Hindi ko halos maalis ang tingin ko kay Meila. May kung anong bagay sa kanya na kumukuha ng atensyon ko lalo pa at nalaman ko ang apelyedo nya. Alam kong bata lang sya pero may parte sa aking gustong malaman pa ang tungkol sa kanya. Hindi kaya anak sya ni Asher? Matagal na rin akong walang koneksyon sa kanila kaya baka nag-asawa na nga ito at naka-move on na. Kung anak sya ni Asher mas mabuti na 'yon dahil may pagkakataon na magkita ulit kami at magkamustahan. Anim na taon na naman ang nakakalipas. "Tulala ka."Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Gael sa likuran ko. "Iniisip mo parin ba 'yon?" tanong nito sa akin at ka agad kong nahulaan ang ibig nyang sabihin. "Hindi naman. Medyo curious lang ako kung sino ng tatay nya. Sa tingin mo ba...anak sya ni Asher?" tanong ko pabalik sa pinsan ko. "Si Asher? May posibilidad na anak nya 'yang bata kasi baka nag-asawa na ito ulit. Pero kung anak nga yan ni Asher hindi ba't may posibilidad ring magkita kayo? Anong sasabihin mo t
A few days later...Gianna's POVMedyo busy ako ngayong araw dahil kaarawan na ni Kalix ngayon at napagpasyahan naming mag-celebrate na lang sa school nila. Nagpa-catering na lang ako para ma-share nya ang handa sa mga kaklase nya. Ito rin kasi ang gusto ni Kalix na imbes na sa bahay ganapin ay sa school na lang daw dahil mas masaya. Nagustohan ko naman ang sinabi nya kaya ngayon ay tudo asikaso ako para mamaya. Dumating na rin ang catering at dahil lunch time ang celebration ay dito narin kakain ang mga kaklase nya. Blue ang theme ng birthday nito na makikita mo sa balloons na nakasabit sa gilid ng classroom nila. Na-arrange na rin lahat at maya-maya ay maguumpisa na ang celebration."Teh, saan na 'yong birthday boy?" Biglang sulpot ni Gael sa tabi ko na may dalang gift bag. Tinawan ko sya kanina para pumunta dito at kakagaling lang nito sa trabaho nya. "Hanapin mo nga muna si Kalix para makapag-umpisa na dahil gutom na yata ang mga kaklase nya," Utos ko na lang dito habang nakati
Sabado ngayon at mabuti na lang ay hindi tambak ang trabaho ko. Ito ang araw na makakapagpahinga ako pero sa araw na ito may ibang bagay akong kailangang gawin. Bitbit ko ang dalawang kandila at isang basket ng bulaklak na ginawa ko kahapon habang papunta ako sa sasakyan. Inilagay ko ito sa backseat at inayos doon tsaka bumalik sa loob ng bahay. "Kalix, baby are done?" Hinanap ko ang anak ko dahil hindi ko ito makita sa kusina. "Yes po!" Napalingon ako nang marinig ang boses nito na kakababa lang ng hagdan ng kwarto namin. Plano kong bisitahin ngayon ang lugar na lagi kong napapanaginipan--ang lugar kung saan ako nanganak at ang lugar rin kung saan ko nawala ang isa ko pang anak. Ok na naman ako ngayon at kaya ko nang bumalik sa lugar na 'yon. Malapit na kasi ang birthday ni Kalix at gusto kong puntahan ang lugar na 'yon bago ang birthday nilang dalawa. Matapos kong asikasuhin ang anak ko ay sumakay na kami ng sasakyan at nagmaneho papunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ma
"Wala ka talagang balak na sabihin sa anak mo 'yong tungkol sa tatay nya?" usisa ng kaibigan kong si Bethina o mas kilala nilang Teacher Beth. Homeroom teacher sya ng grade 2 students at sya lang ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko dito. Kahit hindi naman kami ganoong katagal na nagkilala ay may tiwala naman ako sa kanya, sakatunayan ay marami na akong na i-kwewento sa kanya. Isa na nga roon 'yong sa anak ko."Ok na ang malaman nya na patay na ang tatay nya," Bagot kong sagot dito habang pinagmamasdan ang anak kong naglalaro kasama ang mga kaibigan nya. "Pero alam mo namang hahanapin at hahanapin nya 'yan kapag lumaki na 'yan. Pano kung magkita sila?" Tanong ulit nito. "Hay nako tumigil ka nga Beth kung ano-ano ng pinagsasabi mo. Tsaka mabuti na nga 'yan, 'di naman deserve ng gagong 'yon ang salitang 'tatay' sa anak nya noh," Sabat ni Gael na kanina pa kumakain ng dragon seeds sa tabi namin.Hindi ko na lang sila pinansin at minabuting tawagin na lang ang anak ko. "Kalix! Come here
6 years later...Gianna's POVNagising ako sa pamilyar na lugar. Madilim na kalsada ang nakikita ko at sobrang tahimik ng paligid. Nandito na naman ako? Nanginginig ang tuhod ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kung saan. Napahinto ako nang makita ang pamilyar na kotse na umo-usok sa hindi kalayuan sa akin. Tumulo ang luha ko nang makita ko ang sarili kong walang malay na nakahandusay sa loob ng nakataklob na kotse habang hawak-hawak ang tyan ko kung saan ang mga anak ko. Napakuyom ko ang kamao habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaho nito sa harapan ko. Hindi ko mapigilang humagulhol sa mga ala-alang bumalik sa akin no'ng gabing iyon."Mama!"Napapikit ako nang umugong na naman sa tenga ko ang sigaw ng anak ko. "Mama! Tulungan mo po ako! Mama!" Paulit-ulit nyang sigaw at hindi ko na kinakaya pa hanggang sa mapa-upo ako sa damuhan. Halos ikamatay ko habang naririnig ko ang iyak nya. Tinatawag nya ako at humihingi sa akin ng tulong pero wala akong kakayahang ibalik p
Minulat ko ang aking mga mata pero puro puti lang ang mga nakikita ko. Sinubukan kong bumangon bumangon pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Hindi ko rin madama ang mga paa ko. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko si Gael na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Mabigat man ang pakiramdam ay nagawa kong hawakan ang balikat nito. "G-gael..." Mahinang tawag ko sa kanya. Nagising naman ito at ka agad akong kinamusta. "Sandali lang at tatawagin ko ang doctor," sabi nya tsaka mabilis na lumabas. Inikot ko ang paningin at napagtantong nasa hospital nga talaga ako. Kinapa ko ang noo ko at may malaking bandage ako doon. Napansin ko rin na may mga sugat ako sa braso at mga gasgas. Doon ako natigilan nang bumalik sa ala-ala ko 'yong nangyari. 'Yong nakita ko no'ng gabing iyon. Mga hayop sila. Naramdaman ko na tumulo ang luha ko at napahawak ako nang mahigpit sa kumot ko. Bumalik rin sa ala-ala ko 'yong pagbunggo at ilang beses na paggulong ng sasakyan ko. Natigilan ulit ako at bumab