MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND

MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND

last updateDernière mise à jour : 2025-08-26
Par:  JASS ANNEMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Note. 1 commentaire
5Chapitres
92Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

“Just be my wife, and I’ll consider your father’s debt to me paid in full.” – Nathaniel Delgado Pambayad utang. 'Yan ang pakiramdam ng 20 years old na si Alwina Clark nang ipagpilitan ng stepfather niya na sumama sa isang businessman na never pa niyang nakita pero matunog ang pangalan dahil sa pagiging masamang ugali nito, si Nathaniel Delgado. Nathaniel Delgado is a very successful businessman at the age of 32. Sa lahat ng ayaw niya ay ang niloloko at nilalamangan siya. Kaya nang nalaman niya na niloloko siya ng isang businessman na may utang sa kanya ng mahigit 100 million ay gagawin niya lahat masingil lang ang lalaki at ang isang 20-year-old nitong stepdaughter ang magiging kabayaran para maging asawa niya. NATHANIEL DELGADO AND ALWINA CLARK RUTHLESS BILLIONAIRE SERIES#3

Voir plus

Chapitre 1

001

“Papa, no! Ayoko! Ayokong sumama sa kahit kanino. Dito lang ako!” I shouted.

Gusto kong magwala. Gusto kong ipagtatapon sa sahig kung ano man ang hawakan ko. Gusto kong kunin ang vase na narito sa center table ng sala at basagin sa harap ng stepfather ko para malaman niya kung gaano ako kagalit sa desisyon na pinasok niya.

Kauuwi ko lang galing sa school at ito ang ibubungad sa akin ni Papa? Na aalis ako dito mansyon? Na kukunin daw ako ni Mr. Delgado bilang kabayaran ng pamilya namin sa higit one hundred million na utang sa negosyo.

Pati itong mansyon na tinitirhan namin ay ginawang collateral sa banko dahil nag-loan si Papa ng 20 million na ginamit din sa pambayad kay Mr. Delgado para sa utang na hindi na namin kayang bayaran. Pero kulang pa rin iyon kaya ako ang ipambabayad ni Papa kay Mr. Delgado.

“We don’t have a choice, Alwina! Kailangan mong sumama kay Mr. Delgado!” mariing sabi ni Papa na kuyom ang mga kamay na nasa may hita nito. Tinaasan na rin ako nito ng boses, which he doesn’t usually do.

Sa tingin ko naman ay kahit hindi ako kadugo ng stepfather ko ay labag pa rin sa kagustuhan nito na ibenta ako sa pinagkakautangan sa negosyo. Pero dahil nagipit ito sa sitwasyon ay no choice na ito kundi ipagkanuno ako sa lalaking kilala bilang ‘beast’ sa business world, ang nag-iisang Nathaniel Delgado.

Naturingan na Nathaniel ang pangalan na alam kong ibig sabihin pa ay ‘Gift of God’, pero mukhang sa ugali nitong nababalitaan ko ay parang pati impiyerno ay hindi kinaya ang ugali nito. But that’s all just hearsay. Ewan ko kung totoo talaga.

I didn’t encounter Mr. Delgado eversince kaya wala akong idea. Pati kung ano ang itsura nito ay hindi ko rin alam dahil wala pa naman akong pakialam sa business world pa habang nag-aaral pa ako. Siguro kapag ako na mismo ang naka-experience kung gaano talaga kasama ang ugali ng Nathaniel Delgado na ‘yon ay doon ko na masasabi na demonyo nga ang lalaki.

Pero mayroon rin kasi akong classmate na nagsabing may kapatid siyang naka-experience kung gaano kasama ang Mr. Delgado na ’yon. Dahil ang ate ng classmate ko ay nagtrabaho sa kumpanya na mina-manage ni Mr. Delgado na isa raw sa pinakama-impluwensyang businessman sa Pilipinas.

Isang beses ay naikwento sa akin ng classmate ko ang tungkol kay Mr. Delgado kaya siguro tumatak sa akin ang pangalan na Nathaniel Delgado.

Pero kahit na! Mabait o masama man ang ugali ni Mr. Delgado na iyon ay hindi ako sasama. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. Baka gawin akong katulong. Oh, ka naman ay sxx slave. Kinakabahan agad ako kahit hindi ko alam kung anong plano sa akin ng lalaking iyon at bakit ako pa ang gustong kabayaran.

I’m just twenty years old, for God’s sake! Ang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pa na bumuo ng sarili kong pamilya. Tapos masisira na lang ng basta basta dahil sa ginawa akong kabayaran ng utang. Dahil sa selfish na desisyon ng stepfather ko ay pati future ko ay wala nang kasiguraduhan.

Gusto ko rin na magtayo ng sariling business kahit sa tingin ko ngayon ay suntok sa buwan pa dahil nga months ago ko pa nalaman na lugi na ang business namin. Lihim ko iyon na narinig mula kay Papa pero hindi ko naman ito sinubukan na i-confront dahil busy ako sa school nang time na iyon. Aside from that ay wala din ako sa huwisyo dahil iniintindi ko rin ang puso kong nalilito dahil doon sa nanliligaw sa akin.

Naguguluhan kasi ako kung sasagutin ko ang manliligaw ko na nagugustuhan ko na pero lihim na gusto rin ng bestfriend ko. Ayokong magaya sa namatay kong ina na nagkasiraan ng bestfriend niya dahil sa lalaki. Importante sa akin ang friendship.

Ang akala ko pa naman na pwede pang maisalba ang business namin na nalulugi simula nang nalaman ko. Pero ngayon sobrang shock ko dahil hindi lang pala lugi. Kung hindi wala ng natira sa yaman ni mommy. Nang namatay si mommy ay ang stepfather ko na ang namahala ng company.

"Papa, bakit umabot sa ganito?! Nagtiwala ako sa kakayahan mo. Bakit mo pinabayaan na malugi ang kumpanyang pinaghirapan ni Mommy?!" Doon na tumulo ang luha ko sa labis na panghihinayang sa negosyo namin.

Mas galit ako sa sitwasyon na kinasadlakan namin kesa kay Papa na alam ko naman na minahal ako bilang anak. Simula nang namatay si mommy ay hindi ko naman naramdaman na iba ako at patuloy lang ako nitong minahal na parang anak niya. Pero bakit ngayon ay natiis ako nitong ipamigay na lang basta sa kung sinong lalaki na hindi ko naman kilala. Ngayon, talagang ang selfish niya sa paningin ko.

“I’m sorry, hija.” Doon na tumayo si Papa at lumapit sa akin. Nakipag eye-to-eye ako sa kanya. Tanging galit ang mababakas sa mata ko habang si Papa naman ay bakas ang lungkot. “Hindi ko kagustuhan ang nangyari, Alwina. I did my best para lang sa kumpanya. Pero malakas ang competitor ng business natin. She sabotaged our company. Pati major supplier natin ay nawala. Kaya nagkaroon tayo ng problema sa bagong major client na si Mr. Delgado. Malaki ang naging lugi niya rin dahil hindi natin na-provide ang products na kailangan nila. Ipapakulong niya ako kapag hindi tayo nakabayad. At wala na akong maibayad.”

Kumunot ang noo ko sa narinig kay Papa. “She?”

“Si Tita Charice ba, Pa? Siya ba ang dahilan kung bakit nalugi na tayo?”

Tumango naman si Papa. “Yes.” Nanghihina ito sa pagkakabanggit ng ‘yes’ at nakita ko na lang na napakuyom ang kamay nito at parang gustong manuntok.

"I knew it. She’ll do everything for her revenge." Ang tanging nasambit ko.

Walang talagang mabuting naidulot si Tita Charice sa pamilya ko simula nang nagsama sina mommy at Papa 5 years ago. Wala nang ginawa si Tita Charice kung hindi ang sirain kami.

Ganoon ba ang nagagawa kapag nasaktan sa pag-ibig? Nagiging masama na at hindi man lang na-consider ni Tita Charice ang pinagsamahan nila ni mommy? Tita Charice and mom are best of friends. She’s even my ninang. Nagkasiraan sila dahil pareho silang nagkagusto sa stepfather ko. Pero ang pinili ni Papa ay si Mommy.

Simula noon ay naging mortal enemy na sila ni mommy at Tita Charice hanggang sa business. Pero hanggang ngayon ba naman? For God’s sake! It's more than a year since namatay si mommy at hanggang ngayon ay galit pa rin siya. Hindi na niya nagawang magpatawad pati kay Papa na ang tanging kasalanan lang ay nagmahal ng totoo.

"Hija, I'm so sorry kailangan kong gawin iyon. Aalis na kami sa bahay na ito ng kapatid mo sa lunes dahil kukunin na ito ng banko. At tungkol naman sa utang ko kay Mr. Delgado kukunin ka na niya sa darating na linggo… bilang kabayaran. H-hindi ko alam kung bakit ikaw…”

Huminto si papa sa pagsasalita. Hahawakan niya sana ako sa balikat pero agad kong tinabig ang kamay nito nang marahas.

"No, Pa. Hindi ako papayag!” Sigaw ko.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

user avatar
JASS ANNE
Hello po...... Sana po add niyo muna ito sa library niyo.... Hindi ko po sure kung masimulan ko na. May ibang story kasi ako na nakaplanong simulan dito sa GN......
2025-08-29 21:32:02
0
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status