Share

003

Author: JASS ANNE
last update Last Updated: 2025-08-26 07:13:54

Alwina Clark’s POV

“Hi, sexy!”

Napa-irap naman ako sa mga estudyante na nadaanan ko papasok sa classroom ko. Kumpulan sila sa hallway habang nag-aabang ng mga babaeng babastusin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay ganoon ang gawain ng mga estudyanteng iyon sa kabilang classroom at lagi yata akong inaabangan sa pagpasok para lang bastusin.

Nag-derecho lang ako ng lakad as usual at parang walang naririnig.

“Alwina!” Lumingon naman ako nang marinig ang tawag ng bestfriend ko.

“Shiela!” Ngumiti ako nang pilit dito.

Ewan ko kung nahalata nito ang lungkot sa mata ko, pero bigla kasing nawala ang ngiti nito nang nakita ako.

“M-may problema ba, Win?

“H-hah? Ah, w-wala. May mens lang ako kaya medyo wala sa mood. Sumasakit din kasi ang puson ko ngayon, hindi naman ako maka-absent dahil ayaw kong mahuli sa lesson.” Palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman ni Sheila.

Matagal ko ng bestfriend si Shiela pero hindi ko pa nasasabi dito ang problema ko. Dalawang araw na ang nakalipas since nalaman ko na ibinenta na ako ng stepfather ko kay Mr. Delgado. Isa lang ang naisip kong solusyon sa problema ko. Ang makipagtanan. Pero ang lalaking nagugustuhan ko ay gusto rin ni Sheila kaya hindi ako makapag-open sa kanya dahil alam kong magtatampo siya sa akin.

Nakikita naman ni Sheila ang mga panliligaw sa akin at hindi naman siya kumikibo dahil pinaramdam ko naman dito na hindi ako interesado na makipag-boyfriend pa.

Pero sa ngayon ay wala na akong choice kung hindi piliin ang sarili ko kaya kailangan kong makipagtanan sa lalaking gusto rin ni Sheila. Kapag hindi pa kasi ako kumilos ng maaga ay baka mawalan ako ng choice kung hindi ang sumama doon kay Mr. Delgado.

“Gano’n ba? Hindi bale… dala ko yata ang hot compress ko. Gusto mo doon muna tayo sa tambayan natin para mainitan ang puson mo?”

“H-hindi na, Sheila… tolerable naman ang sakit.”             

Naiilang tuloy akong tingnan ng derecho sa mata ang bestfriend ko.

Hindi naman na nagpumilit pa si Sheila at sabay na kami na pumasok sa klase namin. Hindi ko alam kung paano naitawid ang klase dahil puro tungkol sa problema ko ang tumatakbo sa utak ko. Mabuti na lang at puro discussion lang kami ngayon kaya hindi rin ako namoblema sa pag-review. Dahil kung hindi ay bagsak ako for sure.

Uwian na at nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko para puntahan ang pakay kong tao, si Benjamin. Ang manliligaw na sasagot sa problema ko. Alam ko naman kung saan ito naglalagi ng ganitong oras kapag tapos na ang klase. Sa may basketball court area ng university. Varsity player kasi si Benjamin at sikat na sikat sa school. Kaya isa na rin ako sa maswerteng babae na maituturing na nililigawan ng lalaki.

“Ingat ka pauwi, bes, hah? Hindi na ako makakasabay sa’yo palabas dahil naghihintay na sila mommy sa akin at may kailangan kaming puntahan.” Paalam ni Sheila.

Ngumiti lang ako kay Sheila. Mas okay na hindi ito sasabay sa akin dahil ayaw kong malaman nito kung sino ang pupuntahan ko. Nagpauna na si Sheila na lumabas ng classroom habang ako naman ay binagalan ang kilos hanggang sa ako na ang huling lalabas ng classroom. Habang nagkakasayahan ang mga classmate ko ay ako naman ay nanginginig ang kalamnan dahil sa panghihina sa gagawin na pagkausap kay Benjamin.

Ito na yata ang isa sa pinaka nakakahiyang gagawin ko sa buhay ko. Ang mag-aya sa isang lalaki na magtanan. Parang ako pa tuloy ang naghahabol ngayon kay Benjamin. Oo, nagugustuhan ko na siya, pero hindi pa talaga iyon level na gusto ko na siyang makasama habang buhay. Kinikilig ako sa kanya, pero hindi pa sapat iyon para sabihin na ipagkakaloob ko na ang sarili ko.

Wala pa naman akong serious relationship na matatawag. Nagka-boyfriend na ako no’ng highschool pero parang laro-laro lang iyon. Ang totoo ay curious lang ako kung paano ang feeling ng mahalikan which is naranasan ko naman. Pero parang wala naman na something special sa halik na ‘yon. Tapos ay nakipag-break agad ako matapos ng isang buwan dahil nahuli ko na may nilalandi na ibang estudyante ang naging boyfriend ko.

Matapos no’n ay hindi na ako nakipag-boyfriend dahil inatupag ko na lang ang pag-aaral. Hanggang crushes lang din ako at hindi ko pa masasabi na na-inlove na ako ng totoo. Wala pa kasing lalaki na masasabi ko na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ito pa lang si Benjamin, na kinikilig ako pero siguro kapag pumayag itong makipagtanan sa akin ay tuluyan na talaga akong ma-fall sa lalaki.

“Hi, Alwina!” Napalingon na lang ako sa pagkabigla nang marinig ang pamilyar na boses nang naglalakad na ako sa hallway at kalalabas lang ng classroom.

“Benj!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
hindi kaya dahil kay Benj kaya pinipikit ka na makuha ni Nathaniel, Alwina?? kabado bente ako jan sa plano mo...
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hay naku Alwina hindi sagot sa problema ang pakikipagtanan
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Hay naku Alwina Hindi sagot ang pagtatanan sa problemang kinakaharap mo..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   007

    “Alwina, anak, sino ang naghatid sa’yo!?” Bungad sa akin ni Papa nang nakapasok na ako sa loob ng bahay namin.Nasa sala ito at nakahawak sa cellphone. Feeling ko ay tatawagan na niya ako dahil hindi ako naka-uwi ng sakto sa oras. Alam naman ni Papa ang schedule ko at in fairness naman ay nag-aalala siya sa akin kapag hindi ako nakakauwi ng tama sa oras at hindi nakapaalam.Pero dahil sa galit ko kay Papa ay hindi man lang ako nagpasabi na male-late ako ng uwi. Tutal pinabayaan niya naman na masadlak ang negosyo namin. Wala na akong pakialam sa kanya.Sandali ko lang na tiningnan ang stepfather ko at pagkatapos ay hindi ko man lang siya sinagot at deretsong naglakad papunta sa hagdan.“Alwina! Huwag mo kong talikuran kapag kinakausap pa kita! H’wag mo akong bastusin.” Malakas na sigaw ni Papa.Napahinto tuloy ako sa paghakbang sa hagdan. Humarap ako at nakita kong tuluyan nang papalapit si Papa sa akin. Nakuyom ko ang kamay ko.“Why not, Pa?… Hindi mo na rin naman akong tinuturing na a

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   006

    Alwina Clark"What the..?" Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko."Kuya, please… pinagtitinginan na tayo” Bigla namang saway ng kasamang lalaki ng Mr. D na ito.This man is impossible. Manghaharang na lang ng basta-basta sa taong hindi kilala.Oh, baka naman napagkamalan niya lang akong kakilala? Pinagkrus ko na lang ang mga braso sa dibdib at mayabang na tiningnan ang mayabang na lalaki."Yes. He's my boyfriend. Happy?"Natigilan ang lalaki at nakita ko kung paano umigting ang panga niya sa narinig mula sa akin.“Boyfriend, huh? Ang ayoko sa lahat ay ang niloloko ako! Magbabayad kayo!” Mahina pero mariin na sabi niya.Ngumisi ang lalaki at natakot ako sa paraan ng pagngisi niya. Parang ang daming tumatakbong masasama sa isip ng lalaking hambog na ‘to.“Alwina!” Narinig kong tawag ni Benj kaya nabaling ang tingin ko dito na papalapit sa akin.Nakabihis na si Benj ng bagong t-shirt. Nakita ko naman na masama ang tingin nito sa likod nitong lalaking kaharap ko.Hanggang sa makalapit sa a

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   Author's note

    Hello po guys,Thank you so much for adding this book to your library. Right now po ay hindi po ako dito mag-focus. Meron po akong isasali sa contest dito sa GN, hopefully ay next week ay nandito na sa GN 'yon at ma-add niyo sa library niyo. Title ay MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER. Doon po ako mag-focus ng update. Pero mag-slow update na po ako dito kay Nathaniel at Alwina. So kung hindi po kayo sanay sa slow update, wait niyo na lang po ito after ng MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFERNOTE*** Pasensya na sa mga nalito. Hindi ko pala nabura 'yun word na naka-wheelchair si NAthaniel. Hindi po siya naka-wheelchair. Sorry po. Under edit na po yon at waiting sa approvalTHANK YOU*** Thank you so much at may nakita na rin po akong gems dito. Godbless po.

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   005

    Ako naman ang biglang nagulat dahil sa biglang pagpayag ni Benjamin sa request ko. Sandaling gulat lang iyon bago lumapad ang ngiti ko. Solve na!"Ayyy!" napahiyaw naman ako nang biglang may waiter na biglang lumapit at nabuhusan si Benj sa damit ng tubig."F*ck you!" Biglang mura naman ni Benjamin sa waiter na nakatapon ng tubig sa kanya. Basang basa ang uniform niya. Ewan ko dahil maluwag naman ang paligid at biglang umeksena ang waiter kung saan. Biglaan ang pangyayari at nasira ang momentum namin ni Benjamin."Benj!" Nag-alala ako dahil parang naging mukhang dragon ang lalaki. Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito. Nabitawan ko ang kamay nito at napatayo nang tumayo rin si Benjamin at kinwelyuhan ang waiter. Bumagsak sa sahig ang hawak na tray ng waiter kaya mas gumawa ng ingay ang mga nabasag na baso."P*ta ka! Nasaan ang manager niyo!?"Nagulat ako sa pagmumura ni Benjamin."Sir, pasensya na po!" Biglang pag-aalala naman ng waiter."Hey,

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   004

    CHAPTER 4Narinig ko agad ang hiyawan ng mga kasamahan ni Benjamin sa basketball team niya. Nanunukso sila. Agad akong namula at alam kong halatang halata ako dahil sa pagka-mestisa ko.Swerte na rin na nakita ko si Benjamin. Kasi kung pupunta pa ako sa basketball court ay baka mahalata ako ng lalaki na siya ang ipupunta ko sa court dahil hindi naman ako nagagawi doon. Mga alaskador pa naman ang mga kaibigan niya at lagi kaming tinutukso. Naka-uniform pa naman ito na pang-klase at malamang na tapos na itong mag-aral at magpupunta na sa court para mag-practice.“Alwina.” Sambit ni Benjamin na kumakamot pa sa batok nito nang tuluyan na makalapit sa akin. “Pauwi ka na ba?”Tiningnan ko si Benjamin sa mata. Siya na naman ay parang natigilan sa akin at nilibot ng tingin ang mukha ko.“A-ah, oo.”“Pwede ba kitang ihatid?”Lihim naman akong natuwa sa narinig at umaayon sa akin ang pagkakataon. Mukhang magkakausap kami ngayong araw.“May practice yata kayo.”“It’s okay, makapaghihintay naman

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   003

    Alwina Clark’s POV“Hi, sexy!”Napa-irap naman ako sa mga estudyante na nadaanan ko papasok sa classroom ko. Kumpulan sila sa hallway habang nag-aabang ng mga babaeng babastusin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay ganoon ang gawain ng mga estudyanteng iyon sa kabilang classroom at lagi yata akong inaabangan sa pagpasok para lang bastusin.Nag-derecho lang ako ng lakad as usual at parang walang naririnig.“Alwina!” Lumingon naman ako nang marinig ang tawag ng bestfriend ko.“Shiela!” Ngumiti ako nang pilit dito.Ewan ko kung nahalata nito ang lungkot sa mata ko, pero bigla kasing nawala ang ngiti nito nang nakita ako.“M-may problema ba, Win?“H-hah? Ah, w-wala. May mens lang ako kaya medyo wala sa mood. Sumasakit din kasi ang puson ko ngayon, hindi naman ako maka-absent dahil ayaw kong mahuli sa lesson.” Palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman ni Sheila.Matagal ko ng bestfriend si Shiela pero hindi ko pa nasasabi dito ang problema ko. Dalawang araw na ang nakalipas since nalaman ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status