Share

Chapter 2

Mavi Pov

Isang malakas na sampal sa aking mukha ang ibinigay sa akin ng aking ama pagdating namin sa bahay. Nagulat ako at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Hindi ko akalain na kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.

"Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya natin, Mavi! Ipinahiya mo ako sa harapan ng mga alpha ng iba't ibang pack!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng aking ama.

"Ano pa nga ang aasahan mo sa kanya, Dad? Tiyak na kinausap niya si Alpha Magnus na tanggihan siya sa sacred moonlight ceremony para wala ka nang choice kundi tanggapin si Edward bilang kanyang chosen mate." panggagatong ng nag-iisa kong kapatid na si Mayer. Magmula pagkabata ay hindi na kami magkasundo. Para kaming tubig at langis na hindi puwedeng pagsamahin at kapag nagsama ay nagiging aso't pusa naman. Ngunit hindi ako ang palaging nag-uumpisa ng gulo kundi siya. Hindi ko alam kung ano ang dahila at tila mabigat ang loob niya sa akin gayong tunay naman kaming magkapatid.

"Kahit natuwa ako na tinanggihan ako ni Alpha Magnus na maging destined mate niya ay hindi naman ako natuwa na napahiya sa harapan ng mga alpha ang ating ama. At higit sa lahat ay hindi ko kinausap si Alpha Magnus na tanggihan ako bilang destined mate dahil ngayon ko lamang siya nakita," pagtatanggol ko sa aking sarili matapos ko siyang tapunan ng masamang tingin.

"Tama na! Tumigil kayong dalawa!" galit na saway ng aming ama sa amin pagkatapos ay tinitigan ako ng matalim. "Mula pagkabata ay pinamper kita, in-spoiled kita, Mavi. Ngunit hindi ko akalain na nang dahil sa'yo ay makakaranas ako ng ganito kalaking kahihiyan. Gusto mong maging makasama ang chosen mate mo, right? Go ahead. Umalis ka sa bahay ko at huwag ka nang magbabalik," mariin ang boses na sabi niya sa akin.

Saglit akong hindi nakapagsalita at nanatili lamang nakatitig sa mukha ng aking ama. Sinuri ko king seryoso ba siya sa kanyang sinabi o baka nabibigla lamang siya. Ako ang paborito niyang anak ngunit heto at pinapalayas niya ako sa sarili naming pamamahay.

"But I think it's not just my fault kung bakit ako ni-reject ni Alpha Magnus, Dad. Naalala mo bang sinabi niya na kaya niya ako nirereject dahil kinamumuhian niya ako at aking pamilya? Baka may malaking kasalanan na nagawa sa kanya ang pamilya natin kung kaya't ganoon na lamang kalaki ang galit niya para pati ang kagustuhan ng moon goddes ay kanyang sinuway."

Lalo lamang tumalim ang tingin sa akin ng aking ama nang marinig ang sinabi ko.

"Iniisip niyang ako ang pumatay sa kanyang mga magulang kaya sobrang laki ng galit niya sa pamilya natin," pag-amin ng aking ama sa dahilan kung bakit galit sa amin si Alpha Magnus. "Ngunit kung nakiusap ka sa kanya kanina, kung nagmakaawa ka sa kanya na huwag kang idamay sa galit niya sa akin ay hindi sana mababahiran ng kahihiyan ang ating pack, Mavi. At dahil sa ginawa mo ay nanganganib ngayon ang aking pagiging alpha ng White Moon Pack. Tiyak na sasamantalahin ng mga taong gusto akong palitan bilang alpha ang tungkol sa nangyaring ito. Kaya wala akong choice kundi ang paalisin ka sa bahay ko para maipakita ko sa kanila na isa akong matatag na Alpha. Na kahit sino, maski kapamilya ko pa ay kaya kong parusahan basta nagbigay ng kahihiyan sa ating pack. Sa paraang iyan ay hindi sila makakagawa ng paraan para palitan ako bilang alpha," mahabang paliwanag ng aking ama.

Pakiramdam ko ay biglang nagsikip ang aking dibdib sa aking narinig. Ang inaakala kong ama na sobrang nagmamahal sa akin ay kaya pala akong itakwil huwag lang mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang titulo bilang Alpha ng White Moon Pack.

"Ano pa ang hinihintay mo, Mavi? Umalis ka na sa bahay na ito ngayon din!" pagtataboy sa akin ni Mayer.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Ang sakit ng ng nararamdaman ng puso ko. Mabigat ang dibdib na naglakad ako palabas ng bahay. Hindi ko na sinubukang makiusap sa aking ama na huwag akong paalisin sa bahay dahil alam ko na hindi magbabago ang kanyang isip. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya ang isang bagay ay hinding-hindi niya ito babawiin. Kaya ano pa ang silbi bg aking pakiusap kung hindi niya ako pakikinggan?

Uumiyak na sumakay ako sa aking kotse at pinaandar palayo sa bahay kung saan ako tumira ng labinwalong taon. Pasalamat na lamang ako na hindi binawi ni Dad ang kotse ko na iniregalo niya sa akin last month nang nag-debut ako.

Sa ganitong kalagayan ko ay tanging si Edward at Santa lamang ang mga taong nais kong makausap. Dahil sila ang mga taong palaging nagbibigay ng lakas sa akin. Ngunit wala si Santa dahil nagbakasyon siya sa ibang bansa kaya si Edward na lamang ang tanging puwede kong kausapin at paglabasan ng aking sama ng loob ma nararamdaman ko ngayon.

Umiiyak na pumasok ako sa condominium building kung saan nakatira si Edward. Nang makarating ako sa tapat ng kanyang unit ay hindi ko na pinindot ang doorbell. Alam ko naman ang password ng pintuan ng unit niya kaya hindi ko na kailangan pang mag-doorbell. Akmang pipindutin ko na ang numbers nang mapansin kong hindi pala nakasarado ang pintuan. Bahagyang nakaawang ito dahil may nakaharang na kung anong maiitim na bagay.

Pinahid ko ang aking mga luha bago ko dinampot ang bagay na nakaharang sa gitna ng pintuan. Biglang nangunot ang aking noo nang makita kong sapatos ng isang babae pala ang bagay na nakaharang sa pintuan kung kaya't hindi ito sumara.

"Kay Santa ang sapatos na ito. Bakit nandito ito at nakaharang sa may pintuan?" kausap ko sa aking sarili. Bilang sagot sa tanong ko ay nakarinig ako ng dalawang boses ng tao na tila parehong hinihingal at umuungol.

"Faster, Edward. Make it faster," dinig ko ang boses ng babae habang kausap ang aking boyfriend.

"Of course. I will make it faster, babe," sagot naman ni Edward. Sumunod ay parehong mga ungol na lamang nila ang aking narinig. Mga ungol na tila nasasarapan sila sa anumang ginagawa nila. At hindi ko na kailangan pang hulaan kung ano ang ginagawa nila dahil halatado naman sa kanilang mga ungol na sila ay nasa kalagitnaan ng p********k.

Natakpan ko ng aking mga palad ang aking bibig nang makilala ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon na kausap ni Edward. Siya ay walang iba kundi ang pinsan at matalik kong kaibigan na si Santa. Sa galit ko ay binuksan ko ang pintuan at bigla kong isinarado iyon ng malakas. At halos madurog ang puso ko sa eksenang nasaksihan ng aking mga mata. Ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko ay niloloko pala ako. Pareho silang hubad at magkapatong sa ibabaw ng sofa habang gumagawa ng kahalayan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status