THIS IS THE SEQUEL OF MY FIRST BOOK ( MY SECRETARY HATES ME? )
"I'm sorry. You can hate me all you want but please...'wag mong ilayo sa akin ang mga anak ko. Gagawin ko lahat ng gusto mo, Gianna. Please give a second chance to mend what i broke. I will do everything... please...i don't want to lose you again. I'm begging you..." Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong tumulo na ang luha ko pero ka agad ko itong pinunasan. "Second chance? Ilang beses kitang binigyan ng second chance. Pero anong ginagawa mo? You choose to brake your promises all over again. Pero 'wag kang mag-aalala. Papayagan kitang makasama ang mga anak ko pero wag mo ng iisiping makukuha mo pa ulit ang tiwala ko." Iyon na ang huling sinabi ko bago ako tuluyang umalis doon. He was my first, my everything, my life. Nangako kami sa isa't isa na magsasama kami hanggang dulo. He promised to marry me and love ONLY me until the end. Pero sabi nga nila lahat may katapusan, lahat may hangganan. Noong gabing sinaktan nya ako ay nangako na akong hindi na babalik pa sa kanya. He betrayed not just me but our twins. Parang sa isang iglap iniluwa nya ang lahat ng matatamis nyang salita. 6 years later he came back for me. Nagmakaawa sya pero hindi ko alam. Kaya ko pa ba? Paano kong maging marupok ulit ako? Kaya ko bang kalimutan ang ginawa nya para lang mabuol ang aming pamilya?Gianna's POVPagkatapos ng kain namin ay ka agad na bumalik ang kambal sa pool habang ako ay umupo na lang muna dahil naiilang ako kapag kasama ang lalakeng yan. Sabay silang lumusong sa pool habang buhat-buhat ni Francis si Kalix sa balikat nito at nagsasabuyan sila ng tubig kay Meila na panay ang tawa."Nagbabago naba yang isip mo?" Biglang dumating si Gael at umupo sa tabi ko. Nagbihis na ito at sobrang sexy nya sa suot nyang bekini na kulay dilaw at may malaking kalo pa ito sa ulo na gawa sa abaniko. Ibinalik ko ang tingin sa mga anak ko. "Nagugulohan ako, Gael. Hindi ko alam ang gagawin," sabi ko."Gianna, alam ko namang malaki ang atraso sa'yo ng lalakeng yan at alam mo ring kahit ako ay hindi ko pa rin sya napapatawad. Pero kasi...medyo nakokinsensya rin ako lalo pa at ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang pamangkin ko," sabi nito at tumingin rin sa mga bata. "Hindi mo pa lubusang nakukuha ang loob ni Meila dahil tingnan mo naman mas close nya ang tatay nya. Anong gagawin
Gianna's POVKinaumagahan ay inumpisahan na namin ang kasiyahan. Nagplano kami ni Gael na magkaroon ng barbeque party sa may pool kaya nag-order na ako ng mga karne na gagamitin namin. Si Gael naman ang nag-ayos nito para makaluto na ako mamaya. Habang ako ay binibihisan sina Meila at Kalix ng pang-swimming nila mamaya. Pareho na rin silang exited kaya mas mabilis pa silang lumabas ng banyo kesa sa akin. Napailing na lang ako at nagbihis na lang rin. Two-piece ang sinuot ko na pinatungan ko ng sobrang nipis na puting tela pagkatapos ay lumabas na. Naabutan ko silang lahat doon na nagtatampisaw na sa tubig. "Wews. Sexy," komento ni Gael nang makita ang suot ko. "Bakit hindi kapa nagpalit?" tanong ko nang mapansin na hindi pa ito nagpalit. "Mamaya, tutulungan pa kita dito sa mga lulutuin," sagot naman nito. Ilang sandali pa at nagumpisa na akong magluto ng barbecue habang nagpapapalit-palit kami ni Gael sa pagpapaypay dito. "Mommy! Sabay kana sa amin!" sigaw ni Kalix na naglalaro sa
Gianna's POVHawak ang bote ng wine at nakaharap sa malaking swimming pool ay tulala ako. Sobrang lapad ng resort na ito at hindi lang beach ang meron pati mala higanteng swimming pool ay meron din.Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Francis kanina. Babawi sya? Parang familiar naman yata ang katagang 'yon? Sinabi nya rin ito sa akin noon at nangako rin syang hindi na ulit sisirain ang tiwala ko pero ginawa nya parin.Kaya hindi ko alam kong pagkakatiwalaan ko pa sya. Dahil sa kanya nasira ang lahat ng pangarap kong pamilya. Dahil sa ginawa nya nagkanda-watak watak kaming mag-ina. Hindi ko sya mapapatawad doon.Napalingon ako bigla dahil narinig ko ang boses ng kambal na nagtatawanan at papalapit na. Maya-maya ay nahagilap ko na sila na papasok na ng resort habang nakapatong si Kalix sa balikat ni Francis at karga naman nya si Meila sa kabilang banda. Tawa sila ng tawa dahil may kung anong sinasabi si Francis sa kanila. Tumingin sila sa gawi ko at hindi ko alam kung bakit umiwas
Gianna's POVKahit hindi ko na tanongin ay alam kong sya ang may pakana nito. Anong gusto nyang iparating? Na gusto nyang bumawi? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit ay bumaba na kami ni Gael sa may Main Hall kung saan naabutan namin sina Meila at Kalix na kausap si Francis sa sofa. Karga ni Francis si Meila habang si Kalix ay parang takot na lumapit sa kanilang dalawa. Nakatitig si Francis kay Kalix at kitang-kita ko kung paano ito ngumiti sa anak ko. Kaagad akong napaiwas ng tingin.Pero ka agad ko ring binalik at kitang-kita ko na dahan-dahan nitong nilapitan si Kalix at kinausap pagkatapos ay niyakap at kinarga. Hindi nito malayo ang tingin kay Kalix na para bang hinihintay nya ang araw na 'to. "Mukhang bumabawi ang father," komento ni Gael at nauna nang bumaba ng hagdanan. Napahinga na lang ako nang malalim at bumaba na rin. Lumapit ako sa kanila at ka agad naman nila akong napansin. Nakita ko pa na may binulong si Francis sa dalawa
Gianna's POVIsang araw pa ang nakakalipas at wala kaming ginawa kundi ang magpalipas ng oras na magkasama. Pumunta kami sa mall para libangin ang kambal at para narin bumili ng mga gamit ni Meila. Pero gano'n pa rin sya. Tahimik at minsan lang kinakausap si Kalix hindi katulad ng dati. "Gusto nyo bang kumain ng ice cream?" tanong ko. "Segi po!" masiglang sagot ni Kalix. Napalingon naman ako kay Meila. "Meila, gusto mo bang kumain?" tanong ko. Tumingin ito sa akin at tumango lang. Kaya pumunta na ako ng store at bumili ng ice cream. "Ma'am, chocolate at pandan flavor na lang po ang natira. Ano po ba ang inyo?" tanong ng crew sa akin. "Kalix, ano bang kakainin mo?" Baling ko sa anak ko. "Pandan po ako," sagot nito. Nag-order na lang ako ng tatlong pandan na nada cone at ibinigay ito kay Kalix at Meila. Masayang nilantakan ni Kalix ang ice cream habang si Meila ay hindi kinuha ang ibinigay ko. "Meila? Kainin mo na para hindi matunaw ka agad," ani ko pero umiling ito. "Ayaw mo ba?" ta
Gianna's POVNakauwi na sa bahay si Meila pagkatapos na mapatunayan na ako ang may karapatan para sa anak ko. Kung sabihin na hanggang langit ang saya ko ay kulang para sa mararamdaman ko sa araw na 'to. Anim na taon ko itong hinintay at hindi ko aakalain na makakapiling ko pa ang anak ko. Sobrang saya ko habang yakap-yakap ko sya sa loob ng sasakyan. Pauwi na kami at si Gael ang driver sa unahan. Tahimik lang si Meila habang yakap-yakap ko. Noong isang araw pa syang ganito at hindi ko na lang muna pinilit na magsalita dahil alam kong malaki ang epekto ng nangyari ngayon, sa kanya. Ayaw ko syang biglain dahil baka ikasama nya ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya pero wala itong naging reaksyon. Hinayaan ko na lang hanggang sa makarating na kami sa bahay. Inalalayan ko itong bumaba habang kinukuha ni Gael ang mga gamit nya sa likuran ng sasakyan. Hinawakan ko ulit ang kamay nito habang nakatingin sya sa pintuan ng bahay namin."Meila, ok ka lang ba?" tanong ko. Lumingon ito s