ABALA SA pagbibihis si Estelle kay Mia at anng matapos ay tumayo na siya pagkatapos ay nilingon si Henry na nakatayo sa may tabi ng pinto. Kinuha niya ang bag ng anak at inabot dito maging ang lunchbox nito. Nakita niya na napataas ang kilay nito nang iabot niya ang mga iyon dito.
“Bitbitin mo ang mga gamit niya.” malamig na sabi niya rito. Bagamat malamig ang mga mata nitong nakatingin sa inaabot niya sa huli ay kinuha pa rin nito ang mga iyon. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid at bumama sa may sala. Hawak niya ang kamay ni Mia. naabutan nila sa baba ang assistant ni Henry na si Liam. Sa loob-loob ni Liam ay hindi niya akalaing makikita niya ang kanyang amo na maghahawak ng mga bagay na iyon at mukhang isang napakabait na ama talaga nito ngunit pinigilan niya ang magpakita ng kahit na anumang emosyon dahil baka tamaan siya nito. Lalo na at hindi maitago ang saya sa mukha ng bata. Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila. Bago sumakay ng sasakyan si Mia ay hinalikan niya pa ang noo nito at nagbilin ng mabuti. “Huwag kang maglilikot sa school okay?” sabi niya rito at tumango lang naman ito. Binalingan niya si Henry na nasa tabi ng bata. “Ikaw na ang bahala sa kaniya.” Tumango lang din naman sa kaniya si Henry at pagkatapos ay binalingan si Liam na nakatayo sa likod niya. “Liam, gusto kong ipaalam mo sa mga shareholder na may meeting tayo mamaya pagdating ko.” sabi nito rito. Mabilis namang tumango si Liam dito. “Okay po sir.” magalang nitong sabi at pinagbuksan ng pinto si Mia. sumakay na rin sa kotse si Henry. Hindi siya pumasok sa loob hanggang sa tuluyan na ngang mawala sa paningin niya ang kotse ni Henry. ISANG nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Pasulyap-sulyap si Liam sa rearview mirror ng sasakyan dahil hindi nag-uusap ang mag-ama sa likod. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang. Naramdaman ni Henry na pasulyap-sulyap sa kaniya si Mia na para bang may gusto itong sabihin sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang siya at pagkatapos ay tumingin dito. “May problema ba?” tanong niya sa pormal na paraan. Bigla namang napayuko ito at piangsakilop ang mga maliliit na kamay. “Ah, Daddy pwede niyo po ba akong sunduin mamaya? Pero kung busy po kayo ay okay lang…” mahinang sabi nito. Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Henry nang marinig niya ang sinabi nito. Pagkatapos ng tagpo kagabi ay hindi na niya gusto ang bata at isa pa kung hindi lang dahil sa pagpupumilit ni Estelle ay hindi niya sasayangin ang oras niya paras a batang ito. “Anong oras ka ba lalabas?” tanong na lang niya. Gumihit ang saya sa mukha nito at nagningning pa ang mga mata ngunit wala siyang pakialam. Habang tinitiingnan niya ang mukha nito ay naalala niya si Estelle kaya kinamumuhian niya ito kahit na wala itong kasalanan sa kaniya. “Alas kwatro po ng hapon.” sagot ng bata sa kaniya. “Okay.” sagot niya rito. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng bata at hindi na naalis pa. Itinuon ni Henry ang tingin sa labas ng bintana. Kung siguro hindi si Estelle ang ina ng bata ay baka nagustuhan niya ito pero dahil kay Estelle ay galit siya rito. Samantala, pagdating ni Mia sa eskwelahan ay masayang masaya pa rin siya at hindi niya na napigilan pa na magpadala ng siang mensahe sa kanyang ina. Puno ng excitement niyang sinabi sa kanyang ina na susunduin siya ng kanyang Daddy at hindi niya rin napigilang sabihin iyon sa katabi niyang bata. Nagulat naman ang kaklase niya nang marinig ang sinabi niya. “Talaga? Susunduin ka ng Daddy mo?” hindi makapaniwala nitong tanong sa kaniya. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango rito. “Oo nga.” “Mabuti naman!” natuwa rin ang kaklase niyang babae para sa kaniya. Sa klase kasi nila ay palagi siyang tinutkso na walang ama dahil hindi nakikita ng iba niyang mga kaklase ang DAddy niya. Sa ganoong paraan ay mababawasan na ang pang-aalaska sa kaniya kapag nakita nilang susunduin siya ng kanyang Daddy. Excited na tuloy siyang mag-uwian kahit na kakaumpisa pa lang ng klase nila. NANG mabasa ni Estelle ang mensahe na ipinadala sa kaniya ng kanyang anak ay hindi maiwasang manlabo ang kanyang mga mata. Panigurado an sobrang saya ng kanyang anak dahil doon, ngunit kasabay nun ay ang matinding kirot. Sa mga huling sandali ng anak niya ay gusto niyang maging masaya ito kaya handa niyang gawin ang lahat. Nagreply din naman siya rito kaagad nang may isang malungkot na ngiti sa kanyang labi. …BIGLANG tumaas ang sulok ng labi ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ni Henry. Akala mo ay binibigyan siya nito ng limos. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi mo pag-aari ang mga shares na iyon kundi iyon ay pag-aari ni lolo at iniwan niya sa akin ang mga iyon. Wala kang karapatan na kuhanin ang mga iyon sa akin dahil lang sa gusto mo, naiintindihan mo ba?” puno ng panunuya niyang tanong.Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito at ang mga ugat sa noo nito ay naglabasan na rin tanda na galit na galit na ito ngunit wala siyang pakialam. “Noong naghihingalo siya nasaan ka noong mga panahong iyon ha? Noong ni hindi na siya makabangon pa at nakaratay na lang sa kama? Ni hinid mo nga siya nagawang silipin kahit na minsan lang Henry diba? Kailangan ko pa bang isa-isahin sayo ang lahat? Hindi mo pa rin ba maintindihan? Sobra siyang nadismaya sayo noong mga panahong iyon kaya nagdesisyon siya na sa akin niya na lang iiwan ang lahat dahil ni wala ka namang pakialam sa kaniya!” t
BAHAGYANG nagulat si Gwen sa sinabi ni Henry ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Humarap siya rito na punong-puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata. “Henry, pasensya ka na, huwag kang magalit sa akin okay?” Hindi ito sumagot. “Okay lang ako.” dagdag pa niya ngunit hinawakan ni Henry ang kanyang kamay at hinila siya hanggang sa nakaparada nitong sasakyan at pinapasok doon. Dahil dito ay wala na siyang nagawa kundi ang sumakay dito.Kahit na inis na inis siya sa totoo lang ay pinigilan niyang magalit. Tahimik siyang umupo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Wala siyang magawa kundi ang magpanggap na mahina at kaawa awa sa harap ni Henry dahil ito lang ang paraan para makontrol niya ito.Hindi nagtagal ay tuluyan na silang nakating sa ospital at katulad ng dati ay inadmit lang siya nito doon at pagkatapos ay iniwan. Nang masiguro niyang nakaalis na ito ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili niya kaya pinagtatapon niya ang mga gamit na nasa bedside table ng kanyang kama sa lab
TUMAAS ang sulok ng labi ni Estelle, ang tingin sa kaniya ni Gwen ay uhaw na uhaw siya sa atensyon ni Henry at ginagawa niya ang lahat ng iyon para makuha niya ang pagmamahal nito. Kung noon niya ito narinig ay baka umiyak pa siya at masaktan pero ngayon? Gusto na lang niyang matawa.“Alam mo Gwen, bagay na bagay kayo ni Henry ngayon. Bagay kayong makita sa putikang dalawa.” puno ng panunuya na saad niya. “Hindi ko siya pag-iinteresan, sayong-sayo siya kung gusto mo at isaksak mo sa baga mo.”Ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na masasabi niya ang mga bagay na katulad nun. Napakahibang talaga niya nitong mga nakaraang taon. Mabuti na lang at nagising na siya sa wakas.“Estelle!” sigaw ng isang tinig mula sa likod niya at bagamat hindi niya pa man ito nililingon ay alam na niya kaagad kung sino ito, walang iba kundi sino pa? Si Henry lang naman.NARINIG niya ang lahat ng sinabi ni Estelle kaya hindi niya maiwasang hindi mapakuyom ang mga kamay. Wala na itong pinipiling
MABILIS na lumapit si Liam kay Henry at tinulungan itong makatayo. “Sir, okay lang ba kayo? Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa ospital?” maingat na tanong nito rito.Tinanggal ni Henry ang kamay ni Liam at pagkatapos ay tiningnan si Estelle na puno ng pag-aakusa ang mga mata. “Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito huh? Sa tingin mo ba ay may magandang maidudulot sayo ito? Baka nakakalimutan mo na, mag-asawa pa rin tayo at kung anong sayo ay akin din!” sigaw nito.Tumaas ang sulok ng labi ni Estelle. “Baka nakakalimutan mo na, hiwalay na tayo Henry.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa ibang mga director na nasa loob ng conference room. “Siguro naman ay hindi sayang ang meeting na ito ngayon hindi ba? Kayo na ang bahalang humusga, salamat sa inyong oras.”Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay mabilis na naglakad si Estelle patungo sa pinto at lumabas ng walang pag-aalinlangan.Sa likod niya ay narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Henry. “Tumigil ka s
NANLALAKI ang mga mata ni Henry na nakatingin sa kapapasok lang na si Estelle. Halos hindi niya ito makilala dahil parang ibang tao ito ng mga oras na iyon. Ibang-iba ito ngayon sa dati nitong itsura noong asawa pa niya ito at nasa bahay lang.Ngayon niya lang napagtanto na kahit na napakatagal na pala nilang magkasama sa iisang bubong ay hindi niya pa rin ito lubos na kilala. Ni hindi man lang siya nito nilingon at tuloy tuloy na pumasok hanggang sa tumigil ito sa kanyang harapan at doon lang siya nito tinapunan ng malamig na tingin. “Sorry, but that is may seat.” napakalamig na sabi nito sa kaniya.Taas ang noo ni Estelle na nakatingin sa gulat na gulat na si Henry. Dahil nga siya ang may pinaka malaki ng shares sa kumpanya ay tama lang na siya ang maupo sa gitna at hindi ito. Wala na itong karapatan doon ngayon. Wala na.Ilang sandali pa ay tuluyan itong nakabawi mula sa pagkagulat nito at pagkatapos ay madilim ang mga matang tumingin sa kaniya. “Sino ka sa inaakala mo para paalisi
NATIGILAN si Dylan nang makita niya si Estelle. Hindi niya maiwasang hindi magulat dahil noong nag-aaral sila ay ni hindi niya man lang nakita si Estelle na nag makeup kahit na minsan lang at ngayon, naka makeup ito at hindi niya maiwasang mamangha. Kung wala itong makeup ay napakaganda na nito pero ngayon, mas lalo pa itong gumanda. Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi.Hindi niya maitago na nabighani siya sa ganda nito. “Ang ganda mo ngayon…” puri niya rito at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili dahil totoo naman. Napakaganda nito.Ngumiti lang naman sa kaniya si EStelle at pagkatapos ay inalalayan niya ito patungo sa kanyang sasakyan at pinagbuksan pa ito ng pinto. “Sumakay ka na mahal na prinsesa.” sabi niya rito.Napailing na lang si Estelle dahil sa kalokohan ni Dylan. Ang mga mata nito ay nakangiti rin at hindi lang ang mga labi nito at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sa halip ay ipinilig niya na lang ang kanyang ulo