LOGINNakita ni Pam na lumabas si Robert sa kaniyang opisina ilang minuto matapos niyang ibaba ang tawag mula sa hospital.
May hawak itong folder, ngunit hindi nito tiningnan ang mga dokumentong laman niyon. Sa halip, dumako ang paningin nito sa mga empleyadong nasa labas ng kani-kaniyang mesa, tila may hinahanap.
At nang magtama ang mga mata nila, natigil si Pam sa pag-aayos ng mga papeles.
Hindi niya alam kung gaano katagal silang nagkatitigan. Ilang segundo lamang marahil, ngunit sapat iyon para maintindihan ni Robert na may nangyari. Hindi niya kailangang marinig ang buong usapan sa telepono. Hindi rin kailangang magtanong ni Pam kung bakit ito nakatingin sa kaniya nang ganoon.
May kung anong tahimik na pagkakaintindihan sa pagitan nila.
Bahagyang tumango si Robert.
Napakagat-labi si Pam at tumango rin.
Pagkaraan ng ilang sandali, ibinalik ni Robert ang karaniwang ekspresyon sa mukha nito.
“Miss Mendoza!”
Napalingon ang ilang empleyado.
“Inside. Now.”
Napakurap si Pam.
Aba. Bumalik na ang dating Robert Villareal.
“Yes, Sir.”
Mabilis siyang tumayo, inayos ang palda, at sumunod sa opisina nito. Nang maisara ang p***o sa likuran niya, saka lamang niya napansing hindi pala talaga galit ang boss niya. Nakatingin lang ito sa kaniya habang nakasandal sa gilid ng mesa, ang folder ay nakapatong na sa ibabaw nito.
“Sit down,” sabi ni Robert.
Ngunit nanatili siyang nakatayo.
Hindi niya alam kung bakit. Marahil dahil sa kaba, o marahil dahil pakiramdam niya, kapag umupo siya, magiging mas totoo ang lahat.
“Pam.”
Napatingin siya rito.
“What are you going to do?”
Napakurap siya. “Sir?”
“The hospital called you. They want you to come in for a pregnancy test.” Huminto ito sandali. “Are you going or not?”
Napatitig siya rito.
Hindi niya inaasahan ang ganoong kadiretsong tanong. Mula nang ibaba niya ang tawag, kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya. Paano kung positibo? Paano kung negatibo? Paano kung may iba pang problema? Paano kung may kailangan siyang pirmahan? Paano kung hindi niya kayanin ang maririnig niya?
At higit sa lahat, paano kung kailangan niyang gumawa ng desisyon na magbabago sa buhay nilang dalawa?
“I don't know,” mahina niyang sagot.
Tumango si Robert, na para bang inaasahan na nito iyon.
“That's fair.”
“Hindi ko alam kung handa na akong malaman ang sagot.”
“Understandable.”
“Paano kung—”
Natigil siya.
Hindi niya kayang sabihin ang natitira. Hindi dahil hindi niya alam ang mga posibilidad, kundi dahil sa sandaling bigkasin niya ang mga iyon, para bang binibigyan niya ng puwang ang mga ito na mangyari.
Hindi siya pinutol ni Robert. Hinayaan lamang siya nitong mag-isip.
“Listen,” sabi nito pagkaraan ng ilang sandali. “You don't have to make every decision today. All you need to do is find out what's happening.”
Napayuko siya.
“Paano kung positive?”
“Then we'll deal with that when we know.”
“At kung negative?”
Hindi agad sumagot si Robert.
Bahagyang tumigas ang panga nito bago ito muling nagsalita.
“Then we'll deal with that, too.”
Simple ang mga salita nito, ngunit alam ni Pam na hindi ganoon kasimple ang ibig sabihin niyon para sa kaniya.
Naalala niya ang pag-uusap nila ilang linggo na ang nakalipas. Ang paraan ng pagkukuwento ni Robert tungkol sa pamilya nito, sa mga inaasahan sa kaniya, at sa sakit na hindi nito kayang kontrolin kahit gaano pa ito kasanay na kontrolin ang lahat ng bagay sa paligid niya.
Naalala rin niya ang sinabi nito tungkol sa pagharap sa mga problemang hindi naman kayang ayusin sa pamamagitan lamang ng pagpaplano.
Hindi niya kailangang maging katulad ni Robert. Hindi niya kailangang magpanggap na matapang siya.
Pero hindi rin niya puwedeng patuloy na iwasan ang problema at umasang mawawala iyon nang kusa.
Huminga siya nang malalim.
“Pupunta ako.”
Bahagyang umangat ang tingin ni Robert.
“Are you sure?”
Umiling siya nang bahagya. “Hindi. Pero pupunta ako.”
Sa pagkakataong iyon, may bahagyang pagbabago sa mukha nito. Hindi iyon ngiti, ngunit lumambot ang mga mata nito.
“Okay.”
“Sir, I—”
“I'll go with you.”
Mabilis siyang napatingin dito. “What?”
“I'll accompany you to the hospital.”
“Hindi na po kailangan. Kaya ko naman—”
“Pam.”
Napahinto siya.
“You don't have to do this alone.”
Walang yabang sa tinig nito. Walang utos na kailangang sundin dahil boss niya ito. Para lamang itong isang taong nag-aalok na samahan siya, at handang tanggapin kung tatanggihan niya iyon.
At marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi niya alam kung paano sasagot.
“Thank you,” sabi niya sa wakas.
Tumango si Robert at sumulyap sa orasan.
“Wait until the office clears out. Meet me in the parking lot after everyone has left. We'll take my car.”
“Bakit po kailangang hintayin pang umalis ang lahat?”
“Because I don't want the entire floor wondering why we're leaving together in the middle of the day.”
Napaisip siya.
May punto naman ito.
“Understood, Sir.”
“Good. Now go back to your desk before they start thinking I've fired you.”
Napangiti siya nang bahagya. “You do have a reputation to maintain.”
“Out, Miss Mendoza.”
At sa pagkakataong iyon, alam niyang kunwari lang talaga ang galit nito.
Pagsapit ng alas-sais, halos wala nang tao sa opisina.
Isa-isang namatay ang mga ilaw sa mga workstation habang nagmamadaling umuwi ang mga empleyado. Nanatili si Pam sa mesa niya, nakatitig sa computer screen kahit wala na siyang binabasang kahit ano.
Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya.
Wala namang bagong tawag mula sa klinika. Wala ring mensaheng makapagbibigay sa kaniya ng sagot.
Gayunpaman, parang bawat minutong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan.
Paano kung may nabuo nga?
Paano kung wala?
Hindi niya alam kung alin ang mas kinatatakutan niya.
Nang tuluyan nang maging tahimik ang paligid, kinuha niya ang bag at naglakad patungo sa elevator. Pagdating sa parking lot, agad niyang nakita ang itim na sasakyan ni Robert.
Bumaba ito ng bahagya sa bintana nang mapansin siyang papalapit.
“Get in.”
Sumunod siya.
Sa buong biyahe, halos hindi siya nagsalita. Nakatuon ang paningin niya sa mga ilaw sa kalsada, sa mga sasakyang dumaraan, at sa mga taong naglalakad sa bangketa na tila walang anumang mabigat na iniisip.
Samantalang siya, pakiramdam niya ay papunta siya sa isang lugar kung saan may nakahandang sagot na maaaring bumago sa lahat.
“Pam.”
Napalingon siya.
“You're holding your bag too tightly.”
Napatingin siya sa mga kamay niya. Mahigpit nga ang pagkakahawak niya sa strap nito.
Dahan-dahan niya iyong niluwagan.
“Sorry.”
“You don't have to apologize.”
Muli siyang tumingin sa labas.
Ilang minuto ang lumipas bago muling nagsalita si Robert.
“Whatever the result is, you don't have to decide what to do about your entire future tonight.”
Napatingin siya rito.
“It's one test, Pam. Let's take it one step at a time.”
Tumango siya, bagaman hindi niya masabing tuluyan siyang kumalma.
Hindi na siya pinilit ni Robert na magsalita. Sa halip, hinayaan siya nitong manahimik habang ipinagpapatuloy ang pagmamaneho.
At sa kabila ng kaba, may kaunting ginhawang naramdaman si Pam sa presensiya nito.
Hindi dahil alam ni Robert ang tamang sasabihin sa bawat pagkakataon. Kundi dahil hindi nito hinihinging maging maayos siya bago siya samahan.
Pagdating nila sa klinika, sinalubong sila ng nurse na nagpakilalang bahagi ng medical team na humahawak sa kaso nila.
Matapos kumpirmahin ang ilang detalye, pinaupo muna sila sa waiting area.
Hindi mapakali si Pam.
Paulit-ulit niyang binabasa ang mga poster sa dingding, tinitingnan ang orasan, at inaayos ang bag sa kandungan niya. Kahit anong gawin niya, hindi niya mapatigil ang mga tanong sa isip.
Sa kabilang upuan, tahimik si Robert.
Paminsan-minsan, nahuhuli niyang nakatingin ito sa kaniya, ngunit hindi ito nagtatanong kung ano ang iniisip niya.
Nang tuluyan na siyang tawagin, agad siyang tumayo.
“Ms. Mendoza? Please come with me.”
Napatingin siya kay Robert.
Tumayo rin ito.
“I'll be here,” sabi nito.
Tumango siya bago sumunod sa nurse.
Dinala siya nito sa isang maliit na silid at ipinaliwanag ang proseso. Pagkatapos, inabot sa kaniya ang isang maliit na plastic cup na may takip.
“We'll need a urine sample. Please follow the instructions on the container, and let us know when you're done.”
Tumango si Pam.
Simple lang naman ang hinihingi sa kaniya. Wala pang limang minuto kung tutuusin.
Pero nang maisara niya ang p***o ng banyo, halos sampung minuto muna siyang nanatiling nakatayo bago tuluyang nakaihi.
Hindi niya alam kung bakit ganoon siya katagal. Marahil dahil sa kaba. Marahil dahil sa takot sa magiging sagot.
Pagkatapos ibigay ang sample, pinabalik siya sa waiting area.
Doon niya natuklasang mas mahirap palang maghintay kaysa sumailalim sa pagsusuri.
Lumipas ang sampung minuto.
Dalawampu.
Tatlumpu.
Paminsan-minsan, may nurse na dumaraan, ngunit walang tumatawag sa pangalan niya. Sa bawat pagbukas ng p***o, napapatingin siya, umaasang iyon na ang doktor.
Sa tabi niya, nanatiling tahimik si Robert. Hindi rin nito tiningnan ang cellphone nito o sinubukang magkunwaring abala.
Nang mapansin nitong paulit-ulit siyang tumitingin sa orasan, marahan itong nagsalita.
“They'll come out when they have the result.”
“I know.”
“Then stop checking the clock.”
Napabuntong-hininga siya. “I'm trying.”
“I can tell.”
Napalingon siya rito. “Is that supposed to be comforting?”
“No. It's supposed to remind you that you're making yourself more anxious.”
Napangiti siya nang bahagya sa kabila ng kaba.
“You're really bad at comforting people, Sir.”
“I've been told.”
Naalala niya ang dati nitong sinabi sa kaniya, at sa kabila ng lahat, bahagyang lumuwag ang dibdib niya.
Ngunit hindi nagtagal ang ginhawang iyon.
Nang bumukas ang p***o at lumabas ang doktor, agad na tumayo si Pam.
“Ms. Mendoza? Mr. Villareal? Please come with me.”
Nagpalitan sila ng tingin ni Robert bago sabay na sumunod.
Naupo si Pam sa harap ng doktor habang si Robert ay nasa tabi niya.
May hawak na folder ang doktor at ilang saglit itong nagbasa bago tumingin sa kanila.
“Thank you for waiting. We have the result of the pregnancy test.”
Hindi namalayang napahawak si Pam sa gilid ng upuan.
“Your test is negative.”
Natahimik siya.
Parang may ilang segundong hindi niya naintindihan ang sinabi ng doktor. Tinitigan niya ito, naghihintay na baka may kasunod pang paliwanag na magbabago sa narinig niya.
“Negative?” ulit niya.
Tumango ang doktor.
“Yes. The test did not detect pregnancy at this time.”
Dahan-dahang lumabas ang hangin sa mga baga niya.
Parang may malaking batong matagal niyang pasan na biglang naalis sa dibdib niya. Hindi niya namalayang napapikit na pala siya, at nang imulat niya ang mga mata, halos gusto niyang matawa sa sobrang ginhawa.
Hindi siya buntis.
Hindi niya kailangang gumawa ng desisyong hindi pa siya handang harapin.
Hindi niya kailangang baguhin ang buong buhay niya dahil sa pagkakamaling hindi naman niya ginawa.
“Okay,” mahina niyang sabi. “Okay.”
Ngunit habang unti-unting bumabalik ang normal niyang paghinga, may isa pang katotohanang dahan-dahang pumalit sa ginhawa.
Hindi siya buntis.
Ibig sabihin, walang batang mabubuo mula sa sample na iyon.
At kung wala nang natitirang preserved sperm na magagamit ni Robert, maaaring wala na itong pagkakataong magkaroon ng biological child.
Hindi niya alam kung bakit iyon ang una niyang naisip. Hindi naman siya ang dapat mag-alala sa kinabukasan nito. Hindi rin niya kailangang akuin ang responsibilidad sa nangyari.
Pero nang lingunin niya si Robert, nawala ang bahagyang ngiting kanina lamang ay muntik nang lumitaw sa mukha niya.
Tahimik itong nakaupo, nakatingin sa sahig.
Wala itong sinabi.
Hindi ito nagtanong sa doktor ng karagdagang detalye. Hindi rin nito sinubukang magkunwaring ayos lamang ang lahat.
Nakapatong ang mga kamay nito sa mga hita, magkakaugnay ang mga daliri, habang ang tingin ay nanatiling nakatutok sa iisang bahagi ng sahig.
“Mr. Villareal,” maingat na sabi ng doktor, “I understand that this may be difficult news. We still need to complete the investigation into the laboratory error. We'll also review the available options regarding your stored samples and future treatment plans.”
“Understood,” sagot ni Robert.
Dalawang salita lamang.
Ngunit may kung anong pagkawala sa tinig nito na hindi kayang balewalain ni Pam.
Nagpatuloy ang doktor sa pagpapaliwanag tungkol sa susunod na mga hakbang, sa mga dokumentong kailangan nilang makuha, at sa imbestigasyong hindi pa tapos. Nakinig si Pam at nagtanong tungkol sa sarili niyang records. Sinagot naman ng doktor ang mga tanong niya at sinabing maaari siyang humingi ng kopya ng mga dokumento para sa personal niyang reference.
Gayunpaman, kahit sinusubukan niyang ituon ang pansin sa usapan, paminsan-minsan ay napapatingin siya kay Robert.
Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya.
Nang matapos ang konsultasyon, nagpasalamat sila sa doktor at lumabas ng silid.
Sa hallway, huminto si Pam at bahagyang humarap dito.
“Sir…”
Tumingin si Robert.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Gusto niyang humingi ng paumanhin, kahit alam niyang wala naman siyang ginawang mali. Gusto niyang sabihin na hindi niya ginustong mangyari ito, na hindi niya ginustong madamay sa buhay nito sa ganitong paraan.
Ngunit ano ang saysay ng mga salitang iyon?
Hindi niya kayang baguhin ang resulta. Hindi rin niya kayang ibalik ang posibilidad na nawala rito.
“I…” Napatigil siya.
Sandaling nagtagpo ang mga mata nila.
Pagkatapos, bahagyang tumango si Robert.
“Let's go.”
At wala nang iba.
Tahimik ang biyahe pauwi.
Walang musika. Walang karaniwang komento ni Robert tungkol sa trapiko o sa mga sasakyang masyadong mabagal sa harap nila. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang mga tunog mula sa kalsada ang pumupuno sa loob ng sasakyan.
Nakatitig si Pam sa labas ng bintana.
Ilang beses niyang sinubukang mag-isip ng sasabihin.
“Sir, about the clinic—”
Hindi ito sumagot.
Napalingon siya rito. Nakatuon lamang ang paningin nito sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela.
“Maybe we should ask the doctor about the remaining samples,” dagdag niya pagkaraan ng ilang sandali. “They said they'll still review the records.”
Wala pa ring sagot.
Natahimik siya.
Hindi niya alam kung galit ba ito, kung nasasaktan, o kung sadyang wala lamang itong masabi. Ngunit hindi na niya pinilit.
May mga pagkakataong kahit ang mga salitang pinakamaingat mong pinili ay hindi sapat para maibsan ang sakit ng ibang tao.
Kaya hinayaan niya itong magmaneho.
Nang makarating sila sa apartment niya, saka lamang huminto ang sasakyan.
“Thank you for bringing me home, Sir,” sabi niya habang kinukuha ang bag.
Tumango si Robert.
Binuksan niya ang p***o, ngunit bago pa siya makababa, narinig niya itong magsalita.
“Pam.”
Lumingon siya.
Sa dilim ng sasakyan, halos hindi niya makita nang maayos ang mukha nito. Ang ilaw mula sa poste sa labas ay bahagyang tumatama sa gilid ng mukha nito, ngunit hindi sapat upang mabasa niya ang ekspresyon nito.
“Thank you for coming with me today,” sabi ni Robert. “And I'm sorry for the inconvenience.”
Napatigil siya.
“Inconvenience?”
Bahagya itong tumingin sa kaniya.
“You've already been dragged into a situation you never asked for. I shouldn't have made any part of it more difficult for you.”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
Sa unang pagkakataon mula nang makilala niya ito, parang hindi niya nakikita ang CEO na palaging may sagot sa lahat ng bagay.
Nakita niya lamang ang isang lalaking nakaupo sa dilim ng sariling sasakyan, sinusubukang tanggapin ang isang sagot na marahil ay matagal na niyang kinatatakutan.
“Hindi ninyo ako inabala, Sir,” mahina niyang sabi.
Bahagyang umiling si Robert.
“Good night, Pam.”
Hindi niya nakita nang maayos ang mukha nito, ngunit nang magtama ang kanilang mga mata sa mahinang liwanag, may napansin siyang kislap na hindi niya agad naunawaan.
Parang may namumuong luha sa mga mata nito.
Napahinto ang kamay niya sa hawakan ng p***o.
Hindi siya sigurado. Baka ang ilaw lamang iyon. Baka pagod ang mga mata niya. Baka dahil gusto niyang may masabi o magawa upang maibsan kahit kaunti ang bigat na nakikita niya sa lalaki.
Ngunit nang bahagyang umiwas ng tingin si Robert, nakita niya ang mabilis na pagkislot ng panga nito, na para bang may pinipigilan itong sabihin—o marahil ay may pinipigilang tuluyang lumabas.
At biglang naalala ni Pam ang sinabi nito sa kanilang pag-uusap ilang linggo na ang nakalipas.
You stop knowing how to do anything else.
Marahil, kahit ang pagdadalamhati ay isa sa mga bagay na hindi nito alam kung paano gawin sa harap ng ibang tao.
Hindi siya nagtanong kung umiiyak ba ito.
Hindi rin siya nagkunwaring walang napansin.
Sa halip, marahan siyang nagsalita.
“Good night, Robert.”
Hindi Sir.
Hindi Mr. Villareal.
Robert.
Saglit itong tumingin sa kaniya, at sa maikling sandaling iyon, tila may gustong sabihin ang mga mata nito. Ngunit sa huli, tumango lamang ito.
Bumaba si Pam at isinara ang p***o.
Habang naglalakad siya patungo sa gate ng apartment, narinig niya ang pag-andar muli ng makina. Hindi siya lumingon agad. Hinayaan niyang umalis ang sasakyan bago siya huminto at tumingin sa kalsada.
Wala na ito.
Pumasok siya sa apartment at naupo sa gilid ng kama, hawak pa rin ang bag na hindi niya naibababa mula nang dumating.
Negatibo ang resulta.
Dapat masaya siya. At masaya naman siya—sa isang bahagi ng puso niyang matagal nang natatakot sa mga posibilidad na hindi niya kayang kontrolin.
Ngunit hindi niya maalis sa isip ang mukha ni Robert.
Ang katahimikan nito sa loob ng sasakyan. Ang paraan ng pag-iwas nito ng tingin. Ang bahagyang kislap sa mga mata nitong maaaring luha nga.
Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng ospita; sa kanilang imbestigasyon o kung mayroon pang ibang opsiyong natitira para kay Robert.
Ang alam lamang niya, sa gabing iyon, ang lalaking matagal niyang inakalang walang kinatatakutan ay nagmukhang isang taong nawalan ng isang bagay na matagal na nitong pinanghawakan.
At sa kabila ng lahat ng dahilan para isipin na hindi niya iyon problema, hindi niya kayang hindi malungkot para rito.
Kaya may kung anong nabuong ideya sa isip ni Pam. Siguro dahil sa dami ng pinagdaanan niya ay naging mas adventurous siya.
‘Wala namang mawawala’, naisip niya
At tinawagan niya si Robert.
“Sir sorry may nakalimutan po ako sa sasakyan”.
Nakita ni Pam na lumabas si Robert sa kaniyang opisina ilang minuto matapos niyang ibaba ang tawag mula sa hospital.May hawak itong folder, ngunit hindi nito tiningnan ang mga dokumentong laman niyon. Sa halip, dumako ang paningin nito sa mga empleyadong nasa labas ng kani-kaniyang mesa, tila may hinahanap.At nang magtama ang mga mata nila, natigil si Pam sa pag-aayos ng mga papeles.Hindi niya alam kung gaano katagal silang nagkatitigan. Ilang segundo lamang marahil, ngunit sapat iyon para maintindihan ni Robert na may nangyari. Hindi niya kailangang marinig ang buong usapan sa telepono. Hindi rin kailangang magtanong ni Pam kung bakit ito nakatingin sa kaniya nang ganoon.May kung anong tahimik na pagkakaintindihan sa pagitan nila.Bahagyang tumango si Robert.Napakagat-labi si Pam at tumango rin.Pagkaraan ng ilang sandali, ibinalik ni Robert ang karaniwang ekspresyon sa mukha nito.“Miss Mendoza!”Napalingon ang ilang empleyado.“Inside. Now.”Napakurap si Pam.Aba. Bumalik na a
Isang linggo ang lumipas mula nang gabing matagpuan ni Robert Villareal si Pamela Mendoza sa labas ng kaniyang apartment.At sa loob ng isang linggong iyon, may isang bagay na natuklasan si Pam tungkol sa sarili niya.Hindi pala siya marunong magpahinga.Sa ikalawang araw pa lamang ng kaniyang leave, halos maakyat na niya ang mga dingding ng inuupahan niyang apartment sa sobrang pagkabagot. Nakatapos na siya ng dalawang libro, nakapaglinis ng buong unit, nakapaglaba, nakapagluto, at nakapag-ayos ng mga gamit na hindi naman talaga kailangang ayusin.Pagsapit ng alas-tres ng hapon, nakaupo siya sa sofa habang nakatitig sa kisame.“Ganito pala ang pakiramdam kapag walang ginagawa,” bulong niya.Dati, reklamo niya ang dami ng trabaho. Halos araw-araw, may gusto siyang ibato sa mesa ni Robert dahil sa dami ng dokumentong ipinapasa nito sa kaniya, sa mga biglaang meeting, at sa mga trabahong kailangang matapos kahit lampas na sa oras ng uwian.Ngayon, siya naman ang naghahanap ng gagawin.P
Nagising si Pam sa sinag ng araw na marahang tumatagos sa mga kurtina ng kaniyang apartment.Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago tuluyang maalala ang nangyari kagabi.Ang pagtataksil ni Kyle. Ang pag-amin ng fertility hospital. At si Robert Villareal—ang huling taong inaasahan niyang makikita sa gitna ng lahat ng iyon.Napabuntong-hininga siya at bumangon.Hindi pa man siya nakakapaghilamos ay kinuha na niya ang kaniyang cellphone. Sunod-sunod ang mga notification na bumungad sa screen.Labing-apat na missed calls.Dalawampu't tatlong text messages.Karamihan ay mula kay Kyle.Pam, nasaan ka?Baby, please answer me.We need to talk.I can explain.Napatingin siya sa huling mensahe.Hindi niya naiwasang mapailing.Ano pang explanation ang kailangan? Na tatlong taon siyang naniwala sa isang lalaking kayang halikan ang ibang babae habang sinasabing hindi niya malalaman? O na ang matalik niyang kaibigan ay kayang makipagtalik sa boyfriend niya habang nakikinig sa lahat ng proble
Nagkatinginan silang dalawa, at sa unang pagkakataon, wala siyang nakitang pagkainis sa mata nito.Sa halip, may kung anong bigat sa mukha nitong hindi niya kayang ipaliwanag.''"Miss Mendoza," malamig nitong bati."Sir? Ano po ang ginagawa niyo dito?"Bago pa ito makasagot, pumasok ang doktor at isinara ang pinto."Hello, thank you for coming. I understand that the situation is unexpected. But we need to discuss a serious issue concerning the IVF procedure."Napalunok si Pam."Ano po konek ng IVF procedure sa records ko? Pap smear lamang ang ipinunta ko last week."Nagpalitan ng tingin ang doktor at si Adrian."Unfortunately, it may be more serious than," sagot ng doktor. "Our preliminary investigation suggests that an embryo-identification error may have occurred during the transfer process.”"Embryo-identification error? Ano po ibig niyong sabihin, hindi ko maintindihan." guong -gulo kong tanong."Based on the records currently available to us, the embryo transferred to you may hav
'Breathe in, breathe out, breathe in...'Alas siyete pa lang ng umaga, nakailang meditation ritual na si Pam. Para bang gusto na niyang umuwi.Nakatayo siya ngayon sa harap ng opisina ng pinakakinatatakutan niya. Wala pa siya sa loob, ngunit naririnig na niya ang malakas na kabog ng sarili niyang dibdib.Pumasok na siya at marahang isinara ang pinto. Tumambad sa kaniya ang malaking lamesa na puno ng dokumento at sa kabilang panig ay ang upuan na nakatalikod sa kaniya."Good morning si-" "Asan na?" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang pinutol na siya nito. Humigpit ang hawak niya sa makapal na folder na buong gabi niyang inayos, tumatawag sa lahat ng santo na sana ay hindi sa kaniya ipaulit.Ipinatong niya ito sa lamesa nang biglang umikot ang upuan. Si Robert Villareal. Siya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kilala siya sa pagiging strikto. Paano ba naman ay bata pa lamang ito nang mamana ang pamamahala sa kumpanya ng kanilang pamilya. At sa loob lamang ng ilang b







