Share

002

Author: JASS ANNE
last update Last Updated: 2025-08-26 07:13:48

Tinalikuran ko na si papa sabay takbo papunta sa hagdan. Narinig ko pa ang malakas na tawag nito sa akin pero hindi ko na ito nilingon. Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto sabay takbo sa kama ko. Hinagis ko na lang ang bag sa kung saan. Sumalampak ako sa kama at doon humagulgol.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasubsob sa kama hanggang marinig ko si Papa na kumakatok sa pinto.

“Alwina! Open the door. Mag-usap muna tayo!”

Patuloy sa pagkatok si Papa habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak. Sobrang sama ng loob ko ngayon sa stepfather ko sa desisyon nito. Tapos iiwan nila ako ng step-sister ko. Wala na akong pamilya na maituturing. Kung meron man ay malayong kamag-anak na hindi ko naman close.

Kahit naman hindi ko tunay na kapatid ang anak ni Papa ay tinuring ko ‘yun na tunay na kapatid kagaya ng pagturing ko kay Papa na parang tunay na ama. Ngayon ay hindi ako nito pinili. Ang sakit. Ang dali niya akong ni-let go dahil sa pera. Sana gumawa man lang siya ng paraan. Akala ko solid family kami… akala ko lang pala.

Nang hindi ko na narinig ang katok sa pinto ay pinakalma ko muna ang sarili. Matapos ay tumayo na ako para magbihis ng pambahay. Lumapit ako sa vanity mirror at tiningnan ko ang sarili. Namula agad ang mukha ko at halata na galing sa pag-iyak. Mestiza kasi ako.  

My daddy is Scottish. Namatay siya 5 years old pa lang ako kaya hindi ko na rin siya natatandaan. Tanging mga pictures na lang niya ang nakikita ko na tinago ni mommy kaya alam ko ang itsura ng daddy ko. Kaya sa unang tingin ay mahahalata na may halo akong ibang lahi.  

Mahirap lang talaga si mommy at ang daddy ko ang nagsalba sa kanya sa hirap nang nabuntis niya si mom sa edad na nineteen. 55 years old na si daddy nang nabuntis niya si mommy. Dancer si mommy sa club at doon sila nagkakilala ng daddy ko na talagang nagpupunta doon sa club para daw sa kanya.

Nang pinanganak nga ako ni Mommy ay sobrang tuwang-tuwa si daddy ko. Pinangalan nila akong Alwina mula sa paboritong character ni mommy dati na sinusubaybayan niya raw nang nagbubuntis siya sa akin.

Nang namatay si daddy ay iniwanan niya si mommy ng business na pinalago ng ina ko. Until that my mom marries her college classmate na si Papa 5 years ago. Tita Charice, my stepfather, and my mom are college buddies. Well, sa kanilang tatlo ay si Tita Charice ang mapera at si mommy at ang stepfather ko ang mahirap. They are scholar kaya nakapag-aral sa magandang university.

Kaso ay napilitan na maghinto si mommy at naging dancer dahil nagkasakit na ang ina ni mommy, my lola, na namatay rin kalaunan. Kaya nga si daddy talaga ang sumalba kay mommy na pinanagutan siya dahil tanging si daddy lang naman ang naging customer nito na pinagbigyan niya ng sarili, hindi nagpapa-table ang mommy ko.

Biyudo rin ang stepfather ko nang magsama sila ni mommy. May isang babaeng anak si Papa na tinuring kong tunay na kapatid. Ramdam ko naman ang tunay na pagmamahal ni Papa sa mommy ko at never akong tumutol nang magsabi sila na magpapakasal.

Napatunayan ko na mahal na mahal ni Papa si mommy nang nagsasama sila. Pati ako ay hindi nito tinuring na hindi galing sa kanya. We’re close kagaya ng closeness nila ng tunay niyang anak na mas matanda ako ng pitong taon.

Naging matibay naman ang pagsasama nila Papa at Mommy kahit ginugulo nga sila ni Tita Charice, especially pagdating sa negosyo na tinapatan talaga ang business ni mommy. Dalaga pa rin si Tita Charice dahil nga sa mahal nito ang stepfather ko. Akala siguro nito ay nang naging biyudo ang stepfather ko ay may pag-asa na sila pero ‘yon nga, si mommy pa rin ang niligawan nito.

Hanggang sa nagkaroon nga si mommy ng malubhang sakit. Hindi pinabayaan ni Papa si mommy. Nang namatay si mommy ay hinabilin niya ako kay Papa at ito na rin ang namahala sa negosyo namin.

“Senyorita!” narinig ko na lang mula sa saradong pinto kasabay ng mahihinang katok.

Nanatili ako sa kama. Pero nang nagpatuloy ang pagkatok ay walang gana kong pinuntahan ang pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni manang na may dalang tray ng pagkain.

“Manang, hindi po ako gutom.”

“Hija, ilalagay ko na lang sa mesa mo at kainin mo kapag gutom ka na.” sambit ni manang na narinig ko pa ang buntong hininga nito.

Sigurado ay alam na nito ang kapalaran ko sa lakas ng sigawan namin ni Papa kanina.

Tumango na lang ako at niluwagan ang bukas ng pinto para tuluyan ng makapasok si manang sa kwarto ko.

“Salamat, manang.” Sambit ko matapos nitong ilapag ang tray sa sidetable ko.

Matapos ay hinarap ako ni manang. Nakita ko agad ang lungkot sa mat anito.

“Sobrang concern sa’yo ang Papa mo kaya pinadalhan ka niya ng pagkain dahil alam niyang hindi ka pa nakakakain. Hija, kung ano man ang pinagdadaanan niyo, sana ay malagpasan niyo.”

Tumulo naman ang luha ko at napayakap kay manang na ilang taon na rin na nagsisilbi sa pamilya ko. Pero mas naiyak ako nang bigla na lang itong nagsabi na hanggang sabado na lang din siya dito sa bahay namin dahil nga kukunin na ito ng banko.

Nang lumabas si manang ay doon pa ako napaiyak nang husto. Ramdam ko ang pag-iisa dahil sa mga mangyayari. Ilang sandali pa akong lumuha bago kinondisyon ang sarili.

“No way, hindi ako papayag na mapunta na lang ng basta sa lalaking hindi ko naman kilala. I have five days para makapag-isip ng plano. I need to escape. Hindi ako papayag na maging pambayad utang lang sa isang estranghero!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Miss Thinz
Welcome here Mars... Natulog na pala story q rito hahaha
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
welcome to GN Ms A!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   005

    Ako naman ang biglang nagulat dahil sa biglang pagpayag ni Benjamin sa request ko. Sandaling gulat lang iyon bago lumapad ang ngiti ko. Solve na!"Ayyy!" napahiyaw naman ako nang biglang may waiter na biglang lumapit at nabuhusan si Benj sa damit ng tubig."F*ck you!" Biglang mura naman ni Benjamin sa waiter na nakatapon ng tubig sa kanya. Basang basa ang uniform niya. Ewan ko dahil maluwag naman ang paligid at biglang umeksena ang waiter kung saan. Biglaan ang pangyayari at nasira ang momentum namin ni Benjamin."Benj!" Nag-alala ako dahil parang naging mukhang dragon ang lalaki. Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito. Nabitawan ko ang kamay nito at napatayo nang tumayo rin si Benjamin at kinwelyuhan ang waiter. Bumagsak sa sahig ang hawak na tray ng waiter kaya mas gumawa ng ingay ang mga nabasag na baso."P*ta ka! Nasaan ang manager niyo!?"Nagulat ako sa pagmumura ni Benjamin."Sir, pasensya na po!" Biglang pag-aalala naman ng waiter."Hey,

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   004

    CHAPTER 4Narinig ko agad ang hiyawan ng mga kasamahan ni Benjamin sa basketball team niya. Nanunukso sila. Agad akong namula at alam kong halatang halata ako dahil sa pagka-mestisa ko.Swerte na rin na nakita ko si Benjamin. Kasi kung pupunta pa ako sa basketball court ay baka mahalata ako ng lalaki na siya ang ipupunta ko sa court dahil hindi naman ako nagagawi doon. Mga alaskador pa naman ang mga kaibigan niya at lagi kaming tinutukso. Naka-uniform pa naman ito na pang-klase at malamang na tapos na itong mag-aral at magpupunta na sa court para mag-practice.“Alwina.” Sambit ni Benjamin na kumakamot pa sa batok nito nang tuluyan na makalapit sa akin. “Pauwi ka na ba?”Tiningnan ko si Benjamin sa mata. Siya na naman ay parang natigilan sa akin at nilibot ng tingin ang mukha ko.“A-ah, oo.”“Pwede ba kitang ihatid?”Lihim naman akong natuwa sa narinig at umaayon sa akin ang pagkakataon. Mukhang magkakausap kami ngayong araw.“May practice yata kayo.”“It’s okay, makapaghihintay naman

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   003

    Alwina Clark’s POV“Hi, sexy!”Napa-irap naman ako sa mga estudyante na nadaanan ko papasok sa classroom ko. Kumpulan sila sa hallway habang nag-aabang ng mga babaeng babastusin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay ganoon ang gawain ng mga estudyanteng iyon sa kabilang classroom at lagi yata akong inaabangan sa pagpasok para lang bastusin.Nag-derecho lang ako ng lakad as usual at parang walang naririnig.“Alwina!” Lumingon naman ako nang marinig ang tawag ng bestfriend ko.“Shiela!” Ngumiti ako nang pilit dito.Ewan ko kung nahalata nito ang lungkot sa mata ko, pero bigla kasing nawala ang ngiti nito nang nakita ako.“M-may problema ba, Win?“H-hah? Ah, w-wala. May mens lang ako kaya medyo wala sa mood. Sumasakit din kasi ang puson ko ngayon, hindi naman ako maka-absent dahil ayaw kong mahuli sa lesson.” Palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman ni Sheila.Matagal ko ng bestfriend si Shiela pero hindi ko pa nasasabi dito ang problema ko. Dalawang araw na ang nakalipas since nalaman ko

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   002

    Tinalikuran ko na si papa sabay takbo papunta sa hagdan. Narinig ko pa ang malakas na tawag nito sa akin pero hindi ko na ito nilingon. Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto sabay takbo sa kama ko. Hinagis ko na lang ang bag sa kung saan. Sumalampak ako sa kama at doon humagulgol.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasubsob sa kama hanggang marinig ko si Papa na kumakatok sa pinto.“Alwina! Open the door. Mag-usap muna tayo!”Patuloy sa pagkatok si Papa habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak. Sobrang sama ng loob ko ngayon sa stepfather ko sa desisyon nito. Tapos iiwan nila ako ng step-sister ko. Wala na akong pamilya na maituturing. Kung meron man ay malayong kamag-anak na hindi ko naman close.Kahit naman hindi ko tunay na kapatid ang anak ni Papa ay tinuring ko ‘yun na tunay na kapatid kagaya ng pagturing ko kay Papa na parang tunay na ama. Ngayon ay hindi ako nito pinili. Ang sakit. Ang dali niya akong ni-let go dahil sa pera. Sana gumawa man lang

  • MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND   001

    “Papa, no! Ayoko! Ayokong sumama sa kahit kanino. Dito lang ako!” I shouted.Gusto kong magwala. Gusto kong ipagtatapon sa sahig kung ano man ang hawakan ko. Gusto kong kunin ang vase na narito sa center table ng sala at basagin sa harap ng stepfather ko para malaman niya kung gaano ako kagalit sa desisyon na pinasok niya.Kauuwi ko lang galing sa school at ito ang ibubungad sa akin ni Papa? Na aalis ako dito mansyon? Na kukunin daw ako ni Mr. Delgado bilang kabayaran ng pamilya namin sa higit one hundred million na utang sa negosyo.Pati itong mansyon na tinitirhan namin ay ginawang collateral sa banko dahil nag-loan si Papa ng 20 million na ginamit din sa pambayad kay Mr. Delgado para sa utang na hindi na namin kayang bayaran. Pero kulang pa rin iyon kaya ako ang ipambabayad ni Papa kay Mr. Delgado.“We don’t have a choice, Alwina! Kailangan mong sumama kay Mr. Delgado!” mariing sabi ni Papa na kuyom ang mga kamay na nasa may hita nito. Tinaasan na rin ako nito ng boses, which he do

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status