LOGINNIAMH
Sabado ngayon at wala kaming pasok. Kagaya ng palagi kong ginagawa. Imbis na mag-aral ay nanunuod ako ng kdrama. Gusto ko lamang aliwin ang sarili ko dahil malungkot pa rin ako hangang ngayon. Ano kaya ang gusto ng lalaki sa isang babae? Bukod sa pagiging maganda? Kasi inborn na akong maganda kaya alam ko kapag naging dalaga na ako ay mas gaganda pa ako. Gusto ko na ngang ahitan ang kilay ko para mabawasan ang kapal. Gusto ko na rin magbunot ng buhok sa kili-kili pero wala naman akong makitang buhok. Kahit sa pempem nga wala din. Ibig sabihin bata pa talaga ako at bata pa ang tingin sa 'kin ni Kuya Marcus.
“Alam ko na!!!” bulalas ko nang makaisip ako ng brilliant idea. Kinuha ko ang phone ko at nag-search ako ng bra at nagcheck-out. Excited na ako! Ayoko nang mag-suot ng baby bra kaya nag-order ako ng may foam na bra! Ang talino ko talaga!
Nagpunta ako sa harapan ng vanity mirror at tinangal ko ang headband ko. Hindi na dapat ako nagsusuot ng pambata na headband. Bibili rin ako ng hair clip, make-up at nail polish! Tignan ko lang kung hindi pa maisip ni Kuya Marcus na antayin ang paglaki ko!
Broken hearted ako kahapon pero hindi ko naman sinabing susuko na ako nang hindi lumalaban.
May ngiti sa labi akong bumaba sa sala at naabutan kong naglilinis si Manang Joy.
“Si Kuya po?”
“Gising ka na pala, kumain ka na ng almusal. On the job training ngayon ng kuya mo. Pero sabi niya after lunch daw andito na siya. Nagpahanda nga ng pagkain eh at may classmate daw silang pupunta dito.
“Po? Si Kuya Marcus po ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Hindi, alam mo naman ang batang yun. Parang dito na halos tumira kaya hindi na bisita ang tingin ko sa kanya. Basta sabi niya may babae din daw silang kasama pero sa pool area lang daw sila.” Paliwanag niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglilinis at ako naman ay nagpunta na sa dining table upang mag-almusal. Ito ang unang beses na magdadala si Kuya Ivan ng babae dito sa bahay dahil ibinilin ni mommy at daddy bago sila umalis ulit na bawal daw mag-uwi ng babae dito sa bahay.
Kumain na lamang ako at pagkatapos ay niligpit ko ang kinainan ko. Kahit may kaya ang pamilya namin. Hindi namin inaasa kay Manang Joy ang lahat ng gawain dito sa bahay. Lalo pa’t kung kaya naman naming gawin. Saka gusto ko din masanay sa gawaing bahay para kapag nakapag-asawa na ako ay handa akong pagsilbihan ang magiging asawa ko.
Ayeeehhh!!! Kilig yarn!!!
“Ano’t para ka na namang nagpipigil ng ihi diyan?” pansin sa akin ni Manang Joy nang makita niya akong nangingisay-ngisay pa habang naglalagay ng pinagkainan kong plato sa lagayan.
“Manang Joy, kinikilig ka pa po ba sa asawa mo hangang nagyon?” nakangiting usisa ko sa kanya. Habang may inilalabas siyang gulay sa loob ng ref. Kaya nilingon niya ako.
“Naku hija, matagal ng tsugi ang asawa ko. Limang taon na akong hindi nakakaramdam ng kilig. Bakit mo nga pala naitanong?” usisa niya.
“Ganun po ba? Wala naman po, pero noong bago lang po kayong mag-boyfriend at girlfriend napapakilig niya po ba kayo?” pangungulit ko sa kanya. Kumuha siya ng knife at chopping board. Naupo naman ako sa harapan niya.
“Oo naman! Naku napaka-lambing ng asawa ko noong araw. Palagi siyang namimitas sa garden namin ng bulaklak at binibigay niya sa akin. Kaya minsan palaging nawawalan ng bulaklak yung mga tanim ko sa hardin. Hinaharana din niya ako noon saka palagi niya akong inaabutan ng love letters. Ay! Kapag naalala ko yun parang bumabata ulit ako!” nakangising sabi niya sa akin.
“Harana? Love letters? Pero hindi na po uso yan ngayon, Manang Joy. Pero may isa pa po akong tanong. Ano pong feeling ng first kiss?”
“Ay jusko po bata ka! Syempre masarap! Este! Teka? Bakit mo ba tinatanong yan? Huwag mong sabihin may boyfriend ka na? Ang bata mo pa—”
“Wala pa nga po eh, crush palang.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
“Ahhh, mabuti naman. Naku! Alam mo naman si mommy at daddy mo. Baka mapasugod sila dito kapag nalaman nilang nagbo-boyfriend ka na. Saka nag-aaral ka pa hija. Unahin mo muna yung pag-aaral mo. Kasi ang pag-ibig naman dumarating yan sa tamang panahon.” Saad niya na ikinalungkot ko.
“Wala naman pong paki-alam si mommy at daddy sa amin eh. Nagpapadala lang sila ng pera kapag kailangan namin ni Kuya pero palagi naman po silang busy. Kapag umuuwi nga sila isang buwan lang sila dito tapos balik na agad sila sa Canada para sa trabaho nila.” Nagtatampo kong sabi sa kanya.
“Naku Niamh. Kung alam mo lang kung paano umiyak ang mommy mo noong unang umalis sila para magtrabaho sa ibang bansa. Tatlong taon ka pa lamang noon. Kaya huwag mong isipin na hindi kayo nila mahal ng kuya mo. Dahil ginagawa nila ito para sa future niyong dalawa.” Paliwanag niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat. Pero hindi pa rin maiwasan na may tampo pa rin ako sa kanila dahil palagi na lamang silang wala sa tabi namin ni kuya kahit sa mahahalagang araw naming dalawa.
Umakyat na ako sa kuwarto ko upang ituloy ang panunuod ko ng kdrama. Gusto ko sanang tumulong sa kanya sa pagluluto kaya lamang sabi niya kaya na daw niya at mag-aral na lamang daw ako.
Nang makatapos ako ng tatlong episode ay narinig ko na ang pagdating ng kotse ni Kuya. Sumilip ako sa veranda at nakita ko ang pagbaba ng mga kasama niya pati na rin si Kuya Marcus at inalalayan pa niya ang isang babae sa pagbaba nito.
Parang may kung anong gumuhit sa maliit kong puso nang makita kong naghaharutan silang dalawa. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ako sa sala.
“Guys, siya pala ang little sister ko. Si Niamh.” Pakilala niya sa akin sa dalawang babae at isang lalaki pa nilang kasama.
“Niamh, classmate namin sila. May group presentation kasi kami sa Monday.” Sabat naman ni Kuya Marcus.
“Ang cute pala ng sister mo, parang girl version mo Ivan.” Wika ng isang babae na kasama nila.
“Oo nga, hi Niamh! Ako pala si Ate Karry, ito naman si Ate Sandra at Kuya Miko.” Pakilala ng babaeng inalalayan ni Kuya Marcus kanina pagbaba sa kotse. At nag-hi din sila sa akin.
Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Makinis ang kanyang mukha, mapula ang kanyang labi. Bagsak na bagsak din ang may kulay niyang buhok. Malaki ang hinaharap at mataba ang puwet sa suot niyang pantalon. Kitang-kita ang kurba niya.
“Hi.” Tipid na sagot ko. Lumabas ako sa garden dahil nasisikipan ako.
Ibinabad ko ang paa ko sa pool para lumamig ng bahagya ang temperature ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko na siyang pauwiin. Lalo pa’t palagi siyang nakangiti kay Kuya Marcus kahit matignan lang siya nito.
“Ehem!”
Napalingon ako nang may marinig akong tumikhim sa likod ko.
“For you, milk shake at slice ng tsokolate cake.”
Inabot ko ang maliit na paper bag pagkatapos ay sinilip ko ang laman.
“Suhol ba ito para hindi ako magsumbong kay mommy na nagdala si kuya ng babae dito?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Kuya Marcus.
“Hindi, para sa’yo talaga yan. Lately kasi napapansin ko palagi ka na lamang nakasimangot. Sige ka, maagang kang tatanda niyan.” Pananakot niya.
“Gusto ko ngang tumanda na eh para puwede na akong magkaroon ng boyfriend.” Wala sa sariling sagot ko habang tinitikman ang cake na may maliit na tinidor pang kasama.
“Bakit ka ba kasi nagmamadaling magkaroon ng boyfriend? Hindi ba puwedeng after ng studies mo na lang? Saka sino ba itong lalaking nagugustuhan mo?” mahinahon na tanong niya sa akin.
“Secret walang clue.” Sagot ko sabay inom ng milk shake na bigay niya.
“Alam mo kasi, sa edad mong yan dapat pag-aaral ang inaatupag mo. Hindi mo pa naman alam kung siya na talaga ang nakatadhana—”
“Nag-aaral naman ako ah? Hindi ko naman po sinabing ngayon ako magbo-boyfriend. Gusto ko kapag dalaga na ako siya ang maging boyfriend ko. Kasi siya lang ang gusto ko wala nang iba.” Pagtatapat ko sa kanya. Wala akong nakuhang sagot kaya nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatitig sa akin at nagulat ako nang punasan niya ang gilid ng aking labi na may tsokolate pa.
“Basta mag-aral ka munang mabuti okay? Kapag dalaga ka na. Saka mo isipin kung siya pa rin ang gusto mo. Tapos ipakilala mo siya sa amin ni Kuya Ivan mo. Kapag hindi pumasa sa standard namin hindi siya puwedeng manligaw sayo. Nagkakaintindihan ba tayo princess?” nakangiting tanong niya sa akin.
“Hindi ako si Princess.” Nakangusong sagot ko sa kanya.
“Awww!” impit na sigaw ko nang pisilin niya ang aking pisngi.
“Papasok na ako sa loob. Maiwan na kita.”
Paalam niya sa akin. Napahawak na lamang ako sa nasaktan kong pisngi.
Apaka manhid talaga, nagtapat na ako sa kanya pero wala pa rin siyang idea na siya yung tinutukoy ko…napatingala ako sa maliwanag na langit.
Lord? Kung hindi man si Kuya Marcus. Huwag mo na rin siyang bigyan ng ibang magiging asawa. Para it’s a tie!
NIAHM“Matagal ka pa ba diyan?” sunod-sunod na katok ni Marcus sa labas ng banyo. Lalo tuloy akong na-pressured lumabas dahil sa suot kong manipis na damit na hindi naman mukhang pantulog kundi pang-akit ng asawa. Bakit ba kasi walang ibang pantulog sa drawer? Bakit puro ganito?“Malapit na!” sagot ko sa kanya.“Hon, almost one hour kana diyan sa banyo. Ina-antok na ako.” Ani ni Marcus na halatang naiinip na.“Nasira kasi ang tiyan ko. Humiga ka muna!” pagdadahilan ko sa kanya. Pero ang totoo ay kinakabahan ako ng husto. At pakiramdam ko nawalan ako ng confident na magpakita sa kanya ng ganito.Pero bakit naman ako mawawalan ng confident? Sexy naman ako sa suot kong lingerie. Saka asawa ko na naman si Marcus.Wala na akong narinig na katok mula sa kanya kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Inayos ko muli ang sarili ko sa harapan ng salamin. At tinakpan ko ng bathrobe ang suot kong pulang l4ce na pantulog. Pagkatapos ay nagpabango ako at sinuklay ko ang buhok ko. Nandito kami
NIAHMHabang pinagmamasdan ko ang wedding gown na nasa harapan ko at nakasuot sa manikin naalala ko kung paano ako nangarap noong makapagsuot ng ganito habang hinihintay ako ni Marcus sa loob ng simbahan. Pangarap ko lang noon na magustuhan niya rin ako hanggang sa lumalim ang pagmamahal ko sa kanya. Ngunit hindi lang pagmamahal ang nagpatibay sa aming dalawa. Kundi pati na rin ang hamon sa buhay naming dalawa. Ang buong akala ko ay suntok sa buwan ang magustuhan ni Marcus. Pinaglayo man kami ng tadhana, sinubok ng panahon ay natagpuan pa rin naming ang isa’t-isa. Alam kong hindi biro din ang pinagdaanan niya sa Europe. Dahil narinig ko mismo ito kay Ate Railey. Hindi ko maisip yung ginawa niyang sakripisyo. Maprotektahan lang kaming magkapatid laban sa kanyang ama. Ngunit kahit ganun nanatili siyang tapat sa akin. Nanatili ang kanyang pangako noong umalis siya at bumalik na tangan pa rin ang nakalimutan kong ala-ala. Hindi man ako ang pinaka-maswerteng babae sa araw na ito. Para sa a
NIAHMNapahawak ako sa aking sintindo nang magising ako. Medyo makirot ang ulo ko. Inikot ko ang aking paningin sa kabuohan ng kuwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at nag-unat.Akala ko totoo na yung nakita ko kagabi, akala ko totoong si Marcus ang nakita ko. Pero siguro sa paghahangad ko na makita siya kagabi at dahil sa kalasingan ay nagha-hallucinate na rin ako. Alam ko naman hindi na niya ako priority na puntahan pero sana kahit nagchat or tex lang siya sa akin na nakauwi na siya okay na sa akin.Binaba ko ang paa ko at napansin kong nakapantulog na ako. Si Tinay siguro ang nagbihis sa akin. Alam ko naman hindi niya ako papabayaan kaya tatawagan ko siya mamaya para magpasalamat. Tumayo ako at lumabas sa kuwarto para kumuha ng tubig sa kitchen. Nagkukusot pa ako ng mata ko at namumungay ang matang napatingin sa lalaking nakatalikod. Habang nakaharap sa kalan. May hawak siyang tsansi at habang gumagalaw ang biceps niya ay nagagalawan din ang maskels niya sa likod. Malapad ang bali
3 years later…NIAHMHabang nakatingin ako sa napakagandang bestfriend ko na suot ang ball gown niyang wedding gown, ay hindi ko maiwasan ang maiyak. Paano ba naman kasi, kahit na English spokening dollar si George at malaki din ang age gap nila ni Cloe ay sila pa rin ang nagkatuluyan sa bandang huli. Nang dahil lang sa biglaang pagsundo nila Kuya Ivan at Marcus sa amin noon nagkakilala silang dalawa tapos after 3 years ikakasal na sila.Habang ako? Ito busy sa negosyo, buhay dalaga at sa pinapatayo kong bahay. Masaya pa rin naman, kahit may kulang na sa puso ko ay nagagawa ko pa rin naman ang ngumiti. Lalo na kapag nasa bahay sila kuya Ivan at Riley kasi ako ang nag-aalaga sa pamangkin kong napaka-bibo at napaka-cute. Tita mami nga ang tawag niya sa akin.“Ang ganda ni Cloe tapos ang guwapo ni George. Para silang Prinsipe at Prinsesa…” naiiyak din na sabi ni Tinay na nasa tabi ko lang. Nakalapit na si Cloe kay George at nagmano pa ito sa daddy ni Cloe.“Please take care of my daughte
NIAHMMay napapansin ako kay Marcus lately, simula nang araw na tangihan ko siya, madalas hatid sundo lang siya sa akin sa school. Kapag kinikiss naman niya ako palaging sa noo lang tapos yun at hindi rin kaming gaanong nag-uusap ng may kasamang harutan. Palagi siyang seryoso at kapag naman may sinasabi ako sa kanya palaging tango lang oh iling ang sagot niya. Minsan tuloy naisip ko baka may kasalanan ako sa kanya kaya siya ganito sa akin. Pero alam ko naman na napatawad na niya ako kay Charles noon. Alam ko talaga may mali sa kanya eh. Kahit kapag nasa restaurant kami sobrang busy niya minsan hatid sundo lang siya sa akin. Gustuhin ko man siyang kausapin tungkol sa bagay na yun wala naman akong lakas ng loob at hindi ko rin alam ang itatanong ko.“Tulala ka na naman, next week graduation na natin. Ano ba iniisip mo?” ani ni Cloe nang madatnan niya akong nagkaupo lang at nangalumbaba habang hinihintay ang tawag or tex ni Marcus.“Naisip ko lang anong edad kaya ng lalaki ang gusto nang
NIAHMNasa dining table kami at magksamang kumakain. Minsan lang kaming magkakasabay kumain dahil palaging busy si Kuya. Kaya kapag ganito palaging masaya ang topic namin. Ilan taon din na nangulila ako sa mga magulang ko kaya nang umuwi sila for good ay sobrang saya ko. Kaya lang mapapahiwalay na sa amin si Kuya Ivan. Ikakasal na kasi sila ni Riley next month. Kaya abala sila sa preparation. I’m happy for kuya. Mukha namang inlab na inlab talaga siya kay Riley.Nagawa ko din sabihin kay Tinay ang tungkol sa kanila. Syempre umatungal ang loka. Pero hindi ko naman siya masisisi at crush niya si Kuya Ivan noon pa. Pero sabi niya babawi na lang daw siya next life. Siguro naman hindi yun dadamdamin ni Tinay.“Anak, baka naman kapag nakasal na kayo ni Riley at lumipat hindi na kayo dadalaw dito.” Wika ni mama.“Syempre pupunta pa rin ako dito. Puwede naman kaming umuwi every week ends.” Sagot naman ni Kuya. Nalulungkot din ako kaya lang ganun siguro talaga ang buhay may asawa kailangan tum
NIAHM“Paano ka napapayag ni Kuya Ivan sa kalokohan na ito?” kunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kanina pa nakapagkit sa kanyang mukha ang ngiti niya sa labi.“Kalokohan ba ang tawag mo sa ginawa namin?”“Oo, derechong sagot ko.”Ngumiti siya ulit at nakit
One year later…NIAMH“Presenting! The debutant for tonight! Ms. Niamh Balbuena!”Napuno ng malakas na palakpakan ang ibaba ng event hall sa malakas na pagtawag ng MC sa aking pangalan. Suot ang kulay itim na ball gown ay dahan-dahan ang naging pagbaba ko sa mataas na hagdan na napapalibutan ng kul
NIAMHHapon na nang magpasya kaming umuwi. Masakit na rin ang binti ko sa kakalakad. Pero sulit naman ang date namin, kumain kami ng ice cream at naglaro ulit kami sa ibang arcade. May nakuha siya kanina sa machine na malaking aso na stuff toy at ibinigay niya ito sa akin. Kaya meron akong souvenir
NIAMHNapamulat ako nang malakas na tumunog ang alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon at inabot ko ang maingay na orasan sa ibabaw ng aking side table saka ko ini-off. Napahawak ako sa aking sintido. Pakiramdam ko kakapikit ko pa lamang. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip ng sinabi ni Bebu sa akin







