Share

Chapter 2

Jacintha's

"I may be a lot of things Jacintha, but I was never selfish; at least not to you"

"Ahw!", higpit akong napakamao, ng mapaso ang kamay ko ng mainit na tubig. Nagtitimpla ako ng tsaa, di ko namalayang sobrang init pala ng baso ko. Nakatunghay lang kasi ako sa bintana ng kusina ng maalala ang mga katagang binitawan nito sa akin.

"Kung saan saan kasi naglalakbay yang utak mo", nabaling ang tingin ko kay Diane. katiwala ng mansion na kasing edad ko lang. May dala itong box ng sa tingin ko ay gulay, delivery nga pala ngayon.

"May iniisip lang", tinabi ko muna ang baso at tinulungan ito.

"Mula ng bumalik si Sir dito ganyan ka na ah. May nangyari ba?", muntik ko pang mabitawan ang mga mansanas na hawak ko.

"Ayaw niyang umalis ako, Diane", natigil ito sa ginagawa at napahawak sa island counter na anduon at tila naghihintay ng susunod ko pang sasabihin. Alam kasi nitong nais ko nang umalis.

"Ginawa ko iyon bilang respeto sa pamilya nila. Akala ko kahit papano ay ikokonsedera niya ang halos buong buhay ko nang paninilbihan sa kanila at ang pagsagip ko sa buhay niya... pero hindi", nagpantay ang mga labi nito at may lungkot sa mukhang nagsalita.

"Anong gagawin mo ngayon?", Itinaas baba ko ang aking balikat. Kinuha ang baso at sumimsim ng tsaa.

"Gagawa ako ng ibang paraan".

Ang alam ko ay pinapayagan naman nito ang mga tauhang gusto ng makaalis. Dadaan lang ang mga ito sa isang hypnosis session at isang taong monitoring ng hindi nito alam upang makalimutan nito ang lahat ng alam nila sa Pacific. Wala pa itong palya kaya hindi ko alam kong bakit ayaw nito pumayag sa akin. Kung kahit sa kamatayan ko ay sa mga Desjardin ang katapatan ko at ilang beses ko na iyong napatunayan. Gaya nalang ng kamuntikan ng makitil ang aking buhay kung hindi lang dahil sa... kanya. Napalingo-lingo ako ng maalala ang pangyayari at sa peklat nitong habang buhay ng nakakabit sa katawan nito na nagsisilbing paala-ala ng gabing iyon.

"Okay ka lang, Cina? Bababa na mayamaya si Sir baka hanapin ka pa", pukaw sa akin ni Diane. Hindi ko na namalayang mahigpit na pala ang hawak ko sa baso.

"Ayos lang, sige, maiwan na kita"

Lumabas na ako at daling nagtungo sa harap na pintuan ng mansyon. Nakita kong anduon at nag-uusap sina Kerin at Wesley. Tatawa tawa pa ang huli habang ang una naman ay mukhang nayayamot na rito.

"Hoy!", kaswal na tawag ko sa mga ito. Unang natingin si Wesley, malawak ang ngiti nito saka inayos ang kulot nitong buhok.

"Hello, Ate Ganda", maluko nitong tawag sa akin, ngumiti rin ang isa sa akin.

Kahit hindi halata dahil mas matangkad pa ang mga ito sa akin ay mas nakakatanda ako sa kanila. Ulilang lubos na ang mga ito at gaya ko dito na lumaki sa pangagalaga ng mga Desjardin.

Si Wesley ang pinakamagaling na tauhan naming gumamit ng kahit anong klase ng baril at pumapantay ang kakayanan kay Mr. Desjardin sa close combat. Si Kerin naman ay magaling ang snipping at knife skills at kayang pamunuan ang mas senior pa sa kanya. Pacific's duo nga daw sila ika pa ni Donovan. Magagaling at pinagkakatiwalaan sila ng Pacific. Kung tutuusin ay hindi naman ako kawalan, my skills are same as theirs, kaya hindi ko lubos na maintindihan kung bakit humindi ito.

"Di pa ba siya bumababa?",

"Nasa opisina pa rin po siya. Kinakausap si Sir Maderazo", itinuro ni Wesley ang itaas nga hagdan.

"Andito siya?"

"Hm, mga isang oras na. Iyon lang naman ang bestest friend ni Jorge eh, aray!", siniko ito ni Kerin. Napasandal nalang ito sa pintuan.

"Wag kang masyadong kaswal at baka marinig ka.", sita ni Kerin.

"Sa training grounds tayo ngayon. Close combat, tama?", wala dito si Niko, siguro ay nauna na iyon doon.

"Opo, baka sumali sa atin si Mr. Maderazo. Kaya hinihintay namin, Miss Jacintha"

Tango lang ang naitugon ko kay Kerin.

"Ayan na sila oh", turo ni Wesley saka umayos ng tayo.

Nagsimulang maglakad ang mga katulong sa may pintuan habang pababa naman ang dalawa. Nag-uusap pa rin ang mga ito at tila di pansin ang presensya namin sa baba.

"I will surely win this time, Jor-ge boy", pagbibigay diin nito sa pangalan ng kaibigan.

"We'll see", balik sa kanya ni Jor-ge habang inaayos ang palapulsuhan nito. Nakababa na ng tuluyan ang mga ito at humarap sa amin. Nakangiti kaming binati ni Donovan.

"Hello din po, Mr. Maderazo. Ang cute po nang man bun niyo bagay sa bigot-- aw, anuba! Kung makasiko", inis na sabi ni Wesley na panay sita ni Kerin.

"Sorry Mr. Maderazo, medyo kinabag lang si Wes, kaya kung anong pinagsasabi, diba?", siniko nito itong muli, nakabusangot lang itong hinahampas si Kerin na wag daw KJ. Nagbabangayan pa rin ang dalawa na pilit na ngayong inaawat ni Donovan.

Habang palihim na natatawa ay ramdam kong may nakatingin sa akin at ng hanapin ko kung sino ay nakita ko si Jorge. Mariin na nakatitig sa akin, muli ng walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha at mga mata nito. Hindi man lang nito inaalis sa akin ang tingin kahit na nahuli ko ito. Mabuti nalang at kinuha ni Donovan ang pansin nito sa pagtapik sa balikat niya.

"Jacintha, I will be joining. Ito na siguro ang araw na matatalo kita", magiliw nitong wika.

"At kung hindi ay pangatlong beses ka nang matatalo, Donovan"

"That's too much confidence, Cina",

"Isang posibilidad lang namn iyon, Do--"

"Shall we go now?", may diin sa boses na putol ni Jorge sa pag-uusap namin ni Donovan.

"We shall", si Donovan ang nagsalita nauna na ito at sumunod naman si Jorge na ginawaran muna ako ng matatalim na tingin bago naglakad paalis.

~~

"Hell yeah Kerin, bago ang mga fire arms ngayon. Latest model ito!", excited na wika ni Wesley.

Nakapagpalit na kami ng all navy blue outfit may logo ito ng Pacific sa dibdib. Nasa loob na kami ng Pacific, sa area kung saan nagaganap ang trainings namin. Ngayon ay nasa parte kami kung saan mayroong open field.

"Tayo ang nangunguna sa larangan natin sa Pilipinas. We are Pacific, Wesley. All the best lang para sa atin"

"Hell yeah! Mag e-enjoy ako nito!", sabay suot sa navy blue din na helmet.

"Secured ang mga iyan di niyo pwedeng galawin. Ibalik mo iyan, Wesley". Kinuha ko rito iyon na siyang ikinabagsak ng balikat niya at pinalitan iyon nga peke kung saan pellets lang ang gamit.

"Abay, bakit nandyan kung di rin lang naman gagamitin. Kainis!",

"Bobo ka kasi, di natin pwede gamitin iyan. Kasama natin ngayon si Mr. Maderazo"

"Eh ano naman ngayon. Ang galing kaya nun sa close combat. Si Ate Cina lang naman di niya matalo pero tayo napupulbo non!", inis nitong pagpapaliwanag.

"Kahit na, gusto mo yatang matapos ng maaga. Magtigil ka. Mabaril ka na naman ni Mr. Desjardin sa tite mo dyan",

Halos lumuwa ang mga mata ni Wes sa naalala. Minsan kasing naiinis si Jorge dito at ginawa iyon sa kanya.

"Tragis!", hinablot nito ang baril niya ng nakahawak sa ibaba nito sabay takbo.

Di rin nagtagal ay handa na kami. Dalawang team mayroon ang training slash survival game na ito. Ako, si Kerin at Wesley sa blue team habang sa kabila naman ay si Jorge, Donovan at Niko sa red.

"The game will commence in 3, 2, 1 ..."

"Let's GO baby!", isang malakas na boses ni Wesley ang tanging narinig kong umalingawngaw na siyang hudyat na magsisimula na ang laro.

"Maghiwahiwalay tayo. Kerin south, Wes north. Dito ako"

"Ugh, ate ayoko diyan", puna ni Wes. Tatawa naman si Kerin.

"May tite na naman talagang mababaril. Sumunod ka nalang"

"Kung ganun, switch places with me. Now move!", sensyas ko sa aking kamay sabay kaming isa isa nang lumusob.

Ang goal namin ay makuha ang flag sa base ng kalaban. Hindi lang silang tatlo ang kalaban namin kundi may mga trap din kaya kailangan namin mag-ingat.

"Hands up, Jacintha", ang boses na iyon. Itinaas ko ang aking kamay at naharap rito; si Jorge.

Bumwelo ako at mabilis na hinampas palayo sa akin ang nakatutok na baril at sinapak ito, nabitawan nito ang hawak.

Tinakbo ko ang flag ng may trap ng patalim ang lumabas sa paligid nito, buti nalang at dali kong naialis ang aking kamay ngunit naabutan ako ni Jorge at hinila ang aking bewang, agad ko itong tinulak ngunit mas malakas ito kaya buong lakas ko itong sinipa hanggang sa tumama ang likod nito sa isang pader. Umobra iyon at binitawan ako ng tuluyan, muli ay natakbo ako ngunit ng malapit na ako sa flag ay pinaputukan nito iyon, napahawak ako sa aking kamay.

Nakangisi ako nitong tiningnan. Nagpantay ang aking mga labi. Takbong lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking leeg at ibinalibag ako. "Ugh!", d***g ko.

"Surrender now...", utos nito.

"Ayoko!", hinila ko ang damit nito at pinagpalit ang posisyon namin. Ako ngayon ang pumaibabaw sa kanya at binigyan ito ng isang malakas na sapak "Ugh!" d***g nito.

Tuluyan na ring natanggal ng kanina pa nakalaylay na tali ng aking buhok.

Kinuwelyohan ko ito, pareho kami ngayong hingal hanggang sa nagtama ang aming mga mata, ilang segundo itong natigil. Naguguluhan ako sa ekspresyon ng mukha nito kaya sinikmuraan ko ito at tumayo na at daling kinuha ang flag, iwinagayway ko iyon.

"Yes! Haha!", tuwang tuwa kong wika.

The game has ended. The Blue team wins!

Kasunod noon ang paglabas nina Don at Niko na, Wes at Kerin.

"Panalo tayo, Ate", agad akong niyakap ni Wes sabay tatalon talon, nakangiti lang si Kerin.

"Dude, you're a mess", pinagpagan ni Don si Jorge na nasa akin lang ang tingin at tila wala itong balak tapusin iyon. Tinalikuran ko nalang ito.

Puno na ng pawis ang suot kong army green shirt. Ibinalik ko na ang mga firearms at lumabas na ng training grounds. Habang pinapahid ng aking kamay ang mga pawis sa aking mukha ay nakarinig ako ng tila komusyon.

"Asaan siya? Ilabas niyo siya!"

Isang boses ng babae ang namutawi at nga tingnan ko kung sino ay nakita kong si Melinda iyon. Galit na galit ang hitsura niyo at nanggigigil dahil ayaw ito papasukin ng mga guards.

Palapit na ako dito ng magawi sa akin ang mga tingin niya dahilan upang itulak nito ng pagkalakas ang dalawang guards at mabigyan siya ng sapat na espasyo upang hakbangin ang pagitan namin.

"You bitch!", pasigaw nitong sabi sa akin sabay gawad ng malutong na sampal at hila sa aking buhok na hindi ko naman na nagwa pang makailag.

"Argh! Tumigil ka anuba!". Sigaw ko rito pabalik sabay tulak rito ng napakalakas na siyang ikinabagsak nito. Pero hindi pa rin ito nagpatinag at tumayo. Lalapit na sana ang mga guards pero sinabihan ko ang mga itong kaya ko na.

"Ilabas mo siya!"

"Miss Melinda, alam kong galit ka pero hindi matutuwa si Jorge sa ginagawa mong pag-eeskandalo. At paano mong nalaman ang lugar na ito?"

"I have credible sources. Akala siguro niya ay matapos niya akong gamitin ng paulit-ulit ay bastang ganun nalang niya akong itatapon?"

Isang babae na naman ang hindi matanggap ang pakikipaghiwalay ni Jorge sa kanila, kung may relasyon man na matatawag dahil wala namang sineseryoso ang lalaking iyon.

"Ang alam ko ay ipinaliwanag na niya sayo di ba? Kung ano lang kayo?", pilit ko pa rin itong pinapaliwanagan.

"But he showed me! He showed me he loves me!", naiiyak na ito.

Sa likod ng utak ko ay naikot ko na ang aking mga mata. Delusional. Lahat ng mga babae nito ay sinasabing mahal niya sila. Kahit alam na naman ng mga ito sa umpisa ang set-up nila.

"You!", turo nito sa akin. Napaturo ako pabalik sa sarili ko.

"Lage ka niyang kasama. Hinahanap ka niya kapag ilang minuto ka lang niyang di makita. Ikaw lang ang natatanging babae na malapit sa kanya bukod sa akin. Kahit mga tingin niya sayo ay iba! Siguro ay lihim mo siyang inaakit kaya nakipaghiwalay siya sa akin. Well bitch, hindi ako makakapayag. He loves me! Me! Only me!", hikbing litanya nito na may sipon nang tumutulo sa ilong. Magulo na rin ang buhok nito sa pagkakabagsak niya. Pati ang eyeliner nito ay nagkalat na rin sa mga mata niya. Napangiwi ako.

"Nagtatrabaho ako sa kanya. Baliw ka na!". Di ko napigilang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon.

"Crazy? I'll show you crazy!", malakas na sigaw nito at may diin sa huli na halos ikabingi na ng makakarinig, natakpan ko na ang aking tenga.

Takbo itong lumapit sa akin at akmang susugurin akong muli. Inihanda ko na ang sarili ko ng may katawang humarang sa akin.

"Stop this you crazy slut!"

"Jorge! Jorge! Please, bumalik ka na sa akin. I just fucked that celebrity guy once, busy ka kasi. I need a good one so please forgive me", pilit itong niyayakap ang lalaki. Hinawakan naman nito si Melinda sa magkabilang balikat.

"I don't even care! Fuck all of them all you want. You are out of your place. I was only indulging you for reasons we both need each other before. But now, you are as good as dead to me. Do not ever show yourself or else, it will get nasty for you and we don't want that won't we?"

"Jorge!"

"I can ruin a sexy star any day with just a snap of my fingers. Don't. Push. Me", diin ang bawat salita nito. Kahit pa magulo ang itsura ni Melinda ay kita sa mukha nito ang kaba. Nagkamali ito sa isiping mahal siya ni Jorge lalo na ng guluhin ang opisina ng Pacific.

"Cina, you're bleeding", rinig ko sa boses gling sa aking likuran, si Donovan. Kasama na nito sina Kerin, Wesley at Niko.

"Ako na ang bahala", si Niko iyon may kinuha itong kung ano sa bulsa. Lumapit kay Melinda saka iyon nilapat sa ilong nito at segundo lang ay nawalan na ng malay si Melinda.

"Take her back, make sure she's to forget about me and Pacific. That's the only way we can pacify her for good", utos ni Jorge.

Kinarga nito ang babae, paalis doon. Napapikit nalang ako at malalim na napabuntong-hininga. Napangiwi ako sa hapdi sa aking pisngi ng walang ano ay may mga kamay na humihila sa akin paalis doon; kay Jorge.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status