Share

Kabanata XXI

Magarbo ang bawat pasilyo ng tahanan ni Kalistro Landerlin. Kulay itim at ginto ang tema, mula sa mantel ng mga mesa, ang telon, mga kurtina. Kumikinang ang kulay ng ginto sa eleganteng pagtitipon, karamihan sa mga bisitang naroroon ay nakasuot din ng itim at gintong kulay na pormal na mga damit.

Hindi pa nagsisimula ang selebrasyong pinamunuan ng Mayor ng bayan ngunit mainit na ang mga usapin tungkol sa dahilan ng engrandeng pagpupulong. Madaming pagkain, lahat ng mesa ay mayroong nakapatong na mamahaling alak, ang lahat ay naghihintay para sa magaganap. Alam na ng karamihan na ito’y para sa ganap na deklarasyon ng kandidatura ng kasalukuyan nilang Mayor upang tapusin ang termino nito. Bukod doon ay inaabangan din ng karamihan na makausap ito upang makipag-alyansa o di kaya naman ay mag-deklara ng pagsuporta upang magkaroon ng koneksyon. Palakasan, upang sa pagdating na umupo muli ang Mayor ay madami silang proyektong maipapasok sa lugar.

Matapos ayusin ni Kalistro ang ilang dokume
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status