“Papa, no! Ayoko! Ayokong sumama sa kahit kanino. Dito lang ako!” I shouted.
Gusto kong magwala. Gusto kong ipagtatapon sa sahig kung ano man ang hawakan ko. Gusto kong kunin ang vase na narito sa center table ng sala at basagin sa harap ng stepfather ko para malaman niya kung gaano ako kagalit sa desisyon na pinasok niya.
Kauuwi ko lang galing sa school at ito ang ibubungad sa akin ni Papa? Na aalis ako dito mansyon? Na kukunin daw ako ni Mr. Delgado bilang kabayaran ng pamilya namin sa higit one hundred million na utang sa negosyo.
Pati itong mansyon na tinitirhan namin ay ginawang collateral sa banko dahil nag-loan si Papa ng 20 million na ginamit din sa pambayad kay Mr. Delgado para sa utang na hindi na namin kayang bayaran. Pero kulang pa rin iyon kaya ako ang ipambabayad ni Papa kay Mr. Delgado.
“We don’t have a choice, Alwina! Kailangan mong sumama kay Mr. Delgado!” mariing sabi ni Papa na kuyom ang mga kamay na nasa may hita nito. Tinaasan na rin ako nito ng boses, which he doesn’t usually do.
Sa tingin ko naman ay kahit hindi ako kadugo ng stepfather ko ay labag pa rin sa kagustuhan nito na ibenta ako sa pinagkakautangan sa negosyo. Pero dahil nagipit ito sa sitwasyon ay no choice na ito kundi ipagkanuno ako sa lalaking kilala bilang ‘beast’ sa business world, ang nag-iisang Nathaniel Delgado.
Naturingan na Nathaniel ang pangalan na alam kong ibig sabihin pa ay ‘Gift of God’, pero mukhang sa ugali nitong nababalitaan ko ay parang pati impiyerno ay hindi kinaya ang ugali nito. But that’s all just hearsay. Ewan ko kung totoo talaga.
I didn’t encounter Mr. Delgado eversince kaya wala akong idea. Pati kung ano ang itsura nito ay hindi ko rin alam dahil wala pa naman akong pakialam sa business world pa habang nag-aaral pa ako. Siguro kapag ako na mismo ang naka-experience kung gaano talaga kasama ang ugali ng Nathaniel Delgado na ‘yon ay doon ko na masasabi na demonyo nga ang lalaki.
Pero mayroon rin kasi akong classmate na nagsabing may kapatid siyang naka-experience kung gaano kasama ang Mr. Delgado na ’yon. Dahil ang ate ng classmate ko ay nagtrabaho sa kumpanya na mina-manage ni Mr. Delgado na isa raw sa pinakama-impluwensyang businessman sa Pilipinas.
Isang beses ay naikwento sa akin ng classmate ko ang tungkol kay Mr. Delgado kaya siguro tumatak sa akin ang pangalan na Nathaniel Delgado.
Pero kahit na! Mabait o masama man ang ugali ni Mr. Delgado na iyon ay hindi ako sasama. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. Baka gawin akong katulong. Oh, ka naman ay sxx slave. Kinakabahan agad ako kahit hindi ko alam kung anong plano sa akin ng lalaking iyon at bakit ako pa ang gustong kabayaran.
I’m just twenty years old, for God’s sake! Ang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pa na bumuo ng sarili kong pamilya. Tapos masisira na lang ng basta basta dahil sa ginawa akong kabayaran ng utang. Dahil sa selfish na desisyon ng stepfather ko ay pati future ko ay wala nang kasiguraduhan.
Gusto ko rin na magtayo ng sariling business kahit sa tingin ko ngayon ay suntok sa buwan pa dahil nga months ago ko pa nalaman na lugi na ang business namin. Lihim ko iyon na narinig mula kay Papa pero hindi ko naman ito sinubukan na i-confront dahil busy ako sa school nang time na iyon. Aside from that ay wala din ako sa huwisyo dahil iniintindi ko rin ang puso kong nalilito dahil doon sa nanliligaw sa akin.
Naguguluhan kasi ako kung sasagutin ko ang manliligaw ko na nagugustuhan ko na pero lihim na gusto rin ng bestfriend ko. Ayokong magaya sa namatay kong ina na nagkasiraan ng bestfriend niya dahil sa lalaki. Importante sa akin ang friendship.
Ang akala ko pa naman na pwede pang maisalba ang business namin na nalulugi simula nang nalaman ko. Pero ngayon sobrang shock ko dahil hindi lang pala lugi. Kung hindi wala ng natira sa yaman ni mommy. Nang namatay si mommy ay ang stepfather ko na ang namahala ng company.
"Papa, bakit umabot sa ganito?! Nagtiwala ako sa kakayahan mo. Bakit mo pinabayaan na malugi ang kumpanyang pinaghirapan ni Mommy?!" Doon na tumulo ang luha ko sa labis na panghihinayang sa negosyo namin.
Mas galit ako sa sitwasyon na kinasadlakan namin kesa kay Papa na alam ko naman na minahal ako bilang anak. Simula nang namatay si mommy ay hindi ko naman naramdaman na iba ako at patuloy lang ako nitong minahal na parang anak niya. Pero bakit ngayon ay natiis ako nitong ipamigay na lang basta sa kung sinong lalaki na hindi ko naman kilala. Ngayon, talagang ang selfish niya sa paningin ko.
“I’m sorry, hija.” Doon na tumayo si Papa at lumapit sa akin. Nakipag eye-to-eye ako sa kanya. Tanging galit ang mababakas sa mata ko habang si Papa naman ay bakas ang lungkot. “Hindi ko kagustuhan ang nangyari, Alwina. I did my best para lang sa kumpanya. Pero malakas ang competitor ng business natin. She sabotaged our company. Pati major supplier natin ay nawala. Kaya nagkaroon tayo ng problema sa bagong major client na si Mr. Delgado. Malaki ang naging lugi niya rin dahil hindi natin na-provide ang products na kailangan nila. Ipapakulong niya ako kapag hindi tayo nakabayad. At wala na akong maibayad.”
Kumunot ang noo ko sa narinig kay Papa. “She?”
“Si Tita Charice ba, Pa? Siya ba ang dahilan kung bakit nalugi na tayo?”
Tumango naman si Papa. “Yes.” Nanghihina ito sa pagkakabanggit ng ‘yes’ at nakita ko na lang na napakuyom ang kamay nito at parang gustong manuntok.
"I knew it. She’ll do everything for her revenge." Ang tanging nasambit ko.
Walang talagang mabuting naidulot si Tita Charice sa pamilya ko simula nang nagsama sina mommy at Papa 5 years ago. Wala nang ginawa si Tita Charice kung hindi ang sirain kami.
Ganoon ba ang nagagawa kapag nasaktan sa pag-ibig? Nagiging masama na at hindi man lang na-consider ni Tita Charice ang pinagsamahan nila ni mommy? Tita Charice and mom are best of friends. She’s even my ninang. Nagkasiraan sila dahil pareho silang nagkagusto sa stepfather ko. Pero ang pinili ni Papa ay si Mommy.
Simula noon ay naging mortal enemy na sila ni mommy at Tita Charice hanggang sa business. Pero hanggang ngayon ba naman? For God’s sake! It's more than a year since namatay si mommy at hanggang ngayon ay galit pa rin siya. Hindi na niya nagawang magpatawad pati kay Papa na ang tanging kasalanan lang ay nagmahal ng totoo.
"Hija, I'm so sorry kailangan kong gawin iyon. Aalis na kami sa bahay na ito ng kapatid mo sa lunes dahil kukunin na ito ng banko. At tungkol naman sa utang ko kay Mr. Delgado kukunin ka na niya sa darating na linggo… bilang kabayaran. H-hindi ko alam kung bakit ikaw…”
Huminto si papa sa pagsasalita. Hahawakan niya sana ako sa balikat pero agad kong tinabig ang kamay nito nang marahas.
"No, Pa. Hindi ako papayag!” Sigaw ko.
Ako naman ang biglang nagulat dahil sa biglang pagpayag ni Benjamin sa request ko. Sandaling gulat lang iyon bago lumapad ang ngiti ko. Solve na!"Ayyy!" napahiyaw naman ako nang biglang may waiter na biglang lumapit at nabuhusan si Benj sa damit ng tubig."F*ck you!" Biglang mura naman ni Benjamin sa waiter na nakatapon ng tubig sa kanya. Basang basa ang uniform niya. Ewan ko dahil maluwag naman ang paligid at biglang umeksena ang waiter kung saan. Biglaan ang pangyayari at nasira ang momentum namin ni Benjamin."Benj!" Nag-alala ako dahil parang naging mukhang dragon ang lalaki. Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito. Nabitawan ko ang kamay nito at napatayo nang tumayo rin si Benjamin at kinwelyuhan ang waiter. Bumagsak sa sahig ang hawak na tray ng waiter kaya mas gumawa ng ingay ang mga nabasag na baso."P*ta ka! Nasaan ang manager niyo!?"Nagulat ako sa pagmumura ni Benjamin."Sir, pasensya na po!" Biglang pag-aalala naman ng waiter."Hey,
CHAPTER 4Narinig ko agad ang hiyawan ng mga kasamahan ni Benjamin sa basketball team niya. Nanunukso sila. Agad akong namula at alam kong halatang halata ako dahil sa pagka-mestisa ko.Swerte na rin na nakita ko si Benjamin. Kasi kung pupunta pa ako sa basketball court ay baka mahalata ako ng lalaki na siya ang ipupunta ko sa court dahil hindi naman ako nagagawi doon. Mga alaskador pa naman ang mga kaibigan niya at lagi kaming tinutukso. Naka-uniform pa naman ito na pang-klase at malamang na tapos na itong mag-aral at magpupunta na sa court para mag-practice.“Alwina.” Sambit ni Benjamin na kumakamot pa sa batok nito nang tuluyan na makalapit sa akin. “Pauwi ka na ba?”Tiningnan ko si Benjamin sa mata. Siya na naman ay parang natigilan sa akin at nilibot ng tingin ang mukha ko.“A-ah, oo.”“Pwede ba kitang ihatid?”Lihim naman akong natuwa sa narinig at umaayon sa akin ang pagkakataon. Mukhang magkakausap kami ngayong araw.“May practice yata kayo.”“It’s okay, makapaghihintay naman
Alwina Clark’s POV“Hi, sexy!”Napa-irap naman ako sa mga estudyante na nadaanan ko papasok sa classroom ko. Kumpulan sila sa hallway habang nag-aabang ng mga babaeng babastusin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay ganoon ang gawain ng mga estudyanteng iyon sa kabilang classroom at lagi yata akong inaabangan sa pagpasok para lang bastusin.Nag-derecho lang ako ng lakad as usual at parang walang naririnig.“Alwina!” Lumingon naman ako nang marinig ang tawag ng bestfriend ko.“Shiela!” Ngumiti ako nang pilit dito.Ewan ko kung nahalata nito ang lungkot sa mata ko, pero bigla kasing nawala ang ngiti nito nang nakita ako.“M-may problema ba, Win?“H-hah? Ah, w-wala. May mens lang ako kaya medyo wala sa mood. Sumasakit din kasi ang puson ko ngayon, hindi naman ako maka-absent dahil ayaw kong mahuli sa lesson.” Palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman ni Sheila.Matagal ko ng bestfriend si Shiela pero hindi ko pa nasasabi dito ang problema ko. Dalawang araw na ang nakalipas since nalaman ko
Tinalikuran ko na si papa sabay takbo papunta sa hagdan. Narinig ko pa ang malakas na tawag nito sa akin pero hindi ko na ito nilingon. Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto sabay takbo sa kama ko. Hinagis ko na lang ang bag sa kung saan. Sumalampak ako sa kama at doon humagulgol.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasubsob sa kama hanggang marinig ko si Papa na kumakatok sa pinto.“Alwina! Open the door. Mag-usap muna tayo!”Patuloy sa pagkatok si Papa habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak. Sobrang sama ng loob ko ngayon sa stepfather ko sa desisyon nito. Tapos iiwan nila ako ng step-sister ko. Wala na akong pamilya na maituturing. Kung meron man ay malayong kamag-anak na hindi ko naman close.Kahit naman hindi ko tunay na kapatid ang anak ni Papa ay tinuring ko ‘yun na tunay na kapatid kagaya ng pagturing ko kay Papa na parang tunay na ama. Ngayon ay hindi ako nito pinili. Ang sakit. Ang dali niya akong ni-let go dahil sa pera. Sana gumawa man lang
“Papa, no! Ayoko! Ayokong sumama sa kahit kanino. Dito lang ako!” I shouted.Gusto kong magwala. Gusto kong ipagtatapon sa sahig kung ano man ang hawakan ko. Gusto kong kunin ang vase na narito sa center table ng sala at basagin sa harap ng stepfather ko para malaman niya kung gaano ako kagalit sa desisyon na pinasok niya.Kauuwi ko lang galing sa school at ito ang ibubungad sa akin ni Papa? Na aalis ako dito mansyon? Na kukunin daw ako ni Mr. Delgado bilang kabayaran ng pamilya namin sa higit one hundred million na utang sa negosyo.Pati itong mansyon na tinitirhan namin ay ginawang collateral sa banko dahil nag-loan si Papa ng 20 million na ginamit din sa pambayad kay Mr. Delgado para sa utang na hindi na namin kayang bayaran. Pero kulang pa rin iyon kaya ako ang ipambabayad ni Papa kay Mr. Delgado.“We don’t have a choice, Alwina! Kailangan mong sumama kay Mr. Delgado!” mariing sabi ni Papa na kuyom ang mga kamay na nasa may hita nito. Tinaasan na rin ako nito ng boses, which he do