MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY

MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY

last updateLast Updated : 2026-11-06
By:  bunnyOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
20views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa buong pagaakala ni Pamela Mendoza, ang pinakamasamang mangyayari sa buhay niya ay mahuli ang long-term boyfriend niyang may ibang babae—at ang babaeng 'yon ay walang iba kundi ang sarili niyang best friend. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang malas niya. Sa mismong panahong pilit nawasak ang kaniyang pagkatao dahil sa pagtataksil, isang tawag mula sa ospital ang tuluyang gumulo sa buhay niya. Dahil sa isang pagkakamali sa IVF procedure, nadamay siya sa isang bagay na hindi niya kailanman pinangarap, at ang lalaking sangkot dito ay walang iba kundi si Robert Villareal, ang malamig at striktong CEO. Si Robert, na sanay na kontrolado ang lahat, ay may sarili ring laban na pilit itinatago sa likod ng kanyang awtoridad at malamig na tingin. Wala sa kanilang dalawa ang humiling ng ganitong gulo. Pero habang pilit nilang hinaharap ang mga komplikasyong iniwan ng isang pagkakamali, unti-unting nagbabago ang tingin ni Pam sa lalaking dati'y gusto lang niyang layuan. Ang problema? Amo niya ito. Hindi niya ito dapat mahalin. At may mga katotohanang mas masakit kaysa sa inaakala nila. Dahil minsan, ang isang pagkakamali ay hindi lang basta sumisira sa mga plano mo. Minsan, binabago nito kung sino ang mamahalin mo—at kung ano ang handa mong mawala kapalit nito.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

'Breathe in, breathe out, breathe in...'

Alas siyete pa lang ng umaga, nakailang meditation ritual na si Pam. Para bang gusto na niyang umuwi.

Nakatayo siya ngayon sa harap ng opisina ng pinakakinatatakutan niya. Wala pa siya sa loob, ngunit naririnig na niya ang malakas na kabog ng sarili niyang dibdib.

Pumasok na siya at marahang isinara ang p***o. Tumambad sa kaniya ang malaking lamesa na puno ng dokumento at sa kabilang panig ay ang upuan na nakatalikod sa kaniya.

"Good morning si-" 

"Asan na?"  Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang pinutol na siya nito. Humigpit ang hawak niya sa makapal na folder na buong gabi niyang inayos, tumatawag sa lahat ng santo na sana ay hindi sa kaniya ipaulit.

Ipinatong niya ito sa lamesa nang biglang umikot ang upuan. 

Si Robert Villareal. Siya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kilala siya sa pagiging strikto. Paano ba naman ay bata pa lamang ito nang mamana ang pamamahala sa kumpanya ng kanilang pamilya. At sa loob lamang ng ilang buwan ay nagawa niyang palaguin ang negosyo na hindi inasahan ng marami.

Matalino siya, mahusay, at nakakatakot.

Lalo na kung ikaw ang secretary niya. Perfect dapat ang lahat. 

Kinuha nito ang folder at nakakunot ang noo habang binabasa ang laman.

"Did you double-check this?"

"Yes, sir."

"Sigurado ka?"

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.

"Bakit wala ang page 10?"

Napatingin siya sa folder. Naka ilang ulit niyang sinuri ang mga pahina kagabi.

"I'll check it again, Sir"

"You should have checked it again before handing it to me."

"Yes, sir. I'm sorry"

I'm sorry.

Iyan na naman.

Parang 'yan na lang ang palagi niyang sinasabi sa opisina.

"Fix it before the meeting," malamig na utos nito bago tumalikod.

Napabuntong-hininga hininga nalang si Pam.

Hindi pa siya nag-aalmusal. Dalawang oras pa lang ang tulog niya sa dami ng trabahong kailangan niyang tapusin. At ngayong araw pa talaga nangyari ang lahat.

Gayunpaman, kailangan niyang tatagan. Para sa trabaho. Para sa kinabukasan niya.

At para sa buhay na matagal na niyang pinapangarap.

Dahil kahit gaano kahirap ang araw niya, may isang bagay siyang inaabangan pag-uwi.

Ang boyfriend niyang si Kyle.

Maglilimang taon na rin silang magkasintahan. Sinagot niya ito bago ang graduation nila at hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya dito. 

Maraming beses nang naging sandalan niya si Kyle sa mga araw na pakiramdam niya ay hindi na niya kaya. Siya ang tinatakbuhan ni Pam kapag gusto nitong umiyak, magreklamo, o kahit simpleng manahimik lamang sa tabi ng taong nakakauunawa sa kaniya.

Kaya kahit pagod na siya, hindi niya hahayaang masira nito ang plano nila para sa future.

***

Ala-sais na ng gabi at ramdam na niya ang halo-halong pagod sa katawan niya.

"Miss Mendoza."

Napatuwid agad siya nang marinig ang boses ni Robert. Nakatayo ito sa tabi ng cubicle niya

"Yes, Sir?"

"Have the documents prepared for tomorrow's meeting by eight tonight. Send them to my email before you leave. And, again, double-check them."

Saglit siyang natigilan.

"Sir, I was hoping I could leave a little early today. It's my boyfriend's birthday, I-"

"Not my problem. You should have planned your schedule better."

Napatikom ang kaniyang bibig.

"Is there a problem with my instruction?"

"No, sir," tahimik niyang sagot.

"Good," At tuluyan na itong umalis.

Napaupo siya na para bang nanghihina at may mabigat na pakiramdam sa dibdib.

Naiinis siya. Gusto niyang magalit. Gusto niyang isigaw na tao rin siya. May buhay siya sa labas ng opisina, na hindi umiikot ang buong mundo niya sa kumpanyang ito.

Pero may magagawa ba siya?

Kailangan niya ang trabaho.

Nilunok na lamang niya ang sama ng loob at nagmadaling tapusin ang dokumento, ipinadala bago mag-alas-otso, at saka nag-ayos nang madalian sa banyo ng opisina.

Sinalubong siya ng isang pagod na mukha sa salamin.

Bahagyang kumalat ang kaniyang lipstick at magulo ang hibla ng buhok. Halatang kulang siya sa tulog.

"okay lang," bulong niya sa sarili habang inaayos ang buhok. "Birthday naman ni Kyle ngayon." 

Ngumiti siya.

Kahit papaano, may dahilan pa rin siyang masaya.

***

Bitbit ang maliit na kahon ng regalo at ang paboritong cake ni Kyle, mabilis na naglakad si Alyssa patungo sa apartment nito.

Ilang linggo rin niyang pinag-isipan ang regalo na binili niya. Espesyal si Kyle at deserve niya ang espesyal na regalo.

Pinili niya rin ang flavor na paborito nito. Ube.

Habang naglalakad, naalala niya ang unang pagkakataon na pinag-usapan nila ang kanilang kinabukasan. 

"Someday, kapag mas stable na tayo, gusto kong bumuo tayo ng pamilya,"

sabi nito noon.

At naniwala siya.

Naniniwala siya na balang araw, hindi na niya kailangang mag-overtime hanggang gabi. Hindi na niya kailangang pagtiisan ang nakakatakot na boss niya. Magkakaroon sila ng sariling bahay, at sa wakas ay mararanasan din niya ang isang buhay na hindi puro pagod at stress.

Napangiti siya habang iniisip ito.

Sa kabila ng pagod, ramdam niya sa kaniyang dibdib ang saya habang inaalala ang mga pangako sa kaniya ni Kyle.

Ngayong gabi, gusto niyang maging espesyal para kay Kyle.

Kahit isang gabi lang.

Pagdating sa apartment nito, nagtaka siya sa bahagyang nakabukas na p***o.

"Nakalimutan niya siguro...," naisip niya

Pumasok siya nang tahimik, balak sanang sorpresahin ito.

Ngunit bago pa man siya makarating sa sala, narinig na niya ang isang mahinang halakhak.

Napatigil siya.

Pamilyar ang boses.

Sobrang pamilyar.

Huminto siya sa paglalakad.

At nang sumilip siya sa sala, tila gumuho ang mundo niya.

Naroon si Kyle at kasama niya ang matalik niyang kaibigan na si Bianca.

Magkalapit ang dalawa sa sofa. Nakapatong ang kamay nito sa baywang ng babae, habang nakasandal naman si Bianca sa dibdib nito.

Pagkatapos, hinalikan ni Kyle ang babae.

Sa labi.

Nanginig ang daliri ni Pam.

Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa kahong dala niya. Ang regalong ilang linggo niyang pinagplanuhan. Ang cake na pinili niya nang maingat. Ang gabing ilang oras niyang inasam na matapos ang isang nakakapagod na araw.

Lahat ng iyon ay naging katawa-tawa.

Hindi.

Baka may paliwanag.

Baka—

Muling naghalikan ang dalawa.

At sa pagkakataong iyon, wala nang puwang para sa mga palusot na pilit niyang binubuo sa isip niya.

"Kyle, what if someone finds out? What if Pam finds out?" mahinang tanong ni Bianca.

Tumawa si Kyle.

"Relax. Pam won't know. Sobrang busy nun sa work para makaramdam"

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya.

Pam won't know.

Limang taon.

Limang taon niyang minahal. Limang taon niyang pinaniwalaan ang mga pangako nito. Ilang beses niyang sinisisi ang sarili sa tuwing nag-aaway sila, iniisip na dahil sa pagiging busy niya sa trabaho kaya hindi niya naibibigay ang oras na kailangan nito, na baka masyado lang din siyang demanding, sensitibo, o hindi sapat.

At ang kaibigan niyang si Bianca—ang babaeng pinagsasabihan niya ng lahat ng problema, ang babaeng tinuring niyang kapatid—ay kasama rin pala sa kasinungalingan.

Hindi niya napansin na tumulo na pala ang mga luha niya.

Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang ihagis ang cake sa kanilang dalawa. Gusto niyang itanong kung kailan nagsimula, kung ilang beses silang nagsinungaling, kung may kaunting hiya pa ba sila.

Pero walang salitang lumabas sa bibig niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kahon ng cake at nagmamadaling umalis.

***

Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang naglalakad nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Unknown number.

Hindi niya ito pinansin, ngunit tumawag itong muli.

Sa huli, sinagot niya.

"Hello?"

"Good evening. Is this Miss Pamela Mendoza?"

"Yes, Who's this?"

"Hello Ma'am, this is from St. Catherine Hospital. We need you to come as soon as possible regarding your IVF treatment."

Kumunot ang noo niya.

"Mali po yata ang tinawagan niyo. Hindi po ako nag-avail ng IVF treatment"

"You came in last week for a gynecological routine exam?"

"Oo, pero check-up lang yun," sagot ko.

"There appears to be a discrepancy in the patient-identification records associated with your procedure. The doctor needs to speak with you in person."

"Anong ibig niyong sabihin?" gulong-gulo kong tanong.

I'm sorry, Ma'am. We cannot explain everything over the phone. Could you please come tonight?"

Pagkababa niya ng tawag, ilang segundo siyang nakatitig sa cellphone.

Ba't hindi matapos-tapos ang problema?

Hindi pa sapat ang lahat ng nangyari ngayong araw?

Gayunpaman, sumakay siya ng taxi at nagtungo sa ospital.

Pagdating niya roon, sinalubong siya ng isang nurse at dinala sa isang pribadong consultation room.

Natigilan siya sa nakita niya sa pagbukas ng p***o.

Sa isang upuan ay nakaupo ang lalaking pinakahuling inaasahan niyang makita roon.

Si Robert Villareal.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status