Share

MY SON'S ALPHA DADDY
MY SON'S ALPHA DADDY
Author: Daylan

Chapter 1

Mavi Pov

Sa loob ng gubat kung saan naiilawan ng liwanag ng buwan ang paligid ay nagkatipon-tipon ang ibang mga wolf's pack at hinihintay ang paglabas ng moon goddess para ibigay ang kanyang blessing sa kobagong destined mate na mapipili ngayong gabi. Ang gabing ito ay tinatawag na sacred moonlight ceremony, kung saan ay dalawang tao ang bibigyan ng liwanag ng buwan para ipaalam sa lahat na sila ang nakatakda para sa isa't isa. Kaya naman excited ang mga babaeng single sa event na ito para malaman nila kung sino ang kanilang magiging destined mate. At isa ako sa mga babaeng single na narito at umaasa na ire-reveal ng moon goddess ang lalaking nakatakdang maging mate ko.

Ngunit hindi ako katulad ng mga babaeng iyon na umaasang malalaman nila ang kanilang destined mate ngayong gabi dahil ako, alam ko na kung sino ang aking destined mate. Siya ay walang iba kundi ang aking chosen mate na si Edward. At ngayong gabi ay umaasa ako na si Edward ang lalabas na siyang destined mate ko nang sa gayon ay hindi na tumutol ang aking ama sa pakikipagrelasyon ko sa kanya.

Tutol kasi ang aking ama, ang alpha ng White Moon Pack, sa relasyon namin ni Edward. Para sa kanya ay hindi karapat-dapat ang isang ordinaryong member ng aming pack sa katulad ko na anak ng isang alpha. Ngunit kapag si Edward ang maging destined mate ko ay wala ng magagawa ang aking ama kundi ang tanggapin na lamang kung sino ang lalaking iniibig ko.

"Magsisimula na ang seremonyas at hindi magtatagal ay lalabas na ang  ating moon goddess ngunit hindi pa dumarating si Edward. Sigurado ka ba na darating siya?" kausap sa akin ng kaibigan kong si Lotlot matapos niya akong kalabitin para kuhanin ang aking atensiyon.

"Sinabi ko sa kanya na dapat ay nandito na siya bago pa mag-umpisa ang seremonyas  pero hindi ko alam kung bakit wala pa siya," may bahid mg pag-aalala na sagot ko sa kanya.

Biglang napasimangot si Lotlot nang marinig ang sinabi ko. " Kahit kailan ay napaka-unrealiable ng boyfriend mo na iyan, Mavi. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita mo sa kanya at sobrang mahal na mahal mo siya."

Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi lang ang aking ama ang ayaw kay Edward para maging destined mate ko kundi pati na rin ang kaibigan ko. Kaya gustong-gusto ko na makita ng lahat na si Edward ang aking destined mate para matanggap siya ng lahat ng mga tao sa paligid ko. At sana ay pagbigyan ng amjng moon goddess ang aking kahilingan na gawing si Edward ang aking destined mate.

"Baka dumating na si Edward at nasa paligid lamang. Ayaw niya akong lapitan dahil alam naman niyang ayaw sa kanya ng aking ama," pagtatanggol ko sa akjng chosen mate.

"Ipinagtanggol mo na naman ang lalaking iyon," komento ni Lotlot habang napapailing. "Paano ka nakatitiyak na siya nga ang magiging destined mo? Ano ang gagawin mo sakaling hindi siya ang mapili ng ating moon goddess para maging destined mate mo?"

Saglit akong hindi nakapagsalita nang marinig ko ang kanyang tanong. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sakaling ibang lalaki ang piliin ng aming moon goddess para maging destined mate ko. Hindi iyon pumasok sa isip ko dahil alam ko, sa puso ko, naniniwala ako na si Edward ang magiging destined mate ko at wala nang iba. Ngunit paano nga kaya kung hindi si Edward ang maging destined mate ko? Ano ang gagawin kapag mangyari iyon?

"Siguro ay kakausapin ko na lamang ng maayos kung sino man ang lalaking mapipili ng moon goddess para maging destined mate ko. Aaminin sa kanya na may ibang lalaki akong minamahal at iyon ay ang aking chosen mate," sagot ko kay Lotlot na siyang sagot ko rin sa katanungan sa isip ko.

"Mabuti sana kung papayag ang iyong ama na gawin mo iyon. Alam mo naman na isang napakalaking insulto at kahihiyan sa isang pack kapag tumangging maging destined mate ang isa sa dalawang tao na napili ng moon goddess para maging destined mate. Kapag tinanggihan ka ng destined mate mo ay tiyak na magagalit si Alpha Meynard," mahabang sagot ni Lotlot.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Paano nga kaya kung hindi si Edward ang maging destined mate ko? Paano ko magagawang kausapin ang taong iyon na tanggihan ako nang hindi magagalit sa akin ang ama ko? Hindi ko pa man nabibigyan ng kasagutan ang aking tanong ay biglang lumaki ang buwan at mas lalong tumingkad ang liwanag na para bang araw.

"Ang moon goddess! Dumating na siya!" halos sabay-sabay na bulalas ng mga taong-lobo na narito sa pagtitipon. Lahat kami ay lumuhod, pagkatapos pagkatapos ay unti-unting naging katawan ng isang lobo ang aming mga katawang tao. Tumingala kami sa napakaliwanag na buwan at sabay-sabay na umalulong bilang pagbati sa pagdating ng aming moon goddess.

Hindi nagtagal ay unti-unting bumalik sa normal ang liwanag ng buwan. Kasabay ng pagbabalik sa normal ng liwanag ng buwan ay ang biglang pag-ilaw naman ng aking buong katawan. Ibig sabihin ay ang ipapakita sa lahat kung sino ang aking destined mate.

Lahat kami ay nagbalik sa pagiging anyo ng tao nang mawala na ang aming moon goddess. Ganoon siya palagi. Pagkatapos niyang mapili ang dalawang taong nakatadhana para sa isa't isa ay bigla na lamang siyang umaalis at babalik sa muling pagbilog ng buwan.

Excited na iginala ko sa paligid ang aking mga mata para hanapin si Edward. Natitiyak ko kasi na siya ang mapipili ng moon goddess para maging destined mate ko. Ngunit laking pagka-dismaya ko nang makita kong hindi si Edward ang katulad ko ay nagliliwanag din ang katawan sa halip ay isang matangkad na lalaking natatakpan ng puting maskara ang mukha. Hindi ko tuloy makita ang mukha niya.

"Ang Alpha ng Iron Pack ang destined mate ni Mavi," narinig kong sabi ng isang matandang nakatayo malapit sa akin.

Lahat ng pack members namin ay masayang binati ako sa wakas ay natagpuan ko na ang aking destined mate, maliban sa aking ama na seryosong nakatingin lamang sa akin at hindi nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung masaya ba siya katulad ng iba na si Alpha Magnus ang aking destined mate.

Alpha ng Iron Pack? No! Hindi ito maaari! Hindi ko pa man na-meet ang Alpha ng Iron Pack na si Magnus ay kilala naman siya ng lahat bilang isang notorious na alpha. Bakit siya ang pinili ng moon goddess para maging destined mate ko? Pinaglalaruan ba niya ako?

Natahimik ang lahat at napatutok ang tingin kay Alpha Magnus nang maglakad siya palapit sa akin. Ako naman ay napatitig na lamang sa kanyang mga mata na tila matalim ang pagkakatingin sa akin na labis kong ipinagtaka. Galit ba siya sa akin? Katulad ko rin ba siya na ayaw akong maging destined mate?

Naisip ko na mas mabuti kung totoo ang aking iniisip na ayaw niya akong maging destined mate. Kakausapin ko na lamang siya ng maayos para tanggihan niya ako bilang destined mate niya sa maayos na paraan at hindi mapapahiya at maiinsulto ang aking ama.

Huminto sa tapat ko si Alpha Magnus at ilang saglit na tinitigan lamang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa kanyang mga titig. Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kausapin siya nang maunahan niya ako sa pagsasalita.

"Ako! Si Magnus, Alpha ng Iron Pack, ay tinatanggihan si Mavi na member ng White Moon Pack bilang aking destined mate!" malakas ang boses na wika ni Magnus.

Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang aking katawan. Hindi dahil sa nasaktan ako sa ginawa niyang pagtanggi sa akin na maging destined mate niya kundi dahil sa pag-aalala sa nararamdaman ngayon ng aking ama lalo pa at umugong ang malakas na bulungan sa paligid.

"Bakit, Alpha Magnus? Bakit tinatanggihan mo ako bilang iyong destined mate?" hindi napigilang tanong ko sa kanya.

Naglakad siya palapit sa akin at huminto ng halos dalawang dangkal na lamang ang pagitan namin. Itinaas niya ang kanyang kamay at inangat ang aking baba habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nanginig sa malamig niyang titig. Para bang tumatagos hanggang sa kaloob-looban ng aking katawan ang kanyang titig.

"Dahil kinamumuhian kita, Mavi. Kinamumuhian ko ang pamilya mo," mahina ang boses na sagot niya sa akin ngunit sapat para marinig pa rin ng lahat.

Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon na hindi ko inaasahang maririnig sa kahit na sino ay tinalikuran niya ako at humarap sa aking ama. Ngunit nakipaglaban lamang siya ng titigan sa aking ama bago walang paalam na naglakad palayo at iniwan kami na tanging ang paliwanag kung bakit niya ako tinanggihan na maging destined mate ay dahil kinamumuhian niya ako at ang aking pamilya. Pero bakit? Ano ang malaking kasalanan na nagawa ng aking pamilya sa kanya para kamuhian niya kami lalo na ako gayong ngayon pa lamang kami unang nagkita at nagkausap?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status