Home / Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 4: First Day

Share

Chapter 4: First Day

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-05-31 15:37:10

First day ko pa lang pero tinambakan nya kaagad ako ng sandamakmak na trabaho. Halos pabalik-balik ako galing sa first floor hanggang sa office nya na nasa 30th floor para lang pagtimplahan sya ng kape. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang trabahong ito, hindi ako magtitiis na maging boss 'yong manyak na 'yon. Akala nya dahil ginagawa ko ang mga utos nya ay nakalimutan ko na ang ginawa nya? Hindi!

"You need to familiarize them, alamin mo kung sino-sino sila dahil next week sila ang makakasama natin sa meeting," ani nito habang ang atensyon ay nasa laptop nya. Humakbang ako nang dalawang beses para lang abutin ang folder na ibinigay nya. Dahil hindi talaga sya nagjo-joke starting today talaga may one-meter rule sya. Hanep!

"Yes, sir," ani ko. Hindi man lang ako nito nilingon. Maya-maya pa ay humigop ito ng kape pero mukhang wala ng laman kaya tumingin ito sa akin at itinulak nang bahagya ang tasa, pinahihiwatig na kailangan ko ulit bumaba sa first floor. Ok lang sana kung madali at malapit pero hindi, ayaw nya kasing magkaroon ng coffee maker o kahit heater man lang dito sa office nya. Tsk. Ako tuloy ang nahihirapan.

"Pero sir, pangapat na tasa mo na 'yan," ani ko. Hindi sa nagrereklamo ako pero totoo naman kasi. Kaya ayun na naman ang pamatay nyang titig. "Rule number 2--" Magsasalita na naman sana ito nang putulin ko.

"Rule number 2, you are not allowed to talk back unless i said so. I know sir, know," Halos iirap ko ang mga mata. Natahimik naman ito at napatango. "Good," mahina nyang sambit.

Nang hindi kaagad ako kumilos agad nitong tinaas ang paningin sa akin.

"Ano pang hinihintay mo?" masungit nitong tanong. Nairap nalang ako sa kawalan. "Eto na nga oh," ani ko saka umalis.

Pagbaba ko nakita ko agad si Ms. Gada. "Ibigay mo 'to kay Mr. Locan. Pirma nya na lang ang kulang dyan." Pgkatapos ay inabot nya sa akin ang isang puting folder. "Segi po," sagot ko na lang. Kaagad akong nagtimpla ng kape para sa boss kong masungit. Pagsakay ko sa elevator nakasabayan ko si Gael.

"Oh kamusta first day?" tanong nito habang pumipindot ng floor kung saan sya at ako pupunta. "Eto malas," sabi ko saka inayos ang karton na nilagyan ko ng kape. "Ano yan?" tanong nya matapos magsara ang elevator. "Kape para sa kapre," walang gana kong sagot.

"Para kay sir?" tanong ulit nito at napatango nalang ako. "Ha? edi malamig na 'yan kapag nakarating sa office nya? Bakit ba kasi dito kapa nagtimpla?" tanong nito. Naiinis na napatingin ako sa kanya. "Itanong mo sa kanya na walang balak magkaroon ng heater sa office nya," sagot ko.

"Gaga! Pwede kang magtimpla ng kape sa next room malapit sa office ni Mr. Locan, tsaka doon naman talaga sya nagpapatimpla ng kape"

"Ano?!" Halos ikalaglag ng panga ko ang sinabi ng pinsan ko. Walang hiya! Pinahirapan nya talaga ako. Eh pwede naman pa lang doon magtimpla tapos ako at eto nagbabalik-balik mula first floor. Ramdam ko kaagad ang pagakyat ng dugo ko. Nanggigil ako na halos masira ang hawak kong karton ng kape. Humanda talaga sa akin 'yang Locan na 'yan.

Nang makarating ako sa 30th floor dali-dali kong nilakad ang pasilyo papuntang office ng boss ko.

Naabutan ko itong nakatayo malapit sa sobrang laking bintana dito sa office nya. May kausap ito sa phone at nakapamulsa pa ang kamay. Bwesit na 'to tumatawa-tawa pa habang nakatalikod sa akin. Anong nakakatawa?

Hinintay kong magbaba ito ng cellphone saka ito humarap sa akin. Agad akong lumapit at nanggigil na inilapag ang kape sa mesa nya. "Here's your coffee, sir," gigil ko. Tumango lang ito saka hinigop ang kape. "Malabnaw," reklamo nito. Napapikit ako. "Pasensya na po ah, may nagutos kasi sa akin na pumunta ng first floor para magtimpla ng kape kahit na pwede na mang magtimpla sa kabilang room. Kaya for sure malabnaw na 'yan kapag nakaabot dito sa 30th floor. Opo, 30th floor," sarkastiko kong sagot. Pinakukulo nya talaga ang dugo ko.

Bigla nyang ibinaba ang tasa ng kape.

"Oh right, iforgot na pwede ka palang magtimpla ng kape sa kabilang room," ani nito na parang wala namang pakealam.

"Ok lang sir hindi naman nakakapagod, " Muntikan nang magtunog sarkastiko iyon. "Good to hear, " ani lang nito na mas lalong kinataas ng dugo ko. Kesa magreklamo pa pinili ko na lang na manahimik. "Para saakin bayan?" biglang tanong nya nang makita ang hawak kong white folder. Napahugot ako ng hininga bago iabot sa kanya ang hawak. "Pinabibigay ni Ms. Gada, pirma mo daw kailangan dyan," ani ko.

Binuksan nya ito at sinuri. Maya-maya pa ay napatingin ito sa wrist watch nya.

"You can go home. Uuwi narin ako," utos nito bago inayos ang gamit at tumayo. Salamat naman at magaala-sais na kaya. "Don't be late tomorrow," dugtong pa nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 10: Mrs. Locan

    Hindi ko halos maalis ang tingin ko kay Meila. May kung anong bagay sa kanya na kumukuha ng atensyon ko lalo pa at nalaman ko ang apelyedo nya. Alam kong bata lang sya pero may parte sa aking gustong malaman pa ang tungkol sa kanya. Hindi kaya anak sya ni Asher? Matagal na rin akong walang koneksyon sa kanila kaya baka nag-asawa na nga ito at naka-move on na. Kung anak sya ni Asher mas mabuti na 'yon dahil may pagkakataon na magkita ulit kami at magkamustahan. Anim na taon na naman ang nakakalipas. "Tulala ka."Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Gael sa likuran ko. "Iniisip mo parin ba 'yon?" tanong nito sa akin at ka agad kong nahulaan ang ibig nyang sabihin. "Hindi naman. Medyo curious lang ako kung sino ng tatay nya. Sa tingin mo ba...anak sya ni Asher?" tanong ko pabalik sa pinsan ko. "Si Asher? May posibilidad na anak nya 'yang bata kasi baka nag-asawa na ito ulit. Pero kung anak nga yan ni Asher hindi ba't may posibilidad ring magkita kayo? Anong sasabihin mo t

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 9: Meila Abegail Locan

    A few days later...Gianna's POVMedyo busy ako ngayong araw dahil kaarawan na ni Kalix ngayon at napagpasyahan naming mag-celebrate na lang sa school nila. Nagpa-catering na lang ako para ma-share nya ang handa sa mga kaklase nya. Ito rin kasi ang gusto ni Kalix na imbes na sa bahay ganapin ay sa school na lang daw dahil mas masaya. Nagustohan ko naman ang sinabi nya kaya ngayon ay tudo asikaso ako para mamaya. Dumating na rin ang catering at dahil lunch time ang celebration ay dito narin kakain ang mga kaklase nya. Blue ang theme ng birthday nito na makikita mo sa balloons na nakasabit sa gilid ng classroom nila. Na-arrange na rin lahat at maya-maya ay maguumpisa na ang celebration."Teh, saan na 'yong birthday boy?" Biglang sulpot ni Gael sa tabi ko na may dalang gift bag. Tinawan ko sya kanina para pumunta dito at kakagaling lang nito sa trabaho nya. "Hanapin mo nga muna si Kalix para makapag-umpisa na dahil gutom na yata ang mga kaklase nya," Utos ko na lang dito habang nakati

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 8: 6 years

    Sabado ngayon at mabuti na lang ay hindi tambak ang trabaho ko. Ito ang araw na makakapagpahinga ako pero sa araw na ito may ibang bagay akong kailangang gawin. Bitbit ko ang dalawang kandila at isang basket ng bulaklak na ginawa ko kahapon habang papunta ako sa sasakyan. Inilagay ko ito sa backseat at inayos doon tsaka bumalik sa loob ng bahay. "Kalix, baby are done?" Hinanap ko ang anak ko dahil hindi ko ito makita sa kusina. "Yes po!" Napalingon ako nang marinig ang boses nito na kakababa lang ng hagdan ng kwarto namin. Plano kong bisitahin ngayon ang lugar na lagi kong napapanaginipan--ang lugar kung saan ako nanganak at ang lugar rin kung saan ko nawala ang isa ko pang anak. Ok na naman ako ngayon at kaya ko nang bumalik sa lugar na 'yon. Malapit na kasi ang birthday ni Kalix at gusto kong puntahan ang lugar na 'yon bago ang birthday nilang dalawa. Matapos kong asikasuhin ang anak ko ay sumakay na kami ng sasakyan at nagmaneho papunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ma

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 7: Red light

    "Wala ka talagang balak na sabihin sa anak mo 'yong tungkol sa tatay nya?" usisa ng kaibigan kong si Bethina o mas kilala nilang Teacher Beth. Homeroom teacher sya ng grade 2 students at sya lang ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko dito. Kahit hindi naman kami ganoong katagal na nagkilala ay may tiwala naman ako sa kanya, sakatunayan ay marami na akong na i-kwewento sa kanya. Isa na nga roon 'yong sa anak ko."Ok na ang malaman nya na patay na ang tatay nya," Bagot kong sagot dito habang pinagmamasdan ang anak kong naglalaro kasama ang mga kaibigan nya. "Pero alam mo namang hahanapin at hahanapin nya 'yan kapag lumaki na 'yan. Pano kung magkita sila?" Tanong ulit nito. "Hay nako tumigil ka nga Beth kung ano-ano ng pinagsasabi mo. Tsaka mabuti na nga 'yan, 'di naman deserve ng gagong 'yon ang salitang 'tatay' sa anak nya noh," Sabat ni Gael na kanina pa kumakain ng dragon seeds sa tabi namin.Hindi ko na lang sila pinansin at minabuting tawagin na lang ang anak ko. "Kalix! Come here

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 6: Kalix

    6 years later...Gianna's POVNagising ako sa pamilyar na lugar. Madilim na kalsada ang nakikita ko at sobrang tahimik ng paligid. Nandito na naman ako? Nanginginig ang tuhod ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kung saan. Napahinto ako nang makita ang pamilyar na kotse na umo-usok sa hindi kalayuan sa akin. Tumulo ang luha ko nang makita ko ang sarili kong walang malay na nakahandusay sa loob ng nakataklob na kotse habang hawak-hawak ang tyan ko kung saan ang mga anak ko. Napakuyom ko ang kamao habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaho nito sa harapan ko. Hindi ko mapigilang humagulhol sa mga ala-alang bumalik sa akin no'ng gabing iyon."Mama!"Napapikit ako nang umugong na naman sa tenga ko ang sigaw ng anak ko. "Mama! Tulungan mo po ako! Mama!" Paulit-ulit nyang sigaw at hindi ko na kinakaya pa hanggang sa mapa-upo ako sa damuhan. Halos ikamatay ko habang naririnig ko ang iyak nya. Tinatawag nya ako at humihingi sa akin ng tulong pero wala akong kakayahang ibalik p

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 5: Son

    Minulat ko ang aking mga mata pero puro puti lang ang mga nakikita ko. Sinubukan kong bumangon bumangon pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Hindi ko rin madama ang mga paa ko. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko si Gael na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Mabigat man ang pakiramdam ay nagawa kong hawakan ang balikat nito. "G-gael..." Mahinang tawag ko sa kanya. Nagising naman ito at ka agad akong kinamusta. "Sandali lang at tatawagin ko ang doctor," sabi nya tsaka mabilis na lumabas. Inikot ko ang paningin at napagtantong nasa hospital nga talaga ako. Kinapa ko ang noo ko at may malaking bandage ako doon. Napansin ko rin na may mga sugat ako sa braso at mga gasgas. Doon ako natigilan nang bumalik sa ala-ala ko 'yong nangyari. 'Yong nakita ko no'ng gabing iyon. Mga hayop sila. Naramdaman ko na tumulo ang luha ko at napahawak ako nang mahigpit sa kumot ko. Bumalik rin sa ala-ala ko 'yong pagbunggo at ilang beses na paggulong ng sasakyan ko. Natigilan ulit ako at bumab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status