Ako naman ang biglang nagulat dahil sa biglang pagpayag ni Benjamin sa request ko. Sandaling gulat lang iyon bago lumapad ang ngiti ko. Solve na!
"Ayyy!" napahiyaw naman ako nang biglang may waiter na biglang lumapit at nabuhusan si Benj sa damit ng tubig.
"F*ck you!" Biglang mura naman ni Benjamin sa waiter na nakatapon ng tubig sa kanya. Basang basa ang uniform niya. Ewan ko dahil maluwag naman ang paligid at biglang umeksena ang waiter kung saan. Biglaan ang pangyayari at nasira ang momentum namin ni Benjamin.
"Benj!" Nag-alala ako dahil parang naging mukhang dragon ang lalaki. Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito. Nabitawan ko ang kamay nito at napatayo nang tumayo rin si Benjamin at kinwelyuhan ang waiter. Bumagsak sa sahig ang hawak na tray ng waiter kaya mas gumawa ng ingay ang mga nabasag na baso.
"P*ta ka! Nasaan ang manager niyo!?"
Nagulat ako sa pagmumura ni Benjamin.
"Sir, pasensya na po!" Biglang pag-aalala naman ng waiter.
"Hey, Benj!" Doon na ako tuluyang lumapit sa dalawang lalaki.
Nag-ingay naman ang paligid mula sa mga customer na nakiki-usyoso na. Hanggang sa may lumapit na isa pang lalaki na naka-uniform ng logo ng restaurant.
"Excuse me, Sir. I'm the manager here. I really apologize for—"
"F*ck you! I want you to fire this idiot! We didn't even ask for water! Tapos lalapit siya dito sa table at tatapunan ako!" Singhal ni Benjamin sa manager.
Mas lalo akong nagugulat sa inasal ni Benjamin. Pinagtitinginan kami sa paligid at ako na mismo ang nahihiya.
Muntikan pa na magkagulo dahil mainit na talaga ang ulo ni Benjamin. Mabuti na lang at mahinahon ang waiter at hindi pumatol sa mga masasamang lumabas sa bibig ni Benj. Hiningi na lang ni Benjamin ang bill par maka-alis na kami dito.
Hanggang sa kumalma na ang paligid pinaupo ko si Benjamin na namumula ang mukha sa galit.
"I'm sorry, Alwina. Sinira ng hayop na 'yun ang date natin."
"Benj, mauna ka na sa kotse if you want. Para makapagpalit ka ng damit. A-ako na ang magbabayad ng bill."
Ayaw pang pumayag ni Benj. Pero nagpumilit ako at mabuti na lang at sumunod siya. Ayaw nitong pumayag na ako mismo ang maglabas ng pera kaya nag-iwan ito ng cash sa akin. Nilingon ko si Benj hanggang sa mawala ito sa paningin ko nang makalabas na ng pinto palabas.
Napabuga ako ng hangin. Ibabalik ko na ang tingin ko sa harapan ko nang mapunta ang mata ko sa lalaking tinitingnan ni Benj kanina.
Bigla naman akong natigilan nang magtama ang tingin namin. Pero ilang saglit ay kumunot ang noo ko dahil matalim ang tingin ang ipinukol nito sa akin bago iniwas ang tingin at humarap na sa table nito at kinausap ang kasama nitong lalaki.
Hindi ko naman magawang ialis pa ang tingin sa lalaking masama ang tingin sa akin at nanatiling nakatitig dito kahit likod na lang ang nakikita ko. Bigla ko kasing naalala 'yung pinanood kong turkish series. Ka-awra ng lalaki ‘yung isa kong crush na Turkish actor. Hindi ko alam kung ilang segundo pa ako nakalingon at iniwas ko na lang ang tingin nang nangalay na ang leeg ko.
Dumating na rin ang bill at nagbayad na ako. Hinintay ko na lang ang sukli at tumayo na ako at naglakad palabas ng restaurant pero nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinarangan ng lalaking sinisipat ko kanina dahilan para tumaas ang kilay ko.
"Excuse me?" sambit ko na natigilan nang magtama ang tingin namin ng lalaki.
Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa paraan ng pagtitig niya na parang may galit talaga sa akin. Ewan ko kung ilang segundo ako nakatitig sa kanya. Napagmasdan ko tuloy ang itsura niya. Kung kanina sa malayuan ay pansin ko na may itsura ito. Lalo na pala sa malapitan. Yes. Gwapo nga siya. Pero hindi 'yung level ng gwapo na tinitilian ko dahil mukha itong masungit at nakabusangkot ang mukha. Mas gwapo sa paningin ko si Benjamin. Tsaka may edad na ang lalaki. Malamang na nasa mid or late thirties na ito.
Napatitig ako sa mapula nitong labi hanggang sa matangos na ilong. Lalaking lalaki ang itsura nito. Pati tubo ng balbas at may bigote pa ito.
"That guy… Is he your boyfriend?" tanong ng lalaki na kinataka ko.
Nanindig naman bigla ang balahibo ko nang marinig ang baritonong boses nito. He's voice is really manly, deep baritone. Kung hindi ako nakatingin sa kanya ngayon at narinig ang boses nito ay aakalain kong isa siya sa sexiest man alive. Ang sexy ng boses niya. Pero dahil nakaupo ito ay hindi naman pansinin kung maganda ang katawan nito. Pero feeling ko ay oo, dahil pinasadahan ko ng siya ng tingin ay halatang may magandang katawan ito at matangkad kahit nababalutan ng business suit.
"Are you done checking on me, woman?" Tumaas ang boses na tanong ng lalaki. Halos maririnig na sa buong restaurant kahit parang nagpipigil pa ang lalaki.
Bigla bigla ay tumaas ang presyon ng dugo ko sa inasal ng lalaki. Masungit pa naman ako kapag ganito ang taong kaharap na parang timang. At wala akong pakialam kung mas matanda siya sa akin.
"And who the hell are you? Hindi naman kita tatay para itanong 'yan?" Pinilit kong hinaan ang boses ko pero sa tingin ko ay bigo ako.
Ayoko kasi ng napapahiya ako. Sanay naman akong maging center of attraction. Pero hindi dahil sa ganitong sitwasyon na naa-agrabyado ako at pinapahiya ng taong hindi ko naman kilala.
"I'm asking you, if the guy you were with earlier is your boyfriend?!" Dumagundong ang boses ng lalaki dahilan para mangilabot ako.
“Alwina, anak, sino ang naghatid sa’yo!?” Bungad sa akin ni Papa nang nakapasok na ako sa loob ng bahay namin.Nasa sala ito at nakahawak sa cellphone. Feeling ko ay tatawagan na niya ako dahil hindi ako naka-uwi ng sakto sa oras. Alam naman ni Papa ang schedule ko at in fairness naman ay nag-aalala siya sa akin kapag hindi ako nakakauwi ng tama sa oras at hindi nakapaalam.Pero dahil sa galit ko kay Papa ay hindi man lang ako nagpasabi na male-late ako ng uwi. Tutal pinabayaan niya naman na masadlak ang negosyo namin. Wala na akong pakialam sa kanya.Sandali ko lang na tiningnan ang stepfather ko at pagkatapos ay hindi ko man lang siya sinagot at deretsong naglakad papunta sa hagdan.“Alwina! Huwag mo kong talikuran kapag kinakausap pa kita! H’wag mo akong bastusin.” Malakas na sigaw ni Papa.Napahinto tuloy ako sa paghakbang sa hagdan. Humarap ako at nakita kong tuluyan nang papalapit si Papa sa akin. Nakuyom ko ang kamay ko.“Why not, Pa?… Hindi mo na rin naman akong tinuturing na a
Alwina Clark"What the..?" Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko."Kuya, please… pinagtitinginan na tayo” Bigla namang saway ng kasamang lalaki ng Mr. D na ito.This man is impossible. Manghaharang na lang ng basta-basta sa taong hindi kilala.Oh, baka naman napagkamalan niya lang akong kakilala? Pinagkrus ko na lang ang mga braso sa dibdib at mayabang na tiningnan ang mayabang na lalaki."Yes. He's my boyfriend. Happy?"Natigilan ang lalaki at nakita ko kung paano umigting ang panga niya sa narinig mula sa akin.“Boyfriend, huh? Ang ayoko sa lahat ay ang niloloko ako! Magbabayad kayo!” Mahina pero mariin na sabi niya.Ngumisi ang lalaki at natakot ako sa paraan ng pagngisi niya. Parang ang daming tumatakbong masasama sa isip ng lalaking hambog na ‘to.“Alwina!” Narinig kong tawag ni Benj kaya nabaling ang tingin ko dito na papalapit sa akin.Nakabihis na si Benj ng bagong t-shirt. Nakita ko naman na masama ang tingin nito sa likod nitong lalaking kaharap ko.Hanggang sa makalapit sa a
Hello po guys,Thank you so much for adding this book to your library. Right now po ay hindi po ako dito mag-focus. Meron po akong isasali sa contest dito sa GN, hopefully ay next week ay nandito na sa GN 'yon at ma-add niyo sa library niyo. Title ay MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER. Doon po ako mag-focus ng update. Pero mag-slow update na po ako dito kay Nathaniel at Alwina. So kung hindi po kayo sanay sa slow update, wait niyo na lang po ito after ng MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFERNOTE*** Pasensya na sa mga nalito. Hindi ko pala nabura 'yun word na naka-wheelchair si NAthaniel. Hindi po siya naka-wheelchair. Sorry po. Under edit na po yon at waiting sa approvalTHANK YOU*** Thank you so much at may nakita na rin po akong gems dito. Godbless po.
Ako naman ang biglang nagulat dahil sa biglang pagpayag ni Benjamin sa request ko. Sandaling gulat lang iyon bago lumapad ang ngiti ko. Solve na!"Ayyy!" napahiyaw naman ako nang biglang may waiter na biglang lumapit at nabuhusan si Benj sa damit ng tubig."F*ck you!" Biglang mura naman ni Benjamin sa waiter na nakatapon ng tubig sa kanya. Basang basa ang uniform niya. Ewan ko dahil maluwag naman ang paligid at biglang umeksena ang waiter kung saan. Biglaan ang pangyayari at nasira ang momentum namin ni Benjamin."Benj!" Nag-alala ako dahil parang naging mukhang dragon ang lalaki. Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito. Nabitawan ko ang kamay nito at napatayo nang tumayo rin si Benjamin at kinwelyuhan ang waiter. Bumagsak sa sahig ang hawak na tray ng waiter kaya mas gumawa ng ingay ang mga nabasag na baso."P*ta ka! Nasaan ang manager niyo!?"Nagulat ako sa pagmumura ni Benjamin."Sir, pasensya na po!" Biglang pag-aalala naman ng waiter."Hey,
CHAPTER 4Narinig ko agad ang hiyawan ng mga kasamahan ni Benjamin sa basketball team niya. Nanunukso sila. Agad akong namula at alam kong halatang halata ako dahil sa pagka-mestisa ko.Swerte na rin na nakita ko si Benjamin. Kasi kung pupunta pa ako sa basketball court ay baka mahalata ako ng lalaki na siya ang ipupunta ko sa court dahil hindi naman ako nagagawi doon. Mga alaskador pa naman ang mga kaibigan niya at lagi kaming tinutukso. Naka-uniform pa naman ito na pang-klase at malamang na tapos na itong mag-aral at magpupunta na sa court para mag-practice.“Alwina.” Sambit ni Benjamin na kumakamot pa sa batok nito nang tuluyan na makalapit sa akin. “Pauwi ka na ba?”Tiningnan ko si Benjamin sa mata. Siya na naman ay parang natigilan sa akin at nilibot ng tingin ang mukha ko.“A-ah, oo.”“Pwede ba kitang ihatid?”Lihim naman akong natuwa sa narinig at umaayon sa akin ang pagkakataon. Mukhang magkakausap kami ngayong araw.“May practice yata kayo.”“It’s okay, makapaghihintay naman
Alwina Clark’s POV“Hi, sexy!”Napa-irap naman ako sa mga estudyante na nadaanan ko papasok sa classroom ko. Kumpulan sila sa hallway habang nag-aabang ng mga babaeng babastusin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay ganoon ang gawain ng mga estudyanteng iyon sa kabilang classroom at lagi yata akong inaabangan sa pagpasok para lang bastusin.Nag-derecho lang ako ng lakad as usual at parang walang naririnig.“Alwina!” Lumingon naman ako nang marinig ang tawag ng bestfriend ko.“Shiela!” Ngumiti ako nang pilit dito.Ewan ko kung nahalata nito ang lungkot sa mata ko, pero bigla kasing nawala ang ngiti nito nang nakita ako.“M-may problema ba, Win?“H-hah? Ah, w-wala. May mens lang ako kaya medyo wala sa mood. Sumasakit din kasi ang puson ko ngayon, hindi naman ako maka-absent dahil ayaw kong mahuli sa lesson.” Palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman ni Sheila.Matagal ko ng bestfriend si Shiela pero hindi ko pa nasasabi dito ang problema ko. Dalawang araw na ang nakalipas since nalaman ko