Share

MRF 29: Jealous

¤Katerina¤

Pilit niyang iniwasang makasalamuha si Damon sa mga araw na nagdaan. Ayaw niyang maulit pa ang nangyari at baka tuluyan na siyang bumigay dito. Nang marinig niya ang papalayong ugong ng sasakyan ng lalaki ay saka lang siya lumabas ng silid dahil plano niyang mamasyal ngayon. Wilma was still in Paris at hindi niya alam kung kailan ang balik nito kaya malamang mag isa lamang siya.

"Saan po kayo pupunta Ma'am Katerina?" Tanong ni Esme nang makita siyang nakabihis at pababa ng hagdanan.

"Aalis muna ako sandali Manang, may bibilhin lang."

"N—nagpaalam na po ba kayo kay Sir Damon?" Kabado nitong tanong.

Umangat ang kilay niya sa turan ng matanda. Kailangan pa ba niyang magpaalam dito gayong hindi nga ito marunong magpaalam sa kanya?

"Sandali lang naman ako Manang at babalik din agad kaya hindi na kailangan," balewala niyang tugon at nagsimula ng maglakad palabas.

"P—pero bilin po kasi ni Sir na…na hindi po kayo pwedeng umalis," balisa niyong habol sa kanya.

Isang buntong hininga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status