Share

His Name’s Akio

 

ALTHEA'S POV

 

"So, you're real?" 'di makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Prente itong nakaupo sa silya, naka-krus ang mga binti at hawak sa isang kamay ang kanyang milktea. Para siyang isang senyorito sa pagkakaupo at kala mo talaga nasa isang royal tea party. He's doing the 'Don't touch the cup with your five fingers' thing.

Nakaupo lang naman ako sa dulo ng kama ko, naka-indian seat at naka-krus ang mga braso. Nasa tabi ko lamang ang bakal na patpat–or should I say, fresh patola na. Di ko alam kung paano nangyari basta bigla nalang yun naging gulay ng tinangka ko siyang hampasin.

"Damn right. Why else would I be here in this filthy room of yours?" singhal niya na ikinasama ko naman ng tingin.

"Has anyone told you that you have a dirty mouth?" balik ko dito. At himala, biglang tumawa ang mokong.

"Magugulat ka ba kung sasabihin kong wala?" natatawang turan nito. Napaikot naman ako ng mata at nagbuga ng hangin.

"I doubt." depensa ko. "Baka nga sinusumpa ka na nila."

"Sinusumpa mo, kamo." pagtatama nito. Sa inis ko ay dinampot ko ulit ang patpat– I mean, patola pala.

"Kung wala kang magandang sasabihin, lumayas ka!" pambubulyaw ko.

At kung di lang ako nanghihinayang sa pagkain, ay talagang ibinato ko na iyon sa kanya. Pero dahil kapos ako ngayon, ibinaba ko nalang ulit iyon.

"Psh. Ba't ba sigaw ka nang sigaw? Ang sakit sa tenga." aniya at nakita ko ang pagkamot niya sa kanyang tenga. "Tsaka, di mo ba bubuksan ang ilaw? Ang dilim kaya."

"Ikaw ba nagbabayad ng kuryente ko, ha?" angil ko rito. "Tsaka ba't ba nandito ka pa? Umalis ka na nga."

Anong oras na kaya. Mapupuyat na naman ako neto, baka pagnagkataon ma-late pa ako sa klase. At iyon ang pinakaayaw ko. Buti sana kung mabait prof namin sa unang subject, pero hindi. Mauna lang siya sa loob ng classroom, absent na agad yung mga nasa labas. Hindi na makakapasok pa.

"Just tell me what you want." bagot na wika nito.

"Wala. Isa pa, hindi naman sa gusto talaga kitang tawagin. It was an accident." sagot ko rito saka nahiga sa kama. "Si Marylou lang naman may kagagawan nito."

"Mary-who?"

"Marylou. Kaibigan ko." ulit ko saka ito sinipat. "She told us about the legend. About you, by the way."

"And?"

"And I was forced to called you. That's why you're here." naupo akong muli. "Nga pala, di ba sabi 11:11? Eh, 11:30 na. Hindi ba dapat wala ka na dito dahil lagpas na sa oras. Tsaka dapat wala na ding bisa yun."

I heard him let out an annoyed huff before standing on his feet. Naglakad ito tungo sa nakasarang bintana. Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa idaitil niya ang palad niya roon. Napasinghap ako ng parang nagkaroon ng spark sa pagitan ng kamay niya at bintana.

"What was that?" nababahalang tanong ko.

"I can't get out unless I'm done with my business here." naiiritang sabi nito at namulsa pa. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin na ikinasimangot ko. "As for your question. Oo, dapat wala ng bisa pa dahil lumagpas na sa takdang oras. Isang minuto lang ang meron para magawa ang kahilingan. Pero dahil tanga ka, eto ang nangyari."

At talagang ako pa ang na-tanga dito!? Malay ko ba namang totoo siya! Tsaka si Marylou ang may kasalanan nito!

"So, anong gagawin mo ngayon?" pagtatanong ko.

"Malamang dito magpapalipas ng gabi hanggang sa susunod na gabi." kibit-balikat na sagot niya na tila ba buong mundo alam ang sagot na iyon.

"Ha? Makikitulog ka rito? Hindi pwede!" angal ko sa kanya. "Lumayas ka na!"

"May I remind you na kasalanan mo ito dahil di ka kaagad humiling! Kaya manahimik ka!" sigaw din niya sabay higa sa tabi ko.

Ameee!! Pati ba naman sapatos dala niya? Di ba niya pwedeng tanggalin yan?

"Hoy, ano ba! Wala ka ba talagang magagawa para makaalis dito?" sita ko sa kanya. Umusog ako sa kabilang dulo ng kama at hinila ang kumot. "Kahit ano! Gawin mo!"

"Ang ingay mo." reklamo nito. Saka lang siya naupo at inis akong binalingan. "A damn request then."

"Request?"

"Yeah, a request. I grant every kind of wishes by 11:11 to 11:12. The person who summons me must make a wish by that amount of time, if not, I'll be stuck with them for the next hours till the next 11:11pm." matabang na paliwanag nito na kulang nalang talaga ay makatulog siya habang nagsasalita.

"And, what's with the request?" tanong ko ulit.

"A request is like a wish, but in a lower caliber. If you ask me to do something, and I comply, I can get out of this forsaken place." humikab siya saka tumayo. Nagpagpag ng sarili at muling namulsa.

"Marylou did not told me that." bulong ko sa sarili ko. "I didn't know it was complicated like that."

"So, tell me what you want." pagmamadali nito.

"I don't have anything I want in particular." sabi ki rito. Ipinilig ko ang ulo ko at tumitig sa kisame saka nag-isip. "Maybe a hug, then?"

"A-what?" dismayadong napabuga ako ng hangin sa tinuran niya at tinaasan siya ng kilay.

"Saang lupalop ka ba nagmula? O sadyang bingi ka lang? Kailangan paulit-ulit, ha?" iritableng tugon ko rito. Nakita ko ang pagganti niya ng taas-kilay.

"Gusto mo bang masapak, ha?" banta nito na iniamba pa talaga ang palad.

Itinaas ko din ang mga braso ko bilang panangga sakali mang gawin niya talaga. Sa itsura pa naman niya parang isa siya sa mga pumapatay sa past life niya. Katakot.

"May alam ka ba sa respeto?" pabalang na tanong ko.

Ngumisi naman ito. "Yeah. And I also know the word equality."

"Equality?"

"Oo. Kapag sinapak ako, gaganti ako. Mapababae o lalaki pa man iyan. Equality!" dismayadong napabutong-hininga ako at napahilamos pa ng mga palad sa mukha.

"Hindi mo alam ang ibig sabihin ng equality! That's pure stupidity!" singhal ko. "Sino bang nasa tamang pag-iisip ang mananapak ng babae, ha?"

Tumawa lang naman ito at muling naupo sa gilid ng kama. Nakasimangot na naghalumbaba naman ako at tinitigan lamang siya. May kung ano siyang kinakalikot sa kanyang daliri, tila babaeng bagong daan sa manikurista.

May pagkasamaarte din pala 'tong kumag na ito. I wonder, bakla ba ito?

"Oh, ano na?" untag nito. Napakurap naman ako ng mata at nakamaang na sinundan siya ng tingin.

Tumayo kasi ito at naglakad hanggang sa may pwesto ko. Tumayo sa harap ko ng nakapamulsa, tinitigan ako ng kanyang matatalim na matang kulay asul.

"What?" tanong ko sa kanya.

"A request. Quick."

"Madaling-madali? May lakad lang?" pang-aalaska ko rito. Lalong sumama ang tingin nito kaya napalabi ako. "Psh. K, Fine. Give me a hug."

"Heck, no!" mabilis na angal niya. Ako naman itong napasama ng tingin. "I would never!"

"What? You're supposed to comply! That's what the legend says!" asik ko din.

"Pero ayuko!" tanggi pa din niya. "I am not going to hug anyone. Especially, you!"

"Aba-aba!" inis na turan ko. "Grabe ka, ha! Kung ayaw mo, ‘di ‘wag! Para namang gusto kong mayakap ng tulad mo. FYI, ‘di kita type!"

"Like wise. ‘Di ko gusto ang mga flat!" asik din nito na lalo kong ikinainis.

Wala sa sariling nai-krus ko ang mga braso ko sa dibdib ko. Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa kahihiyan at pagkairita sa kanya. Oo nga't ‘di kalakihan ang hinaharap ko, pero ang ipagdikdikan sa mukha ko ang pagiging flat!? Aba'y sobra na ‘yun, ah!

"FYI, ‘di ako flat! May umbok kaya!" depensa ko.

Heaven's sake! ‘Wag na ‘wag na ‘wag na ‘wag mong babanggitin ang hinaharap ng mga babae! Takte, nakakababae ‘yun! At itong pesteng mokong na ito!

"At saan banda? Umbok, my ass. Foam lang ‘yan ng bra mo, uy!" nakangisi niyang turan.

At, talagang nakangisi pa siya? Asan ang hustisya!?

Dinampot ko ang unan at saka iyon binato sa kanya. ‘Di pa ako nakuntento't dinampot ko din ang bag ko sa sahig at ibinato iyon sa kanya.

"Asan ang equality na sinasabi mo, ha? Nanglalait kang hayop ka!"

"Am not! Its the truth!"

"Walangya ka! Sino ka para sabihin iyon!?"

"Psh. Flat is justice, you know?" matapos sabihin iyon ay bigla siyang naglaho mula sa kinatatayuan sa may bintana.

I made a 360° turn to scan the whole room. Pero wala akong nakitang pesteng mokong sa kwarto. Saan naman kaya napunta ang isang yun?

Ha! Sana nakalayas na ang mokong na iyon dahil pagnakita ko pa siya, talagang masisipa ko siya!

Hmp! Ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng flat. Kala naman niya! FYI, mas may hinaharap ako kesa kay Marylou! ‘Di man sobrang laki, at least meron! At least may dibdib! At least humihinga at–

"Ameee!!" pagpalahaw ko sa gulat ng may mga brasong pumulupot sa akin mula sa likod.

"It’s Akio, dummy." bulong niya sa may tenga ko. At mas ikinagulat ko ng marahas niya akong itulak.

Napadapa ako sa kama at kasabay ng malakas niyang pagtawa ay ang muling pagbugso ng malakas na hangin. Sa lakas nito ay bumukas pa ang bintana. Naglaho na din ang tawa niya at nang lingunin ko kung saan siya nakatayo kanina, naningkit ang mata ko ng makitang wala na siya roon.

"Akio, my ass!" inis na bulong ko. Marahas kong isinara ang bintana ng kwarto ko at nahiga sa kama. "’Wag ka na magpapakita sa akin, mokong ka!"

 

-wish11:11-

 

Nakaupo lamang ako sa couch na madalas upuan ni Ms. Levi. Tulala. Nakatitig sa kawalan. Nakatayo sa tapat ng cash registrar si Ms. Levi, kausap niya sa labas ng counter si Mio na antok na antok ang itsura.

Pansin ko na maya't-maya ang pagsipat niya sa akin pero di ko siya magawang tingnan. Kanina pa ako nakaupo, walang ginagawa. At parang wala akong ganang kumilos.

Nang makita ko si Manager Anne ay wala sa sariling napasipat ako sa kanyang dibdib. Hindi rin iyon ganoon kalaki, pero mas malaki kesa sa akin. Maski si Ms. Levi may ipagmamalaki ding hinaharap, sexy din siya. Tapos ako?

"’Di ko gusto ang mga flat!"

"Umbok, my ass! Foam lang ‘yan ng bra mo, uy!"

"Walanghiya siya!" anas ko at sa ‘di ko malamang dahilan ibinato ko ang hawak kong notebook. "Titirisin ko talaga siya!"

Ang sama niya. Super sama! Sa dami ng pwedeng mapuna, hinaharap ko pa talaga!? Matatanggap ko pa kung sasabihin niyang ang pangit ko. O ‘di naman kaya, pandak ako. O kaya, mataba ako! Pero ang laitin ang dibdib ko? Ibang level nang kasamaan 'yun!

"Anong problema, Thea?" biglang sita ni Manager Anne. At ng sandaling lumapit ito sa akin, dumapo ang mata ko sa harap niya.

Ameee! Kainis! ‘Di ako mapakali!

"Wala naman." nakaiwas na sagot ko sa kanya. "May naalala lang ako."

Kainis kasi! Ba't ko nga ba iniisip yun? Haist!

Umayos siya ng tayo at marahang tinapik ang balikat ko. Umalis din siya pagkaraan kaya tumayo na din ako at lumapit kay Ms. Levi na may kausap sa cellphone. Lumayo naman ito ng kaunti sa’kin.

Gaya ng dati, bilang lang din ang nasa cafe ngayong araw. Mukhang mga kolehiyo pa ang mga ito dahil sa mga laptop na nakabukas. May mga folder din sa lamesa nila. Maski ang antukin na si Kuya Mio ay nakita ko sa isang table sa gilid at tutok sa kanyang laptop.

Nagsisimula na ata siya sa kanyang thesis. I wonder kung about sa ano ang thesis na ginagawa niya.

"Maaga tayong magsasara. May kailangan akong asikasuhin." anunsiyo ni Ms. Levi pagkalapit sa akin. Nagsenyas din siya sa iba about sa anunsiyo niya na kanila naman ikinatango.

Palihim lang akong napangiti dahil doon. Dahil ibig sabihin lang din niyon ay maaga akong makakauwi at makakapagpahinga din ako ng matagal-tagal. Makakapag-aral din ako ng ilang oras.

At gaya nga ng sinabi ni Ms. Levi, maaga kaming nagsara. At by 7pm ay nakauwi na ako ng bahay. Dumaan din ako sa grocery store para makabili ng maluluto sa bahay. Ilang araw na din kasing laging fast food ang kinakain ko.

Habang nasa kusina ako at naghahanda ng makakain, bigla kong nasipat ang kabuuan ng bahay. Mula rito sa counter ng kusina ay tanaw ko ang aking kama. Nakalapag sa ibabaw nito ang bag ko.

Pero hindi iyon ang nakapagpangiwi sa akin. Kundi ang mga kalat sa sahig. Ngayong nakabukas ang ilaw at maliwanag ang buong silid, kitang-kita ko ang nakakalat na mga damit sa sahig, ang ilan sa mga papel na nilamukos ko at mga plastic ng junkfoods.

Makalat. Sobrang kalat. Parang basura ang lagay ng sala ko. Kung saan-saan nakasabit ang mga gamit na damit, magulo ang mga libro sa study table at..

"Medyas ko ba yun?" bulong ko sa sarili ko nang mapansin ang nakasabit na tela sa may hook ng jacket.

Psh. Wala na pala akong oras para makapaglinis ng bahay. Maaga kasi akong umaalis para pumasok, tapos gabi na din kung makauwi dahil sa trabaho. Hindi ko na nga nabubuksan ang ilaw kapag dumadating ako, eh. Sa sobrang pagod ay natutulog na 'ko agad kapag uuwi.

Hindi naman sa makalat akong tao, di rin naman ako malinis na tayo. Siguro 50-50, ganun. Kapag tinamad ako, makalat talaga ang bahay. Pero kapag good mood naman ako, buong bahay makintab. Sadyang ngayon talaga ay ‘di ko nagagawa iyon.

Napabuga ako ng hangin. Naiiling na binalikan ko ang ginagawa ko. Siguro gagawin ko nalang iyon mamaya pagkatapos kong kumain.

"Kung sipagin ako.." wala sa sariling naibulong ko at napahagikhik sa huli.

Tinapos ko na din ang ginagawa ko at naghanda ng makakain. Hindi naman iyon ganoon kadami dahil isa lamang ako at ng matapos ako ay naupo ako sa aking study table at binuksan ang aking libro.

Ganito talaga ako kapag kumakain. Pinagsasabay ang pag-aaral. Dahil kasi sa kakaunting oras na mayroon ako, kinakailangan kong doblehin ang ginagawa ko lalo na kapag ‘di naman iyon mabibigat na gawain. Sana'y naman ako sa ganoong lagay kaya ‘di na ako nahihirapan pa.

At dahil nakaramdam na naman ako ng labis na katamaran, iniwan ko sa lamesa ang pinagkainan ko pagkatapos at dumapa sa kama. Dala ang mga libro at notebook para simulan ang aking mga assignment. Pinatay ko na din ang ilaw at tanging bed lamp lang ang binuksan ko para tipid din sa kuryente.

Ngunit nabulabog ang tahimik kong pag-aaral dahil sa malakas na tunog ng aking cellphone. Inis na dinampot ko iyon sa aking bag at ‘di ko naiwasang ‘di mapaikot ng mata nang makita ang pangalan ni Marylou sa screen nito.

At ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ito sa akin ng ganitong oras?

Muli akong dumapa sa kama at sinimulan ulit ang naudlot kong pag-aaral. Bagama't naiinis ay sinagot ko nalang din ang tawag niya dahil alam ko na hindi siya titigilin. At kapag nangyari iyon, tuluyang masisira ang mood ko ngayon.

"Anong kailangan mo?" bagot na sagot ko rito.

"Babae! Anong balita sa 'yo?" sagot niya mula sa kabilang linya. Nahimigan ko pa ang pagkasabik sa tinig nito na aking ipinagtaka.

"Nagkita tayo ilang oras lamang ang nakakalipas, anong klaseng tanong naman iyan?" kunot-noong sagot ko rito.

Buntong-hininga ang narinig ko mula sa kanya. Napangiwi ako. Ngunit di dahil sa pagkadismayang pinaabot niya kundi sa mga nakasulat sa libro na inaaral. Isa sa pinakaayaw at pinakanahihirapan kong subject ay physics. At kung minamalas ako ay may mahabang pagsusulit kami bukas.

"Gumana ba iyong kwento?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundong pananahimik.

"Anong kwento?" wala sa sariling sagot ko. Nasa libro ang atensiyon ko kaya ‘di ko siya masyadong maintindihan.

"Yung tungkol sa alamat! Iyong wish granter sa 11:11!"

"Ah?"

"Althea!" pagpalahaw niya. Nailayo ko pa ang cellphone ko sa tenga ko para maiwasang mabingi sa lakas ng boses niya.

"Ano ba kasi iyon?" may pagkairitang tugon ko. "Alam mo bang ginugulo mo ang pag-aaral ko? Tsaka, kung wala kang magawa, matulog ka na lang."

Hindi kami magkapareho ng klase ni Marylou kaya ‘di ko alam kong may pagsusulit din sila bukas gaya ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang schedule niya, dahil nasa ibang klase niya. Tsaka sa school namin, magkakaibang araw ang schedule ng bawat subject namin kahit pa pare-pareho kaming nasa huling taon ng highschool.

Pero knowing Marylou, wala naman siyang pakialam kahit bumagsak siya sa klase. Sabi nito, basta maipasa niya ang taong ito, ayos na siya. Sapat na daw sa kanya kahit pasang-awa lang. Minsan gusto ko siyang batukan sa ganoong pag-iisip niya. Wala ba siyang pangarap sa buhay?

"Banggitin mo na." biglang utos niya. Tila nagtatampo ang boses nito kaya nahinto ako sa pagsusulat.

"Sorry?" alanganing sagot ko. Muli itong sumigaw kaya muli ko ding inilayo ang cellphone sa tenga ko.

"Nakakaasar ka! Pati sina Manager Anne, Ms. Levi at Kuya Mio, nakakaasar kayo! Ba't ba kayo ganyan?"

"Ano ba kasing problema?"

"It's almost 11:11. Call out his name." pag-uutos muli niya.

Napatihaya na ako sa kama at nagbuntong-hininga. Napatitig ako sa kisame.

Alas-onse na pala. ‘Di ko man lang namalayan ang oras. Ang bilis naman ata. Pakiramdam ko ilang minuto palang ako nakakapag-aral pero heto, maghahating-gabi na. Ba't ba ang bilis ng oras?

"Thea! Few seconds before 11:11. Call him!" sigaw niya sa kabilang linya. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?

"Who?" inaantok na sagot ko. Napahikab pa ako pagkatapos at narinig ang sigaw niya.

"The name's Akio!" nanahimik siya ng ilang segundo. "Now! Say the name I said!"

Nangunot ang noo ko. "Uh.. Akio..? Kaninong pangalan ba 'yun?"

"Psh. Goodnight!" pag-dadabog nito saka ako binabaan. Napapangiwing tinitigan ko naman ang screen ng cellphone ko bago nailing.

"Wala talagang alam kundi ang mangbulabog. Nag-aaral ako, eh." reklamo ko.

Ibinaba ko ang cellphone sa kama saka muling dumapa para ligpitin ang mga gamit ko. Dahil sa pangbubulahaw ni Marylou, nawalan na ako ng gana para makapag-aral ulit. Matutulog nalang siguro ako ngayon.

"Gaaah! Istorbo talaga ang babaeng iyon!"

"At may gana ka talang magreklamo sa ginawa mo?"  angil ng isang tinig na ikinatigil ko.

Did I just.. Did I just hear that voice?

"Hoy!" Ameee! Andito nga siya!

Nanlalaki ang mga matang dahan-dahang umikot ang ulo ko para lingunin siya. At sa kabila ng madilim na silid, kita ko ang pamilyar na bulto na nakatayo sa paanan ng kama ko. At malinaw sa paningin ko ang matalim at asul niyang mata na nakatitig sa akin.

"Ameee! Ba't ka nandito!?" gulat na sigaw ko rito. Napaayos pa ako ng upo ng sipain niya ang paanan ng kama.

"Humiling ka na, bilis! Mauubos na ang oras!" utos niya ng pasigaw at kung pwede nga lang sirain na niya ang kama ko sa kakasipa niya.

"Teka! Wala naman akong wish, eh! Aksidenteng natawag kita!" depensa ko rito.

Pero ‘di siya nakinig. Tuloy lang siya sa pagsipa sa paanan ng kama ko. Uwaaah! Ano bang problema ng lalaking 'to? Sisirain niya ba ang kama ko?

"Aksidente na naman!? Ako ba'y pinaglololoko mo, ha, flat-chested na babae!?" singhal nito kasabay ng pagtigil sa paninipa.

Naningkit naman ang mata ko at napasimangot ako sa itinawag niya sa akin. Sa inis ko ay dinampot ko ang makapal na libro ng chemistry at saka iyon ibinato sa kanya.

"Hindi ako flat-chested, mokong ka!" sigaw ko.

Pero bago pa tumama sa kanya ang libro ay naglaho na ito sa hangin. At bago pa ako makasigaw ng kung anu-ano, lumitaw ito sa taas ko at nahulog. Noon ako napasigaw sa sakit ng bumagsak iyon, sapol sa bunbunan ko.

"Ang tanga-tanga mo, eh, noh?" angil nito at naramdaman ko ang pag-uga ng kama. Nakita kong naupo na siya sa dulo nito at pinag-krus ang mga braso. "Ubos na naman ang oras ko! At ikaw, sa sobrang katangahan mo, naiwan ko pa yung milktea na binibili ko!"

"Ginusto ko ba ‘yun!?" asik ko rito at binalak siyang sipain pero tumagos lang ang paa ko. "’Di ko alam na multo ka! ‘Wag mo akong sasapian!"

Bakit ganoon!? Kahapon lang ay nahawakan niya pa ako. Nayakap niya pa ako. Pabalang na itinulak tapos ngayon para siyang hangin!? So ano, kapag siya nananakit, ayos lang? Tapos pag-ginagantihan, hindi pwede?

Asan ang hustisya!?

"Manahimik ka! Masama mood ko ngayon. Tsk." padabog itong naghalumbaba. "Dahil sayo nagsayang ako ng pera para sa milktea na iyon. Psh. ‘Di ko man lang nakuha." pagrereklamo niya sa sarili. "Ba't kasi ang bagal kumilos ng pesteng babae na nandun?"

‘Di ko naiwasang ‘di mapangiwi sa mga sinasabi niya. Gaano ba siya kaadik sa milktea at iyon ang pinuputak ng butsi niya? Mas mahalaga pa ba iyon kesa sa lagay niya ngayon? At infairness sa kanya, ha, may pera pala siya pangbili ng ganoon?

"At kasalanan mo din iyon!" biglang baling nito na dinuro pa ako.

"Ba't ako?" angil ko saka umatras. Baka mamaya hablutin na naman ako ng isang 'to at daganan.

"Kasi kung ‘di mo ako tinawag, ‘di ko sana maiiwan iyon!" napasimangot naman ako. Malay ko bang bumibili pala siya nun. "At sa katangahan mo, hindi ka agad humiling kaya naubos na naman ang oras! ‘Di ko na mababalikan kaagad ang milktea ko!"

Napaikot ako ng mata at padabog na niligpit ang mga gamit ko. Inis ko ding hinila ang kumot ko saka inayos ang mga unan ko.

Psh. Milktea lang nagkakaganyan siya? So unreasonable!

"Kung ‘yun lang naman ang ikinagagalit mo, doon!" anas ko saka itinuro ang maliit na ref ng kwarto. "May dalawang medium size ng miltea roon. Laklakin mo na!"

At wala pang isang segundo ay nandun na siya sa harap ng nakabukas na ref at naghahanap. Taas-kilay ko lang itong tinitigan ng ilabas niya ang dalawang milktea na ibinigay ni Ms. Levi.

‘Di naman kasi ako mahilig sa ganyan, eh, buti nalang wala akong nakitang pulubi kanina dahil baka naibigay ko na. At kapag nagkatoon, baka hanggang ngayon ginigisa niya pa din ako sa naiwan niyang milktea. Tsk.

"Jeez, this taste sucks." komento nito. ‘Di ko naiwasang pagtaasan siya ng kilay dahil halos mangalahati na ang laman ng isa sa unang lagok niya lamang.

Ameee, ginawang tubig?

"Kung ayaw mo, ‘wag mong inumin!" singhal ko sabay bato ng isang unan.

Pero bago pa iyon umabot sa kanya ay sumabog ito kaya nagkalat ang laman-loob niyon. I mean, bulak na laman pala.

"Wala akong sinabing 'di ko iinumin." angil nito.

Prente siyang naupo sa kitchen counter, naka-krus ang binti at hawak sa isang kamay ang milktea. Ayan na naman siya sa senyorito vibe niya at sa 'Don't touch the cup with your five fingers' thing. Lakas ng amats nitong mokong na ito.

"Hoy, mokong!" tawag ko pero inirapan niya lang ako.

"The name's Akio. A-K-I-O. Akio." pagtatama niya na siya namang ikinaikot ko lang ng mata.

"Aki-whatever. Kailan mo balak lumayas? Matutulog na ako." pagtataboy ko saka ako nahiga sa kama. Though nakatagilid ako para kaharap ko siya na nakaupo pa din sa kitchen counter.

Para siyang bakla sa pagkakaupo niya, eh.

"Kung nag-wish ka lang agad, edi sana walang problema." bagot na sagot niya saka inilapag ang wala ng lamang cup. Dinampot niya naman ang isa. "So, unless you request something I need to do, I can't get out of here."

"Wala naman akong kahit anong gustong ipagawa sa 'yo." mahinang wika ko sabay tihaya at titig sa madilim na kisame. "Sadyang aksidenteng natawag kita at–"

Napalingon ako sa kanya ng makarinig ng kalabog. At sa kakaunting ilaw ng silid ay nakita kong nakasalampak siya sa sahig. Pero himala at di natapon ang hawak niyang milktea. Nakataas pa ang kamay niyang nakahawak roon.

Ameee, ingat na ingat sa inumin, ah! Doon ba nakasalalay ang buhay niya?

"What the fuck! Ang kalat!" reklamo nito na nakaupo pa din sa sahig. "Kwarto ba 'to o tambakan ng basura? Dinaig mo pa ang lalaki sa sobrang kalat!"

"Psh. Sorry, ah. ‘Di ko knows na sobrang arte mo pala." sabi ko rito. "Tsaka busy ako kaya ‘di ko nagagawang makapaglinis at–"

"..unless you request something I need to do.."

"Actually, I think I know my request." wika ko pagkaraan. Kasabay ng pagngisi ko ay ang pagmumura niya.

"Oh, hell no! Tell me it’s not what I think it is!" sigaw nito. Nagkukumahog na tumayo ito pero tinalikuran ko lang siya at nagkumot.

"Akio, I want you to clean my house. From the buttom to the top."

"F*** you!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status