Home / Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 5: His reason

Share

Chapter 5: His reason

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-05-31 15:37:30

Mr. Locan's POV

Napadaing ako nang bumalatay sa ulo ko ang sakit. Kakagising ko lang at alam kong nasa Hospital ako. "You're awake." Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Carl, ang pinsan ko. Tinulungan nya akong makaupo nang maayos sa kama saka ito umupo sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin ang bandage na nasa ulo ko na kaagad kong ikinataka.

"What happened?" tanong ko kay Carl.

"Wala ka bang matandaan? Muntikan ka nang makabangga," sagot nito. Napapikit ako nang bumalatay na naman ang sakit sa ulo ko. Sinubukan kong aalahanin ang nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko.

"Wala akong maalala," bawi ko.

"It's ok. Pero sabi ng doctor kailangan mong magpahinga ng ilang araw--" Pinutol ko ang sasabihin nito. "No. Alam mong hindi ako pwedeng mawala, my company needs me," sabi ko.

"Pero Francis, kailangan mo ng pahinga--"

"I'm sorry but I really can't. Don't worry hindi ko naman papagurin ng husto ang sarili ko," seryuso kong sabi. Sumabat pa ito pero kalaunan ay wala rin namang nagawa pa sa desisyon ko. Kailangan ako ngayon ng kompanya at dapat naroon ako.

Matapos ang paguusap naming iyon napagpasyahan nyang paglutuan ako ng pagkain. Ako lang kasi ang nagiisang nakatira dito sa bahay pero paminsan-minsan ay dinadalaw nya ako dito. We've been friends since we were kids kaya gano'n na lang kami ka-close. Si Carl lang ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko.

Naligo ako at nagbihis. Nasa harapan ako ng full body mirror ko nang sinubukan kong alalanin ang nangyari. Pero ang tanging naaalala ko lang ay 'yong babaeng 'yon na tumawag sa akin na magnanakaw. I keep seeing her face everywhere at hindi ko alam kung bakit.

( Flash back )

Nagda-drive ako pauwi pero ang isipan ko ay lumulutang sa nangyari kanina. That girl. Hindi ko alam kong may ano sa babaeng 'yon na sya lang ang nakikita ko. I mean, i have monochromacy disorder. I can't totally see colors. Nagsimula ito when I was 7 years old nagsimulang mawala ang mga colors na nakikita ko. Ang sabi ng Doctor ko ay na inherit ko daw ito from one of my parents which is my mom. Kaya ngayon black and gray nalang talaga ang nakikita ko.

Pero nagtataka ako kung bakit nakikita ko ang kulay ng damit, buhok, at balat ng babaeng iyon. Of all people she stands out the most. Literally. Sya lang ang kaya kong makita and i don't even know why. Sa kalagitnaan nang pagiisip ko ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya inihinto ko ang sasakyan.

Kinuha ko ang bote ng tubig sa backseat at inubos itong ininom. Umuulan ngayon at sobrang lakas na nagpahirap sa akin para makita ang daan. Because of my condition, naapektuhan din nito ang paningin ko kaya i always need to wear thick glasses. Pero sa lakas ng ulan halos hindi ito nakatulong sa akin.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako nang pangangati ng gilid ng mata ko at bigla itong sumakit. Nahirapan akong mag-drive nang maayos dahil doon.

And everything went black pero alam kong biglang napahinto ang sasakyan bago pa ako tuluyang nawalan ng malay.

( Flash back ends )

Napasapo ako sa noo ng maramdaman na naman bigla ang sakit. That memory gave me a lot of pain. Pinagmasdan ko muli ang sarili ko sa salamin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Carl. "Bumaba kana," ani nito saka dumeritso sa kama ko upang kunin ang bag nyang dala-dala. "Susunod ako," sabi ko na lang tapos ay tinapos na ang pagtupi sa laylayan ng pulo ko.

As I walk down the stairs sumalubong sa akin ang magkabilaang flower vase sa paligid ng ding-ding ng bahay ko. But i can't even appreciate the beauty of it. All I can see are gray and black and a blurry atmosphere around me.

"Are you sure?" biglang tanong ni Carl nang makaupo ako sa mesa na puno ng nakahaing pagkaing niluto nya. Nagsimula akong kumain nang tahimik. "You don't have to ask me twice, Carl. You know the answer," sabi ko nalang.

Pagkatapos kumain ay si Carl na ang nagprisintang maghugas ng pinggan. Ako naman ang naglagay ng mga pinagkainan namin sa lababo.

Maya-maya pa ay pumasok na ako sa company pero sa hindi inaasahang pagkakataon. Na-stock ako sa elevator. Tinawagan ko si Ms. Gada para humingi ng tulong. Ilang minuto lang ang nakalipas ng umandar na ulit ang elevator na sinasakyan ko.

"Are you ok, Sir?" alalang tanong nito nang makalabas na ako.

"Can i have the name of the applicants?" pagiiba ko ng paguusap. Kaagad naman nitong iniabot sa akin ang folder ng mga nag-apply bilang sekretarya ko. Pero nang buksan ko ang folder iisang tao lang ang kumuha ng atensyon ko.

"Tatlo ang nakapasok sa recruitment sir--"

"I want this girl." Turo ko sa babaeng ilang araw ng hindi mawala sa isip ko.

"Ah..kasi sir kulang kasi ang mga recruitments nya tsaka hindi sya nakapasa sa sinabi nyong--"

"I said i want her to be my secretary. End of discussion," ani ko saka nauna nang pumasok sa office ko.

I don't know kung bakit gusto ng isipan kong makilala pa sya. Nakaupo ako sa swivel chair ko at pinagmasdang mabuti ang mukha ng bago kong secretary.

Ano bang meron ka na kaya kong makita ang kulay mo? Sino kaba at bakit kakaiba ka sa lahat?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SECRETARY HATES ME?   THANK YOU

    Hello! This is Miss R bago ang lahat gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng bumasa at sumubaybay sa kwento nina Gianna at Francis mula noong una hanggang ngayon sobra ko pong na-appreciate ang mga comment at mga likes ninyo. Hindi ko po aakalaing ang una kong libro dito sa Goodnovel ay makakatanggap ng maraming supporta. Sobrang thank you po sa inyo hanggang sa muli. Dito na po nagtatapos ang kwento nina Gianna at Francis. Pwede nyo na ring mabasa ang kakasimula ko pa lamang na pangalawang libro na MAID OF A MILLIONAIRE fast-paced po sya at 25-30 lang ang magiging chapters nya kaya mabilis taposin. Title: MAID OF A MILLIONAIRE Genre: Comedy, Drama Synopsis: Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Ella Balona kaya't pagkatapos gr-um-aduate ay kailangan nitong makahanap ng trabaho. Nagbakasakali naman ito sa Maynila at nakahanap ng trabaho bilang personal maid ng anak ng isa sa kinikilalang tao sa bansa. Nakilala nito ang arugante at mayabang nitong boss na si James David Lauren. Ala

  • MY SECRETARY HATES ME?   EPILOGUE

    Gianna's POVNakatayo ako sa harapan ng simbahan at nakasuot ng wedding dress at may hawak na pulang rosas. Hindi ko alam kung bakit ako nandito dahil nadatnan ko na lang ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Umangat ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na tunog sa loob ng simbahan at bumukas ito sa harapan ko.Walang tao, walang laman ang simbahan at tanging si Francis lang na nakatayo sa harapan ng altar ang nakikita ko. At bigla na lamang naglakad ang mga paa ko papasok na para bang may komokontrol dito. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay si Francis.Nakangiti ito sa akin at may luha pa sa mga mata. Napangiti rin ako. Hindi ko alam ang mangyayari pero masaya ako dahil pinangarap ko ito, ang ikasal sa lalakeng mahal na mahal ko. "Stop the wedding!" Natigilan ako at napalingon dahil may biglang sumigaw sa may pintuan. Paglingon ko ay nagulat ako at napaatras sa takot dahil si Rachelle 'yon na may hawak na baril

  • MY SECRETARY HATES ME?   ...

    Last chapter na lang😭 Grabe na ilang months ko itong sinulat at ngayon malapit na syang matapos. EPILOGUE na happy ending kaya? Syempre naman! Abangan!

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] CHAPTER 57: THE LAST CHAPTER

    Gianna's POVPaano mo ba malalaman kung mahal mo pa? Seguro kapag hindi mo pa rin sya makakalimutan kahit ilang taon na ang nakakalipas. Seguro kapag hinahanap mo pa rin sya sa lahat ng taong kumakatok sa puso mo. Seguro kapag nasasaktan ka pa rin at sya ang dahilan. O dahil seguro alam mong sya ang una sa lahat-lahat sa'yo. Pero bakit hindi mo pa rin makalimutan? Bakit kahit nasasaktan kana pinili mo pa rin? Bakit kahit alam mong mali na pinaglaban mo pa rin? Dahil ba mahal mo? O dahil hindi mo kayang mawala sya? Sa kasalukuyan iyan ang mga tanong na nasa isip ko. Hindi ko alam ang sagot o baka ayaw ko lang sagotin. Mahal ko pa nga ba sya? Pero sinaktan nya ako. Pagkakatiwalaan ko pa nga ba sya? Pero sinira na nya ang tiwala ko. Handa na nga ba akong tanggapin sya ulit? Pero...pero natatakot ako. Natatakot akong baka maling desisyon na naman ito. Baka gawin nya ulit ang ginawa nya noon. Baka iwan nya ulit ako at ang mga anak namin. Baka magsawa sya sa akin. Takot na takot ako.

  • MY SECRETARY HATES ME?   are u ready for the END?

    ilang chapter na lang at matatapos na ang kwento nina Gianna at Francis...happy ending kaya?

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] CHAPTER 56: Win her trust

    Gianna's POVMagkasama kaming namalengke nina Francis kasama ang dalawang bata. Sobrang exited nila dahil first time raw na kompleto kami. Lihim na napangiti ako sa komento nila. Sumakay kami ng tricycle dahil medyo may kalayuan ang palengke at pagkarating namin ay dumeritso ka agad kami sa wet market para mamili ng karne ng baboy at isda."Magkano?" tanong ko kay Manong na nagbebenta ng karne ng baboy. "300 isang kilo," Mabilis nyang sagot. Nagulat naman ako. Ang mahal naman. Akala ko sa Manila lang medyo mahal dito rin pala. "Dalawang kilo nga," sabi ko na lang. Pero nang kunin ko na ang pera ay biglang naglabas ng ATM card si Francis. "Ano 'yan?" Bulong ko sa kanya. "Payment," simple nyang sagot. "No ATM. Only cash. Only money," Biglang salita ni Manong. In-english nya pa si Francis akala yata nito ay dayuhan. Mukha naman kasing dayuhan ang lalakeng 'to. "Oh. Sorry. I don't have any cash," sagot nito kay Manong. Pumagitna na ako. "Ako na. May pera ako. Ito ho," ibinigay ko na lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status