup.
Pagdating ko sa Valen Group building, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako. Malakas ang pakiramdam ko na magiging malaking bahagi ang Valen Group sa aking pagbabago.
“17th floor, Ma’am,” ani ng receptionist. “Conference Room C.”
Tumango ako at pumasok sa elevator.
Pagdating ko sa conference room, may iilang aplikanteng nandoon na. Tahimik ang paligid, lahat ay busy sa pagreview ng resume. Tahimik akong umupo sa dulo. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang gwapong lalaki na nakikita ko lang sa magazine.
Tall. Imposing. Sharp suit. Cold, piercing eyes.
It was Leonard Valen, the CEO himself.
Bigla akong kinabahan lalo na at hindi man lang yata ito marunong ngumiti. Hindi ko inakala na siya mismo ang haharap sa interview. Bago ako nag-apply sa Valen Group ay inalam ko muna kung sino ang may-ari…Iyon nga si Mr. Valen, brilliant, ruthless, untouchable. He built Valen Group from a startup to a billion-peso empire. Pero mas kilala siya sa tatlong bagay na kinatatakutan ng kanyang mga tauhan. Never smiles, fires people without warning, Hates incompetence.
Napatayo kaming lahat ang binati ang lalaki.. Nang tumingin siya sa akin, nagtagpo ang paningin namin. Para akong natulalang nakatitig dito. Cold. Calculated. Intense. Tila binabasa niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang isang tingin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung matatakot ako o hahanga.
“You,” sabi niya, nakatingin pa rin sa akin. “Name?”
“S-Samantha Villaflor, sir.”
Tumango siya. “Follow me.”
Natigilan ako. Ako agad?
Tumayo ako, sinusundan siya habang ang iba ay nagtataka dahil may mga nauna pa sa akin pero walang gustong magsalita. Pagdating sa maliit na side office, binuksan niya ang pinto at pumasok. Sumunod ako at naupo ng inutusan niya.
“You applied for the Executive Coordinator role. Why?”
Nagkatinginan kami. Straight to the point. Walang paligoy-ligoy. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatitig ako sa kanyang panga na akala na parang galit.
Huminga ako ng malalim.
She replied. “I would like to have a fresh start. I want to concentrate on work. I desire to be bigger. And I feel Valen Group will provide the best place to do it.”
“You are former marketing. What is so special about switching to being an admin worker?”
I am tired of taking care of other people's images. This time round, I would like to encourage true leadership. Real structure. Good honest work.”
Tila nagbago ang tingin niya, bahagyang nagtaas ng kilay.
“You’re trending online, Ms. Villaflor.”
Namilog ang mata ko at napaderetso ng upo. So alam niya pero paano at bakit? May common friends ba kami? Hindi ko mapigilang tanong sa sarili.
“I don’t care about noise,” sagot ko, mahinahon pero matatag. “If you look beyond the hashtags, you’ll see who the real professional is.”
Wala naman akong kasalanan kaya bakit ako matatakot. Ako ang inagawan.
“Ang isang scandal, kahit wala kang kasalanan, ay parang mantsa na mahirap linisin sa corporate world. Sa pangalan mo.”
“I know,” sagot ko. “But I also know that noise dies down. Skill stays. Integrity stays. And I still have those. Kailangan po ba na maapektuhan ako kahit ako naman ang biktima? Niloko ako ng boyfriend ko at ipinagpalit sa stepsister ko,” pagkwento ko sa buong buhay ko.
“Let’s say I believe you,” sabay sandal niya sa upuan. “But how do you rebuild trust sa industry, sa mga kliyente, sa mga empleyado if half of them are reading headlines and not resumes? Sa panahon ngayon wala ng ginawa ang mga tao kundi ang gumamit ng social media.”
Napatingin ako sa lalaki. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan ako nito.
“By showing up. Every single day. By doing the work no one else wants to do. By being better, not louder. Sa mga taong tunay na nakakakilala sa akin ay hindi ko kailangan linisin ang pangalan ko. Ang mahalaga naman po hindi ba, magagawa ko ang trabaho ko sa kumpanya ninyo?”
“Not bad, Ms. Villaflor,” aniya. “But this isn't marketing anymore. There's no spotlight here. Are you ready for obscurity?”
“Obscurity sounds peaceful,” sagot ko. “After everything, tahimik na trabaho ang gusto ko. Walang politika, walang drama. Just results.”
Huminto siya sandali, saka tumayo.
“I’ll talk to HR,” sabi niya. “Pero tandaan mo, one wrong move, and everyone will be watching again.”
“Let them,” sabi ko, sabay tayo rin. “I’ve already survived worse.”
At sa mga salitang iyon, alam kong hindi lang trabaho ang binabawi ko. Pati dangal. Pati pagkatao.
Tumayo si Mr. Valen. “You’ll hear from us within three days.”
TUMANGO ako at lumabas ng opisina nito. Nanginginig ang tuhod ko, pakiramdam ko ay wala akong pag-asa sa trabaho na inapply ko. Kung gaano kalamig ang pagharap sa akin ni Mr. Valen ay ganoon din kalamig ang mga kamay ko.
Pagbalik ko sa condo ni Carla, humiga ako sa kama pero sa unang pagkakataon ay hindi na ako umiyak.
“I’ll make my name trend again. Not as the betrayed ex but as the woman who rose above it all.”
Hinintay ko lang si Carla na umuwi dahil sasamahan niya ako ca condominium na rerentahan ko. Hindi pwedeng manatili ako sa bahay ng kaibigan ko dahil baka doon ako hanapin ni Papa. Sa ngayon, gusto ko na munang mag-isa. Malayo sa lahat upang makapagsimula.
Darren’s POV“Pero,magkapatid kayong dalawa ni Uncle Leonard, bakit wala kang boses sa kumpanya? Bakit wala kang share?” naguguluhan na tanong ko sa ina.Napatingin siya sa akin… “Anak…” Huminga siya nang malalim, “Alam mo na ang sagot sa tanong na yan.”“Kahit na. Kapatid mo pa rin siya.”“Hindi ako tunay na anak ni Greco Valen. Pinulot niya lang ako. Binihisan, pinag-aral, binigyan ng pamilya pero hindi ako dugo niya. Sa madaling salita ay wala akong karapatan sa lahat ng mayroon si Leonard ngayon.”“Masakit na katotohanan,” sagot ko sa ina.Tumango siya, pero may mapait na ngiti. “Oo. Kaya wala akong boses sa kumpanya, wala akong share. At dapat magpasalamat tayo na kahit ganun, binibigyan pa rin tayo ng trabaho ni Leonard.”Napailing ako. “Pero Ma, that’s not fair. Lahat ng meron sila — pera, power, respeto, hawak nila. Tayo? Umaasa lang sa awa ni Uncle. And now, papakasalan pa niya si Sam! Alam mo ba kung gaano kalaking insulto ‘yon para sa akin? Kailangan ba na magbigay ako dah
Darren’s povILANG beses na pinag-isipan ni Darren kung tatawagan niya ba si Leonard. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa inasal ni Nina at gusto ko rin tanungin kung bakit si Sam ang pakakasalan nito. Simula ng malaman ko na ikakasal na si Sam ay hindi na ako mapakali. Oo, nauna akong nagproposed ng kasal kay Nina pero napilitan lang ako sa gusto ni Nina. After two rings, sumagot ni Leonard ang tawag.“What is it, Darren?” malamig at walang ganang sagot sa akin.“Uncle, gusto ko lang humingi ng pasensya about Nina. Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya kahapon about Sam. Alam mo naman, minsan—”“Hindi ko kailangan ng paliwanag, Darren.” Pinutol niya agad ako. “Pero may isang bagay akong malinaw na sasabihin sa’yo—layuan mo at ni Nina ang magiging asawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” Napalunok ako sa narinig ko.“Kung ganun seryoso ka nga, na ikakasal ka kay Sam?”Tahimik siya sandali bago sumagot. “Yes.”Ramdam ko kung paano kumunot ang noo ko. “Yes? ‘Yun lang? Wala ka bang p
Darren’s povGoing into the condo, I felt as if a bomb would go off in my chest any moment due to the level of tension there. My breath was stopped, and I held my fists tight and every step I made was burdened with anger and contempt not only about her, but also about myself. I had been trying and trying not to hit on Nina but I could not help it. Hindi ko man lang naipagtanggol si Sam katulad ng dati kong ginagawa noong kami pa.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Nina na nasa harap siya ng salamin, nagsusuklay ng buhok, at nang makita ako sa salamin ay ngumiti ito na parang inosente.“Hey babe,” bati niyang hahalikan sana ako pero umiwas ako…“You look mad. Traffic ba?” kunot ang noo na tanong ni Nina.“Cut the act, Nina,” mariin kong sabi. “We need to talk.”Napalingon siya, at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “About what?”“Don’t pretend like you don’t know,” sagot ko habang lumapit. “Bakit mo ginawa ‘yon kay Sam?”Napaangat siya ng kilay. “What? What did I do?”“Don
Samantha’s POVPAGKASARADO pa lang ng pintuan ay para akong natulala. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang huling sinabi ni Leonard bago siya lumabas ng kwarto.“Gusto kitang pakasalan, Sam. Gusto ko ng anak mula sayo.”Napatitig lang ako sa pinto. Parang may namuong usok sa paligid, isang uri ng katahimikan na parang sinasakal ako. Sa dami ng posibleng sinabi niya, bakit 'yon pa?Okay na sana ang kasal pero ang anak?Dahil lang ba sa idea ng “tagapagmana? HIndi ko alam kung bakit ako ang naisip niya gawing babymaker ng kanyang anak.Tumingin ako sa salamin. May maayos bang babae na tatanggap ng alok ng kasal at anak mula sa lalaking hindi siya mahal?At higit sa lahat—lalaking hindi rin niya mahal?“Hindi nga tayo totoo, Leonard,” mahina kong bulong sa sarili ko. Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago bumangon dahil sa sunod-sunod nitong katok.“Sam,” ani Leonard habang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko. May
Samantha’s POVHINDI ko alam kung bakit may kabang kasama ang bawat minuto habang binabaybay namin ang daan. Tahimik si Leonard habang nakatutok sa manibela, samantalang ako, hindi mapakali sa upuan ko lalo na at hindi ito ang daan pabalik sa condo ng aking kaibigan. Pagkatapos ng trabaho ay hindi naman ako nito kailangan ihatid pero nagpumilit si Leonard na ihatid ako kung kaya wala akong nagawa.“Leonard, saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi ng condo,” tanong ko habang pilit pinapakalma ang boses ko.“Sa bahay,” maikli niyang sagot, tila ba wala siyang intensyong magpaliwanag sa akin. “Bahay mo?” Hindi ko maitago ang gulat. “Akala ko ihahatid mo lang ako—”“Hindi ka na uuwi roon, Sam.” Napatingin siya sa akin. “Mas ligtas ka sa bahay ko. Mas tahimik, mas secured. Wala tayong dapat ikatakot at hindi ako dapat na matakot na may mangyari sayo.”“Wait—what?” Napatitig ako sa kanya. “Are you serious? Doon ako titira?”Tumango siya. “Oo. Mag-isa lang ako sa bahay. And let’s face i
Camia’s pov “Hindi ba sinabi ko na sa inyo na itigil ninyo ang mga bibig niyo? Lalo na ikaw, Ariana!” galit na wika ko.Napapikit ako sa sobrang inis. Umalingawngaw pa sa isip ko ang sigawan sa engagement party kanina. Isang okasyong dapat ay masaya, pero nauwi sa kahihiyan at lahat ng ‘yon ay dahil sa isang babaeng bagong salta, isang Samantha na hindi ko man lang kilala pero sapat na ang sinabi ni Nina kanina para malaman ko kung sino ba talaga ang Samantha na yun.Bumaling ako kay Ariana na nakayuko sa harapan ko. “Ginalit mo ang kuya mo. Ngayon, ano? Ano pa ngayon ang gagawin natin?”“Gusto niya na talagang pakasalan ang Samantha na ‘yon? Ma, papayag ka ba? Hindi ko pa nga lubusang nakakabisado ang mukha ng babaeng ‘yon. Ni background, ni pamilya, ni ugali, wala tayong alam. Pero si Kuya? Buong buo ang tiwala niya sa babaeng yun. Isang pagkakamaling hindi ko papayagang magpatuloy. Ayokong makialam, Ma,” mahina pero matigas ang boses ni Ariana. “Pero hindi ko rin kayang manahimik