Home / Romance / MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE / KABANATA 2: PAG- SUBOK KAY BORGE

Share

KABANATA 2: PAG- SUBOK KAY BORGE

Author: KweenMheng12
last update Last Updated: 2025-05-13 18:16:20

 Derecho na siya sa kanyang bording house. Pero nagtataka siya dahil pagkababa niya ng tricycle ay nagkaka- gulo ang mga tao roon. Nasusunog ang kanyang inuupahan na bahay at napakalaki ng apoy nito.

“Ang mga gamit ko….! “ Nakatulala na lamang niyang sabi sa kanyang sarili.

“Borge… nandiyan ka na pala. Nasunog ang katabi mong kwarto, ito lang naisalba namin na gamit mo. Sinira na namin ang pinto para kahit papano ay may maisalba kami.”Ani ng kanyang landlady.

“Ms. Maya… Salamat po at isinalba niyo ang mga dokumento ko at konting damit.” Naiiyak na sabi niya.

“Pasensiya ka na hija… ibabalik ko ang deposito mo sa upa. Para makahanap ka muna nang matitirhan mo. Alam ko na wala kang mga kamag- anak dito sa maynila.

“Sige po… maraming salamat po.” Naisagot niya at tinanggap ang binigay nitong pera sa kanya.

Paano na siya ngayon… Saan na siya magpapalipas ng gabi, wala naman siyang kakilalang iba o kamag- anak sa siyudad. Pero naglakad na siya palayo sa nasusunog na bording house at umupo muna sa waiting shed. Dinayal niya ang numero ng kanyag mga magulang para naman masabi niya ang kanyang sitwasyon ngayon. Pero isa man sa kanyang mga magulang ay walang sumasagot. Tinawagan na lamang niya ang kanyang bestfriend na si Katrina, nagbabaka sakali siya na sumagot ito. Pero nahihiya siya dahil alam niyang sa maliit na apartment lang din ito nakatira.

“Hello… Beshie Borge…” Sagot sa kanya ng kanyang bestfriend.

“Beshie Kat… Pwede ba tayo magkita ngayon?” Naiiyak na sagot niya sa kabilang linya.

“Ok lang Beshie… kaso pa- out pa lang ako dito.” Ani ng kanyang bestfriend.

“Okey lang hihintayin kita.” Sagot niya.

“Mag- kita na lang tayo doon sa bagong coffeshop na pinuntahan natin kanina para malapit na lang sa apartment ko at bording house mo.” Nag- mamadaling saad ni Katrina.

“Okey sige beshie… Ingat ka.” Ani niya.

“Sige beshie.. ikaw din.” Sagot muli nito at naputol na ang tawag.

Nagtungo na siya sa coffeeshop na binanggit nito kung san sila nagkape kanina. Umorder na rin siya para hindi naman nakakahiya na tumambay doon habang hinihintay ang kanyang bestfriend.

Mag- iisang oras na siyang naroon pero wala pa rin si Katrina, kaya nag- aalala na din siya. May isang message ito kaya agad niyang binasa.

“Besh sorry hindi ako makakapunta… Tumawag sila mama at naisugod sa ospital ang tatay ko. Kaya papunta na din ako doon. Pm kita ulit kapag nakabalik na ako.” – Katrina

Yun ang mensahe ng kanyang kaibigan kaya nanlumo siya at nalungkot din para sa sitwasyon ng tatay nito. Nagulat siya ng kalabitin siya ng waiter.

“Ahhh maam… magsasarado na po ang coffeeshop.” Magalang na sabi nito sa kanya.

“Ayy ganon po ba… Pasensiya po, sige po aalis na ako. Salamat.” Taranta niyang sagot.

“Sige po mam.” Magalang ulit nitong sabi sa kanya.

Lumabas na siya sa coffeeshop, dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan ay naupo na lamang muna siya sa tabing kalsada. Pra makapag- isip kung saan siya matutulog ngayon gabi. Pero nagulat at napalingon siya sa kotse na bumubusina sa kanya. At mula don ay nakita niyang lumabas ang kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz.

 

"Bonita Georgina Martinez is that you...???" Gulat na tanong ng ginang sa kanyang estudyante. 

 

"Mrs. Trina Cruz... huhuh..." Malakas na pag- iyak ni Borge, hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha at napahagulhol na talaga siya ng iyak dahil hindi na niya alam kung saan siya matutulog ngayong gabi.

 

"Ano ba ang nangyari sayo ahh..??? Hija... pasok na muna tayo loob at ikukuha kita ng tubig ah." Nag- aalalang sagot ng ginang sa dalaga.

 

"Sige po Proffessor Trina." Malungkot na sagot ni Borge.

 

 

Muli silang pumasok sa lob ng coffeeshop at inalalayan ni ginang Trina si Borge na makaupo at kinuhaan niya ito ng isang basong tubig. Alam niyang may pinagdadaanan ang kanyang estudyante.

 

"Oh hija... uminom ka muna ng tubig. Ano bang nangyari sayo ahhh...???" Saad ni Ginang Trina at iniabot ang isang basong tubig.

 

"Proffessor Trina... Nasunog po kasi ang tinitirhan kong apartment, hindi ko po alam kung saan ako matutulog ngayon gabi. Wala po kasi akong mga kamag- anak dito sa maynila." Mahabang paliwanag ni Borge na naiiyak dahil stressed na talaga siya at pagod pa galing sa kanyang partime job.

 

"Ganon ba.... Mabuti at walang nangyaring masama sayo hija..." Malungkot na sabi ni Prof. Trina.

 

"Wala po ako sa apartment kanina prof... Galing po ako sa partime job ko sa fastfood, mabuti nga po naisalba pa itong mga dokumento ko na nakalagay sa briefcase at konting mga damit ko." Naluluha pa rin na kwento ni Borge.

 

"Sobrang nakakalungkot naman ang nangyari sayo hija... Pero huwag ka ng mag- alala, kung gusto mo doo ka muna sa bahay ko tumira. Tutal naman mag- isa lang ako doon." Pag- alok nang ginang sa estudyante.

 

"Prof. Trina... Nakakahiya naman po, baka makaabala po ako sa inyo at nakakahiya po sa mga anak mo." Pag- aalinlangan na sagot n Borge.

 

"Huwag kang mag- alala dalawa lang mga anak ko. Yung bunso ko nag- aaral sa ibang bansa, ang panganay ko naman may sariling condo unt sa makati. Hiwalay naman ako sa asawa kaya mag- isa lang ako doon." Malungkot na kwento ni Prof. Trina.

 

"Okey lang po ba talaga sa inyo Prof. Trina...??? Kapag nakahanap na po ako ng bagong apartment, lilipat po ako agad." Nahihiyang sabi ni Borge.

 

"Hmmm... ganito na lang hija para hindi ka na mahiya sa akin may kapalit ang pagtira mo sa bahay ko... Okey lang ba???" Pag- bibigay kondisyon ng ginang sa dalaga.

 

"Ahhh... ano po ang kondisyon niyo...???" Seryosong tanong ni Bogre na kinakabahan pa.

 

"Hija ganito na lang.... Dahil nag- iisa lang naman ako sa bahay ko at itong coffeeshop ay inaasikaso ko rin." Paliwananag ng ginang sa dalaga.

 

"Opo... ano po ang mga gagawin ko Prof. Trina bilang kapalit nang pag- tIra ko  po sa bahay mo???" Kinakabahan pa rin na tanong ni Borge. Mabait naman itong Proffessor niya pero may pagka- istrikta kaya tinatawag siyang terror prof sa university nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE   KABANATA 19: HIDING THE IDENTITY

    Nasa police station na sila Toffy, Borge at ang lalaki na gusto silang saktan. Nag- bigay lamang sila ng statement ang lalaki naman ay ikinulong na at itinago niya ang identity ng dalaga para hindi na madamay pa sa kanya. May kutob siya na si Brenda ang ang nag- utos sa lalaki, ayaw niyang madamay pa ang dalaga at baka pag- initan siya ng kanyang ka- loveteam. Galit sa kanya si Brenda dahil tinanggihan niya ang alok nito na maging girlfriend niya at tinanggihan niya rin ang pang- aakit nito sa kanya kaya sukdulan ang galit nito sa kanya ngayon. Nakiusap siya sa hepe ng mga pulis na huwag na isiwalat ang pagkatao ni Borge, bukas babalik siya dito sa police station para paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang nag- utos rito."Piste ka ahhh! Muntik na kaming mamatay dahil sayo! Napakasama mong animal ka!" Galit na sigaw ni Borge sa masamag lalaki. "Huyyy! Borge... Stop! Ang mga pulis na ang bahala sa kanya. " Pag- awat ni Toffy sa dalaga na pinag- hahampas niya ng bag ang nakakaawan

  • MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE   CHAPTER 18: MAPALAPIT SA PUSO NI BORGE

    “Totoo ba yan ahh… Kailangan ko talaga non, pero okey na ako. Salamat sa pagyakap mo nakaka- kalma.” Ani ni Borge at ngumiti rin sa kanya."Dahil mula ngayon ay magiging housemate na tayo, let's get to know each other." Seryosong sabi ni Toffy sa dalaga."Sige... ahhh, uuwe na ba tayo ahh???" Tanong ni Borge sa binata."Ahmm... may pupuntahan muna tayo. Tara..." Sagot ni Toffy at hinila niya ang braso ni Borge para pumunta sa department store ng mall. Dahil narinig ni Toffy ang pag- uusap ni Borge at ng kanyang nanay kanina. Nalaman niya na wala pala itong naisalba sa mga gamit at damit nito sa nasunog na apartment na dati niyang tinitirhan. Nang nasa entrance na sila ay umatras si Borge."Let's go.. I'll buy you some clothes and some of your personal stuffs." Saad ni Toffy kay Borge."Huwag na, wala na akong pera para pa mamili ng mga yan. May mga binigay naman si mama Trina na mga pinaglumaan niyang damit sa akin, oks na ako dun." Nakangiting saad ni Borge."Ano ka ba pang m

  • MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE   CHAPTER 17: GETTING TO KNOW EACH OTHER

    Toffy’s POVHabang maganang kumakain si Toffy ay pasimple niyang pinagmamasdan si Borge na kumakain. Ramdam niya ang pagkailang nito sa kanya. Kaya naman nakai- sisp siya ng paraan para kahit papaano ay mabawasan ang pagkailang nito sa kanya. Kumuha siya ng isang hipon ay pinabalat niya ito at tinanggal niya rin ang ulo nito. Agad niyang isnubo kay Borge.“Ohh… wag ka na mailang sa akin. Habang wala si mommy ako na muna ang mag- aalaga sayo bilang housemate mo at anak nang may- ari ng bahay na tinitirhan mo ngayon.” Saad ni Toffy at agad na isinubo ang buong hipon sa bibig ng dalaga.“Ang laki naman ng pag- mamahal mo, buong hipon talaga…!???” Natatawang pag- bibiro na sagot ni Borge sa kanya.“Oo naman… malaki talaga ako magmahal, hindi lang yon pati alaga ko malaki din…Wanna try it..???” Pilyong sabi niya sa dalaga.“Okey na sana eh… nabaitan at gusto na sana kita kaso likas talaga ang pagkabastos mo…. hmmmppp!” Inis na sagot ni Borge sa kanya.“Totoo naman ang sinasabi ko

  • MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE   CHAPTER 16: BOLTAHE NG PUSO

    Pero dahil sa gulat at tila nakaramdam ng boltahe ng kuryente si Borge ay napatili siya at tinabig ang kamay na humawak sa kanya pero nagulat siya nang si Toffy pala ito. Kaya nag- tinginan din ang mga tao na naroon sa entrance ng mall…“Nakaka- gulat ka naman uyy… Akala ko kung sino ang humawak sa kamay ko.” Gulat na saad ni Borge.“Sorry… hawakan lang kita kasi if ever na biglang may makakilala sa akin at dumugin tayo. Hindi ka mahiwalay sa akin…” Bulong ni Toffy.“Ahh okey… para kasi akong nakuryente sa pag- hawak mo…” Malamlam ang mga mata na sabi ni Borge at malakas ang pag- tibok ng kanyang puso.“So may spark pala tayong dalawa my disney princess.” Natatawang sagot ni Toffy at muling hinawakan ang kamay ni Borge. Bahagya din siyang natigilan dahil naramdaman niya rin ang boltahe ng kuryente pero kunwaring hindi niya pinansin at hinila na lamang ang kamay ng dalaga papunta sa kakainan nilang restaurant.Natahimik lamang si Borge at sumunod na lamang siya kay Toffy, hinayaan lama

  • MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE   KABANATA 15: HINDI PASADO SA STANDARDS

    Nang makaalis na si mama Trins ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ni mama Trins, dahil alam niyang nasa kalbaryo na ang kanyang buhay.... Kaya bahagya siyang nalungkot. "Oh... anong iniiyak mo diyan ahh...???" Pag- tatakang tanong ni Toffy na naka- kunot noo pa. pa sa dalaga."Wala... ang hirap lang sa pakiramdam na iniwan na ako ni mama Trins! Tapos mag- isa na naman ako..." Malungkot na sagot ni Borge at lumingon kay Toffty."Ako na bahala sayo! Huwag ka nang umiyak ng ganyan,... Nakakahiya sa mga tao ohhh!" Ani ni Toffy."Pasensiya ka na... Natatakot kasi ako, tapos dalawa lang tayo sa bahay niyo." Naka- nguso pa na sagot ni Borge sa binata."Kahit dalawa lang tayo dun hindi kita pag- sasamantalahan dahil unang- una hindi ka pasado sa standards ko.." Mayabang na sagot ni Toffy at tinaasan ng kilay ang dalaga."Ahh.. ganon ba?!? mabuti naman pala. Oh tara na uwe na tayo." Naka- ngising saad ni Borge at tinaasan ng kilay ang binata at nauna nang naglakad rito.Pero sa kalooban n

  • MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE   KABANATA 14: MAMA TRINS

    "Hija Borge... ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ko ahhh. At kapag may ginawang kalokohan yang si Toffy, itawag mo agad sa akin ahhh." Ani ni mama Trins kay Borge."Sige po mama Trins, mag- iingat po kayo!" Malambing na sagot ni Borge sa kanyang proffessor at yumakap ng mahigpit rito. " Isang linggo o baka ma- extend pa ang convention namin... Mag- start ka na din magtrabaho sa coffeeshop para may makatulong si Toffy na manage doon habang wala ako." Saad ni Mama Trins kay Borge."Ayy... Talaga po ba mama Trins??? Okey sige po! Maraming salamat po, kailangan ko po talaga ng trabaho. Kasi alam niyo naman po na kailangan ko rin po mag- padala ng pera sa mga magulang ko." Seryosong sabi ng dalaga."Alam ko naman yun hija... Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin. At yang paglilinis at asikaso mo dito sa bahay, ang kapalit ay ako na mag- bibigay sayo ng allowance mo sa school. Para mabawasan ang gastusin mo." Nakangiting sabi ni mama Trins, alam niyang napaka- mabuting anak at b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status