Share

Chapter 3

Mavi Pov

Sa loob ng isang bar ako dinala ng aking mga paa matapos akong tumakbo palabas ng condi unit ni Edward. Ni hindi ko na nga nagawang sumakay sa aking kotse dahil tumakbo lamang ako sa gilid ng kalsada hanggang sa nakarating ako sa bar kung saan ako naroon ngayon.

Sunod-sunod na lumagok ako ng alak na nasa harapan ko. Gusto kong lunurin wng aking sarili sa alak para kahit paano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit ng mga nangyari sa akin ngayong gabi. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking daigdig at tila pinagkaisahan ako ng mga tao sa paligid ko para pasakitan.

Hanggang ngayon ay umi-echo pa rin sa aking isip ang mga masasakit na salitang binitiwan nina Edward at Santa patungkol sa akin. Sa halip na humingi ng tawad dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin ay pinagtawanan at ininsulto pa nila ako. Matagal na pala silang may lihim na relasyon at ginamit lang pala ako ni Edward para pansarili niyang pangangailangan. At ngayong nalaman nila na nireject ako ng aking destined mate at pinalayas pa ako ng aking ama sa bahay namin ay wala na akong silbi sa kanilang dalawa. Kaya hindi na sila nangimi pang aminin sa akin na tatlong taon na silang may lihim na relasyon. Isang taon pa lamang kaming magkarelasyon ni Edward kaya ibig sabihin ay dalawang taon na pala silang magkasintahan ni Santa bago pa niya ako naging kasintahan.

Napakatanga ko talaga. Kjng sana ay pinakinggan ko ang sinabi sa akin ng aking ama noon na hindi karapat-dapat sa akin si Edward at hindi siya mapagkakatiwalaang tao, sana ay hindi na ako nasaktan ng ganito.

Muli akong uminom ng alak sa aking baso at sinaid ng laman niyon na para bang uhaw na uhaw ako. Hindi ko alintana ang mainit at medyo maanghang na pakiramdam habang humahagod sa aking lalamunan ang alak.

"Hi, Lady. Are you alone?" narinig kong tanong sa akin mula sa aking likuran ng isang lalaking nagtataglay ng pinaka-seksing boses na aking narinig. Parang pamilyar ang boses ng lalaki ngunit hindi ko matandaan kung saan ko narinig ang boses niya.

Nilingon ko ang lalaki at napangiti ako nang makita kong napakaguwapo ng mukha niya. "May nakikita ka bang kasama ko sa table? Do you want to join me?" nang-aakit ang ngiting pinakawalan ko para sa kanya.

Siguro dahil sa tama ng alak kaya malakas ang loob ko ngayon. Dahil kung nasa normal ang aking pag-iisip ay tiyak na hindi ko magagawa ang makipag-flirt sa lalaking hindi ko kilala.

"Of course. I'd love to join your table, beautiful lady," nakangiting sagot sa akin ng lalaki habang namumungay ang mga mata sa kalasingan. Mukhang mas lasing pa nga yata siya kaysa sa akin. At duda ako kung nakikita ba niya ng maayos ang mukha ko.

"Ikaw, bakit mag-isa ka lang? Hindi yata ako makapaniwala na walang kasamang babae ang lalaking guwapo na katulad mo," matamis pa rin ang pagkakangiti na tanong ko sa kanya. Oh, men. Hindi ko rin ako makapaniwala na kaya kong sabihin ang mga katagang iyon sa isang estrangherong lalaki. Ngunit salamat sa alak kaya kumapal ang mukha ko at nakakaya kong makipag-flirt sa lalaking kaharap ko.

"Maniwala ka man o hindi pero wala talaga akong kasama. At mabuti nga na wala akong kasamang babae dahil hindi ko makikilala ang isang napakagandang babaeng katulad mo," sagot ng lalaki pagkatapos ay dumukwang siya at inilapit ang kanyang bibig sa gilid ng aking tainga.

Hindi ko alam kung dahil ba sa epekto ng alak kung kaya't biglang uminit ang aking katawan nang tumama sa gilid ng aking pisngi ang mainit at amoy-alak na hininga ng lalaki. Parang may kung anong kiliti na hatid sa akin ng kanyang hininga.

"Really?" nang-aakit ang ngiti na sagot ko naman sa kanya.

"Dare to go with me inside my car? Hindi tayo makapag-usap ng mabuti rito dahil malakas ang ingay ng tugtog," bulong sa akin ng lalaki.

Matamis akong ngumiti at tumayo sa kinauupuan ko. Magkahawak ang mga kamay na naglakad kami palabas ng bar habang nagtatawanan. Ilang beses kasi kaming parehong bumangga sa ibang mesa na dinaraanan namin dahil sa aming kalasingan. Mabuti na lamang at hindi nagalit sa amin ang mga taong nakaupo sa mga mesang nabangga namin.

Pagkapasok namin sa kotse ng lalaki ay agad niyang inangkin ang aking mga labi. Mainit na nga ang katawan ko dahil sa nainom kong alak ay mas lalo pang uminit ang katawan ko nang maramdaman ko ang malambot at mamasa-masang labi ng lalaki.

Umiilaw ang panganib sa aking isip ngunit hindi ko iyon pinansin. Ang gusto ko lamang ay matugunan ang kakaibang init ng katawan na nararamdaman ko ngayon.

Aminado ako na expert humalik ang lalaki kaya naman mabilis akong nadarang. Walang-wala ang  paraan ng paghalik ni Edward sa akin sa ginagawang paghalik ng estranghero sa aking mga labi. Para bang sabik na sabik siyang matikman ang mga labi ko kaya tinapatan ko ang mga halik niya. At lalo lamang uminit ang aking katawan nang marinig ko ang malakas niyang ungol dahil sa ginawa ko

Mabilis na nahubad ang aming mga damit at basta na lamang naming initsa sa kahit saang sulok ng kotse. Hindi nagtagal ay napuno ng aming mga malalakas na ungol ang loob kotse. At nang tuluyan na niya akong inangkin ay hindi ko napigilan ang makaramdam ng sakit na tila ba may nabasag sa bahagi ng aking pagkababae. Ngunit saglit lamang ang sakit dahil ang pumalit ay walang kapantay na kaligayahan.

Ramdam ko ang malakas na pag-alog ng kotse habang nasa ibabaw ko ang lalaki at naglalabas-masok sa aking kaselanan ang kanyang sandata. Ngunit wala kaming pakialam kahit na may makakita na umaalog ang kotse. Ang mahalaga lamang sa amin ay matugunan ang init ng katawan na aming nararamdaman. Hindi nagtagal ay halos magkasabay naming naabot ang r***k ng kaligayahan.

Pagkatapos ng mainit naming p********k ay magkayakap kaming nakatulog dahil sa pinaghalong pagod at kalasingan. Ngunit nang magising ako kinabukasan ay doon ko naramdaman ang matinding pagsisisi. Sinisi ko ang alak kung bakit ako nakagawa ng isang napakalaking pagkakamali.

Tinitigan ko ang mukha ng guwapong lalaki na nakakuha ng aking virginity.  Bahagya akong napangiti. At least guwapo ang lalaking pinagbigyan ko ng aking pagkababae.

Pagkatapos kong titigan ng ilang saglit ang lalaking mahimbing pa rin na natutulog ay maingat na hinagilap ko ang aking mga damit na nagkalat sa loob ng kotse at isinuot. Binuksan ko ang kotse para lumabas at umalis ngunit akmang lalabas na ako nang mula sa sulok ng aking mata ay nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na bagay na nakapatong sa dashboard ng kotse. Isa iyong puting maskara na may naka-drawing na pulang rosas sa kaliwang pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko nakita ang maskarang iyon. Nakita ko ito kagabi sa sacred moonlight ceremony dahil iyon ang suot na maskara ni Alpha Magnus. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa mukha ng natutulog na lalaki. Kung ganoon ay siya pala ang lalaking pinagbigyan ko ng aking virginity!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status