Share

CHAPTER 2

Author: bunny
last update publish date: 2026-11-06 14:33:02

Nagkatinginan silang dalawa, at sa unang pagkakataon, wala siyang nakitang pagkainis sa mata nito.

Sa halip, may kung anong bigat sa mukha nitong hindi niya kayang ipaliwanag.''

"Miss Mendoza," malamig nitong bati.

"Sir? Ano po ang ginagawa niyo dito?"

Bago pa ito makasagot, pumasok ang doktor at isinara ang p***o.

"Hello, thank you for coming. I understand that the situation is unexpected. But we need to discuss a serious issue concerning the IVF procedure."

Napalunok si Pam.

"Ano po konek ng IVF procedure sa records ko? Pap smear lamang ang ipinunta ko last week."

Nagpalitan ng tingin ang doktor at si Adrian.

"Unfortunately, it may be more serious than," sagot ng doktor. "Our preliminary investigation suggests that an embryo-identification error may have occurred during the transfer process.”

"Embryo-identification error? Ano po ibig niyong sabihin, hindi ko maintindihan." guong -gulo kong tanong.

"Based on the records currently available to us, the embryo transferred to you may have been created using Mr. Villareal's sperm.”

Dahan-dahang napalingin si Pam sa kaniyang boss.

Hindi siya makapagsalita.

Hindi rin gumalaw si Robert.

"Huh?"

Iyon lamang ang tanging salitang nakayanan ni Pam.

Napailing siya, saka napatawa nang mahina. Hindi dahil may nakakatawa sa sinabi ng doktor, kundi dahil pakiramdam niya ay may kung anong bahagi ng kaniyang utak na tuluyan nang sumuko sa lahat ng nangyayari.

"Sorry pero I think you've made a mistake."

"Miss Mendoza we understand how distressing this is."

"Distressing?" ulit niya. "Sinasabi niyo sakin na nagkamali kayo at nailagay sa akin ang sperm ng lalaking hindi ko kaano-ano, at ang kaya niyo lang sabihin ay distressing?"

Tumayo si Pam sa kinauupuan niya.

"I didn't consent to this. Paano kayo nagkamali sa isang bagay na ganito kahalaga?'

Hindi agad sumagot ang doktor.

Binuksan nito ang folder sa mesa at maingat na inilabas ang ilang dokumento.

"Mr. Villareal's sample was collected and preserved for use in an assisted reproduction procedure involving his gestational surrogate. During our preliminary review of the laboratory records, we identified inconsistencies between the sample identification numbers and the documentation associated with the procedure, leading us to believe that your file was interchanged with the surrogate's records.

Napahawak si Pam sa kaniyang ulo."

Hindi niya alam kung alin sa lahat ng iyon ang dapat niyang unahing intindihin.

Ang boyfriend niyang niloko siya.

Ang kaibigan niyang kasabwat nito.

O ang doktor na nagsasabing aksidenteng nailagay sa kaniya ang sperm ng isang lalaki.

Lalaking nasa harapan niya, na araw-araw niyang nakakasalamuha sa opisina, ngunit halos hindi niya kayang kausapin nang hindi kinakabahan.

Napapikit si Pam. 

Gusto niyang umiyak. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang may magpaliwanag kung paano nagawang mangyari ang ganitong pagkakamali sa isang ospital na pinagkatiwalaan niya.

Ngunit higit sa lahat, gusto niyang makauwi at magising na lamang kinabukasan na parang bangungot lang ang lahat.

"Am I pregnant?" bigla niyang tanong.

Saglit na natahimik ang doktor.

“It's too early to confirm whether the sperm has fertilized your egg. Even if fertilization and transfer occurred, a viable pregnancy is not guaranteed. We will need to perform the appropriate follow-up tests at the medically indicated time.”

Hindi pa sigurado.

Napahawak siya sa sandalan ng upuan. 

Hindi niya alam kung dapat ba siyang makaramdam ng ginhawa o mas lalo pang matakot. Hindi niya kailanman pinangarap na maging ina sa ganitong paraan.

Sa totoo lang, hindi pa siya handang magkaroon ng anak.

At kung magkakaroon man siya, gusto niyang mangyari iyon sa panahong handa na siya—sa panahong may sapat siyang pera, may sarili siyang tahanan, at hindi niya kailangang mag-alala kung paano niya bubuhayin ang sarili niya.

Hindi sa isang gabi kung kailan gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan niya.

“Hindi ko ito ginusto,” bulong niya.

Sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilang tumulo ang kaniyang mga luha.

“Ano ang gusto mong gawin?”

Napalingon si Pam kay Robert.

Iyon ang unang pagkakataong narinig niya itong magtanong nang walang halong utos o pagkainis, pero hindi niya nagustuhan ang tanong.

"Anong ibig mong sabihin?"

“I mean, if the pregnancy is confirmed, what do you intend to do?”

Napatitig siya rito.

“Are you seriously asking me that right now?”

"Pam-"

Itinaas niya ang kamay upang pigilan ito. “Hindi mo puwedeng itanong sa akin iyan na para bang may plano na ako. Hindi ko nga alam kung buntis ako!”

Napatahimik si Robert.

“I'm sorry.”

Halos hindi siya makapaniwala sa narinig.

Si Robert Villareal, ang lalaking kayang bumulabog ng buong meeting dahil lamang sa isang maling numero sa report, ay humihingi ng tawad.

Ngunit hindi ito sapat para mapawi ang takot niya.

“Kung mabuntis ako, hindi ko alam kung kaya kong ipagpatuloy ito,” sabi niya sa wakas. "Lalo nang hindi tayo magkaano-ano."

May kung anong dumaan sa mukha ni Robert, ngunit mabilis din iyong nawala.

“I understand.”

"Talaga ba?"

Nanginginig ang boses niya.

"Dahil hindi ikaw ang kailangang magdala ng bata sa loob ng siyam na buwan. Hindi ikaw ang kailangang humarap sa lahat ng pagbabago sa katawan mo. Hindi ikaw ang kailangang mag-isip kung paano mo pagsasabayin ang trabaho, ang buhay mo, at ang responsibilidad na hindi mo naman pinili.”

Hindi sumagot si Robert.

“Kung mabuntis ako at magpatuloy ang pagbubuntis, ako ang kailangan mabuhay kasama ang mga kahihinatnan nito. Kaya huwag mong asahan na basta na lang ako papayag dahil lamang gusto mong magkaroon ng anak.”

Dahang-dahang tumango ito.

“I won't ask you to make a decision tonight.”

“Good. Because I'm not making one.”

“There's something else you should know.”

Muling napatingin si Pam sa doktor.

“Mr. Villareal had preserved sperm before beginning treatment for a medical condition. His sample was intended for the surrogate who had agreed to carry his child.”

Napalingon siya kay Robert.

"Treatment?"

Sa unang pagkakataon, tila nag-alinlangan ang lalaki.

Pagkaraan ng ilang segundo, inilabas nito ang isang medical report mula sa bag nito.

“I have a brain tumor.”

Napatigil si Pam.

"Ano?"

"I was diagnosed months ago. I'm undergoing treatment, and my doctors are monitoring the condition closely. I don't know what the long-term outcome will be.”

Biglang tila lumiit ang silid.

Sa kabila ng lahat ng galit niya, hindi niya inaasahang maririnig ang mga salitang iyon mula sa kanyang boss.

“Because of my condition and the treatment I may need, I had my sperm preserved before beginning the next stage of treatment. I wanted to have a biological child while I still had the opportunity.”

“Pero may surrogate ka na,” mahinang sabi niya.

“Yes.”

“Kung ganoon, bakit mo ako hinihilingang—”

“I'm not asking you to replace her,” mabilis na sagot ni Robert. "And I'm not asking you to make a decision out of pity."

Napatingin si Pam sa medical report na hawak nito.

“This may be my last realistic opportunity to have a biological child. I know that's not your responsibility. I know you never agreed to any of this. But if the pregnancy is viable, I hope you'll at least consider continuing it.”

Napailing si Alyssa.

“Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ko kayang isipin ang lahat ng iyan ngayon!”

“I do understand that you're overwhelmed.”

“Then stop asking me to consider your future when I don't even know what will happen to mine!”

Natahimik si Robert.

Pagkaraan ng ilang sandali, marahan itong nagsalita.

“If you decide to continue the pregnancy, I'll provide financial support. Your medical expenses, housing, and any reasonable assistance you need. I'll make sure everything is documented legally, and you won't be expected to depend on me personally.”

Napatawa si Pam ng mapait.

Pera.

"I'm not saying money will solve this, but it's something I can guarantee.

Sa unang pagkakataon, nakita niyang hindi ito nagsasalita bilang isang CEO na sanay mag-utos. Nagsasalita ito bilang isang taong natatakot na baka maubusan ng panahon.

Ngunit hindi niya kayang akuin ang takot nito.

May sarili siyang takot na kailangan harapin.

“I need time,” mariin niyang sabi. “Hindi ako pipirma ng kahit ano. Hindi ako mangangako ng kahit ano. At hindi ako magdedesisyon ngayong gabi.”

“I won't pressure you.”

May kumatok sa p***o bago pa man makapagsalita ang doktor.

Pumasok ang isang lalaking naka-amerikana, may dalang folder at business card.

“I represent the clinic's legal department,” pagpapakilala nito. “We've been informed of the preliminary findings, and we would like to ensure that the matter is handled appropriately.”

Napakunot ang noo ni Pam.

Ipinaliwanag ng abogado na magpapatuloy ang imbestigasyon at na kailangan munang beripikahin ang lahat ng dokumento bago makagawa ng pinal na konklusyon.

Binanggit din nito ang pangangailangang panatilihing kumpidensiyal ang impormasyon habang hindi pa kumpleto ang pagsusuri.

“We ask that you refrain from making public statements until the facts have been established,” dagdag nito. “The hospital will provide further information through the appropriate channels.”

“Bakit? Dahil natatakot kayong malaman ng publiko ang ginawa ninyo?”

“That's not what I'm saying, Miss Mendoza. We want to protect the privacy of everyone involved.”

Napatingin siya kay Robert.

“Gusto kong makuha ang kopya ng lahat ng dokumentong may kinalaman sa procedure ko,” sabi niya. “At gusto kong makipag-usap sa sarili kong abogado bago ako pumirma o sumang-ayon sa anumang kasunduan.”

Tumango ang abogado.

“Of course.”

Tumayo si Pam at kinuha ang kanyang bag at ang regalong hindi man lang nakita ng pagbibigyan.

Gusto na niyang umalis.

"Pam."

Huminto siya nang tawagin siya ni Robert.

“I can arrange a car for you.”

“No, thank you.”

“It's late.”

“I said no.”

Hindi ito sumagot.

Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.

"I can handle myself."

Saglit siyang tinitigan ni Robert bago dahan-dahang tumango.

Lumabas si Pam ng silid nang hindi lumilingon. 

Sa labas ng ospital, malamig ang hangin. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at inilabas ang cellphone.

May mga missed call mula kay Marco.

Hindi niya sinagot ang mga iyon.

Sa halip, pinatay niya ang cellphone at ipinikit ang mga mata.

Ngayong gabi, nawala ang lalaking minahal niya. Nayanig ang tiwalang ibinigay niya sa kaniyang kaibigan. At ngayon, kailangan niyang harapin ang posibilidad na ang kaniyang katawan ay maaaring magdala ng isang buhay na hindi niya kailanman pinlanong likhain.

Hindi niya alam kung buntis siya.

Hindi niya alam kung ano ang magiging resulta ng imbestigasyon.

At hindi niya alam kung paano siya haharap sa CEO na araw-araw nagpapahirap sa buhay niya.

Ngunit alam niyang hindi siya papayag na iba ang magpasya para sa kaniya.

Hindi ang klinika.

Hindi si Robert Villareal. 

At lalong hindi ang mundong tiyak na huhusga sa kaniya nang hindi man lamang nalalaman ang buong katotohanan.

Sa unang pagkakataon sa buong maghapong iyon, pinayagan ni Alyssa ang sarili niyang umiyak.

Dahil bukas, kailangan na naman niyang maging matatag.

At sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY   CHAPTER 5

    Nakita ni Pam na lumabas si Robert sa kaniyang opisina ilang minuto matapos niyang ibaba ang tawag mula sa hospital.May hawak itong folder, ngunit hindi nito tiningnan ang mga dokumentong laman niyon. Sa halip, dumako ang paningin nito sa mga empleyadong nasa labas ng kani-kaniyang mesa, tila may hinahanap.At nang magtama ang mga mata nila, natigil si Pam sa pag-aayos ng mga papeles.Hindi niya alam kung gaano katagal silang nagkatitigan. Ilang segundo lamang marahil, ngunit sapat iyon para maintindihan ni Robert na may nangyari. Hindi niya kailangang marinig ang buong usapan sa telepono. Hindi rin kailangang magtanong ni Pam kung bakit ito nakatingin sa kaniya nang ganoon.May kung anong tahimik na pagkakaintindihan sa pagitan nila.Bahagyang tumango si Robert.Napakagat-labi si Pam at tumango rin.Pagkaraan ng ilang sandali, ibinalik ni Robert ang karaniwang ekspresyon sa mukha nito.“Miss Mendoza!”Napalingon ang ilang empleyado.“Inside. Now.”Napakurap si Pam.Aba. Bumalik na a

  • MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY   CHAPTER 4

    Isang linggo ang lumipas mula nang gabing matagpuan ni Robert Villareal si Pamela Mendoza sa labas ng kaniyang apartment.At sa loob ng isang linggong iyon, may isang bagay na natuklasan si Pam tungkol sa sarili niya.Hindi pala siya marunong magpahinga.Sa ikalawang araw pa lamang ng kaniyang leave, halos maakyat na niya ang mga dingding ng inuupahan niyang apartment sa sobrang pagkabagot. Nakatapos na siya ng dalawang libro, nakapaglinis ng buong unit, nakapaglaba, nakapagluto, at nakapag-ayos ng mga gamit na hindi naman talaga kailangang ayusin.Pagsapit ng alas-tres ng hapon, nakaupo siya sa sofa habang nakatitig sa kisame.“Ganito pala ang pakiramdam kapag walang ginagawa,” bulong niya.Dati, reklamo niya ang dami ng trabaho. Halos araw-araw, may gusto siyang ibato sa mesa ni Robert dahil sa dami ng dokumentong ipinapasa nito sa kaniya, sa mga biglaang meeting, at sa mga trabahong kailangang matapos kahit lampas na sa oras ng uwian.Ngayon, siya naman ang naghahanap ng gagawin.P

  • MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY   CHAPTER 3

    Nagising si Pam sa sinag ng araw na marahang tumatagos sa mga kurtina ng kaniyang apartment.Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago tuluyang maalala ang nangyari kagabi.Ang pagtataksil ni Kyle. Ang pag-amin ng fertility hospital. At si Robert Villareal—ang huling taong inaasahan niyang makikita sa gitna ng lahat ng iyon.Napabuntong-hininga siya at bumangon.Hindi pa man siya nakakapaghilamos ay kinuha na niya ang kaniyang cellphone. Sunod-sunod ang mga notification na bumungad sa screen.Labing-apat na missed calls.Dalawampu't tatlong text messages.Karamihan ay mula kay Kyle.Pam, nasaan ka?Baby, please answer me.We need to talk.I can explain.Napatingin siya sa huling mensahe.Hindi niya naiwasang mapailing.Ano pang explanation ang kailangan? Na tatlong taon siyang naniwala sa isang lalaking kayang halikan ang ibang babae habang sinasabing hindi niya malalaman? O na ang matalik niyang kaibigan ay kayang makipagtalik sa boyfriend niya habang nakikinig sa lahat ng proble

  • MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY   CHAPTER 2

    Nagkatinginan silang dalawa, at sa unang pagkakataon, wala siyang nakitang pagkainis sa mata nito.Sa halip, may kung anong bigat sa mukha nitong hindi niya kayang ipaliwanag.''"Miss Mendoza," malamig nitong bati."Sir? Ano po ang ginagawa niyo dito?"Bago pa ito makasagot, pumasok ang doktor at isinara ang pinto."Hello, thank you for coming. I understand that the situation is unexpected. But we need to discuss a serious issue concerning the IVF procedure."Napalunok si Pam."Ano po konek ng IVF procedure sa records ko? Pap smear lamang ang ipinunta ko last week."Nagpalitan ng tingin ang doktor at si Adrian."Unfortunately, it may be more serious than," sagot ng doktor. "Our preliminary investigation suggests that an embryo-identification error may have occurred during the transfer process.”"Embryo-identification error? Ano po ibig niyong sabihin, hindi ko maintindihan." guong -gulo kong tanong."Based on the records currently available to us, the embryo transferred to you may hav

  • MY SECRETARY’S ACCIDENTAL PREGNANCY   CHAPTER 1

    'Breathe in, breathe out, breathe in...'Alas siyete pa lang ng umaga, nakailang meditation ritual na si Pam. Para bang gusto na niyang umuwi.Nakatayo siya ngayon sa harap ng opisina ng pinakakinatatakutan niya. Wala pa siya sa loob, ngunit naririnig na niya ang malakas na kabog ng sarili niyang dibdib.Pumasok na siya at marahang isinara ang pinto. Tumambad sa kaniya ang malaking lamesa na puno ng dokumento at sa kabilang panig ay ang upuan na nakatalikod sa kaniya."Good morning si-" "Asan na?" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang pinutol na siya nito. Humigpit ang hawak niya sa makapal na folder na buong gabi niyang inayos, tumatawag sa lahat ng santo na sana ay hindi sa kaniya ipaulit.Ipinatong niya ito sa lamesa nang biglang umikot ang upuan. Si Robert Villareal. Siya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kilala siya sa pagiging strikto. Paano ba naman ay bata pa lamang ito nang mamana ang pamamahala sa kumpanya ng kanilang pamilya. At sa loob lamang ng ilang b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status