Home / Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 3: Secretary

Share

Chapter 3: Secretary

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-05-31 15:36:52

Napamulat ako nang gisingin ako ng alarm clock ko sa cellphone. Inaantok kong kinuha ito at pinatay matapos tingnan ang oras. 7:30 am. Wait..late na ako! Sabi sa akin 7:00 am dapat andoon na ako. Kainis naman! Dali-dali akong bumangon sa kama at kinuha ang tuwalya saka naligo. Matapos makapaghanda kumuha lang ako ng pandesal sa mesa saka dali-daling naghanap ng masasakyan. First day ko pero late na kaagad ako.

Pagkarating ko sa kompanya ng Golden Scenery ay kaagad akong pinapasok ng guard na masama pa yata ang tingin sa akin dahil nakilala ako. Halos sirain ko ang botton sa elevator sa pagmamadali. Ang un- professional mo naman, Gianna! Nakakainis! Tinakbo ko ang opisina ni Mr. Locan at ng nasa harapan na ako ng pintuan ng opisina nya saka ako huminto at huminga nang malalim. Ihanda mo na ang sarili mo Gianna, paniguradong papagalitan na ako nito. Binuksan ko ang pinto at ang bumungad saakin ay 'yong babaeng nag-interview sa akin noong isang araw. Ms. Gada daw 'yong pangalan.

"Magandang umaga ho," bati ko. Tinitigan nya lang ako nang masama. Dahan-dahan nyang isinara ang pinto at hinarap ako ng may nakakunot na noo. "Bakit ngayon ka lang?" pabulong pero naiinis nyang tanong. Bakit kami nagbubulungan?

"Ah..kase po--"

"Pumasok ka na doon, mainit ang ulo ngayon ni Mr. Locan. Kaya huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo," putol nito sa akin saka ako iniwan. Hindi ko alam kong dahil ba sa sinabi nya o talagang nanindig ang balahibo ko pagpasok ko ng office ni Mr. Locan.

"You're late," malamig na boses ang bumungad saakin. Nakaupo si Mr. Locan sa harapan ng nasa gitnang mesa nakatalikod ang pagupo nito kaya hindi ko maaninag ang ekspresyon o kahit 'yong mukha lang nito. Napalunok ako.

"Pasensya na po sir, hindi na po mauulit," buong puso kong paghingi ng tawad. Nanahimik ito ng ilang segundo.

Kaya ackward na nakatayo ako medyo malayo sa mesa nya, hindi ko maipakali ang tingin. Nakakatakot pala 'yong boses nya. Umangat lang ang tingin ko nang dahan-dahang umikot ang upuan nya paharap sa akin. Nang tuluyan ko nang maaninag ang hitsura nito, halos manlaki ang mata ko.

"Ikaw!? " bulalas ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" inis kong tanong pero wala man lang itong sinagot o naging reaksyon.

"Sinusundan mo ba ako ha?" tanong ko. "Or..." napatigil ako nang may na-realize. Sumandal ito sa swivel chair nya at seryuso akong tiningnan, hinihintay ang reaksyon ko. Hindi!

"Ikaw?!" tanong ko at mukhang naintindihan naman nya ito kaya tumango sya. Kainis naman! Kung minamalas ka nga naman oh. "P-pero--" Magsasalita pa sana ako nang unahan nya ako.

"No buts. First day pa lang late kana agad, very unprofessional," Napailing pa ito na parang sinasabing pinagsisihan ng kompanya nyang piliin akong sekretarya.

"Edi sorry," bulong ko pero alam kong narinig nya ito. Umayos ito nang upo at may ibinigay na papel sa akin. Kinuha ko naman ito at dali-daling bumalik sa pwesto ko. "Listahan 'yan ng mga gagawin mo bilang sekretarya ko," ani nito. Pagbuklat ko ay nanlaki ang mga mata ko. Seryuso? Ang dami naman.

"And of course you have to obey my rules, Ms... what's your name again?" tanong nito. Ngayon alam ko ng hindi sya ang pumili saakin, eh maski pangalan ko hindi alam.

"Gianna Magsandingan, as your service. Sir," diniinan ko pa ang salitang 'sir' para damang-dama nya. Tsk.

"Ok. Ms. Sagingan"

What the?Mukha ba akong saging?

"Ikaw!" Duduruin ko na sana sya pero na-realize kong sekretarya lang pala ako dito. Bwesit na lalakeng 'to ginawang saging 'yong apelyido ko.

"Third rule," umpisa nito. Teka, diba dapat first rule yung una?

"You are not allowed to eat in my office, you must keep this room tidy and clean"

Ok? Magsasalita na sana ako pero inunahan nya na naman.

" Second , you are not allowed to talk back unless i said so," dugtong nya pa. Luh.

"And last but not the least. The number one rule, you are not allowed to touch me or get close to me. I have my one meter rule"

Halos ibagsak ko ang balikat ko sa huli nyang sinabi. Ang arte-arte nya! One meter rule? Ano 'yon COVID?

"Eh pano kung may kailangan akong ibulong sa'yo?" tanong ko. " You can write it on paper," simple nyang sagot.

"Eh paano kung may kailangan akong ibigay sa'yo "

"Leave it and i'll take it"

"Eh pano kung--"

"I don't have to answer all of your questions"

"Eh kasi ang labo mo eh," Malapit na talaga akong mainis. "Saan ang malabo do'n? or maybe you just can't understand english?," ani nito. Napasinghal naman ako sa kawalan. Sobra na'to ah.

"Hoy--"

"Unprofessional," putol nito sa akin. Kanina pa 'yang unprofessional na 'yan ah. Naiinis na ako.

"Sir, nakakaintindi ho ako ng english kaso--"

"Yun naman pala eh, anyway tingan mo kung free ang schedule ko mamayang hapon," putol na naman nya sa sasabihin ko sana. Matapos no'n ay tumayo na sya at naiwan akong tulala.

Ilang beses pa akong napakurap bago nakabawi. Napapadyak ako sa inis. Seryuso ba talaga 'to? Bakit sa dinami-dami ng tao sya pa? Kainis!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 46: Day 2 continuation

    Gianna's POVPagkatapos ng kain namin ay ka agad na bumalik ang kambal sa pool habang ako ay umupo na lang muna dahil naiilang ako kapag kasama ang lalakeng yan. Sabay silang lumusong sa pool habang buhat-buhat ni Francis si Kalix sa balikat nito at nagsasabuyan sila ng tubig kay Meila na panay ang tawa."Nagbabago naba yang isip mo?" Biglang dumating si Gael at umupo sa tabi ko. Nagbihis na ito at sobrang sexy nya sa suot nyang bekini na kulay dilaw at may malaking kalo pa ito sa ulo na gawa sa abaniko. Ibinalik ko ang tingin sa mga anak ko. "Nagugulohan ako, Gael. Hindi ko alam ang gagawin," sabi ko."Gianna, alam ko namang malaki ang atraso sa'yo ng lalakeng yan at alam mo ring kahit ako ay hindi ko pa rin sya napapatawad. Pero kasi...medyo nakokinsensya rin ako lalo pa at ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang pamangkin ko," sabi nito at tumingin rin sa mga bata. "Hindi mo pa lubusang nakukuha ang loob ni Meila dahil tingnan mo naman mas close nya ang tatay nya. Anong gagawin

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 45: Day 2

    Gianna's POVKinaumagahan ay inumpisahan na namin ang kasiyahan. Nagplano kami ni Gael na magkaroon ng barbeque party sa may pool kaya nag-order na ako ng mga karne na gagamitin namin. Si Gael naman ang nag-ayos nito para makaluto na ako mamaya. Habang ako ay binibihisan sina Meila at Kalix ng pang-swimming nila mamaya. Pareho na rin silang exited kaya mas mabilis pa silang lumabas ng banyo kesa sa akin. Napailing na lang ako at nagbihis na lang rin. Two-piece ang sinuot ko na pinatungan ko ng sobrang nipis na puting tela pagkatapos ay lumabas na. Naabutan ko silang lahat doon na nagtatampisaw na sa tubig. "Wews. Sexy," komento ni Gael nang makita ang suot ko. "Bakit hindi kapa nagpalit?" tanong ko nang mapansin na hindi pa ito nagpalit. "Mamaya, tutulungan pa kita dito sa mga lulutuin," sagot naman nito. Ilang sandali pa at nagumpisa na akong magluto ng barbecue habang nagpapapalit-palit kami ni Gael sa pagpapaypay dito. "Mommy! Sabay kana sa amin!" sigaw ni Kalix na naglalaro sa

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 44: Day 1 part 2

    Gianna's POVHawak ang bote ng wine at nakaharap sa malaking swimming pool ay tulala ako. Sobrang lapad ng resort na ito at hindi lang beach ang meron pati mala higanteng swimming pool ay meron din.Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Francis kanina. Babawi sya? Parang familiar naman yata ang katagang 'yon? Sinabi nya rin ito sa akin noon at nangako rin syang hindi na ulit sisirain ang tiwala ko pero ginawa nya parin.Kaya hindi ko alam kong pagkakatiwalaan ko pa sya. Dahil sa kanya nasira ang lahat ng pangarap kong pamilya. Dahil sa ginawa nya nagkanda-watak watak kaming mag-ina. Hindi ko sya mapapatawad doon.Napalingon ako bigla dahil narinig ko ang boses ng kambal na nagtatawanan at papalapit na. Maya-maya ay nahagilap ko na sila na papasok na ng resort habang nakapatong si Kalix sa balikat ni Francis at karga naman nya si Meila sa kabilang banda. Tawa sila ng tawa dahil may kung anong sinasabi si Francis sa kanila. Tumingin sila sa gawi ko at hindi ko alam kung bakit umiwas

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 43: Day 1

    Gianna's POVKahit hindi ko na tanongin ay alam kong sya ang may pakana nito. Anong gusto nyang iparating? Na gusto nyang bumawi? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit ay bumaba na kami ni Gael sa may Main Hall kung saan naabutan namin sina Meila at Kalix na kausap si Francis sa sofa. Karga ni Francis si Meila habang si Kalix ay parang takot na lumapit sa kanilang dalawa. Nakatitig si Francis kay Kalix at kitang-kita ko kung paano ito ngumiti sa anak ko. Kaagad akong napaiwas ng tingin.Pero ka agad ko ring binalik at kitang-kita ko na dahan-dahan nitong nilapitan si Kalix at kinausap pagkatapos ay niyakap at kinarga. Hindi nito malayo ang tingin kay Kalix na para bang hinihintay nya ang araw na 'to. "Mukhang bumabawi ang father," komento ni Gael at nauna nang bumaba ng hagdanan. Napahinga na lang ako nang malalim at bumaba na rin. Lumapit ako sa kanila at ka agad naman nila akong napansin. Nakita ko pa na may binulong si Francis sa dalawa

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 42: Earning her trust spending time

    Gianna's POVIsang araw pa ang nakakalipas at wala kaming ginawa kundi ang magpalipas ng oras na magkasama. Pumunta kami sa mall para libangin ang kambal at para narin bumili ng mga gamit ni Meila. Pero gano'n pa rin sya. Tahimik at minsan lang kinakausap si Kalix hindi katulad ng dati. "Gusto nyo bang kumain ng ice cream?" tanong ko. "Segi po!" masiglang sagot ni Kalix. Napalingon naman ako kay Meila. "Meila, gusto mo bang kumain?" tanong ko. Tumingin ito sa akin at tumango lang. Kaya pumunta na ako ng store at bumili ng ice cream. "Ma'am, chocolate at pandan flavor na lang po ang natira. Ano po ba ang inyo?" tanong ng crew sa akin. "Kalix, ano bang kakainin mo?" Baling ko sa anak ko. "Pandan po ako," sagot nito. Nag-order na lang ako ng tatlong pandan na nada cone at ibinigay ito kay Kalix at Meila. Masayang nilantakan ni Kalix ang ice cream habang si Meila ay hindi kinuha ang ibinigay ko. "Meila? Kainin mo na para hindi matunaw ka agad," ani ko pero umiling ito. "Ayaw mo ba?" ta

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] Chapter 41: Earning her trust

    Gianna's POVNakauwi na sa bahay si Meila pagkatapos na mapatunayan na ako ang may karapatan para sa anak ko. Kung sabihin na hanggang langit ang saya ko ay kulang para sa mararamdaman ko sa araw na 'to. Anim na taon ko itong hinintay at hindi ko aakalain na makakapiling ko pa ang anak ko. Sobrang saya ko habang yakap-yakap ko sya sa loob ng sasakyan. Pauwi na kami at si Gael ang driver sa unahan. Tahimik lang si Meila habang yakap-yakap ko. Noong isang araw pa syang ganito at hindi ko na lang muna pinilit na magsalita dahil alam kong malaki ang epekto ng nangyari ngayon, sa kanya. Ayaw ko syang biglain dahil baka ikasama nya ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya pero wala itong naging reaksyon. Hinayaan ko na lang hanggang sa makarating na kami sa bahay. Inalalayan ko itong bumaba habang kinukuha ni Gael ang mga gamit nya sa likuran ng sasakyan. Hinawakan ko ulit ang kamay nito habang nakatingin sya sa pintuan ng bahay namin."Meila, ok ka lang ba?" tanong ko. Lumingon ito s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status