Share

Big Bully

 

AKIO'S POV

 

A big bully.

Bahagya akong natawa ng maalala ang sinabi ng babaeng iyon. Natatawa pa din ako kapag naaalala ang sinabi niya kagabi. Psh. Para yun lang ang ginawa ko naisip agad niya ang bagay na iyon. Ang bilis naman.

Pero nakakatawang inabot pa siya ng maghapon bago ma-realize na ako ang may kagagawan sa kamalasan niya. Hello, gumaganti lang naman ako. Paglinisin ba naman ako ng buong bahay niya na mukha ng tambakan ng basura. Tapos pinaghugas pa ako ng sandamakmak na hugasan.

And worst; she called me a fucking Cinderella. A boy version to be exact. Not that it matters though. I still don't like that name.

Hindi ko malaman kung trip niya lang bang tulugan ako lagi kapag tinatawag niya ako. Ilang beses na din kasi niyang ginagawa iyon, at hanggang ngayon ay wala pa din siyang actual wish. Lahat puro request lamang siya. At puro naman walang kwentang request.

At heto nga, nangyari na naman. Tinulugan na naman ako kaya wala akong nagawa kundi ang manatili sa madilim niyang silid. Maupo sa sahig at laklakin ang milktea na dala niya.

Psh. Anong bahay ba naman 'to? Wala man lang TV o kahit radyo. Ni wala man lang computer o laptop. Ibang-iba sa mga bahay ng ilang taong tumatawag sa akin. Nakakatamad tuloy tumambay rito.

Pagdating ng umaga ay gulat na gulat ito ng makita ako. Pero sinimangutan ko lamang siya hanggang sa mapaikot ito ng mata. Gusto ko sanang batukan, eh. Pinigil ko nalang ang sarili ko. Baka kung ano na naman ipagawa sa akin ng babaeng 'to.

"Hoy, wala ka bang ipapagawa?" pagtatanong ko rito habang nakasunod sa kanyang maglakad.

Lumingon ito saka ako pinangunutan ng noo. Tinaasan ko siya ng kilay sabay krus ng mga braso. Saka naman ito huminto sa paglalakad at humarap sa akin.

"Ba't ka nakasunod sa 'kin?" tanong nito. Halata sa mukha ang labis na pagtataka tanda na wala talaga itong alam.

"I'm stuck with you, dummy." I grumbled as I shove my hands on my pocket. "You haven't wish last night. And you haven't ask anything for me to do."

She bit her lower lips and continued walking down the side walk. She has her other hand on her pocket while the other was toying with the end of her short her. Her acrylic key chain was clanking and dangling on her back pack.

"Akala ko ba dapat nasa bahay ka lang hanggang mamaya?" aniya pagkatigil sa may bus station.

"Wala ka naman doon." bagot na sagot ko. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na ito. "I told you, unless I'm done with my business, I'll be stuck to whoever summons me. But since last time you already requested to clean the house, I'm bound to stay there since the order needs to be done on that place."

"So it means," she interrupted; pointer finger on her chapped lips and head tilted in a thinking manor. "Hangga't 'di ako nagre-request ng gagawin mo, you're stuck with me?"

"Paulit-ulit lang?" pangbabara ko na kanya agad ikinasimangot. "So better make a request if you don't want me following you around."

"But I don't have any requests, yet." mahinahong wika nito na ikinabuntong-hininga ko nalang. "Don't worry, I'll think of something."

Kibit-balikat na nanahimik nalang ako at sumunod sa kanya ng pumasok ito sa bus. Naupo siya sa may bintana at nakangiting pinalo ang upuan sa tabi niya. Hindi ako naupo bagkus ay pinag-krus ko lang ang braso ko pati na ang binti ko. Nag-indian sit sa hangin.

Nakangiwing tumitig ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"May I ask you to stop staring? You're confusing the passengers." sabi ko rito na ikinataka niya.

Seriously, this girl is damn clueless.

"If you don't know, ikaw lang ang nakakakita at nakakakausap sa akin dahil sa 'yo lang ako may connection. Kaya kung ayaw mong isipin ng tao na may kausap kang multo, umakto ka na parang 'di ako nakikita." mahabang wika ko rito.

'Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil para talaga siyang bata na tila noon lang na-realize ang sinabi ko. Napabuntong-hininga at napaikot ako ng mata ng nakangiwing ibinaling niya ang mata sa labas ng bintana. Inaliw ang sarili sa tanawin na nadaraanan.

Ilang minuto lang ay huminto na din ang sasakyan sa tapat ng babaan malapit sa campus nila. Agad siyang bumaba at walang imik na nilakad ang daan tungo sa building ng mga tulad niyang nasa huling taon na. Tuloy-tuloy din ito hanggang sa kanyang classroom at naupo sa pwesto niya.

Kung dati ay nasa labas lamang ako at nakaupo sa isang puno, ngayon andito mismo ako sa loob ng classroom at nakatayo sa tabi ng desk niya. Nakahalumbaba ito at nakatitig sa kung saan kaya kinalabit ko siya.

"Ang boring dito. Wala ka ba talagang hihilingin?" pangungulit ko. Sadyang 'di talaga ako yung tipong nananatili sa lugar lalo na sa classroom.

To tell you, in my past, past, past life, I was a drop out student. I just don't know how many years that was.

"Wala. Manahimik ka muna, magsisimula na ang klase." bulong nito saka umayos ng upo.

Narinig ko naman ang pagtunog ng bell at kasabay niyon ay ang pagsiupo ng ilan pang estudyante sa kani-kanilang upuan. Maya-maya lang ay may pumasok ang lalaki na tila pinaglihi sa sama ng loob sa labis na pagkunot ng kanyang noo.

Psh. Kahapon din ganyan itsura niya. Lagi ba siyang bumabangon sa maling side ng kama dahil lagi siyang bad mood? At isa pa, may nakikita pa ba siya sa singkit niyang mata? Buti nalang malapad noo niya, kung hindi baka talagang bumangga na siya kung saan-saan.

"Sa tingin mo, sa lapad ng noo ng prof niyo ay pwede nang maglanding ang eroplano ng mga langaw?" wika ko ng nakatitig sa lalaki na padabog na nagsusulat sa board.

"What? Baliw ka ba?" aniya ng nakakunot ang noo bagama't 'di napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi. "Ang sama mo naman."

Nagkibit-balikat ako. "Pag nasinagan yan ng araw, kakailanganin mo ng shade." muling wika ko na ikinapilig niya ng ulo. "I'm sure nakakasilaw yun masyado."

Tumawa ito ng may kalakasan dahilan para mapahinto sa pagsusulat ang prof niya. Labis ang pagkunot ng noo nito ng bumaling sa kanya at kulang nalang umusok ang ilong nito sa galit. Kagat-labing napatungo naman 'tong babae na ito na tila takot sa gagawin ng prof nila.

Pero bago pa man din ito makapagsalita, itinaas ko na ang kamay ko at itinuro ang lalaking natutulog sa dulo. Sa kaunting galaw ng daliri ko ay mabilis itong umayos ng tayo kasabay ng pagkawala ng malakas na tawa sa bibig nito.

Ikinangisi ko ng mabaling roon ang atensiyon ng prof at parang unano na naglakad tungo roon. Saka lang naman nag-angat ng mukha 'tong babae sa tabi ko at takang sinipat ang tumatawa pa ding kaklase.

"GET OUT!" bulyaw niya sa binatang biglang napahinto. He looks like a deer in the headlights staring at his fuming prof.

"Huh?" walang ideyang turan nito. Bakas pa sa mukha na bagong gising ito at sa magulo niyang buhok.

"I SAID, OUT!" muling sigaw ng prof nila.

Nagtataka man ang binata ay nagkukumahog pa din itong lumabas ng silid. Sa takot siguro na maipatapon sa detention ay sumunod nalang ito. Natatawang sumandal ako sa bintana at namulsa.

"Why did you do that?" nakangiwing bulong nito. Kahit pa nasa harap na ang mata nito alam kong ako pa din ang kausap niya.

"He was sleeping." tipid na sagot ko at ibinaling ang mata sa likod ng klase. "Someone's eating at the back."

"Leave them alone." sabi niya sabay buntong-hininga. Nagsimula itong magsulat sa kanyang notebook kaya napasimangot ako.

"Ah, what to do. This is boring." reklamo ko saka di naiwasang sipain ang binti ng desk niya. Masamang tingin ang iginanti niya. "Come on, ask anything. I can't take this boredom."

"Matulog ka kaya."

"You want me to lay in this filthy room?" umikot ang mata niya.

"Ang arte mo talaga." komento niya at ibinalik ulit ang mata sa harap. Pero pareho kaming nagulat ng mapansing nakatitig sa kanya ang prof nila.

"What are you murmuring about, Althea?" singhal nito na sinundan ng pagtaas ng kilay. Kulang nalang umabot sa bunbunan ang kilay, eh.

"Bakla ba ‘yan?" tanong ko sa kanya pero imbes na sumagot ay umiling lamang ito sa kanyang prof.

"Stop daydreaming. Walang maidudulot na maganda ang mga pantasya ni'yo." sabi pa nito bago muling humarap sa board.

Kita ko ang pag-ikot ng mata at pagsimangot niya saka padabog na dinampot ulit ang kanyang ballpen. Napakamot naman ako ng ulo ko at binalingan ang prof nila na nagsusulat sa white board.

"Baklang 'to. Napakaintrigera naman." inis na komento ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya sinipat ko ito pero nakatitig lang ito sa harap.

"He's not gay. Sadyang ganyan lang talaga 'yan. Hayaan mo na."

"Nanay ba kita para pakinggan ko?" anas ko rito sabay kumpas sa isa kong daliri.

Bumukas ang isang bintana at pumasok ang malakas na hangin. Tinangay nito ang nakabukas na libro sa kanyang desk at bumagsak sa sahig. Naiinis na yumuko ito para damputin ang gamit pero muli kong iginalaw ang daliri ko. Kaya sa sandaling malapit na ang kamay niya sa libro, ang desk naman sa likod niya ang gumalaw at bumangga sa kanya.

Sa lakas niyon ay nadapa pa ito sa sahig. Napamura pa ito ng sumubsob ang mukha sa maduming sahig. At dahil malapit lamang siya sa may basurahan, itinapon ko din ang laman nito at ang ilan pa ay dumikit sa kanyang buhok. Lalo na iyong basang wrapper.

Napatawa ako ng mahina. Igagalaw ko na sana ulit ang kamay ko para naman matapon ang laman ng vase pero nahinto ako ng may tumama sa tiyan ko. Inis kong sinipat ang katabi ko na noon ay kunwari nag-inat para lang suntukin ang tiyan ko.

"Quit it. Don't be like that." pananaway nito na ikinaikot ko lang ng mata. "Don't bully our Prof."

Tinigil ko na din ang pangbu-bully daw kuno sa Prof nila at naupo nalang sa sahig. Nai-krus ko ang mga braso ko at iginala ang mata sa mga paa ng mga estudyante. Rinig na rinig ko ang pag-aaburido ng Prof nila sa harapan habang nagpupunas ng sarili. At kahit malakas ang boses nito, rinig ko ang pagpipigil ng tawa ng ilan sa kanila.

Napabuntong-hininga ako ng muling magsimula ang boring na klase nila sa Physics. Sabayan pa na sobrang tahimik ng klase at ang nakakairitang boses lamang ng Prof nila ang naririnig ko. Nakakairita sa tenga.

Sa pangatlong oras na pag-aantay ay talagang naubusan na ako ng pasensiya. Marahas akong tumayo at ibinagsak ang mga kamay sa kanyang desk. Nakatungo lamang siya noon at nakatitig sa kanyang papel.

"I can't take this! Just ask anything! Even a dumb request and–" nahinto ako ng marinig ang pagbuntong-hininga niya at ibinagsak ang ulo sa kanyang desk. "Oi, what the heck is wrong? Oi, flat-chested girl!"

"Stop calling me that, Cinderella." bulong nito na lalo ko lang ikinainis. Hinila ko ang ilang hibla ng buhok niya para kunin ang atensiyon nito at 'di naman ako nabigo. "And, don't bother me. I've been having a hard time answering this questions."

Nag-squat ako sa harap ng mesa niya at naghalumbaba ng umayos ulit siya ng upo. Muli ay tinitigan niya ang test paper at nagbuntong-hininga pagkaraan ng ilang segundo.

"’Di ka nag-aral?"

"Ah-huh. Masyado akong binagabag ng kamalasan ko kahapon na nakalimutan kong may test ako." dismayadong sagot nito at naghalumbaba gamit ang isang kamay. "Stock knowledge nalang meron ako."

She tap her pen on her desk as a sign of how troubled she is. Chewing on her chapped lips that already turned red from the abuse of her teeth. Her face was twisted, showing how agitated she is.

I flashed a smirk as I tap my knuckles on her desk. "Why don't you ask me to broadcast a bomb threat to cancel the test?"

Nanlaki ang mata niya at pasimpleng pinalo ang noo ko na ikinadaing ko naman. Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan pagkaraan.

"I change my mind. You're not a bully in your past life, you're a terrorist." natawa naman ako sa komento nito saka tumayo. Nakapamulsang iginala ko ang mata ko sa buong silid at naupo sa desk niya.

"You'll surely fail if you won't do anything."

"Just don't bother me. I'm sure I'll pull it somehow." mahinang wika nito kasabay ng pagdampot sa kanyang ballpen. Nagsimula na din itong magsulat sa papel kaya tinitigan ko nalang ang ginagawa.

"The correct answer is letter B." sabi ko pagkaraan. Malapit na siyang matapos sa test at ngayon lang ako nakialam.

"Ha? Pano mo nasabi?" pagtataka nito na sinagot ko ng pag-ikot ng mata.

"Just listen to me. Also, question no.6 on multiple choice is C and on no.13 is A. No.15 is D. 18 is A and 20 is C." mahabang paliwanag ko rito.

Kanina pa ako nakatingin sa papel niya at 'di ko napipigilang mapakunot ng noo sa mga maling sagot niya. Ayuko sanang makialam, but it just irks me.

"Baka naman pinagtitripan mo lang ako?" pang-aakusa pa nito na siyang ikinasimangot ko nalang.

"Bahala ka. By the way, sa True or False portion, No.6 lamang ang True." bagot na wika ko ulit na siya namang ikinalaki niya ng mata.

She flipped the test paper and scan her answers on the paper. I cringe when I saw how her left eye twitch and how she chew her lips anxiously.

"Stuck knowledge, my ass. You'll fail, dummy." sermon ko dito. Pero 'di ko alam pero bigla siyang humagikhik habang binubura ang mga sagot. "What?"

"I know I'll fail, that's why I've been thinking to request for you to give me some of the answers." wika niya na siya namang ikinalaki ng mata ko. "Well, that does it."

"Hey, what!?" angil ko ngunit sinagot niya lang iyon ng pagkindat. "Damn it."

Inis na napahilamos ako ng mga kamay sa mukha at napaupo sa sahig. Nakasimangot na nagbuntong-hininga ako dahil sa sarili kong katangahan.

Jeez, why did I do that? And why didn't I think about that in the first place?

Nagdaan pa ang ilang minuto hanggang sa tumunog ulit ang bell. Napabalikwas ako ng tayo at nakapamulsang nag-antay sa kanya na matapos sa pagliligpit ng kaniyang mga gamit. Nagsilabasan na din ang ilan sa mga kaklase niya.

"Magkikita kami ni Marylou sa cafeteria." paunang turan nito pagkatayo at nagtungo sa pinto. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.

Like I've got any other choice anyway. Unless she makes a request, I'll be stuck with her the whole day. Until tonight. I can't go anywhere.

Tumigil siya sa tapat ng banyo kaya nanatili ako sa labas. Alangan naman kasing pumasok ako roon, eh pambabae iyon. Kaya tumayo nalang ako sa tabi ng pinto at nakapamulsang pinagmasdan ang mga dumaraan. Wala namang nakakakita sa akin kahit pa maghubad ako rito. Well, bukod pala sa babaeng iyon.

What's her name again?

Napatayo ako ng maayos nang makarinig ng ilang ingay at kalabog sa loob ng banyo. Kasabay pa niyon ay ang malakas na halakhakan ng mga babae sa loob. Nakarinig din ako ng tila natapong tubig at kalabog ng pinto ng cubicle.

What the hell is happening inside?

Bumukas ang pinto at iniluwa ang ilang kababaihan na pinangungunahan ng isang babaeng blonde ang mahabang buhok. Putok ang make-up nito at tumatawa kasama ang kanyang mga alipores. Napaikot pa ako ng mata ng magsalita ito ng may french accent.

Her accent is awful. Like the sound of troll.

"Oi, flat-chested!" sigaw ko sa may pinto na naiwang nakabukas. 'Di pa kasi lumalabas ang isa. "What's taking you so long?" muling wika ko pero walang sumagot. "I'm coming in, dummy."

Tuluyan akong pumasok sa banyo. Sa unang tingin malinis naman ang loob, walang mga kalat o mga sulat sa salamin gamit ang lipstick. In short, reliable naman ang mga gumagamit at 'di naisipang mag-vandalism.

"Flat-chested! Hey, the heck are–" napalingon ako sa isang cubicle ng bumukas ito. Halos mapamura naman ako ng makita ang ayos niya. "What happened to you? You look like shit!"

Basang-basa ito mula ulo hanggang paa. May dumikit pang tissue paper sa uniform niya. Tumatagaktak ang tubig mula sa basang buhok nito at namumula ang mukha niya na tila sinampal o nilamukos ng kung ano. Napangiwi pa ako ng maya't-maya ang pagkurap ng mata niya.

"I broke the toilet. The water spilled." mahinang sagot nito saka lumapit sa may salamin.

My eyebrows creased as I stared at her trying to wipe away the water on her face. Squeezing the hem of her skirt and blouse, washing her soak face and her hair.

"Those girls did that to you, right?" untag ko sa katahimikan. Kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi. "So they did, huh."

Nagbuntong-hininga siya. "Often happens a lot. Sanay na din ako kaya hinahayaan ko na."

"At sanay na din silang i-bully ka." anas ko na sinagot niya ng mahinang tawa at pag-ayos sa basa niyang buhok.

"You bullied me the other day, Akio. And also my Prof today." I huff a breath with her remarks, rolling my eyes and gritting my teeth in the end.

"Not because I did, means they can, too. I told you, you're my target." angil ko rito. Huminto siya sa ginagawa at nakangising humarap sa akin.

"That so?"

'Di na ako sumagot bagkus ay itinaas nalang ang kamay ko at ikinumpas iyon. May malamig na hangin ang pumasok sa banyo at kasabay niyon ay ang unti-unti namang pagkatuyo ng kanyang damit. Unti-unting nawawala ang mga tissue paper na nakadikit sa kanya hanggang sa tuluyang natuyo pati na ang buhok niya.

Makintab na ulit ang kanyang sapatos at bumalik sa dating puting kulay ang mahaba niyang medyas. Nagmistulang bago din ang kanyang uniform at tila nanggaling sa salon ang kanyang buhok. Namamangha pa itong humarap sa salamin at sinipat ang sarili. Inamoy pa nito ang damit na ikinaikot ko ng mata.

"It's fine, dummy. You don't smell like urine anymore." bagot na wika ko rito. Alangan namang damit niya lang ang linisin ko, aba syempre kasama na siya. Amoy ihi kasi siya kanina.

"Ameee! Ang galing!" namamanghang wika nito. Maliwanag ang mukha at malapad ang ngiti ng humarap sa akin. "And here I am about to ask you to clean myself."

Muli akong natigilan sa sinabi niya at napatitig rito. Kasabay ng pagngisi niya ay ang 'di maputol na pagmumura ko sa katangahan ko na naman.

Ba't ba sugod ako ng sugod? Pwede ko namang antayin na hilingin niya iyon? Ano ba, ba't ba kilos ka lang ng kilos d'yan? Ayaw mo bang makaalis, ha!?

Naiiling na napakamot ako ng ulo ko at nakasimangot na sumunod sa kanya ng lumabas siya ng banyo. Nilakad ang hallway patungo ata sa cafeteria. Sa inis ko sa sarili ko ay 'di ko naiwasang igalaw ang daliri ko dahilan para mapatid siya ng sariling mga paa.

Napatawa ako.

"Clumsy." pang-aasar ko rito.

Isang masamang tingin ang ipinukol niya matapos tumayo mula sa pagkakadapa.

"Stop being a bull and–" saway niya ngunit kaagad din siyang napahinto.

Naningkit ang mata ko ng may lalaking bumangga sa kanya, at sa lakas nito ay bahagya pa siyang tumilapon. Bumagsak sa sahig at napadaing.

"Tsk. Gumilid ka nga, wag kang paharang-harang!" singhal niya. Di man lamang tinulungan ang kanyang nabangga at naglakad lamang palayo.

"Such a prick." inis na komento ko.

Sa simpleng galaw ng daliri ko ay natanggal ang pagkakasintas ng sapatos nito at itinali ko iyon sa isa't-isa. Napatid ito at bumagsak. Sa inis ko ay iniangat ko ang basurahan sa tabi at ibinuhos ang laman niyon sa kanya.

"Cinderella." biglang tawag niya sa mahinang tinig kaya nilingon ko ito. Sapo niya ang kanyang braso at napansin ko ang dugo roon.

"You're bleeding." sita ko pero ngumiti lang ito at magtuloy sa paglalakad.

Naiiritang sumunod nalang ako sa kanya hanggang sa cafeteria nila. Naupo ito sa isang mesa kung saan naroon ang sinasabi niyang kaibigang si Marylou. If I remember correctly, siya ang nagkwento rito sa babae na ito ng tungkol sa akin.

"Ako na bibili ng pagkain. Dito ka na lang muna." aniya saka umalis dala ang sariling wallet. Naiwan na naman kami ng babaeng 'to sa mesa.

'Di ko pa din alam pangalan niya kaya maigi sigurong tawagin ko na muna siyang..uh..Flat-chested girl..ah! I'll call her Dummy for now.

"So, those girls. What's with them, anyway?" pagbubukas ko ng usapan. Bored ako dahil wala akong magawa kaya kung mananahimik din ang babaeng 'to, baka masiraan na ako ng bait.

"Oh, that? Just some students who likes to picks on people." bagot na sagot nito. "They're not a bother to me."

Magsasalita pa sana ako pero nahinto ako ng may lumapit na babae sa mesa. Siya yung babae kanina sa banyo, himala at 'di niya kasama ang mga alipores niya. Nakakaloko ang ngisi nito habang nakatitig rito kay Dummy na parang asong takot.

"Heh, you're really an eyesore. Ba't kasi dito ka pa pumasok?" anas nito sa tinig na tila sa isang batang nagtatapang-tapangan. "Tsaka, ba't ba pakalat-kalat ka pa din? 'Di ka ba nahihiya?"

"I'm not doing anything.." kinakabahang sagot ni Dummy. Kita ko ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang tuhod kaya naningkit ang mga mata ko. "But, sorry if I did something to piss you off.. I didn't mean it.."

"Oi, oi, the fuck are you apologizing for?" angil ko rito ngunit 'di niya ako pinansin. Lalo pa akong nainis ng hinablot siya ng babae sa kwelyo at pinilit na makatayo. "Oi, oi, what the fuck!?"

"Just the mere sight of you pisses the hell out of me!" singhal nito. Kita ko ang labis na pagkairita sa mukha niya at lalo lamang humigpit ang hawak nito sa kwelyo ni Dummy. "Why don't you just drop out! The likes of you doesn't even belong here."

"I'm.. I'm sorry.." halos naiiyak ng sagot ni Dummy na lalo ko lamang ikinainis.

Itinaas ko ang kamay ko at mabilis iyong ikinumpas. Sa isang segundo lamang ay nabasa ito ng tubig galing sa dalang balde ng school janitor na dumaan. Sumigaw ito ng pagkalakas-lakas kasabay ng pagtulak kay Dummy na maagap kong nasalo. Wala namang nakapansin sa ginawa ko dahil nakatuon ang atensiyon ng lahat sa nagwawalang babae.

"Fuck! Mag-ingat ka naman!" singhal nito sa kawawang janitor na 'di rin magkandaugaga sa paghingi ng tawad.

Napaikot ako ng mata at muling iginalaw ang kamay ko. Pumasok ang malakas na hangin at tangay nito ang mga lantang dahon mula sa labas. Nagpaikot-ikot ang dahon sa taas niya hanggang sa magsidikit iyon sa kanyang katawan. Muli ang pagsigaw niya dahil may tangay ding pulang langgam ang mga dahon na iyon.

Marahan ko pang ikinumpas ang kamay ko para mawalan ng balanse ang tatlong estudyante na padaan, tumilapon ang dalang tray ng pagkain at dumimit ito sa kanyang katawan. Kasabay ng nakakabinging sigaw niya ay ang malakas na tawanan ng mga estudyante. Nagmukha na tuloy siya'y garbage monster sa itsura niya.

"Akio." nahinto ako sa mahinang wika niya kaya binalingan ko ito. Nagpakawala siya ng pilit na ngiti na ikinaikot ko ng mata. "Stop it."

Naiiling at dismayadong inilagay ko sa bulsa ko ang mga kamay ko at padabog na naupo sa mesa. I blew a tired sigh towards the girl's direction. The leaves that was stuck on her drench clothes started to peel off; it fell on the floor where the water made a small pool along with the wriggling ants.

"Fucking day." nag-aaburidong wika nito sabay baling kay Dummy na nakatungong nakatayo lamang. "I'm not through with you."

"Bitch." mahinang komento ko ng nagmamadali itong umalis, pilit na nililinis ang katawan na nabahiran ng pagkain.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dummy bago naupo at ibinagsak ang ulo sa mesa. Natabunan man ng kanyang buhok ang mukha niya, nahagip pa din ng mata ko ang panunubig ng kanyang mga mata. Na 'di ko alam at lalo ko lang ikinairita.

"That woman's such a witch." nanggagalaiting wika ng kararating palamang na Si Marylou at ibinagsak sa mesa ang dalang tray ng pagkain. "I think she's the worst sister the world can have. She's a damn bully."

"She's your sister?" singit ko sa usapan nila though 'di naman ako kausap ni Marylou.

"Step-sister." tipid na sagot niya at saka lang nag-angat ng mukha. Mapait na ngumiti habang nakahalumbaba.

"If I'll be given a wish to kill a person, she'll be first on the list." muling sabi ni Marylou na siya lang ikinangiti ko at bahagyang ikinatawa.

"Hey, I like this friend of yours. I think we'll be good friend somehow." natatawang biro ko. Noon naman niya ako binalingan at sinamaan ng tingin. "What?"

'Di siya sumagot bagkus ay naiiling lamang na inabot ang pagkain. Walang imik na kumain siya kasabay ng kanyang kaibigan at kapansin-pansin ang pagbabago ng aura niya. Naging tahimik siya buong maghapon maski sa klase niya.

Noon ko napansin na kahit isa sa mga kaklase niya ay walang lumalapit sa pwesto niya. Everyone around her treat her different. She's invisible to everyone's eyes. No one's batting an eye on her except for the teachers. She seems to not exist in the small room.

Ang she's always the subject of bullying. There were moments someone will throw crumpled paper on her head. Would point at her if the teachers need someone to answer questions. And would glare at her if she receives a compliment.

And the most infuriating thing was when the guy sitting behind her pulled her chair when she's about to sit down. Causing her to fall on the floor butt first, bumping the back of her head on the desk.

I have to restrain myself from crushing that guys head when he burst into a loud laugh, causing the others to join.

"How long have you been bullied?" I ask when we reach her apartment.

"Does it matter?" balik na tanong niya pagkaupo sa kanyang kama. Hinihilot pa nito ang paa na siguro'y nangangalay sa tagal ng pagkakatayo sa tapat ng cashier sa cafe nila.

"I'm asking." pilit ko rito ngunit iling lamang ang isinagot niya saka tuluyang nahiga sa kama niya. "Dummy, answer me."

"It's almost 11:11, Cinderella. Your times almost up." mahinang wika nito saka ako tinalikuran at nagtalukbong ng kumot. "Finish the milktea before you leave. Goodnight."

Napabuga ako ng hangin at dinampot ang paper bag na dala niya sa ibabaw ng counter. Yinakap ko iyon at tahimik na tumitig sa kanyang likuran habang inaantay ang oras. Ilang minuto lang din naman ang inantay ko at pagpatak ng 11:11, natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng kanyang bahay.

Nakalutang ako sa hangin sa tapat ng kanyang bintana. At nakita ko ang pag-upo niya sa kama kasabay ng pagyakap nito sa kanyang mga tuhod at ibinaon ang mukha roon. 'Di ko malaman kung umiiyak ba siya o ano dahil nahiga din ito ulit at tuluyang pinatay ang bed lamp.

The room was pitch black from the outside. And I let out an annoyed huff.

No one dares to touch my target.

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status