
MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY
Sa buong pagaakala ni Pamela Mendoza, ang pinakamasamang mangyayari sa buhay niya ay mahuli ang long-term boyfriend niyang may ibang babae—at ang babaeng 'yon ay walang iba kundi ang sarili niyang best friend.
Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang malas niya.
Sa mismong panahong pilit nawasak ang kaniyang pagkatao dahil sa pagtataksil, isang tawag mula sa ospital ang tuluyang gumulo sa buhay niya. Dahil sa isang pagkakamali sa IVF procedure, nadamay siya sa isang bagay na hindi niya kailanman pinangarap, at ang lalaking sangkot dito ay walang iba kundi si Robert Villareal, ang malamig at striktong CEO.
Si Robert, na sanay na kontrolado ang lahat, ay may sarili ring laban na pilit itinatago sa likod ng kanyang awtoridad at malamig na tingin.
Wala sa kanilang dalawa ang humiling ng ganitong gulo. Pero habang pilit nilang hinaharap ang mga komplikasyong iniwan ng isang pagkakamali, unti-unting nagbabago ang tingin ni Pam sa lalaking dati'y gusto lang niyang layuan.
Ang problema? Amo niya ito. Hindi niya ito dapat mahalin. At may mga katotohanang mas masakit kaysa sa inaakala nila.
Dahil minsan, ang isang pagkakamali ay hindi lang basta sumisira sa mga plano mo.
Minsan, binabago nito kung sino ang mamahalin mo—at kung ano ang handa mong mawala kapalit nito.
Basahin
Chapter: CHAPTER 5Nakita ni Pam na lumabas si Robert sa kaniyang opisina ilang minuto matapos niyang ibaba ang tawag mula sa hospital.May hawak itong folder, ngunit hindi nito tiningnan ang mga dokumentong laman niyon. Sa halip, dumako ang paningin nito sa mga empleyadong nasa labas ng kani-kaniyang mesa, tila may hinahanap.At nang magtama ang mga mata nila, natigil si Pam sa pag-aayos ng mga papeles.Hindi niya alam kung gaano katagal silang nagkatitigan. Ilang segundo lamang marahil, ngunit sapat iyon para maintindihan ni Robert na may nangyari. Hindi niya kailangang marinig ang buong usapan sa telepono. Hindi rin kailangang magtanong ni Pam kung bakit ito nakatingin sa kaniya nang ganoon.May kung anong tahimik na pagkakaintindihan sa pagitan nila.Bahagyang tumango si Robert.Napakagat-labi si Pam at tumango rin.Pagkaraan ng ilang sandali, ibinalik ni Robert ang karaniwang ekspresyon sa mukha nito.“Miss Mendoza!”Napalingon ang ilang empleyado.“Inside. Now.”Napakurap si Pam.Aba. Bumalik na a
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 4Isang linggo ang lumipas mula nang gabing matagpuan ni Robert Villareal si Pamela Mendoza sa labas ng kaniyang apartment.At sa loob ng isang linggong iyon, may isang bagay na natuklasan si Pam tungkol sa sarili niya.Hindi pala siya marunong magpahinga.Sa ikalawang araw pa lamang ng kaniyang leave, halos maakyat na niya ang mga dingding ng inuupahan niyang apartment sa sobrang pagkabagot. Nakatapos na siya ng dalawang libro, nakapaglinis ng buong unit, nakapaglaba, nakapagluto, at nakapag-ayos ng mga gamit na hindi naman talaga kailangang ayusin.Pagsapit ng alas-tres ng hapon, nakaupo siya sa sofa habang nakatitig sa kisame.“Ganito pala ang pakiramdam kapag walang ginagawa,” bulong niya.Dati, reklamo niya ang dami ng trabaho. Halos araw-araw, may gusto siyang ibato sa mesa ni Robert dahil sa dami ng dokumentong ipinapasa nito sa kaniya, sa mga biglaang meeting, at sa mga trabahong kailangang matapos kahit lampas na sa oras ng uwian.Ngayon, siya naman ang naghahanap ng gagawin.P
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 3Nagising si Pam sa sinag ng araw na marahang tumatagos sa mga kurtina ng kaniyang apartment.Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago tuluyang maalala ang nangyari kagabi.Ang pagtataksil ni Kyle. Ang pag-amin ng fertility hospital. At si Robert Villareal—ang huling taong inaasahan niyang makikita sa gitna ng lahat ng iyon.Napabuntong-hininga siya at bumangon.Hindi pa man siya nakakapaghilamos ay kinuha na niya ang kaniyang cellphone. Sunod-sunod ang mga notification na bumungad sa screen.Labing-apat na missed calls.Dalawampu't tatlong text messages.Karamihan ay mula kay Kyle.Pam, nasaan ka?Baby, please answer me.We need to talk.I can explain.Napatingin siya sa huling mensahe.Hindi niya naiwasang mapailing.Ano pang explanation ang kailangan? Na tatlong taon siyang naniwala sa isang lalaking kayang halikan ang ibang babae habang sinasabing hindi niya malalaman? O na ang matalik niyang kaibigan ay kayang makipagtalik sa boyfriend niya habang nakikinig sa lahat ng proble
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 2Nagkatinginan silang dalawa, at sa unang pagkakataon, wala siyang nakitang pagkainis sa mata nito.Sa halip, may kung anong bigat sa mukha nitong hindi niya kayang ipaliwanag.''"Miss Mendoza," malamig nitong bati."Sir? Ano po ang ginagawa niyo dito?"Bago pa ito makasagot, pumasok ang doktor at isinara ang pinto."Hello, thank you for coming. I understand that the situation is unexpected. But we need to discuss a serious issue concerning the IVF procedure."Napalunok si Pam."Ano po konek ng IVF procedure sa records ko? Pap smear lamang ang ipinunta ko last week."Nagpalitan ng tingin ang doktor at si Adrian."Unfortunately, it may be more serious than," sagot ng doktor. "Our preliminary investigation suggests that an embryo-identification error may have occurred during the transfer process.”"Embryo-identification error? Ano po ibig niyong sabihin, hindi ko maintindihan." guong -gulo kong tanong."Based on the records currently available to us, the embryo transferred to you may hav
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 1'Breathe in, breathe out, breathe in...'Alas siyete pa lang ng umaga, nakailang meditation ritual na si Pam. Para bang gusto na niyang umuwi.Nakatayo siya ngayon sa harap ng opisina ng pinakakinatatakutan niya. Wala pa siya sa loob, ngunit naririnig na niya ang malakas na kabog ng sarili niyang dibdib.Pumasok na siya at marahang isinara ang pinto. Tumambad sa kaniya ang malaking lamesa na puno ng dokumento at sa kabilang panig ay ang upuan na nakatalikod sa kaniya."Good morning si-" "Asan na?" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang pinutol na siya nito. Humigpit ang hawak niya sa makapal na folder na buong gabi niyang inayos, tumatawag sa lahat ng santo na sana ay hindi sa kaniya ipaulit.Ipinatong niya ito sa lamesa nang biglang umikot ang upuan. Si Robert Villareal. Siya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kilala siya sa pagiging strikto. Paano ba naman ay bata pa lamang ito nang mamana ang pamamahala sa kumpanya ng kanilang pamilya. At sa loob lamang ng ilang b
Huling Na-update: 2026-11-06