Home / Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 7: Drunken baby

Share

Chapter 7: Drunken baby

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-06-02 14:26:11

Gianna's Point of View

Sobrang sakit ng buong katawan ko nang sa wakas ay maka-upo ako sa pwesto ko. Panay asikaso ako sa bisita ni Mr. Locan dahil hindi ko ito mahagilap kung saan. Sabi ni Ms Gada ay ako na lang muna ang bahala sa mga gagawin dahil kung hahanapin ko pa 'yong Francis na 'yon baka mainip na sa kakahintay 'yong bisita namin. Asan ba kasi pumunta 'yong lalakeng 'yon at hindi ko ma-contact. Nakapatay ang cellphone nito.

Nandito ako sa office nya at gusto kong magpahinga nang mahaba. Pagod na pagod ako at sa pagkakataong ito wala akong pakialam kung magalit sya dahil nakatiyaya ako ngayon sa sofa nya. Gustong umuwi at matulog pero hindi pa pwede dahil kailangan ko syang hintaying bumalik. Maga-alas otso na ng gabi pero wala pa sya. Umuwi nalang kaya ako? Pero sabi kasi ni Ms Gada babalik sya dito hintayin ko nalang daw. Pero kelan pa?

Napapikit ako at prenteng inihiga ang katawan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal dito ang boss kong ewan ko kung saang planeta nangggaling. Hindi ako nito napansin dahil nasa gilid ang sofang hinihigaan ko at medyo madilim rin dito sa gawi ko. Pagpasok nya kumunot ka agad ang noo ko nang mapagtantong sobrang balisa nito at haggard 'yong porma. Hindi na nakaayos ang necktie nito at gusot narin ang pulo. Anyare sa lalakeng 'to?

Bumangon ako at umupo. Hindi muna ako lumapit at pinagpasyahang tingnan ang susunod nyang gagawin.

Mapapansin ang pagiging malungkot nito. Namamaga rin ang mata. Teka nga, umiyak ba'to? Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kalagayan nya ngayon. Ito? Itong hambog na'to iiyak? Bakit naman sya iiyak diba? Oh baka naman heartbroken. Pero parang wala naman akong nalalaman na may girlfriend sya. Eh teka pakialam ko ba.

Maya-maya pa ay naupo ito sa swivel chair nya. Hinubad nito ang necktie nya at pasimpleng niluwagan ang kwelyo nito para makahinga nang maayos. Ibinaba nya rin ang salamin na sinusuot nito. Kitang-kita ko rin kung paanong tumulo ang luha nya at kaagad na pinunasan nito nang maramdaman ang presensya ko.

"What are you still doing here?" biglang seryuso nyang tanong. Napangiwi ako. Obvious ba? Malamang hinihintay ka. 'Yon sana ang isasagot ko pero wag nalang kasi parang bad mood ito. "Pinapahintay ka kasi ni Ms. Gada, sir. Pinapapabigay nya 'yong pirma ng bisita kanina andyan sa table mo tsaka--," naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"You can go now. Ako na ang bahala dito," ani nito at napasandal sa upuan. Kaagad kong naamoy ang alak sa paligid. Nakainom ba'to? Napapikit ito at malalim na huminga. Gano'n-gano'n lang 'yon matapos ko syang hintayin ng ilang oras?

"What are you waiting for?" biglang pagsasalita nito nang mapansing hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Ok ka lang ba?" Hindi ko alam kung saan nangggaling iyong tanong na iyon. Basta-basta nalang itong lumabas sa bibig ko at ang walang hiya hindi manlang ako pinansin. Ok. Sabi ko nga.

"Aalis na nga...," sabi ko sa sarili.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng kung ano. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita na ang boss ko ay nakasupaypay na sa sahig. Gulat na nilapitan ko ito.

"Sir! Sir!" Ilang beses ko itong tinawag pero nakatulala lang ito sa kawalan. Tinapik ko pa ng ilang beses ang kanyang mukha pero parang namanhid ito. Anong nangyayari sa kanya?

"Locan! Woy! Anong nangyayari Sayo?!" Wala akong choice kundi ang ang sampalin sya nang malakas. Pero gano'n na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang bigla itong tumahimik at pawang nakatingin lang sa akin. Mugto ang mata nito. "W-woy...ok ka lang?" Tinapik ko ulit ang mukha nito. Pero ikinagulat ko ang sumunod na nangyari.

Bigla itong ngumawa na parang bata. Sobrang lakas ng iyak nito na halos aakalain mong bata syang pinagalitan ng nanay. Luh? Anyare dito? Bigla nya na lang akong niyakap nang sobrang higpit at panay iyak sa balikat ko.

"H-hoy..anong nangyayari sayo?" Alalang tanong ko.

"I like her," Salitang unang lumabas sa bibig nya. Halos hindi ko pa ito maintindihan dahil sa iyak nya. "Sino?" balik tanong ko. Pero hindi ako nito sinagot.

"I really like her. I want her

," Paulit-ulit nya iyong sinasabi sa akin sa gitna nang pag-iyak. Lasing na nga sya at hindi na alam ang pinagsasabi at ginagawa. Sino ba kasing magaakalang ang hambog na 'to iyakin pagdating sa babae.

"Pero bakit hindi na lang ako?" Bigla ay tumingin ito sa akin na ang mga mata ay nagmamakaawa. Para syang bata. "Ha?" Pagmamakaawa pa nito sa akin. "H-hindi ko alam..." 'Yon lamang ang naisagot ko sa tanong nya. Pero mukhang hindi nya nagustuhan iyon dahil lalo pa itong umiyak nang pagkalakas-lakas.

"Tahan na..." Hinaplos ko ang balikat nito at gulat ko nang humina ang pagiyak nya.

"Hayaan mo na 'yon, baka kasi na-realize nya na hambog ka talaga kaya na-disappoint sya sa 'yo," biro ko pero kaagad ko ring pinagsisihan nang bigla nya akong yugyugin sa balikat nang malakas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Villaruel
hwag naman kahabaan Ang kweto
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY SECRETARY HATES ME?   THANK YOU

    Hello! This is Miss R bago ang lahat gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng bumasa at sumubaybay sa kwento nina Gianna at Francis mula noong una hanggang ngayon sobra ko pong na-appreciate ang mga comment at mga likes ninyo. Hindi ko po aakalaing ang una kong libro dito sa Goodnovel ay makakatanggap ng maraming supporta. Sobrang thank you po sa inyo hanggang sa muli. Dito na po nagtatapos ang kwento nina Gianna at Francis. Pwede nyo na ring mabasa ang kakasimula ko pa lamang na pangalawang libro na MAID OF A MILLIONAIRE fast-paced po sya at 25-30 lang ang magiging chapters nya kaya mabilis taposin. Title: MAID OF A MILLIONAIRE Genre: Comedy, Drama Synopsis: Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Ella Balona kaya't pagkatapos gr-um-aduate ay kailangan nitong makahanap ng trabaho. Nagbakasakali naman ito sa Maynila at nakahanap ng trabaho bilang personal maid ng anak ng isa sa kinikilalang tao sa bansa. Nakilala nito ang arugante at mayabang nitong boss na si James David Lauren. Ala

  • MY SECRETARY HATES ME?   EPILOGUE

    Gianna's POVNakatayo ako sa harapan ng simbahan at nakasuot ng wedding dress at may hawak na pulang rosas. Hindi ko alam kung bakit ako nandito dahil nadatnan ko na lang ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Umangat ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na tunog sa loob ng simbahan at bumukas ito sa harapan ko.Walang tao, walang laman ang simbahan at tanging si Francis lang na nakatayo sa harapan ng altar ang nakikita ko. At bigla na lamang naglakad ang mga paa ko papasok na para bang may komokontrol dito. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay si Francis.Nakangiti ito sa akin at may luha pa sa mga mata. Napangiti rin ako. Hindi ko alam ang mangyayari pero masaya ako dahil pinangarap ko ito, ang ikasal sa lalakeng mahal na mahal ko. "Stop the wedding!" Natigilan ako at napalingon dahil may biglang sumigaw sa may pintuan. Paglingon ko ay nagulat ako at napaatras sa takot dahil si Rachelle 'yon na may hawak na baril

  • MY SECRETARY HATES ME?   ...

    Last chapter na lang😭 Grabe na ilang months ko itong sinulat at ngayon malapit na syang matapos. EPILOGUE na happy ending kaya? Syempre naman! Abangan!

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] CHAPTER 57: THE LAST CHAPTER

    Gianna's POVPaano mo ba malalaman kung mahal mo pa? Seguro kapag hindi mo pa rin sya makakalimutan kahit ilang taon na ang nakakalipas. Seguro kapag hinahanap mo pa rin sya sa lahat ng taong kumakatok sa puso mo. Seguro kapag nasasaktan ka pa rin at sya ang dahilan. O dahil seguro alam mong sya ang una sa lahat-lahat sa'yo. Pero bakit hindi mo pa rin makalimutan? Bakit kahit nasasaktan kana pinili mo pa rin? Bakit kahit alam mong mali na pinaglaban mo pa rin? Dahil ba mahal mo? O dahil hindi mo kayang mawala sya? Sa kasalukuyan iyan ang mga tanong na nasa isip ko. Hindi ko alam ang sagot o baka ayaw ko lang sagotin. Mahal ko pa nga ba sya? Pero sinaktan nya ako. Pagkakatiwalaan ko pa nga ba sya? Pero sinira na nya ang tiwala ko. Handa na nga ba akong tanggapin sya ulit? Pero...pero natatakot ako. Natatakot akong baka maling desisyon na naman ito. Baka gawin nya ulit ang ginawa nya noon. Baka iwan nya ulit ako at ang mga anak namin. Baka magsawa sya sa akin. Takot na takot ako.

  • MY SECRETARY HATES ME?   are u ready for the END?

    ilang chapter na lang at matatapos na ang kwento nina Gianna at Francis...happy ending kaya?

  • MY SECRETARY HATES ME?   [S2] CHAPTER 56: Win her trust

    Gianna's POVMagkasama kaming namalengke nina Francis kasama ang dalawang bata. Sobrang exited nila dahil first time raw na kompleto kami. Lihim na napangiti ako sa komento nila. Sumakay kami ng tricycle dahil medyo may kalayuan ang palengke at pagkarating namin ay dumeritso ka agad kami sa wet market para mamili ng karne ng baboy at isda."Magkano?" tanong ko kay Manong na nagbebenta ng karne ng baboy. "300 isang kilo," Mabilis nyang sagot. Nagulat naman ako. Ang mahal naman. Akala ko sa Manila lang medyo mahal dito rin pala. "Dalawang kilo nga," sabi ko na lang. Pero nang kunin ko na ang pera ay biglang naglabas ng ATM card si Francis. "Ano 'yan?" Bulong ko sa kanya. "Payment," simple nyang sagot. "No ATM. Only cash. Only money," Biglang salita ni Manong. In-english nya pa si Francis akala yata nito ay dayuhan. Mukha naman kasing dayuhan ang lalakeng 'to. "Oh. Sorry. I don't have any cash," sagot nito kay Manong. Pumagitna na ako. "Ako na. May pera ako. Ito ho," ibinigay ko na lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status