Mavi Pov
Matapos ang huling pag-uusap namin ni Alpha Abner ay hindi na siya muling nagparamdam pa sa akin kaya naman nabawasan ang pag-aalala ko sa aking dibdib. Siguro ay napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi ko siya magagawang mahalin kaya huminto na siya sa panunuyo sa akin.Matapos naman ang unang pagkikita nina Alpha Magnus at Moses ay hindi na sila muling nagkita pang muli. Ngunit muntik na silang magkita ulit sa mall kung hindi ko lamang maagap na nahila palayo ang anak ko mula sa kinaroroonan ni Alpha Magnus.Hindi ko alam kung ano ang dahilan at hanggang ngayon ay nandito pa siya sa probinsiya ngunit lihim kong hinihiling na sana ay bumalik na siya sa siyudad para hindi na ako mag-alala pa na baka muling magtagpo ang landas nila ni Moses."Hey! Ang layo yata ng iniisip mo, my friend? Kanina pa ako nagsasalita rito ay tila hindi mo ako naririnig. May problema ka ba?" tanong sa akin ni Lotlot matapos ipitik sa harapan ng mukha ko ang kanyang dalawang daliri.Nasa loob kami ngayon ng isang coffee shop dahil tinawagan ako ni Lotlot at inimbitahang magkape. Nasa probinsiya siya ngayon dahil um-attend siya ng seminar ngunit pabalik na rin siya sa siyudad kaya naman tinawagan niya ako para makipagkita bago siya umuwi.Paminsan-minsan ay bumibisita sa bahay namin si Lotlot kaya kilala siya ni Moses. At kapag bumibisita siya ay palagi niya akong tinatanong kung gusto ko na bang ibalik sa dati ang mukha ko. Masaya na ako sa mukha ko ngayon kaya wala na akong balak na ibalik pa ang dating mukha ni Mavi."Moses and I met Alpha Magnus," biglang sabi ko kay Lotlot na agad nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ko."What? Bakit kayo nagkita?Inamin mo ba sa kanya na ikaw ang babaeng naka-one-night stand niya noon? Sinabi mo ba sa kanya na anak niya si Moses?" hindi magkandatutong tanong ni Lotlot sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa sa reaksiyon niya."Breath, my friend," natatawang sagot ko sa kanya. "Una, hindi sinasadya ang pagkikita namin, okay? Pangalawa at pangatlong tanong ang sagot ko ay parehong hindi. Bakit ko naman sasabihin sa kanya na ako ang babaeng naka-one-night stand niya? At lalong hindi ko sasabihin sa kanya na anak niya si Moses. Paano na lamang kapag kinuha niya ang anak ko? Ano ang gagawin ko ngayon?"Sa batas namin ay dapat na mapunta kay Alpha Magnus ang custudy ng bata dahil isa siyang alpha. At kapag kinuha niya si Moses ay hindi ko siya magagawang tanggihan dahil lalabag ako sa batas at maaari akong parusahan. Posibleng hindi ko na makita pang muli ang anak ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayokong malaman ni Alpha Magnus ang tungkol sa amin ni Moses."Mabuti naman kung ganoon," nakahinga ng maluwag na wika ni Lotlot. "By the way, kumusta naman ang manliligaw mong mayabang na alpha?" ani Lotlot na ang tinutukoy ay si Alpha Abner."Three weeks na niya akong hindi ginagambala ngayon at sana ay magtuloy-tuloy na. Ngunit nang huling mag-usap kami ay binantaan niya ako na papatayin niya ang sinumang lalaki na magugustuhan ko o di kaya ay magkakaroon ng interes sa akin. Nababaliw na talaga siya," naiiling na pagkukuwento ko sa kaibigan ko."Sa kanya ka dapat mas mag-ingat, Mavi. Sa tingin ko ay hindi ka lang mahal ng lalaking iyon kundi obsessed siya sa'yo. At sana nga ay hindi ka na niya guluhin pa. Pero hula ko ay hindi ka niya tatantanan. Baka busy lamang siya ngayon kaya hindi na siya nakakapunta sa bahay mo."Humugot ako ng malalim na buntong-hininga matapos kong marinig ang mga sinabi ni Lotlot. Sa tingin ko ay tama ang mga sinabi niya. Kaya dapat na iwasan ko ang taong iyon kapag muli siyang magpunta sa bahay ko."Huwag na nga nating pag-usapan ang mga taong iyon na nakakasira lamang ng mood ko. Ang mabuti pa ay masayang topic na lang ang pag-usapan natin," pag-iiba ko ng usapan. Agad na sumang-ayon si Lotlot sa akin. Ang mga sumunod naming topic ay masaya na kaya hindi namin namalayan ang paglipas ng oras."It's time for me to go, my friend. Kapag may time ka ay bumisita naman kayo ni Moses sa bahay ko," ani Lotlot nang sabay kaming tumayo para lumabas na ng coffeeshop."Don't worry, Lotlot. Last day na ng pasok ni Moses ngayon kaya puwede na kaming magbakasyon. So expect us in the next few days," masayang sagot ko sa kanya"Sinabi mo iyan, ha. Aasahan ko iyan," nakangiting sagot naman ni Lotlot. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng coffeeshop. "Bye!" nakangiting paalam sa akin ng kaibigan ko nang makasakay na ito sa kotse nito. Kumaway naman ako sa kanya bilang pamamaalam.Nang makaalis na si Lotlot ay saka pa lamang ako sumakay sa kotse para umuwi na sa bahay. Baka nasa bahay na ngayon sina Moses at Jenny. Si Jenny ay ang kapitbahay naming dalaga na siyang pinapakiusapan kong sumundo sa anak ko kapag busy ako o may biglaan akong lakad na gaya ngayon.Malayo pa lamang ako ay natatanaw ko na si Jenny aa labas ng bahay ko at tila maghihintay sa akin. At nang makalapit na sa bahay ang kotse ko ay saka ko pa lamang nakita na umiiyak pala si Jenny. Hindi pa ako nakakababa sa kotse ko ay patakbong lumapit na sa akin si Jenny."Si Moses po. Sapilitan siyang kinuha ni Alpha Abner pagbaba namin sa taxi," umiiyak na pagsusumbong ni Jenny sa akin.Pakiramdam ko ay biglang sinuntok ang aking dibdib nang marinig ko ang masamang balita ni Jenny. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko. Ang idamay ni Alpha Abner ang anak ko dahil sa galit niya sa akin at para mapilitan akong pakasalan siya."Wala bang iniwang mensahe para sa akin ang hayop na iyon, Jenny?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil hindi ako makakapag-isip kung paiiralin ko ang pagkataranta."Ang sabi niya ay puntahan mo raw siya sa siyudad kung gusto mo raw makita pang buhay si Moses. At kapag nagpunta ka raw sa bahay niya ay magsuot ka na lang ng daw ng wedding dress dahil iyon na rin daw ang araw ng inyong kasal," umiiyak pa rin na wika ni Jenny, pagkatapos ay iniabot sa akin ang isang nakatuping papel na may nakasulat na address ng bahay ni Alpha Abner sa siyudad.Tila wala sa sariling naglakad ako papasok sa bahay at naupo sa couch. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kapag hindi ako pumayag na magpakasal kay Alpha Abner ay walang duda na sasaktan niya ang anak ko. Ngunit kapag pumayag naman akong magpakasal sa kanya ay para na ring ikinulong ko ang aking sarili sa isang matibay na kulungan.Sa nalilitong isipan ay biglang pumasok sa aking isip si Alpha Magnus. At matapos kung pag-isipan ang aking binabalak gawin ay isang desisyon ang nabuo sa aking isip.Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha