แชร์

MRF 3: Hint of True Colors

ผู้เขียน: I'mUrHappyEnding
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-08-16 19:23:58

¤Katerina¤

Kinabahan si Katerina sa mga bagong dating. Minsan na niya itong nakita sa isla noong bago pa lang siya sa lugar. Binalaan siya ng kanyang mga kapitbahay na huwag lumabas kapag naririto ang grupong ito dahil kung anu ano ang kaguluhang ginagawa ng mga kalalakihan at baka pag diskitahan siya.

Madalas itong pumunta dito upang kunin ang kalahati sa huli ng mga mangingisda. Hindi man siya sang-ayon sa pinaggagawa ng mga ito ay wala naman siyang lakas para sawayin ang mga lalaki. Kilala sila sa pagiging siga at kinakatakutan maging sa mga karatig isla.

"Mukhang marami yata kayong huling isda ngayon Mang Ben," sabi nung pinuno. Sa pagkakatanda niya ay Edgar ang pangalan ng lalaki.

"Ah—eh o—oo, medyo swerte lang po Boss," tugon ng matanda na halata sa boses at mukha ang takot sa mga ito.

Ngumisi naman si Edgar bago nagsalita ulit. "Aba kung ganun naman pala na araw-araw kayong swerte ay kukunin ko na ang lahat ng nabingwit ninyo."

"P—po? Naku eh p—parang kalabisan naman po yata iyon," mahinang reklamo ni Mang Ben.

Biglang nanlisik ang mga mata nito at hinablot ang kwelyo ng matanda. Napasigaw naman silang mga kababaihan dahil sa takot. Hindi lang din kase itak ang dala ng mga ito at may baril din.

"Pag sinabi kong kukunin ko, kukunin ko! Naiintindihan mo ba!" Gigil na sambit nito habang halos ay iangat na nito ang katawan ng matanda. "Kailan kapa natutong tumanggi ha!"

May luhang umaagos sa mga mata ni Mang Ben habang tumatango. "P—pasensiya na po Boss. Kunin nyo na po, wala pong problema." Pabalya naman itong binitawan ni Edgar at inutusan ang mga kasamahan na kunin ang huli nilang isda at isakay sa bangka nitong dala. Dinaluhan agad nina Aling Tasya at Rico si Mang Ben na nakasalampak sa buhangin.

Napatingin si Katerina sa katabi at kita niya ang pagkuyom sa kamao ni Achilles. Nang mag angat siya ng paningin ay halos magsilabasan ang litid ng ugat nito sa leeg at umigting ang mga panga. Natakot naman siya sa maaaring mangyari kaya't walang pag alinlangan niyang hinawakan ang mga kamay ng lalaki upang pakalmahin.

She can't let him risk his life at baka kung mapano pa ito. Mag-isa lang si Achilles, armado ang mga lalaki at lima pa talaga. Sigurado siyang hindi nito kakayanin kung sakali man na mapasabak ito sa laban.

Akala nila ay magtuloy-tuloy na ang mga pirata sa dalampasigan ngunit bigla itong huminto at lumingon sa kanila. Maya-maya pa ay malademonyo itong ngumisi at naglakad pabalik.

"May mas interesante pa pala rito kaysa sa isda," nakangising saad nito at naglakad patungo kay Katerina. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Presko pa at mukhang masarap na masarap. Sasama ka sa akin, paniguradong magiging maligaya ang bawat araw at gabi ko." Dagdag pa nito at kitang-kita ang pagnanasa na nasa mga mata ng lalaki .

Humigpit ang kapit niya sa kamay ni Achilles dahil sa biglang pag usbong ng takot sa kanyang dibdib. Mukha pa lang ng lalaki ay hindi na ito gagawa ng maganda. Akmang hahawakan siya sa braso ng bigla itong tabigin ni Achilles.

Umusok naman sa galit si Edgar at nakipagpaligsahan ng titig kay Achilles. "Hoy banyaga! Wag kang makialam dito at magtago ka sa saya ng nanay mo!" Bulyaw nito at akmang hahawakan ulit siya ngunit hindi pa umabot ni dulo ng daliri nito ay bumulagta na ang pirata sa buhangin.

Nakita niya ang pagdugo ng ilong ng huli at nang lingunin niya si Achilles ay nanindig ang kanyang balahibo. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ng binata at nagbabadya ng panganib na animo makakapatay na sa lalaking nasa kanyang harapan. Ito ang unang beses na nakita niyang galit na galit ang lalaki. Dahil sa labis na takot at pag-aalala ay niyakap ni Katerina si Achilles.

"Achilles, huminahon ka. Utang na loob di mo sila kakayanin," mangiyak-ngiyak niyang sambit at tiningala ang binata.

Malamig siya nitong tiningnan at dahan-dahang inalis ang kanyang kamay na nakapulupot rito. "Move Katerina," anito sa matigas na tono at naglakad na papunta sa lalaking nakabulagta sa buhangin.

Hindi pa nakakatayo ang lalaki ay hinablot na ni Achilles ang laylayan ng damit nito sa leeg at inundayan ng isa pang suntok. Dumugo ang bibig ni Edgar. Sa hula ni Katerina ay nabalian yata ito ng ngipin.

Dumura ang lalaki at pinahid ang dugo na sanhi ng putok sa labi. "Tang-ina! Hinahamon mo talaga ako ha!" Galit nitong saad. "Mga bata! Halina kayo't turuan natin ng leksyon ang binatang ito ng matuto siyang lumugar sa susunod!" Tawag pansin nito sa mga kasamahan at mayabang na ngumisi.

May pangangatawan rin si Edgar na parang batak sa gym pero lamang sa tindig at pangangatawan si Achilles. Labis ang kaba ni Katerina ngayong pinapalibutan na si Achilles ng mga kalaban. Nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang luha kaya niyakap siya ni Mira.

Sumugod ng suntok ang isang tauhan subalit agad na nakaiwas si Achilles at nasikmuraan ito, hindi pa nakuntento ang binata at tinuhod nito ang baba ng naturang lalaki. Agad na umikot si Achilles at lumipad ang malakas na sipa nito sa dibdib ng pangalawang tauhan kaya't napaatras ito at umubo ng dugo.

Nanlaki ang mata ni Katerina maging ang mga kasamahan niyang nanonood sa laban. Sobrang lakas ng bawat atake ni Achilles na para bang sanay na sanay itong makipaglaban. Akmang babarilin siya ng pangatlong lalaki subalit hindi paman ito nakakalabit sa gatilyo ay sinipa na ni Achilles sa kamay kaya't tumilapon ang baril nito.

Ang pang-apat na lalaki ay naglabas ng hunting knife at sinubukan na saksakin si Achilles. Dahil sa pag-iwas ng binata ay hindi nito namalayan ang suntok na paparating mula sa pangalawang lalaking nabugbog na nito kanina. Mas lalong nag-liyab sa galit ang mata ni Achilles nang mapagtanto nitong nasugatan ang gilid ng labi.

Nagpatuloy ang labanan ng limang lalaki at ni Achilles. Ang kaninang iyak ng mga taong naroroon ay napalitan ng sigaw at tuwa. Parang nanonood ng boxing at napapasuntok pa sa hangin tuwing tinatamaan ni Achilles ang mga kalaban.

Napansin ni Katerina na bumangon ang isang lalaki at planong sasaksakin ulit nito si Achilles kaya hindi siya nagdalawang isip na pumulot ng kahoy at pinalo ang lalaki sa batok. Napaluhod ito at tuluyang bumagsak sa lupa. Natahimik ang paligid, nawala ang sigawan ng mga tao. Dali-dali naman siyang nilapitan ni Achilles, kinuha nito ang hawak niyang kahoy saka itinapon.

Sandaling natulala si Katerina. Violence was never her thing. She grew up in a prominent and influential family where their good image is important. Kailanman ay hindi siya nasangkot sa anumang gulo mula ng maliit pa siya hangga't sa lumaki.

"Katerina, look at me," pukaw ni Achilles sa kanya at iniangat ang kanyang mukha. Napatingin siya sa lalaki. Bakas sa asul nitong mga mata ang pag-aalala. "It's okay, hmm." Alo nito saka hinaplos ang kanyang mukha.

Narinig nila ang mapanuyang pagtawa ni Edgar. Nang lingunin nila ito ay may hawak na itong baril at nakatutok sa kanya. Agad naman hinarang ni Achilles ang katawan nito upang protektahan siya. Nilamukos ni Katerina ang laylayan ng damit ni Achilles dahil sa takot pero sa kabila niyon ay ang galak sa puso niya dahil napagtanto niyang kayang ibuwis ni Achilles ang buhay nito para sa kanya.

"Akala mo ba kaya mo kami bata?!" anito habang humahalakhak. "Marami kapang kakaining bigas boi!" Dagdag pa ni Edgar at ikinasa na ang baril.

Nang akmang kakalabitin na nito ang gatilyo ay hindi natuloy dahil bigla na lamang itong kinuyog ng kanilang mga kasamahan. Naitapon ni Edgar ang baril kaya dali-dali itong pinulot ni Achilles at tinanggalan ng bala. Nakisali na rin ang mga kababaihan at pinagbabato ng buhangin ang limang lalaki na naging sanhi upang hindi na makakita ng maayos ang mga ito.

The whole breakfast was a disaster. Nagkalat ang kanilang tirang kanin at ulam. Pati ang kanilang lamesa ay nasira din. Napalingon siya sa mga pirata at nakitang sugatan na ang mga ito at nawalan ng malay.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Mafias' Runway Fiance   Special Chapter 2: 16 Years of Marriage

    Kasalukuyang inihahanda ni Katerina ang mga binake niyang cookies nang marinig niya ang malakas na palahaw ng kanyang anak na babae—si Kiara. Kunot noo niya itong pinagmasdan habang patakbong nagtungo sa gawi niya at agad na yumakap. Hilam sa luha ang mga pisngi nito na nakasuot pa ng school uniform galing sa paaralan."Hey, what's wrong baby?" Masuyo niyang tanong sa anak. Kiara Emilia was already thirteen years old and she was her youngest.Nakasimangot itong tumingala sa kanya. Her electric blue eyes really mirrored Damon. "Mommy…Can I transfer into a school without Kuya around?" Humihikbi niyong tanong.Napabuntong hininga siya. Ano na naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? "Baby, anong ginawa ni Kuya sayo? Why are you crying?""Eh kasi…."Hindi natuloy ang iba pa nitong sasabihin ng sumulpot na si Archer sa kusina. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Kiara was glaring at his older brother. Samantalang halos wala namang ekspresyon ang mga mata ni Archer na nakatingin sa ka

  • Mafias' Runway Fiance   Special Chapter 1: Life After Wedding

    Magkahawak kamay silang humarap sa puntod ng daddy ni Damon. Inalalayan siya nitong maupo bago tumabi sa kanya. Medyo nahirapan pa nga sila sa paghahanap sa mga natitira nitong labi but luckily, they found one of the people who kept this secret for so long—isa sa mga matandang tauhan ni Valerian. Ilang gabi ring inatake ng bangungot si Damon kaya naman lagi niya iyong binabantayan sa pagtulog."Hey Dad, look, I got a very gorgeous wife gaya ng pinangako ko sayo noon. Her name is Katerina, Dad," ani ni Damon sa puntod ng ama.Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Habang tumatagal silang nagsama, she began to discover Damon's soft sides. Never did she imagine that this big man was such a cry baby too. This is his first visit since they have known his Dad's grave location. Plano rin ng asawa niya na ilipat ito sa Pilipinas sa tabi ng puntod ng kanyang daddy at ng kanilang anak. Yes, kahit na hindi pa ito buo at dugo pa lang, pinagawan parin nila ng puntod ang bata. Both o

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 90: Epilogue

    Damon was staring at the clear blue sky while listening to calm waves of the sea. He was standing in a beautiful handmade flower arch habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa na kasalukuyang naglalakad patungo sa gawi niya. Isinasayaw ng mabining hangin ang mahaba at tuwid nitong buhok habang suot nito ang isang simpleng white wedding dress na ito mismo ang pumili. Like how he saw her for the first time that he was attracted to her, Katerina is glowing gorgeous day by day she was with him.Today they are going to get married again to the island where their love story started—the Isla Dominica.It's been nine months since the incident in Santorini Greece happened. Akala niya ng mga oras na iyon hindi na siya makakaligtas pa sa kamatayan. Luckily, he managed to jump in the near window and broke the glass wall using his body before the full explosion of the whole mansion which injured his left shoulder and leg. Natupok ng bomba ang buong mansion. Valerian died together with a lot of h

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 89: Reclaiming

    Days had pass na maaari na siyang madischarge. Kasalukuyan silang nanonood ni Damon ng palabas nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang humahangos na si Artemio. Tauhan pa rin pala ito ng asawa niya? Akala niya kakampi na ito ni Valerian."Boss, we already found Valerian's whereabouts…"Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Damon. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at kita niya ang paggalaw ng panga nito tanda ng matinding galit. Hinawakan niya ang nakayukom nitong kamao. Napabaling naman ang tingin nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa asawa."I know that I can't forbid you from chasing his whereabouts but I'll just gonna ask you one thing.""Anything agapi mou?""Whatever happens, please come back alive to me, Damon… Hihintayin kita."That night, Damon left the Philippines to Greece. Abot-abot ang kanyang kaba habang iniisip ang maaring kahihinatnan ng gagawin ni Damon. Kahit pa dala nito ang sarili nitong tauhan kasama pa ang ibang kaibigan nitong may sarili

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 88: Lost

    "I'm sorry for your lost Mr.Castellanos…"Iyon ang katagang paulit-ulit na naririnig ni Damon sa kanyang isip. Malungkot siyang napahilamos ng mukha. Ika-tatlong araw na mula ng sugurin nila ang hideout na pinagdalhan kay Katerina. Masyado siyang nabigla sa kanyang mga nalaman, everything seems so unreal. From the truth that Valentino isn't the real one to the fact that his mother was alive and was hidden from him all throughout the years.Nakakuha ng kanyang atensyon ang isang cup ng kape na ibinigay sa kanya ni Connor. Speaking of him, ngayon naalala na niya na dati pala silang magkaibigan at magkababata noon. Their father are both close friends too. But the night of the massacre ended everything and to his innocence and Valerian's manipulation, he pointed Mariano Morreti as the suspect.No wonder why Valentino didn't pursue the case and decided to take revenge with his own hands using him and their position, kasi hindi naman siya ang totoo niyang ama at wala namang dapat na bigyan

  • Mafias' Runway Fiance   MRF 87: Escape

    Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan. Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran. "Katerina, hija…" Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon. "M—mommy Camila…" "Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay. Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status