HABANG NAG-IISCROLL siya sa kanyang epbi account ay bigla na lang nagdalim ang kaniyan mga mata dahil sa kanyang nakita. Ang diamanteng hikaw na ibinigay ni Henry kahapon kay Mia ay naka-post na doon at na kay Gwen na. Kung sabagay ay kay Gwen nga naman talaga iyon. Dali-dali na niyang pinatay ang kanyang cellphone para hindi na niya makita ang mga eksenang iyon nang bigla na namang tumunog ang kanyang cellphone kaya muli siyang napatingin dito.
Nang buksan niya iyon ay isang number iyon na walang pangalan. “Uuwi na ako sa bansa sa loob ng siyam na araw.” sabi nito at sa dulo nito ay may dalawang letra.
Kahit na hindi naka-save ang number na iyon ay alam na alam niya kung sino ang taon iyon. Kung tutuusin ay halos anim na taon na silang hindi nag-uusap ng taong iyon. Ilang sandali pa ay napabuntong-hininga siya at hindi na umimik pa bago tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
HALOS MAG-aalas kwatro na ng hapon na nang makalabas si Henry sa silid kung saan ginanap ang kanilang meeting. Paano ba naman ay na-move ang meeting nila kaya inabot sila ng ganun katagal. Nawala na pa sa isip niya ang pagsundo kay Mia, kung hindi nga lang ipinaalala sa kaniya ni Liam ay hindi niya pa ito maaalala.
Dumiretso siya kaagad sa kotse na puno ng pagmamadali para makarating na kaagad sa paaralang pinapasukan ni Mia. habang umaandar ang sasakyan ay hindi niya maiwasang hindi mapahilot sa kanyang sentido ng wala sa oras. “Bilisan mo.” sabi niya sa driver dahil mag-aalas kwatro y media na ng mga oras na iyon.
Nang marinig naman ito ng driver ay kaagad naman itong sumagot sa kaniya. Ang balak niya ay susunduin niya lang ang bata at ihahatid na niya ito kay Estelle at pagkatapos ay didiretso na sa bahay ni Gwen. ngunit nagulat na lang siya na sa kalagitnaan ng kanilang byahe ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino iyon ay si Gwen pala ang tumatawag.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na sagutin ang kanyang cellphone. Ang nanginginig na boses ni Gwen ang narinig niya mula sa kabilang linya. “Henry… si Libby ay bumubula ang bibig at ang sabi ng doktor ay maaaring hindi na siya mabubuhay pa…” sabi nito na at halatang umiiyak na.
Si Libby ay isang aso na pinalaki ni Gwen at siya ang nagregalo nito noon. Noong panahong nagkahiwalay sila ay inaalagaan pa rin ito ni Gwen sa kabila ng pagkakaroon nito ng depresyon. Paulit-ulit na sinasabi sa kaniya noon ni Gwen na ang asong iyon ay parang anak na nito at sobrang halaga nito rito.
Agad na napapikit ng mariin si Henry. “Huwag kang mag-alala, pupuntahan kita may dadaanan lang ako sandali…” sabi niya rito at sinubukang pagaanin ang pakiramda nito.
“Hindi… ngayon ka na pumunta dito…” napasinok ito at nagsimulang manginig ang boses halatang pinipigialn nito ang pag-iyak. “Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na siya mabuhay pa…” narinig niya ang paghikbi nito.
Ang paghinga nito ay naging mabibigat. Rinig na rinig niya ang mga iyon mula sa kabilang linya at dahil doon ay muli siyang napapikit ng mariin. Akmang ibubuka niya na sana ang kanyang bibig nang marinig niya ang malakas na pagsigaw ni Gwen na puno ng pagtangis. Humagulgol ito ng malakas at dahil doon ay hindi niya napigilang hindi mag-alala dito. Sa huli ay nanaig ang pag-aalala niya kay Gwen kaysa sa batang susunduin niya sana.
Alam niya na siya lang ang nag-iisang lakas ni Gwen sa kahit anong bagay. “Sige, papunta na ako diyan.” sabi niya at tuluyan nang ibinaba ang tawag.
Nilingon niya ang driver at sinabihan na sa Vet sila pupunta kung saan ay sandaling natigilan ang driver ngunit sa huli ay tumango din naman ito.
Ilang sandali pa ay nagpadala siya ng isang mensahe kay Liam at ibinilin niya rito na kung pwede ay ito na lang ang sumundo kay Mia mamaya sa may school. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone at pagkatapos ay bahagyang nagdilim ang kanyang mga mata nang mahagip ng kanyang mga mata ang chocolate cake na talagang inihanda pa ni Liam na nasa tabi niya. Pumikit siya ng mariin at iniiwas ang tingin dito.
~~~
PINANOOD NG pitong taong gulang na si Mia ang pagbagsak ng mahinang ambon mula sa kalangitan. Ang kanyang mga maliliit na labi ay halos manginig na sa lamig ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo doon at halos lahat na ng mga kaklase niya at ibang mga bata ay isa isa nang sinusundo ng mga magulang ng mga ito.
Ang isang kaklase niya na nalampasan siya ay tumigil pa at hindi na napigilan pa na tanungin siya. “Mia hindi ba at sabi mo ay susunduin ka ngayon ng Daddy mo?”
Ang isa pa namang kaklase niya ay naglakad palapit sa kanila. “Naniwala ka naman? Malamang gumagawa lang yan ng kwento.” sabi nito na puno ng panunuya ang mga mata.
Biglang sumikip ang dibdib ng bata at sumama ang loob ngunit wala siyang maisagot sa sinabi nito. Hindi niya alam kung dadating nga ba ang kanyang ama para sunduin siya. Ilang sandali pa ay mayabang na tiningnan siya ng kanyang kaklase at umalis na.
Ilang sandali pa ay biglang dumating ang kanilang teacher at tinapik ang kanyang ulo at kaya tiningala niya ito. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Mia. “hindi ka ba pupuntahan ng Daddy mo para sunduin Mia?” tanong ng teacher sa kaniya.
Nag-alinlangan ng ilang segundo si Mia. gusto niyang sabihin na darating ang kanyang ama ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil hindi niya sigurado kung darating nga ba ito o ano. Nawawalan na rin siya ng pag-asa. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng guro. “Darating po ang Mommy ko para sunduin ako.” mahinang sabi niya rito.
“Okay sige. Alam na ba niya? Wait at magpapadala ako ng message sa kaniya okay?”
Tumango si Mia rito at tahimik na yumuko habang napakagat-labi.
…
MULING nagpa kawala ng isang malalim na buntong hiniga si Estelle. “Sa totoo lang ay ako ang nagmamay ari ng 50% shares sa kumpanya ng mga Montero. Handa akong bigyan ka ng pera kahit ilan pa ang gusto mo.” sabi niya rito. Kung kapalit ng malaking pera ang buhay niya ay handa niya itong ibigay sa lalaki dahil mas mahalaga pa rin ang buhay niya kahit na papano.Matapos namang marinig ito ni Billy ay hidni niya maiwasang hindi magulat. “Gusto kong pag isipan mo itong mabuti.” muli pang sabi nito sa kanya. “Kung ako sayo ay mag background check ka kasi ng mga taong kikidnapin mo.” dagdag pa nitong sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumingin sa relo. “Ngayon ay paniguradong pinaghahanap na nila ako at kapag pinindot ko itong relo ay magpapadala kaagad ito ng signal ng eksaktong lokasyon ko at panigurado na mahuhuli ka. Kaya ngayon pa lang ay mag isip isip ka na.” banta pa nito sa knaiya.Nang makita niya ang mayabang na ekspresyon nito ay agad siyang natawa dahil sa matinding galit. “Sa
DAHIL wala naman siyang pwedeng pagtingnan ng oras kaya hindi alam ni Estelle kung gaano na ito katagal. Sa wakas ay tuluyan na ssiyang nakarinig ng mga yabag at pagkatapos ay biglang lumiwanag ang silid na nagpasakit sa mga mata ni Estelle.Pagkaraan ng mahabang panahon sa wakas ay inayos ni Estelle ang sarili niya at nakita ang lalaking nasa harapan niya. Hindi tulad ng mamantika at kahabag-habag na lalaki na naisip niya dahil ang lalaking ito ay talagang patas. "Masaya ba?” Tanong ng lalaki na may halong ngiti.Hindi napigilan ni Estelle na matawa nang marinig niya ang malalim na boses. Hinila niya ang mga sulok ng kanyang bibig at tumango. "Oo masaya, sobrang saya.""Damn it, hinahanap mo ba talaga si kamatayan!" Diretsong sinipa ng malaking lalaki sa likod niya si Estelle na ikina tumba niya sa lupa.Hindi nahirapan si Estelle. Nakahiga lang siya doon kung saan siya nahulog. She sighed lessly and said, "Kung sipain niya ako ng ganyan mamamatay ako ng wala sa oras. Tapos wala kang
LIHIM na pinasundan ni Gwen si Estelle. May binayaran siyang tao para sundan ito at halos manlaki ang knayang mga mata nang marinig ang sinabi nito habang kausap si Dylan at si Lawrence. Napaka linaw ng pagkaka record ng mga salita nito kaya nang marinig niya ito ay dali dali siyang nagpunta kay Henry para ipakita ito. “Henry, tingnan mo. si Estelle may planong ibenta ang shares niya sa kumpanya.” nanlalaki ang mga mata niyang sabi dito.Alam niyang mahirap itong paniwalaan ni Henry pero ang kumpanya ang pinaka mahalagang bagay sa buhay nito kaya sigurado siyang magiging napaka interesado nito rito. Matapos marinig ni Henry ang record ay agad na nagbago ang ekspresyon nito at pagkatapos ay mahigpit na napa kuyom ang mga kamay bago nito binato ang cellphone hanggang sa mabasag ito. Tumayo ito at pagkatapos ay naglakad palayo habang nagtatagis ang mga ngipin.Napa tingin na lang si Gwen sa basag niyang cellphone na nasa sahig at walang ekspresyon ang knaiyang mukha. Dapat pala ay inagaw
NANG sabihin ito ni Estelle ay sinadya niyang tumingin sa mukha nito dahil gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Ngunit wala man lang siyang nakitang tensyon o pagtataka sa mukha nito nang marinig ang sinabi niya. Ipinakita nito na maaaring ito ay isang bagay na napag-usapan nilang dalawa, at ni isa sa kanila ay hindi mabuting tao.Gayunpaman, matapos itong mapagtanto gumaan ang pakiramdam ni Estelle. Medyo nag-aalala siya noon, natatakot na hindi magagawa ni Dylan ang mga bagay nang mag-isa. Ngayong alam niyang mayroon itong napakalakas na kapareha, gumaan ang pakiramdam ni Estelle.Nagulat na lang siya nang tumigil ang kotse ni Lawrence sa isang restaurant. Dahil dito ay agad na nagsalubong ang knaiyang mga kilay dahil sa pagtataka. Nilingon niya ito. “Anong ginagawa natin dito?” tanong niya rito at bahagyang naguguluhan. “Mukhang hindi ka man lang pinakain ng walang kwenta mong asawa so ako na lang ang magpapa kain sayo. Ilibre kita.” sabi nito sa kaniya. Tutut
AGAD naman na napa simangot si Henry at napatingin kay Estelle. Kung mas malaki ang gastos ay wala ring mangyayari sa proyektong ito. Kung malulugi sila e wala ding silbi.Ilang sandali pa ay bigla namang napa halukipkip si Lawrence at nakataas ang kilay at puno ng panunuyang napa tingin kay Gwen. “anong akala mo sa akin Miss, walang pera?” tanong nito rito. Kahapon pa man noong una niya itong makita ay ayaw na niya talaga dito kaya ngayon na nakahanap siya sa wakas ng pagkakataon na tirahin ito ay talagang gsusto niya na sa susunod ay wala na itong lakas ng loob pa na magtaas ng ulo.Napa lunok naman kaagad si Gwen nang marinig niya ang sinabi nito. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin Mr. Alvaro.” agad na nagpaliwanag kay Lawrence at palihim na hinawakan ang kamay ni Henry para humingi ng tulong dito.Agad naman na tumayo si Henry mula sa kanyang kinauupuan napa tingin kay Estelle habang malamig ang mukha. “Naisip mo ba ang gastos Estelle? Hindi naman pwede na bira lang ng bira. Isipin
KINA UMAGAHAN ay maagang gumising si Estelle at pagkagising niya ay nagulat siya nang bigla na lang may kumatok sa kanyang pinto kaagad niya itong binuksan at tiningnan kung sino iyon. Nang makita ang staff ng hotel ay hindi niya maiwasang hindi mapakunot ang noo. Napa lingon siya s alikod nito. “Bakit po? Hindi naman ako tumawag ng room service?” puno ng pagtatakang tanong niya rito.Agad naman itong nagyuko ng ulo. “Ah, pasensya na po kayo ma’am pero araw araw po kasi naming kailangan mag linis ng kwarto.” sabi nito sa kaniya.Napa buntong hininga na lang siya. Umalis siya sa pinto at pinapasok ito. Napaka halaga sa kaniya ng araw na iyon kaya hindi na siya naki pagtalo pa at hinayaan na lamang ito. Sa halip ay pumasok na siya sa banyo upang maligo. Nang lumabas siya mula sa banyo ay wala na ito at nakita niya naman ang pagbabago sa loob ng silid.Nagbihis lang siya sandali at naglagay ng light makeup sa kanyang mukha at nang masiyahan na siya sa kanyang itsura sa salamin ay agad na