Share

Made a Wish
Made a Wish
Author: Ukiyoto Publishing

The Legend

 

ALTHEA'S POV

 

Napahikab ako habang tinatahak ang tahimik na hallway ng aming campus. Narinig ko din ang pagtunog ng clock tower indicating na its already 5 o'clock. That only means labasan na.

At sakto namang tumunog ang sariling alarm ng cellphone ko ay ang pagdagsa ng mga estudyante na nagsisilabasan mula sa kanilang mga classroom. Tumayo ako sa gilid at tahimik na pinagmasdan ang mga ito. Pawang excited na magsialis ang mga ito kasama ang kanilang mga kaibigan.

"Talaga? Puntahan natin! Kakakuha ko lang ng allowance ko ngayon kaya may pang-gastos ako!" masiglang wika ng isang babae na dumaan sa harap ko.

"Sige ba! Ang tagal ko na ding 'di nakakagala, eh!" sagot ng kanyang kaibigan.

Ah.. Mukhang pupunta silang mall ngayon, ah.

Napabuga ako ng hangin sa isiping iyon at napailing pagkaraan. Hindi ko dapat isipin ang mga tulad sa bagay na iyon. Kesa mag-gala at magwaldas ng pera, mas maiging magtrabaho nalang at mag-ipon. Wala akong oras para magliwaliw sa mga ganitong pagkakataon.

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa balikat ko kaya nilingon ko ito. Mukha ng kaibigan kong si Marylou ang sumalubong sa akin. Nakangiti ito pero tulad ko, kulang din ito sa tulog.

"Tara na? Baka ma-late tayo." aya niya saka nagpatiunang maglakad.

Tumango ako saglit bago siya sundan palabas ng gate ng aming skwelahan. Naglakad sa gilid ng kalsada ng tahimik at nagmamasid lamang sa paligid. Mukhang pareho din kaming wala sa tamang huwestiyo para magdaldal sa ganitong pagkakataon.

Nang matanaw ko di kalayuan ang shop na patutunguhan namin, muli akong napahikab. At kasabay naman noon ay ang biglaang pagkatalisod ko dahilan para bumagsak ako sa lupa.

"Ah.." mahinang daing ko ng maramdaman ang kirot sa paa ko.

"Ayos ka lang?" pag-aalala ni Marylou saka ako tinulungan na makatayo.

Inakay din niya ako hanggang sa makarating sa maliit na cafe na pinagtatrabahuan naming dalawa. Part-timers lang kami pero hanggang mamayang 10pm ang shift namin.

Pagdating roon ay sinalubong kaagad kami ng nakasimangot na mukha ng manager namin. May hawak siyang bilog na tray ng lumapit sa amin at inis na inginuso ang counter. Naroon naman ang isa sa mga lalaki naming staff na naka-toka sa cashier.

"Bilisan niyo na, kanina pa yun nag-aaburido." pagdadabog niya bago kami iwanan.

Dumiretso naman kami ni Marylou sa likod para makapagpalit ng damit. Kahit nananakit ng bahagya ang aking paa ay ininda ko na lamang iyon. Tutal di naman masyadong magalaw ang pwesto ko, nakakangalay nga lang tumayo sa harap para kumuha ng order ng costumers.

Halos magkasabay lamang kami ni Marylou ng lumabas suot ang uniform. Pang-itaas lang naman ang pinalitan namin ng pulang blouse at itim na blaiser. Since nakapalda na din naman ako at sapatos, naging mas mabilis na din iyon.

Saktong pagpasok ko sa may counter ay ang pagharap naman ni Kuya Mio sa akin. Nakabusangot ito at halatang di maganda ang mood. Tumungo lang ako bilang pagbati sa kanya pero wala akong natanggap na sagot rito.

Psh. Kahit kailan napakasungit ng lalaking 'to.

Lumabas ito kaagad at nagtungo sa likuran. Pumwesto nalang ako sa iniwanan niya. Iginala ko ang mata ko sa silid ng cafe at nakita si Marylou na nakatayo na sa may entrance. Doon ang pwesto niya at mamaya ay magpapalit sila ni Manager.

"Mukhang pagod ka na naman, ah." komento ng isang malumanay na tinig sa gilid ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago siya balingan. Nakaupo siya sa may kalakihang couch sa dulo ng counter, naka-krus ang binti at nakabukas ang isang libro. Tumatakip sa mukha niya ang kanyang bangs, at minsan tinatanong ko ang sarili ko kung nakakapagbasa pa ba siya sa lagay na iyon.

"Inumaga na kasi ako ng pagre-review kagabi para sa test kanina." paliwanag ko naman at muling humikab. "Ang dami ding pinapagawa ang mga prof namin kaya walang oras para matulog kanina."

Inilipat niya ang pahina ng libro bago mag-angat ng mukha. Bahagya ko lang nakita ang mata niya na natatabingan ng kanyang bangs. Tipid na ngiti naman ang pinakawalan niya ng sandaling iyon.

"Why don't you take a break?" suhestiyon niya na kaagad kong ikinailing.

Antok lang ito. Kaya kong tiisin hanggang mamaya na makauwi ako at makapagpahinga. Kailangan kong magtrabaho para mapunan ang mga pangangailangan ko. Pati na din expenses ko sa school.

Isa pa, ginusto ko naman 'to, eh. Kaya kung sa simpleng pagod lang ay papadaig ako ay matatalo ako. Tsaka, mas gugustuhin kong magtrabaho kesa magpahinga. Sa dami ba naman ng bayaran ko, kahit pa ata araw-araw akong mag-over time, di yun sasapat.

"Si Manager Anne ang dapat na magpahinga." komento ko at ibinaling ang mata sa manager namin na kasalukuyang nagse-serve. "Lumalaki at lalong nangingitim ang mga eye bag niya."

"She's suffering from Insomnia." tipid na wika nito.

Tumango ako. Siya naman ay isinara na ang libro at tumayo. Lumapit siya sa may counter saka naghalumbaba habang iginagala ang mata sa buong silid.

"Even Marylou seems to be sleep deprived." puna nito kaya napasipat naman ako sa isa. Sakto naman ang paghikab niya at pagpunas sa gilid ng mata. "Should I close the shop early today?"

Naipilig ko ang ulo ko sa tanong niya. I mean, ba't ako ang tinatanong niya? Siya naman may ari nitong cafe. Kaya ang desisyon ay nasa kanya. Sa kanyang murang edad ay siya na ang nag-handle sa business ng Ate niya, at alam ko na alam niya kung paano iyon patakbuhin.

"Or not." dugtong din nito.

She slightly tapped her fingers on the marble counter, biting the side of her lips. She seems to be in a deep thought. I shrugged my shoulder as I averted my gaze.

Hindi gaano kadami ang tao rito sa cafe kaya may oras kaming lahat para magpahinga. Pwede kaming magpalipat-lipat ng pwesto kung gusto namin base sa mood namin. Ang di lang pwedeng palitan ng pwesto ay ang aming taga-bake ng mga pastries sa kitchen.

Kaya naman habang wala pang masyadong costumer ay nagpaalam na ako kay Ms. Levi, ang may ari ng cafe, na magpapahinga muna ako sa likod. Pumayag naman ito dahil wala namang gagawin, tsaka kaya naman daw niya ang counter ng mag-isa.

Bilang may ari ng cafe, hands on siya rito. Madalas siyang nandito kapag wala siyang pasok o kaya kapag break niya. Minsan, siya ang sumasalubong sa costumers sa may pinto, minsan nagse-serve siya ng order at madalas ay dito siya sa counter pumupwesto. Hindi naman siya strict at di rin sobrang luwag sa amin. She's professional towards all of us.

Napahikab akong muli pagdating ko sa likuran. Bukod sa kusina ay may isa pang pinto roon, ang aming lounge area. Doon kami nagbibihis at nagpapahinga kapag gusto namin. At dito rin madalas matulog ang lalaking iyon kapag tapos na ang shift niya.

May dalawang mahabang couch ang silid sa magkabilang gilid at may mahabang lamesa naman sa gitna na napapalibutan ng monoblock chair. Nasa isang tabi ang locker namin. At nakita ko nga siya na nakahiga sa isang couch, mahimbing ang tulog.

Naupo ako sa isang monoblock chair at binuksan ang bag ko. Inilabas ang libro at ilang gamig para makapag-aral. Tahimik at ingat na ingat ako para di makagawa ng kahit ano mang ingay. Napaka-sensitive kasi ng kasama ko dito at kaunting ingay lang nagigisng kaagad. Mainitin din ang ulo niya at naninigaw din siya.

Tinitigan ko ang equation na nasa libro at ang example solution na nakasulat sa notebook. Napahalumbaba ako gamit ang isang kamay habang paulit-ulit na pinipindot ang ballpen ko.

"Hindi ko maintindihan. Paano ko ba ia-apply tong formula na ito kung–ay!" angil ko ng may humablot sa notebook ko.

"Ang ingay mo." iritableng turan nito at padabog na inilapag ang gamit ko sa mesa. Inagaw din niya ang ballpen ko na ikinaangal ko din.

"Ano bang ginagawa mo?" kunot-noong tanong ko pero di siya sumagot.

Inagaw din niya ang libro ko at nag-flip ng pages roon. Maya't maya ang pagsusulat niya sa notebook ko. At di man lang maisipang maupo sa silya sa tabi niya.

Di kaya siya nahihirapan sa ginagawa niya?

"Uh," simula ko pero tumigil din ako ng tumayo siya ng maayos at itinulak ang mga gamit ko tungo sa akin.

"’Wag kang maingay." sabi niya bago ako talikuran at bumalik sa couch na hinihigaan niya kanina.

Nakasimangot na pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mahiga at tumagilid. Nakatalikod sa akin at bumalik sa pagtulog. Napangiwi naman ako.

Kung gaano siya kabilis magising, ganoon din kabilis makatulog. Paano niya nagagawa iyon?

Naiiling na sinipat ko naman ang notebook ko na pinagsusulatan niya. Tinitigan ang mga numero na naroon at kulang nalang sumigaw ako sa pagkamangha.

I mean, wow! Really, wow! Ilang segundo lang naman niyang hawak ang gamit ko pero natapos niyang sagutan ang limang problem na nakasulat roon. Walang bura-bura. Dirediretso ang pagkakasulat ng mga numero. Binilugan pa ang final na sagot.

"Thanks." bulong ko nalang.

Iniligpit ko na din ang mga gamit ko saka lumabas roon. Bumalik ako sa counter at ikinagulat pa ni Ms. Levi nang makita ako. Tipid na ngiti ang isinagot ko saka siya linapitan na kausap naman ang dalawa.

"It's just a legend though." may pagkabagot na sagot niya. Nakita ko ang pagkibit-balikat ni Marylou at pagsimangot ni Manager Anne.

"Pero sabi ng Lola ko totoo daw iyon." kumbinsi ni Marylou. She was twirling the end of her hair on her finger. "Nagawa na daw niya iyon isang beses, at talagang nagpakita sa kanya."

"Baka naman namamalikmata lang ang Lola mo o kaya nananaginip lang." matabang na sagot ni Manager Anne. Pinaglalaruan nito ang kanyang milktea.

Ano pinag-uusapan nila? Wala pang nagpapaliwanag, eh.

"Ikaw, Thea?" baling niya sa akin. Bahagya lang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Have you heard about it?"

"About?"

"The legend!" masiglang sagot ni Marylou. Nagningning pa ang mata nito. "About the wish granter at 11:11pm!"

Wish-what?

"Ha?" lalong nangunot ang noo ko ng sumamangot ito. Hatalang dismayado. Mukhang ako nalang ata inaasahan niya na kakampi sa kanya, eh.

"See? Maski si Thea di niya alam. Kaya malamang di yun totoo." ani Ms. Levi sabay buntong-hininga. Naiiling pa nitong dinampot ang kanyang baso ng ice tea. "Tigilan mo na ang pagpapaniwala sa mga legend-legend na iyan. Magfocus ka sa pag-aaral."

Lalo tuloy sumimangot ang isa sa sinabi ni Ms. Levi. Kahit ako ay bahagya lang napangiwi. Masyado kasing seryoso minsan si Ms. Levi. Siguro dala ng pressure sa school at pagod na din. Hindi rin ito nagpapaniwalan sa mga kwento-kwento.

"Ate Levi naman!" biglang reklamo ni Marylou at nagdadabog pang dinampot ang sariling baso ng juice.

Hindi naman sa magkapatid sila, ganyan lang talaga si Marylou kapag naiinis. Isa pa, nasa second year college na din naman si Ms. Levi at Manager Anne kumpara sa aming dalawa na nasa last year of highschool. Second year college din pala yung lalaking masungit sa likod.

"Teka, ano ba yung sinasabi mo?" usisa ko sa kanya. Para na kasi siyang iiyak sa lagay niya, eh.

"Its about a roaming spirit that grants wishes." nakangusong kwento niya. Naghalumbaba at pinaglaruan ang pagkain. "Legends says that if you call out his name by exactly 11:11, he'll appear in front of you and will grant you a single wish."

Ako naman itong napangiwi sa sinabi niya. Naipilig ko pa ang ulo ko at napatitig sa kisame

May ganoon bang kwento? Parang ngayon ko lang narinig 'yun, ah.

"See? Thea seems to be clueless. A legend no one knows is not true." pagdi-dismiss ni Manager Anne sa usapan.

"Pero hindi ba nakakapagtaka? Kung hindi siya totoo, ba't alam ng Lola ko?" pagpupumilit niya.

"Maybe that legend exist only to them. Besides, kung totoo man iyon, sigurado akong may kapalit ang bawat hiling. Just like other legends." mahabang paliwanag ni Ms. Levi. Bumalik na ito sa pwesto niya sa gilid at sinimulan ang pagbabasa sa makapal niyang libro.

"Drop it, Marylou." ani Ma'am Anne. Pero mukhang ayaw tumigil ng isa dahil nangilid ang mga luha nito, sumimangot at tumingin sa ibang direksiyon.

"Hey, Mary," tawag ko rito. Bahagya lang itong lumingon kaya napangiwi ako. "Sabihin nating totoo nga iyon, kaninong pangalan naman ang tatawagin mo?"

Kasabay ng pagliwanag ng mukha niya na tila nabuhayan ng loob ay ang pagbuntong-hininga ng dalawa naming kasama. Napakamot lang ako ng ulo dahil doon at nginitian sila.

Mahirap na, baka umiyak pa 'tong babae na ito rito sa harap namin.

"There are numbers of names though." simula niya na kunwari ay nag-iisip pa. "Let's see.. There's Hyde..uh..Magi, Luna..there's Apollo and... Akio..I didn't remember the other names."

"That so." tumatangong tugon ko. "Ibig sabihin, isa man sa pangalang iyon ang banggitin mo, may lilitaw para ibigay ang wish mo?"

"Ye–"

"Alright, enough." putol ni Ms. Levi sa may gilid. "Back to work."

Wala naman kaming nagawa kundi ihinto ang pag-uusap namin at magsibalik sa mga gawain namin. Walang nangyaring palitan ng pwesto noong araw na iyon.

Ngunit hanggang sa pagsara ng cafe ay di natigil si Marylou sa pagsasalita about dun sa kwento ng Lola niya.

"Alright. Alright. Gagawin ko, basta tumigil ka na." pagsuko na ni Ms. Levi habang papasok sa kanyang sasakyan. "Pag walang nangyari, wala kang snack sa susunod na tatlong araw."

"Ha? Wag naman, please?"

Hindi na siya pinakinggan pa ng kausap dahil tuluyan na iyong sumakay sa sasakyan niya at pinaandar ito paalis. Naiwang nakasimangot si Marylou samantalang tatawa-tawa naman si Manager Anne. Pahikab-hikap naman sa tabi si Mio.

Maghapon na siyang tulog pero hanggang ngayon inaantok pa din?

"Kuya Mio!" parang batang tawag ni Marylou sabay kapit sa braso ng isa. "Tulungan mo naman ako."

"What?" bagot na sagot ng isa. Nagkakamot ng mata at nakasimangot.

"Mamaya pag-uwi mo. O kung nasa daan ka pa, magpatak ng 11:11, tawagin mo ang pangalang Luna." sabi niya. At kung nasa malapit lang si Manager Anne ay baka nasapak na siya.

"Yeah. Yeah. Whatever." sagot nito na di ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ng isa.

Nagkanya-kanya na din kami ng lakad tungo sa iba't ibang direksiyon. Si Kuya Mio ay naglakad na palayo habang nakapamulsa, nasa malapit lang kasi ang bahay niya. Kaya kahit gabihin siya o mag-over time sa cafe, wala siyang problema.

Magkasabay namang sumakay ng taxi si Manager Anne at Marylou since magkalapit lang ang bahay nila. Minsan sabay din sila kung pumasok sa school, pero hindi sa pagpasok rito sa cafe. Madalas kami ang sabay ni Marylou. Pero lagi naman silang sabay kung umuwi.

At ako? Kailangan kong sumakay ng panghuling bus pauwi. Yun lang kaya ng pamasahe ko, eh. Sobrang mahal kapag nag-taxi pa ako.

Nag-antay lang ako ng ilang minuto sa hintayan ng bus hanggang sa makasakay ako. Ilang minuto lang din ang naging byahe ko dahil walang masyadong traffic. Pero pagkababa ko, ay noon naman ako tuluyang sinalakay ng sobrang antok at pagod.

Pumasok ako sa gate ng tinutuluyan kong apartment. Its a tree story house with 3 rooms each floor. Its like a Japanese style apartment. Hindi naman mahal ang upa, may kalumaan na din naman ang bahay pero maayos naman.

Inakyat ko na ang hagdan tungo sa second floor, nilakad ang pasilyo tungo sa pinakadulong pinto. Bago ko iyon buksan ay napabaling ako sa kadiliman ng paligid. Kaunting ilaw lang na mula sa poste ng ilaw sa labas ng gate ang nagsisilbing liwanag. Halos di na nga makita ang mga halaman.

Pumasok na din ako at kaagad iyong ini-lock. Tinungo ko ang kama ko at roon nahiga. Di ko na binuksan pa ang ilaw at pumikit na lamang. Bed lamp lamang ang bukas pati na ang bintana sa gilid ko kung saan pumapasok ang malamig na hangin.

Maya lang ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito. Message galing sa landlady.

"Ah, kailangan ko na palang magbayad ng renta bukas makalawa." bulong ko sa sarili. Tumihaya ako at itinakip ang braso sa sariling mata. "Kailangan ko na namang mag-advance ng sweldo kay Ms. Levi para mabayaran iyon."

Palagian nalang kung mag-advance ako ng sweldo ko sa kanya. Buti nalang mabait at maintindihin din siya. Kailangan ko na din pala makapagbayad ng monthly tuition fee ko para maka-take ng exam sa susunod na linggo.

Gumulong ako at binuksan ang drawer sa tabi ko. Inilabas ang puting sobre at sinipat ang perang laman niyon. Napabuntong-hininga ako pagkaraan.

"Kahit mag-advance ako ng dalawang linggo sa sweldo ko, ‘di pa din iyon sasapat para sa buwang ito. Mabayaran ko man ang renta at tuition ko, pano naman pang-gastos ko?" dismayadong napatihaya akong muli at napatigig sa madilim na kisame.

Sa katapusan pa ng buwan ang padala ni Papa para sa allowance ko. So ibig sabihin niyon, kailangan kong magtipid ng sobra-sobra para makaabot roon.

Argh! Nakakasar naman.

Muli kong sinipat ang cellphone ko ng mag vibrate ito. Message galing kay Marylou.

"Ano naman kaya kailangan ng babaeng iyon?" tanong ko sa sarili bagama't pinindot pa din ang notification.

Marylou:Call out a name, now!

"Name? Anong name naman? Ano na naman ba ang trip ng babaeng 'to?" turan ko ulit habang nagta-type ng reply.

Me:What name?

Walang pang dalawang segundo matapos mai-send ang reply ko ay may bago na naman siyang mensahe. Kunot-noo ko iyong tinitigan.

Marylou:The wish granter, duh. Come on, its almost 11:11.

Wala sa sariling napasipat ako sa oras sa taas ng phone ko. 11:02 palang naman, eh. Ba't ba siya nagmamadali? Sabi niya 11:11, pero may 9 minutes pa bago iyon.

Me:Wala akong matandaan.

Matapos mai-send ang message ay ibinaba ko ang cellphone ko sa tabi ko at nagkumot. Hinayaan ko ang nakabukas na bintana dahil wala naman akong electric fan rito sa loob. Sakto lang din ang lamig nito kaya makakatulog ako ng maayos.

I actually fell asleep.

But got woken up by the sound of my phone ringing beside me. I crack open an eye as I fished my phone. The light from the screen was blinding that I needed to close my eyes for a second to adjust.

Message mula ka Marylou ang nakita ko sa notification. At kahit antok na antok ay binuksan ko iyon at tinitigan ang one-word message niya.

"..Akio..?" wala sa sariling nausal ko. Yun lang ang nabasa ko dahil iyon lang naman ang laman ng mensahe.

Ibababa ko na dapat ang cellphone ko pero nahinto ako ng muli siyang mag-message. Napaikot pa ako ng mata bago maupo ng mayos sa kama. Nagkamot ng mata.

"Ano ba kasing trip ng babaeng iyon at.." napapikit ako sa malakas na bugso ng hangin na pumasok sa bintana ko. Sa lamig nito ay nayakap ko pa ang sarili ko bago iyon isara.

Napahikab pa ulit ako saka itinago sa ilalim ng unan ang cellphone. Inayos ko ang kumot ko at nahiga ng maayos. Papikit na dapat ako ng makaramdam ng pagsipa sa paanan ng kama.

"Oi, matapos mo akong tawagin tutulugan mo ako? Gumising ka diyan!" pasigaw na wika ng isang tinig.

"W-what–" napabalikwas ako sa kama at hinanap ang may ari ng boses na iyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at otomatikong gumalaw ang kamay ko para kunin ang bagay na nakatago sa ilalim ng unan ko. Madilim ang silid pero pansin ko ang bulto na naroon sa paanan ko, nakatayo. And if I'm not mistaken, his blue sharp eyes was staring at me.

"S-sino ka!?" anas ko rito pero di ito sumagot. Hinugot ko na ang bakal na patpat sa ilalim ng unan ko at itinutok iyon sa kanya. "Wag kang lalapit!  Paano ka nakapasok dito!?"

"Psh. You called me, dummy." inis na anas din nito.

"Ha? Wala akong tinatawag na sino man! Tsaka, lumapit ka para makita kita!" utos ko sa kanya. Hawak ko na sa isa kong kamay ang cellphone ko. Baka sakaling kung anong gawin niya ay mabilis kong matatawagan ang mga pulis.

"Ah!?" biglang angil nito. "May sayad ka ba, ha? Ano ba talaga gusto mo? Sabi mo wag akong lalapit tapos ngayon gusto mo lapitan kita. Gusto mo ba masapak?!"

Napakurap ako ng ilang beses at bahagya lang napasimangot sa isinagot niya. Aba'y ang akyat bahay na ito pinipilosopo ako!?

"Ikaw tatamaan sa akin kapag di mo pinakita mukha mo!" banta ko.

"Psh. Takot ako." sarkastikong turan nito.

"Ano ba! Kung wala ka namang kailangan, umalis ka nalang!" singhal ko ulit. "Istorbo ka sa tulog ng tao, eh!"

"What the fuck!?" muling anas niya na siyang ikinagulat.

Kinabahan ako sa tono ng pananalita niya, kasabay ng mabigat niyang yabag palapit sa akin. Bigla itong lumundag at ng bumagsak sa kama ko ay napasigaw pa ako, ngunit bago pa man ako makaalis roon ay dinaganan na niya ako. Inipit ang mga kamay ko sa itaas ng ulo ko gamit ang isa niya lang na kamay.

"Bitaw!"

"Listen here, dummy!" aniya sa malakas na boses. "Ako pa ngayon ang istorbo sa tulog mo, ha? Eh, ako itong nananahimik tapos tatawagin mo ng bigla-bigla? Tapos ano, papalayasin mo ako ng ganun-ganun lang? Eh, kung ibuhos ko kaya 'to sa pagmumukha mo para magising ka!"

"Sabing hindi ki–milktea?" biglang tigil ko sa pagpupumiglas ng mapansin ang hawak niya sa kanyang isang kamay.

"Damn, yeah. Got a problem with that?" singhal nito. "I was enjoying my drink when you fucking called me here, so take a damn responsibility!"

"Wait-wait-wait! Di naman kita tinawag, ah! Tsaka di nga kita kilala, eh!" sabi ko rito. Pinilit kong makakawala sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang iyon. "Tsaka, bitaw na nga! Wag mo 'kong daganan!"

"Good for you, di rin kita kilala." pagtataray nito saka uminom sa hawak niyang milktea.

At talagang may gana siyang uminom habang nakadagan sa akin!?

"So, what do you want? Why did you summon me?" tanong nito matapos uminom. Halos mangalahati nalang ang laman ng baso niya.

Napangiwi naman ako. "Summon you? Why would I summon you?"

"Are you for real?"

"Sino ka ba kasi?"

"You just called me and you're asking me who am I? What the hell are you?" nainis naman ako sa inaasta niya. Pano ba naman puro mura, eh.

"Kasi naman!"

"Its fucking 11:15! You already took 3 minutes of my time!" reklamo nito. Muli akong napasimangot.

"Not even my fault. Ni di ko nga alam kung bakit ka nandito sa kwarto ko, eh!"

"You fucking called me at 11:11!"

Tinitigan ko naman siya dahil sa sinabi nito. Di ko pa masyadong nakikita ang mukha niya dahil madilim pero alam kong labis ang pagkunot ng noo nito.

"11:11?"

"Legends says that if you call out his name by exactly 11:11, he'll appear in front of you and will grant you a single wish."

"There are number of names, though. There's Hyde, Magi, Luna, Apollo and..."

"Akio..?" sambit ko sa huling pangalan na sinabi ni Marylou kanina.

Noon ko nakita ang pagngisi niya habang nakatitig sa akin. Hawak ang kanyang milktea ay bumaba ang mukha niya. Tumigil lamang ito ilang sentimetro ang layo sa mukha ko.

"That's my name, dummy."

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status