Share

Chapter 9

Mavi Pov

Pakiramdam ko ay may kamay na humahaplos sa mukha ko ngunit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata para alamin king sino ang lapastangang gumagawa niyon. Masyadong mabigat ang mga mata ko at hinihila ng kadiliman ang aking kamalayan. Hindi ko ito kayang paglabanan kaya hinayaan ko na lamang na tangayin niyon ang aking kamalayan.

"Mom!"

Naalimputangan ako nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng anak ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Moses sa bukana ng pintuan at patakbong lumapit sa akin habang nakangiti.

"Moses!" hindi makapaniwalang sambit ko. Mahigpit kong niyakap ang anak ko at hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "I'm sorry, Moses. I'm sorry dahil hindi kita iningatan."

Kumalas sa pagkakayakap ko si Moses at umangat ang kanyang kamay para pahirin ang mga butil ng luha na naglalandas sa pisngi ko.

"You don't have to say sorry, Mom. Alam ko na hindi mo ginusto na makidnap ako ni Alpha Abner. At saka nakabuti nga ang ginawa niya dahi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status